HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 May 16, 2012 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: May 16, 2012 Book Release   Fri May 18, 2012 6:28 am

1. PHR 4283 Unbreak My Heart by Mariane Reign


Galit si Sugar kay Mico. Iyon ay pagkatapos siyang iwan nito pitong taon na ang nakararaan na walang naging balita rito sa mga panahong iyon. Pero isang araw ay bigla na lang itong bumalik sa buhay niya at sinabing nais nitong bigyan uli ng pagkakataon ang relasyon nila. Tumanggi siya pero mapilit ito. Niligawan uli siya nito.
Sinikap niyang bale-walain ang lahat ng efforts nito, dahil takot siyang mahalin ito. Hindi na niya kayang masaktan—especially for the same reason and with the same person. Pero kaya ba niyang panindigan ang desisyon niya gayong araw-araw ay palaging ito ang naiisip niya at unti-unting napapaniwala nito ang kanyang puso na mahal siya nito at hindi siya sasaktan?

2. PHR 4284 My Melody by Majesty Roque


Wealth, fame, and power—wala na nga yatang mahihiling pa ang isang Yohan Aguilar dahil tinataglay na niya ang mga iyon.
Ngunit sa likod ng karangyaang tinatamasa niya ay tila may kulang pa sa pagkatao niya na hindi niya mawari kung ano. Nang muling magtagpo ang mga landas nila ni Phoebe, ang tanging babaeng minahal niya, saka lang niya napagtanto kung ano iyon.
Sa kabila ng pagtataksil at kasinungalingan nito ilang taon na ang nakalilipas, ito pa rin ang may kakayahang bumuo sa pagkatao niya. Dahil mula noon hanggang ngayon, ang puso niya ay pagmamay-ari pa rin nito.

3. PHR 4285 Falling For You by Laurice del Rio



Personal assistant si Gea ng modelong si Tatiana. Sa lahat ng manliligaw ng bossing niya, sa palagay niya ay si Allen ang pinakapatok sa mga iyon. Paano’y, bukod sa guwapo ito, mayaman at mabait pa ito. Dahil doon kaya ganoon na lang katindi ang pangangampanya niya para ito ang mapusuan ng amo niya na ewan naman niya kung bakit may-pagka-allergic kay Allen.
Nasobrahan yata siya sa kaka-build-up kay Allen kaya dumating sa punto na nanganganib na siyang ma-in love dito. Iyon nga lang, bukod sa hindi naman siya ang gusto nito, langit at lupa pa ang agwat nila.
Carry na sana niyang pigilan ang nararamdaman niya kung hindi lang lalong naging malapit ang loob nila sa isa’t isa. Hanggang sa nagsimula na siyang mag-ilusyon na ito man ay may nabubuo na ring pagtingin sa kanya—isang ilusyon na mabilis ding gumuho nang sabihin ni Tatiana sa kanya na balak na nitong sagutin si Allen.

4. PHR 4286 Always Yours by Jessica Sison


Arrin and Jacob used to have something perfect: a love that seemed to last forever. Sa tagal ng kanilang relasyon, walang nag-akalang matatapos iyon sa isang iglap.
Arrin left with a broken heart. But after three years, she came back. Iniwasan niyang magkasalubong ang mga landas nila ni Jacob.
Pero mukhang iba ang plano ng kapalaran. Jacob met an accident and went into a coma. At nang magising ito, nagkaroon ito ng amnesia at inakalang sila pa ring dalawa. Nabura ang alaala nito sa nakalipas na halos apat na taon. Maging ang nobya nito ay hindi nito maalala.
She had to pretend they were still together. She waited for the right time to tell him the truth. Habang hinihintay iyon, hinayaan niya ang sariling muling maging masaya sa piling nito kahit alam niyang panandalian lamang iyon. Alam niyang isang araw ay malalaman din nito ang totoo. Babalik ito sa babaeng siyang nagmamay-ari talaga ng puso nito at matatapos na rin ang maliligayang araw niya...

5. PHR 4287 The Fairy’s Love Doctor by Luna King


Nasa gitna ng isang madugong love triangle si Rin. Bumalik ang ex-girlfriend ng current boyfriend niya. At ang walanghiyang lalaki, hindi makapagdesisyon kung sino ang pipiliin!
Isa lang ang naisip niyang takbuhan upang hingan ng advice—si Caleb, the man who played a prank on her three years ago and volunteered to be her “love doctor” in lieu of an apology. He left her his cell phone number and disappeared from her life.
Tinawagan niya ito sa unang pagkakataon and luckily, he still remembered her. Mula noon, parati na itong nagbibigay ng love advice sa kanya. Pero kahit boses lang nito ang naririnig niya, nakakaramdam siya ng kagaangan ng loob. It was as if he was healing her broken heart with his soothing voice.
“I want to see you again,” hiling niya rito.
Pagbigyan kaya siya nito? Or would he remain as her faceless love doctor? Huwag naman sana. Kasi naman, na-in love na siya kay Caleb.

6. PHR 4288 Ang Poste At Ang Bansot by Yna Paulina


Polly was five-eight tall samantalang five-six lang si Basty. Pero nang tumibok ang puso ni Polly, kesehodang hanggang balikat niya lang si Basty. Wala siyang pakialam. Wala rin siyang pakialam kung nakakatawa silang tingnan bilang mag-jowa. Lalong wala siyang pakialam kung masyado raw silang alangan.
Eh, ano kung maski si Basty, ayaw? She would make him change his mind. But Pen-pen came along, isang may sayad na babaeng mas pinili ni Basty kaysa sa kanya. Umeksena rin si Ilai, isang former suitor na gustong makipagkompetensiya kay Basty sa puso niya.
Pero si Basty pa rin ang mahal niya, si Basty lang.
Fight, Polly, fight!

7. PHR 4289 His Beautiful Distraction by Marione Ashley


Kitkat met Milo nang isang gabing hinimatay siya. Ito ang tumulong sa kanya. From that day on, he was always there for her. Ginagawa nito ang mga bagay na makapagpapasaya sa kanya.
Nang makulong siya sa yakap nito, bigla ay parang gusto na niyang magpa-house arrest at makulong na lamang forever sa yakap nito.
Nang dahil kay Milo ay marami siyang natutuhan. Natutuhan niyang magmahal, ang maging malakas, at lumaban. Nang dahil din dito ay natutuhan niyang humiling ng isang napakaimposibleng bagay—ang mahalin din siya nito.
Puwede kaya?

8. PHR 4290 Blame It On The Jacks by Venus Franz


Tuwing nakakaharap ni Bonnie si Jack Dryan, ang nag-iisang “friendly-slash-bubbly-emo” na pinakamasugid ding manliligaw niya ay hindi ito nagmimintis na painitin ang ulo niya. Mayroon kasi siyang malaking trauma noon na nagbunsod para maging bitter siya pagdating sa mga lalaking nagngangalang “Jack.”
Kaya naman kuntodo siya sa pagsusungit at pag-iwas kay Jack Dryan. Pero mukhang makapal talaga ang mukha nito dahil kahit anong pagtataboy niya rito ay lalo lang itong nagsusumiksik sa kanya.
Nagkaroon ito ng pagkakataong makalapit sa kanya nang husto nang kailanganin niya ng pretend boyfriend na isasama niya sa family reunion nila. Lalo siyang nakaramdam ng inis dito hindi dahil sa “wagas” na pagpapanggap nito bilang nobyo niya, kundi dahil sa bawat araw ay binabago nito ang tibok ng puso niya.

9. PHR 4291 Unexpected Romance by Mellicent Martinez


Unang kita pa lang ni Dana kay Kyler ay napataas na ang kilay niya. Agad na napansin niya ang kakaibang sweetness nito at ng Tita Alexa niya. Wala siyang problema kung magkanobyo man ang Tita Alexa niya; she had been single for quite a long time now. But the biggest “but” was Kyler himself. He was a mere farmer and so much younger than her aunt. Masasaktan at maghihirap lang ang tiyahin niya sa piling ng binata.
Kaya nang malaman niya isang araw na magkasama ang mga ito sa lugar na kung tawagin ay “Villa Samartino,” lakas-loob na sumugod siya roon para iuwi ang tiyahin niya at para komprontahin na rin si Kyler.
Pero nang marating niya ang villa ay nalantad sa kanya ang isang malaking rebelasyon. Hindi boyfriend ng kanyang tiyahin si Kyler at lalong hindi ito isang hamak lang na magbubukid. At ang ikinaiirita pa niya, tila isang hari ito na nakaupo sa trono nito, wearing a smile on his lips na parang gusto siyang akitin nito sa pamamagitan ng ngiti nito. Hindi na siya nakapalag dahil hindi lang siya naakit sa ngiti nito, nalaglag din ang puso niya rito.

10. PHR 4292 Villa Cattleya: Endless Love by Belle Feliz


Para kay Cameron, si Damian ay isang prinsipe. Narito na yata ang lahat ng katangian na magugustuhan ng isang babae sa isang lalaki. Guwapo, mayaman, at napakabait. Hindi na siya nagulat o nagtaka nang mahulog nang husto ang loob niya rito. Minahal niya ito nang sobra-sobra.
Napakarami niyang mga pangarap para sa kanilang dalawa at para sa kanyang sarili. Punong-puno siya ng pag-asa. Alam niya na ito na ang nais niyang makasama habang-buhay. Alam niya na ito lang ang mamahalin ng kanyang puso magpakailanman.
Ngunit may nangyari upang mawala sa kanya ang lahat ng pag-asa at pangarap niya. Halos hindi na niya gustong mabuhay pa. Hindi siya naging karapat-dapat na prinsesa para dito. Dahil sa sobrang pagmamahal niya, hindi niya maatim na maging makasarili. Kinailangan niyang itaboy ito patungo sa ibang prinsesa na nararapat para dito.
Kahit masakit, pakakawalan niya ito...
Back to top Go down
 
May 16, 2012 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» new DINO theme
» 2012 Football Harvey Address Book
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: