HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 May 9, 2011 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: May 9, 2011 Book Release   Mon May 14, 2012 7:13 am

1. PHR 4274 The Story Of Us by Celine Isabella


Hindi inakala ni Thea na sa muling pagkikita nila ng first love niyang si Tim ay manunumbalik ang dating pagtingin niya rito.
Back in their high school days, magka-love team sila. Siya raw si Princess Fiona at ito si Shrek. Eh, ano kung chubby si Tim? Para sa kanya ay ito ang perfect guy. Matalino ito at mabait sa kanya. Ngunit sinaktan lang nito ang batang puso niya; pinaasa lang siya nito.
Ngayon ay tanyag na politiko na ito sa bayan nila at wala na ito ni kapiranggot na bilbil. Umaapaw ang kaguwapuhan nito. Sa isang iglap ay nahulog uli siya rito.
Hindi niya napigilan ang sariling umasang sa pagkakataong iyon ay may katugon na ang damdamin niya rito at hindi na siya sasaktan nito. Ngunit hindi pala biro ang papasukin niyang mundo. Parang showbiz ang politika at puno iyon ng intriga. Natagpuan niya ang sariling labis na naaapektuhan sa isa sa mga intrigang iyon—kaya raw sweet si Tim sa kanya ay dahil ginagamit lang siya nito upang mapanatiling lihim ang madilim na sekreto nito…

2. PHR 4275 Papel, Pluma, At Pag-ibig by Cassandra


Pagkatapos saktan si Yuna ng kanyang kasintahan ay ipinangako niya sa sarili na hindi na muling iibig. Ngunit nakilala niya si Lorenzo—ang lalaking nang una niyang makilala ay hindi niya gugustuhing makasama sa iisang lugar. Bukod sa suplado ito ay isa rin itong mapaghinalang tao.
Subalit nang muli silang magkita ay saka niya napagtanto na mali pala ang kanyang hinala. Hindi pala ito mapanghusga kundi kulang lang ito sa social life. Sa trabaho at sa pamilya lang umiikot ang buhay nito. Kaya nang hilingin ng kapatid nitong tulungan niya ito na magkaroon ng social life ay pumayag agad siya. Noon niya ito nakilala nang husto. Kakatwang napalapit siya rito nang husto. Sa palagay niya ay ganoon din ito sa kanya. Hanggang sa maramdaman na lamang niya na higit pa sa pagiging kaibigan ang pagtingin nito sa kanya.
Pero hindi pa man sila umaamin sa damdamin nila para sa isa’t isa ay malinaw na sa kanya na masasaktan siya sa huli. Sapagkat tulad ng unang pag-ibig niya, nagpaalam ang binata na aalis ng bansa. Paano kung tulad din ito ng dating kasintahan niyang umalis at hindi na bumalik pa?

3. PHR 4276 Runaway Love by Dawn Igloria


Kasalukuyang ipit sa traffic si Daniel nang makita niya ang isang magandang babae na naglalakad sa sidewalk pasalubong sa direksiyon niya. She was unquestionably beautiful. Instantly, he felt unfamiliar stirrings in his heart. Malakas ang hatak ng misteryosang mga mata nito. Mula noon ay hindi na siya pinatahimik ng ginising nitong emosyon sa puso niya. Nahiling niyang sana ay makita uli niya ito.
Narinig ng Diyos ang dasal niya. Dahil ilang araw lang ang lumipas ay muling nagkrus ang mga landas nila ng babae. Nalaman na rin niyang “Christine” pala ang pangalan nito. He was thrilled to the bones when he saw in Christine’s eyes that she was also interested in him. Ang nakapagtataka lang, iwas na ito nang iwas sa kanya nang mga sumunod na pagkikita nila. Wala naman siyang body odor at lalong hindi siya bad breath.
He decided to play “James Bond.”
Nagimbal siya sa natuklasan niya sa pagkatao nito.

4. PHR 4277 The Other Half Of My Heart by Bella Sabina


Nagwakas ang easy-go-lucky attitude ni Lara at ang kanyang hilig sa nightlife nang ianunsiyo ng mga magulang niya na palugi na ang negosyo nila sa Amerika. Napilitan siyang magtrabaho sa taong pinakiusapan ng mga magulang niya para makatulong siya sa problemang pinansiyal ng pamilya niya. Hindi niya inasahan na si Julian pala ang magiging boss niya—ang ultimate crush niya noong twelve years old siya na nang snub sa kanya.
Kahit ramdam niya ang pagpapahirap nito sa kanya sa trabaho, patutunayan niya na hindi siya quitter at kaya niyang magseryoso sa buhay. Determinado siyang ipakita rito na hindi na siya ang dating Lara na spoiled brat, at higit sa lahat, patay na patay rito noon. Ngunit hindi niya napanindigan ang huli dahil nang makasama niya ito, isang ngiti pa lang nito ay lusaw na ang inis niya rito hanggang sa hulog na hulog na ang loob niya rito.
Hindi naglaon ay nagbago na ang trato nito sa kanya. Hindi man nito sabihin, ramdam niya na may gusto na rin ito sa kanya. Ngunit hindi yata nakatakdang maging maligaya siya sa piling nito—dahil isang lihim ang natuklasan niya na nakapagpabago sa pagtingin niya rito.

5. PHR 4278 The Valderozas Sisters Trilogy 1: Mary (Maria’s Big Bad Wolfe) by Venus Franz


Hindi alam ni Maria kung “tunay na pag-ibig” nga ang daranasin niya sa piling ni Wolfe Fontemayor, ang kilalang prodigal son ng pinagkakautangan ng pamilya niya na si Don Basilio. She knew marrying him was like taking a big risk of living with him without love.
Mabigat mang pagsubok sa buhay niya ang pagpayag sa kasalang iyon, wala na siyang magagawa at hindi na rin siya makakatanggi dahil sa isang malaking rason.
Ngunit nagkamali siya ng akala. Dahil hindi pala isang mabigat at mahirap na pagsubok ang sumugal na turuang magmahal at mahalin si Wolfe...

6. PHR 4279 The Valderozas Sisters Trilogy 2: Maki (Conveniently Yours) by Venus Franz


Lakas-loob na nilapitan ni Maki si Lyeon, ang lalaking naiisip niyang tanging makakatulong sa kanya. Ginawa niya iyon dahil sa isang malaking problema at alang-alang sa kaligtasan ng bunsong kapatid niya. Nagdududa man siya kung tutulungan siya nito dahil sa “kasalanang” di-sinasadyang nagawa niya rito noon, pikit-matang ini-offer pa rin niya rito ang kanyang pag-ibig.
Batid niyang kabaliwan para dito ang ginawa niya kaya tiniis niya ang masasakit na salitang binitiwan nito. Dahil sa kabila ng galit nito, nababanaag niya sa mga mata nito na may natitira pang kaunting pagtingin at concern ito sa kanya. Dahil doon kaya naniniwala siya sa sinasabi ng kanyang puso na hindi pa huli ang lahat para sa kanila. Nakahanda siyang isugal sa ikalawang pagkakataon ang puso niya kay Lyeon kahit ulit-ulitin pa nito sa kanya na allergic ito sa “commitment,” “love,” at “marriage.”
Kung ginagawa pa rin niya iyon para sa kaligtasan ng kapatid niya o para sa sariling kapakanan niya ay hindi na niya alam.

7. PHR 4280 The Valderozas Sisters Trilogy 3: Maja (Under The Sweet Circumstances) by Venus Franz


The very last thing Maja would do was to ask for Lasso’s help—her sister’s best friend and her mortal enemy. Subalit sa pagnanais niyang makabayad sa malaking pagkakautang ng pamilya nila ay nilunok niya ang kanyang pride at humingi siya ng tulong dito.
Hindi naman siya nahirapan sa paglapit dito.
Madali lang din naman ang kondisyong hiningi ni Lasso. Kailangan lang niyang sumama rito sa Davao at magtrabaho sa rancho nito sa loob ng dalawang linggo. Subalit nagulantang siya nang hindi sa rancho kundi sa isang tropical island siya dalhin nito. At sinabi pa nitong hindi lang dalawang linggo kundi isang buwan silang mananatili roon.
Days passed by, they tempted and tortured each other with the undeniable attraction between them. Pero kapwa rin nila pinipigilan ang kanilang mga sarili na maging malapit sa isa’t isa. Sigurado siyang hindi nito gustong ma-in love sa kanya dahil kilala niya kung sino ang mahal nito. And she was sure she didn’t want to fall in love—again—with him, either...

8. PHR 4281 Travis In Love by Rose Tan


Nelsie was at the wrong place at the wrong time. Pero ang “wrong” ay naging “right” dahil nakita niya ang pagkakataon na iyon bilang blessing in disguise.
“Kung papayag ka, aalagaan kita habang-buhay, Nelsie. Ibibigay ko ang lahat ng kailangan mo, pati ng pamilya mo. Sana, hayaan mo akong makabawi sa kasalanan ko sa iyo,” sabi ni Travis O’Neil, ang sikat na basketbolista na hinahangaan ng masa at siya ring lalaking may malaking atraso sa kanya.
Pumayag siya at tinanggap niya ang tulong na ibinigay nito. Sa pamamagitan nito, makapagpapatuloy siya ng pag-aaral at maiaahon niya ang pamilya niya sa hirap. Walang mawawala sa kanya, hindi ba?
Iyon ang akala niya. Dahil nang makilala niya nang lubusan si Travis, nataranta ang buong sistema niya. Dahil sa sandaling panahon, may natuklasan siyang nawawala sa kanya.
Ang kanyang puso.

9. PHR 4282 My Little Comfort by Wilhelmina


Glaiza was sure she was in love with Elric, the guy from her past who promised he would come back for her. Sumulat pa ito ng isang kanta para sa kanya upng patunayan na tutuparin nito ang pangako sa kanya. Ngunit nakilala niya ang pinsan ng kaibigan niya—si Yeuri.
Nang mawalan siya ng matutuluyan ay nag-alok ang kaibigan niyang sa bahay nito muna pansamantalang tumuloy. Hindi niya alam na madalas palang mag-stay roon ang pinsan nitong si Yeuri. Hindi niya siguro kailanman mauunawaan ang ugali ng lalaki. Kahit sa anong sitwasyon ay panay ang iwas nito sa kanya. Dahil hindi naman siya niyon naaabala, hinayaan na lamang niya ito.
Hanggang dumating ang birthday niya. Walang nakaalala sa mahalagang araw na iyon sa mga kaibigan niya. Maliban sa isa—si Yeuri—na kung tutuusin ay hindi naman niya kaibigan. Since then, they became close. And day by day, she realized she was falling for him. She knew he was falling for her, too.
Saka naman nagbalik si Elric para tuparin ang pangako nito. Hindi naman siya nalito sa sitwasyon. She was ready to let him go. Kaya nagulantang siya kung bakit itinutulak siya ni Yeuri palapit kay Elric at hilinging maging masaya siya sa piling nito.
Back to top Go down
 
May 9, 2011 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» The Wilder Life - A new book
» CAMBRIDGE GLASS FAIR - Sunday 27th February**
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» Book Publishing Stats from ForeWord Magazine

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: