HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 May 2, 2012 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: May 2, 2012 Book Release   Mon May 07, 2012 2:45 am

1. PHR 4265 Three Days, A Lifetime by Camilla


Kahit si Chari ay hindi makapaniwala na nakaya niyang gawin na piringan at ibilanggo si Xander—ang kaisa-isang lalaking itinangi niya mula noong dalagita siya—sa sariling pamamahay nito sa loob ng tatlong araw. Ginawa niya iyon upang pagbigyan ang kanyang sarili, upang maipadama rito ang tila walang-hanggang pag-ibig na hindi yata niya kayang maramdaman sa ibang lalaki. Kahit tatlong araw man lang sa piling nito bago ito tuluyang ikasal sa ibang babae.
Pagkatapos niyon ay nagpakalayo-layo na siya. Ngunit sa pagbabalik niya sa Pilipinas pagkalipas ng maraming taon ay nalaman niyang nanatili pala itong malaya.
Sa pagkakataong iyon ba ay malaya na rin niyang maipadarama rito ang damdamin niya at magkakaroon iyon ng katugon? Ngunit paano kung sa halip na pagmamahal ay galit ang isukli nito dahil sa ginawa niya noon?

2. PHR 4266 Keep You Forever by Jessica Sison


Tom gets Jeri.
Nakamulatan ni Jeri si Tom na kontrabida sa buhay niya. She hated him. Wala itong magandang idinulot sa buhay niya. Isang araw, umakyat ito ng ligaw sa kanya. Basted agad ito. Ngunit masugid ito. And he got her in the end. Minahal niya ito nang labis ngunit niloko lang siya nito.
Tom gets Jeri again.
Ang sabi ni Tom ay mahal pa rin siya nito. Ganoon din naman ang nararamdaman niya para dito. Pero hanggang doon na lang iyon. Hindi na puwedeng maging “sila” uli. But something happened that drew them together again. Pumayag si Jeri na bigyan “sila” ng isa pang pagkakataon. Love was sweeter the second time around. Ngunit mas matindi rin ang sakit nang malaman niya na sa pangalawang pagkakataon ay niloko siya ni Tom.

3. PHR 4267 Heartless Romantic by Mariane Reign


Ethan Legarda didn’t believe in love. For him it was a myth and at the same time, a curse. Isa pa, hindi niya kailangang ma-in love para lang magkaroon ng babae—mga babae—sa buhay niya. He had them voluntarily knocking at his door.
Pero hindi yata sila pareho ng takbo ng isip ng isang Farrah Veronica Hearth. She stormed into his life like a rocket and hit his heart. Ngunit hindi lamang ang kagandahan nito ang kumalampag sa buhay niya kundi ang kagustuhan nitong pakasalan siya.
All he was planning to do was to scare her off. Ngunit wala siyang natupad ni isa sa mga balak niyang gawin para lumayo ito.
He kept reminding himself—was Ethan Legarda careless, emotionless, and insensitive. Pero iba siya sa piling ni Farrah. He knew he had no heart. Ngunit tuwing kasama niya ito, unti-unti siyang nagkakapuso.

4. PHR 4268 Close Contact by Shahani Artemis


Mahal na mahal ni Lianne ang nobyo niyang si Zero at ganoon din naman ito sa kanya. Ngunit dahil sa isang traumatic incident ay madalas na hindi niya nasusuklian ang pagmamahalna ibinigay nito sa kanya. Sa kabila niyon ay hindi ito napapagod sa pagpapadama kung gaano siya nito kamahal.
Nang mapili siya ni Cobex—ang sikat na photographer na naging guest speaker ng eskuwelahan nila—na maging assistant sa project nito sa isang magazine, ganoon na lang ang paninibughong nadama ni Zero. Hindi kasi maiiwasang makasama niya ang photographer. Ngunit inunawa pa rin siya nito. Alam nito na favorite subject niya ang photography kaya marami siyang matututuhan dito.
Pero hindi niya akalaing manganganib ang buhay niya kay Cobex nang kidnap-in siya nito. Baka mamatay siya sa kamay nito nang hindi man lang niya naipadadama kay Zero kung gaano niya ito kamahal. Laking pasalamat niya nang mailigtas siya ni Zero.
Iyon na ang pagkakataon niya na bumawi rito para malaman nito kung gaano niya ito kamahal ngunit bigla itong nanlamig sa pakikitungo sa kanya.
Hindi kaya umabot na ito sa punto na napagod na ito sa pagbibigay ng pagmamahal sa kanya?

5. PHR 4269 A Quest To Your Heart by Victoria Amor


Ang akala ni Aianna ay siya na ang pinakamasuwerteng babae sa mundo nang magpakasal sila ni Jarred La Vierra. Pero hindi pala. Dahil pagkatapos ng halos isang buwang pagsasama nila ay napagtanto niyang hindi pala talaga niya kilala ang lalaking pinakasalan niya. Bukod sa sakit ng loob na hatid nito sa kanya, na-realize din niya na wala palang pag-ibig sa pagitan nila.
Hindi na niya kayang manatili sa piling nito kaya nagdesisyon siyang iwan ito. Pero isang huling habilin at hiling sa kapitbahay nilang itinuring na rin niyang ama sa maikling panahon, ang pumigil sa pag-alis niya. Nang mga sumunod na araw ay natagpuan niya ang sariling animo questor na tinutupad ang mahalagang habilin at hiling nito—at si Jarred ang partner niya.
Ang problema, habang humahaba ang paglalakbay nila ay tila binabago ni Jarred ang pintig ng puso niya. Natakot siya. Hindi kasi niya alam kung sasaluhin ba nito ang nahuhulog nang puso niya o pakakawalan na siya nito nang tuluyan pagkatapos ng quest nila.

6. PHR 4270 Pangarap Lang Kita by Pearl Hermosa


Mahigpit at estrikto ang ama ni Alice. Maraming ipinagbabawal ito. Mabuti na lang at nariyan si Manolo, na napaghihingahan niya ng sama ng loob. Kaibigan niya ito at matagal na niyang crush; lingid sa kaalaman nito. Lalong gumaan ang pakiramdam niya nang magtapat ito ng pag-ibig sa kanya.
Ngunit umentra na naman ang kanyang ama. Pinaglayo sila nito dahil langit at lupa raw ang agwat nila ni Manolo. Noong una ay may communication pa sila ng binata. Nang lumaon ay tinawagan na siya nito at sinabing kalimutan na niya ito dahil suko na ito. Hindi na raw nito matutupad ang pangako nito sa kanya. Matinding sakit ang idinulot nito sa kanya.
Ilang taon ang lumipas nang matutuhan niyang umibig sa ibang lalaki. Engaged na siya sa isang sikat na rock star at ipinakilala na niya ito sa kanyang ama, ngunit tumaas ang mga kilay niya nang sabihin nito na mas gugustuhin nitong si Manolo na lang ang pakasalan niya.
Nainis din siya sa kanyang puso na parang gustong sumang-ayon sa kanyang ama nang muling makita niya si Manolo…

7. PHR 4271 When Myra Fell In Love by Maricar Dizon


Wala sa isip ni Myra ang mag-asawa o kahit humanap man lang ng kasintahan. Masaya na siya bilang directress ng eskuwelahang itinatag ng kanyang ina at inaalagaan ang mga batang estudyante nila. Hanggang sa makilala niya si Robin Villegas, ang antipatikong ama ni Nina, ang isa sa mga estudyante roon.
Kung ano ang ikina-cute ng anak ni Robin ay siya namang ikinabusangot ng mukha nito. Tuwing nagkikita sila ay palagi silang nagbabangayan. Ngunit dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari ay unti-unting nagbago ang pakikitungo nila sa isa’t isa. Sa unang pagkakataon pagkatapos ng halos isang dekada, natagpuan niya ang sariling umiibig dito.
Ang akala niya ay magiging maayos na ang lahat sa pagitan nila. Ngunit ayaw yata sa kanila ng tadhana, lalo na nang malaman niya ang isang bagay na halos dumurog sa puso niya. Mukhang hanggang sa mga oras na iyon ay kalaban pa rin niya ang nasirang asawa nito sa puso nito. Ano ang laban niya?

8. PHR 4272 Waves Of Love by Grace Ayana


Bata pa lamang si Clarissa nang magsimulang tumibok ang puso niya para kay Lester. Subalit fiancé na ito ng kapatid niyang si Jillian kaya inilihim na lamang niya ang nararamdaman para dito.
Gumawa ng paraan ang tadhana para magkalapit sila ni Lester at hindi pa ito nakontento sa paglalaro sa kanya nang umibig sa kanya ang lalaking matagal nang minamahal.
Hindi niya sinadya ang mga pangyayari and she didn’t have the heart to hurt Jillian. Wala na siyang choice—kailangan niyang magpakalayo-layo…

9. PHR 4273 No Reasons For Love by Yara King


Nakilala ni Caitlyn si Sid sa eroplano nang pauwi na siya sa Maynila galing ng Palawan. Their first meeting was a disaster dahil natapunan niya ito ng tubig. Naging masama ang impression nila sa isa’t isa dahil sa nangyaring iyon.
Nagkrus uli ang mga landas nila when she handled the renovation project of their resort in Palawan because Sid was the contractor of the project. Ang masama pa, makakasama niya si Sid sa Palawan sa loob ng tatlong buwan.
Hindi niya inakalang magkakamabutihan sila, taliwas sa masamang impresyon nila sa isa’t isa. Until they ended up in bed. At pagkatapos ng namagitan sa kanila ay bigla na lang itong nag-propose ng kasal.
Tatanggapin ba niya iyon gayong hindi pa nila lubusang kilala ang isa’t isa?]
Back to top Go down
 
May 2, 2012 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» new DINO theme
» 2012 Football Harvey Address Book
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: