HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 PLEASE HELP ME FIND THIS POCKETBOOK

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
babeiloveyou
Newbie
Newbie


Number of posts : 1
Registration date : 2012-05-04

PostSubject: PLEASE HELP ME FIND THIS POCKETBOOK   Fri May 04, 2012 2:03 pm

I was collecting my favorite classic PHR pocketbooks kasi. Tapos isa nalang talaga ang kulang pero di ko talaga mahanap since nakalimutan ko na yung title at author. The PB was not mine btw, it was owned by my cousin at nabasa ko lang yun ng makalimutan nya minsan sa bahay namin dati. Pero until now, di ko pa rin makalimutan yung story nun at i consider it as one of my faves.

HIGHLIGHT ng PB.

1. Di kagandahan si girl (maitim, pango, etc.) pero matalino. I think Claus ata yung name nya.
2. Like nya na guy na isang campus crush at may kaya pa sa buhay. Pero parati siyang tinutukso at pinapahiya sa skul dahil na rin sa sulsol ng barkada dahil nga itsura at kutis nya (itim)
3. Yung bestfriend naman nya lagi siyang pinagtatangol.
4. May scene dun na nagbasketball yung guy malapit sa bahay nila at nag ask yung guy ng tubig sa kanya. Kilig na kilig sya sa natirang mineral water bottle na hawak nya kasi nakadampi daw yung lips ng lalaki dun.
5. May gf na yung guy at margot yata yung name. May scene din na binigyan sya ng pangmuse na costume ng lalaki, kasi kahit di sya kagandahan at maputi pero super sexy naman nya. So akala nya kinikuha syang muse ng team ng guy. So nung pagpunta nya kinabukasan, nakita nya si margot the gf na nakasuot pa ng ibang damit na pang muse. iba ito sa kanya, tapos may nakita syang isang girl pa na pareho ng suot nya. yung pala, tagahawak lang sila ng banner. hehehehehe
6. Ininvite nya yung guy sa debut nya tapos parang nagkaroon ng encounter silang tatlo sa labas ng bahay (claus, guy, margot) kasi iba pala ang alibi ng guy sa gf tapos nalaman ng gf na dun sa debut nya pumunta yung guy. tapos nagsabunutan ang dalawa, nagalit ang guy sa gf at pinauwi tapos nung sila nalang natira, sabi ng guy na ayusin muna ang buhok nya baka daw kasi iba ang iisipin ng mga tao sa party sa kanilang dalawa. tapos iniisip nya na siguro nahihiya yung guy na makita silang magkasama at mag isip na may ginawa silang milagrong dalawa.
7. Dahil matalino si girl, pinadala sya sa ibang bansa with her geek guy classmate sa isang competition to represent the country. Tapos pwede yatang magsama ng isa na gusto nilang masama as one of their priviledges.
8. Niyaya nya yung guy since naging super close na sila that time, pero tumanggi ang guy dahil daw ayaw nyang iwan ang gf nya at seryoso na daw sila at love daw nya ito (pero medyo malungkot yung guy while telling her)
9. Di sila nanalo sa competition pero may nag offer sa kanya ng scholarship sa japan yata yun. Feeling heartbroken at disappointed si girl sa pagtanggi ni guy, grinab nya yung chance at di na sya umuwi pa sa pinas.
10. Ilang years ang dumaan, pagbalik may malaking offer sa kanya ang isang tv station sa pinas since successful na din sya na host sa ibang bansa. balik pinas sya kasi may offer na shows ang isang malaking tv station. Iba na siya, maganda na, maputi, matangos na, sophisticated, etc (pero retoke ang dahilan ng ibang changes nya).
11. Isa sa mga dahilan nya para bumalik ay paghigantihan yung guy at gf nya (since marami nga silang encounter na di kagandahan with the gf at di naman sya pinagtatanggol ng guy plus galit pa sya sa pagtanggi)
12. pagbalik nya di siya nakilala ng bestfriend nya. hahahaha
13. nalaman nya naglive daw pala yung guy at gf nya pero nagkahiwalay na rin kasi nalulong sa bisyo. tapos yung gf naging isa sa sikat ng boldstar.
14. tapos yung guy nasa mental, pero palagi siyang hinahanap at binabanggit.
15. instead of paghigantihan yung gf, naawa sya at gusto nya nalang tulungan. pinafeature nya dito ang life story sa kanyang talkshow and help her clean her image. while ininterview nya yung gf, yung guy pala nasa mental hospital at kasalukuyan nanunuod ang mga attendant dun. tapos biglang sumigaw yung guy ng "si claus si claus, alam ko babalikan nya ako babalikan nya ako".
16. Tapos last na nalaman ni Claus na kaya nalulong sa bisyo/drugs yung guy dahil nagsisisi pala ito na di siya sumama sa kay Claus tapos mas naging malala pa ang sitwasyon ng di na sya bumalik pa. Nung malaman nya yung nangyari, pinuntahan nya yung mental hospital para puntahan ang lalaki pero late na sya kasi kinuha na yung guy ng parents nya at dun nalang daw sa ibang bansa ipapagamot.
17. After 1 year, mas super sikat pa sya sa pinas at nakatanggap sya ng awards as best host, etc, tapos yung ex gf, na naging close friend nya ay maganda na rin ang career sa pag acting na di na naghuhubad, nakatanggap din ito ng acting award. plan nila magkaroon ng celebration at pupunta sa isang restaurant, tapos nung pumunta na sya sa kotse nya ay may biglang nagcongratulate sa kanya. Kilala nya yung boses tapos nung lumingon sya, yung guy na tangi nyang minahal ay nasa harap na nya, gwapo na ulit, makisig na parang di lang nalulong sa bisyo, magaling na. Dito ako iyak ng iyak talaga, grabeh yung confession ng guy sa kanya, tapos nandun din pala si margot that time nakikinig. Nung sinabihan nya yung guy na di sila pwede kasi mahal ni margot yung guy, lumabas si margot at umiyak din, asking sorry for all the things happen in the past, at for keeping the guy away from her. Tapso sya pa pala yung tumulong sa guy na magkita sila ulit. Iyakan na silang tatlo at yung na yakapan dito, halikan dun, etc. hehehehe..

Yan lang po. Actually matagal ko na talaga itong hinahanap pero di ko talaga makita. sana may makatulong sa akin nito. salamat po in advance.
Back to top Go down
liezel
Master
Master


Number of posts : 642
Location : PASAY
Registration date : 2008-05-12

PostSubject: Re: PLEASE HELP ME FIND THIS POCKETBOOK   Tue May 08, 2012 10:45 pm

maganda cya.
Back to top Go down
qtvaNn
Junior
Junior


Number of posts : 30
Age : 31
Location : Manila
Registration date : 2011-02-12

PostSubject: Re: PLEASE HELP ME FIND THIS POCKETBOOK   Sat Jun 09, 2012 6:28 pm

Omo! Nabasa ko na rin to noon!^_^ sori sis pero di ko na rin tanda title o khit author at names ng chars..cnsya na at d man lang nakatulong..naalala ko lang din ulit.s
Super iyak din ako sa story nito..T_T
Back to top Go down
pinya
Newbie
Newbie


Number of posts : 14
Age : 34
Location : Pangasinan
Registration date : 2012-06-09

PostSubject: Re: PLEASE HELP ME FIND THIS POCKETBOOK   Sun Jun 10, 2012 12:38 pm

hahayz familiar ung story kya lang di ku naman na tanda ang title Sad

pasensya na po
Back to top Go down
https://www.facebook.com/pages/Tagalogpocketbook4sale/3633481870
Sponsored content




PostSubject: Re: PLEASE HELP ME FIND THIS POCKETBOOK   Today at 10:10 am

Back to top Go down
 
PLEASE HELP ME FIND THIS POCKETBOOK
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» I'm trying to find a particular painting/artist.
» How to find out a IP address via email
» Find the Hidden Music Bands in this Picture
» Garage find Suburban
» Why do I find it so funny...

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: MISCELLANEOUS :: Help-
Jump to: