HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 April 25, 2012 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: April 25, 2012 Book Release   Mon Apr 30, 2012 10:56 am

1. PHR 4255 What If We Make It Real by Venus Franz


Charlize was a bubbly and warmhearted person. Yuen Barcellona was strict and cold-blooded. He was very serious while she was free-spirited. Kaya hindi na alam ni Charlize kung anong sipag pa ang dapat niyang gawin para matuwa sa kanya si Yuen, ang temporary boss niya at ang nakababatang kapatid ng boss niya. Ganoon na lamang din ang galit niya rito nang ang dahilan ng pagiging suplado nito sa kanya ay dahil sa iniisip nitong kabit siya ng kuya nito. She decided to leave the company pero pinigilan naman siya nito. Talagang magkaibang-magkaiba ang mga personalidad nila kaya wala yatang pag-asang magkasundo silang dalawa.
Ngunit dahil sa isang insidente na kinasangkutan nila, kinailangan nilang magkunwari na may relasyon alang-alang sa kanya-kanyang trabaho at para na rin sa reputasyon ng kompanya. Kailangan nilang panindigan ang pagiging sweet at magkunwaring very much in love sa isa’t isa kahit man lang sa harap ng iba. Pero naisip lang niya, bakit parang habang tumatagal ay nagiging totoong lovers na sila?

2. PHR 4256 Desperately Seeking Sarah by Dawn Igloria



“I always fall in love with a guy but end up being nobody’s girlfriend.” Iyon ang laging drama ni Sarah. Pagkatapos na i-dump siya ng lalaking nanliligaw na sana sa kanya but for some reason ay bigla na lang nakipagbalikan sa ex nito ay ganoon na naman ang status niya.
Sa sobrang frustration ay alak ang napagbalingan niya. Laking gulat niya nang umuwi siya mula sa isang bar at makita niya ang isang lalaki sa condo unit niya. Inabot nito ang gilid ng mukha niya at humaplos ang mga daliri nito roon. Nangaligkig siya.
Nang halikan siya nito, wala na siyang pakialam kung sino ito. She felt the sparks, the chemistry she had been looking for…

3. PHR 4257 My Night Angel by Xandria


Nakilala ni Lira si Yvo sa mga panahong katatapos lang niyang malaman ang panlolokong ginawa sa kanya ng ex-boyfriend at best friend niya. Dala ng matinding paghihinagpis, nagawa niyang ipagkaloob ang sarili kay Yvo kahit hindi niya ito lubos na kilala. Labis na hiya ang nadama niya sa kanyang nagawa. Itinuturing siyang isang anghel sa kanilang pamilya. Bago matapos ang gabing iyon, iniwan niya si Yvo nang walang paalam. Para sa kanya, hindi na nila dapat makilala pa ang isa’t isa.
Pagkalipas ng halos isang linggo, muling nakita ni Lira si Yvo sa kasal ng kanyang pinsan. Buong akala niya, wala nang halaga para dito ang lahat ng nangyari sa kanila nang gabing iyon. Ngunit laking gulat niya nang bigla nitong ipilit ang sarili sa kanya. Hindi pa ito nakontento, ipinakilala pa nito ang sarili sa buong pamilya niya at sa ex-boyfriend niya na boyfriend niya ito!
Magagawa pa ba niya itong ipagtabuyan, lalo pa at nagsisimula na itong magkaroon ng espesyal na lugar sa puso niya?

4. PHR 4258 If My Heart Is Yours by Dream Grace


Dalawang taon pagkatapos maglagi ni Angela sa ibang bansa ay muli silang nagtagpo ni Alejo. At sa kasamaang-palad, baon siya sa utang dito at ang tanging paraan para mapahaba ang deadline ng pagbabayad ay ang magpanggap na fiancée nito para tumigil na ang pamilya nito sa pagma-matchmake dito sa kinakapatid nitong si Aika.
Subalit paano niya magagampanan ang role na ibinigay nito sa kanya kung ito mismo ay tila hindi mahiwalayan ang dalagang kuno ay ayaw nito? Isa pa, wala man lang itong pinaniwalaan sa mga sinabi niyang kunwariang aksidente na pakana ng dalaga laban sa kanya.
Sa pagpasok niya sa buhay ni Alejo, hindi lang ang buhay niya ang nanganib kundi pati ang puso niyang natagpuan niyang umiibig na rito.

5. PHR 4259 Mine Alone by Jacqueline Miranda


Walang masabi si Phillice sa boyfriend niyang si Aldriel. Lahat na yata ng katangian ng lalaki na gugustuhin ng isang babae para maging nobyo at asawa ay taglay nito. Wala na sanang problema hanggang sa nakilala niya si Ravesquall dahil kay Aldriel. Kung warm si Aldriel ay siya namang cold ni Ravesquall.
Kaya bakit todo ang kaba niya at kulang na lang ay kumaripas siya ng takbo para makalayo rito kapag malapit ito sa kanya?

6. PHR 4260 A Night To Surrender by Mandie Lee



Iisang lalaki lamang sa balat ng earth ang naglakas-loob na makipag-date kay Casey: si Logan Catindig. But this gorgeous, smart, and sexy hunk who kissed so devastatingly hot could be an irritating pain in the neck, too. Arogante ito, temperamental, domineering, and pushy—mga katangiang taglay rin niya. At dahil sa madalas na pagka-clash ng kanilang mga ugali at dahil na rin sa mga trabaho nilang panira sa kanilang mga moment ay nauwi sila sa hiwalayan.
Hindi niya napaghandaan ang muling pagkikita nila. He saw her in her worst state: naka-T-shirt at jeans, haggard, at naninigarilyo pa! At ang hinayupak, lalo namang gumuwapo at lumakas ang personalidad. Kaya nang magkaroon uli siya ng ikalawang pagkakataon na makita ito ay nagpaganda na siya nang todo. Hindi naman siya hiniwalayan nito. They talked while walking in the beach and she realized they were still both deeply attracted to each other. Ngunit na-realize din niyang hindi pa rin sila magkasundo. Until they kissed. And their hot kisses drove them to do something hotter...

7. PHR 4261 Our Song by Maricar Dizon


Number one fan si Cham ng drummer na si Rick ng bandang Wildhorn. Lahat ng mga gig nito ay pinupuntahan niya masilayan lang ang iniirog. Nang mabigyan siya ng pagkakataon na makasama ito ay hindi na niya pinalampas iyon.
Nalaman niya habang kasama niya ito na may dinaramdam ito. Kaya nang humiling ito sa kanya na kantahan niya ito ay hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Ang akala niya ay iyon na ang huling beses na makakasama niya si Rick. Ngunit nagkamali siya.
Nang magdesisyon ang banda nina Cham na sumali sa contest ng Diamond Records na “The Next Big Name in Music,” hindi niya inakala na makikita niyang muli si Rick. Hindi niya maikaila ang tuwa na naramdaman niya nang makita itong muli. Mula noon ay madalas na niyang makita ito at makasama. Nang manalo ang banda ni Cham na Wildflower sa contest na iyon ay lalo lang siyang napalapit nang husto rito. Lalo ring lumalim ang nararamdaman niya para sa binata. Ngunit hindi pa man nag-uumpisa ang gumagandang relasyon nila ay mukhang masisira na iyon. Nang masangkot ang pangalan nila ni Rick sa isang eskandalo ay napilitan silang maghiwalay para na rin sa mga career nila.

8. PHR 4262 Loving A Stranger by Maricar Dizon


Kahit sa panaginip ay hindi sumagi sa isip ni Aya na may isang demigod na babagsak sa abang tahanan nila. Ngunit iyon ang nangyari nang biglang sumulpot sa apartment complex ng pamilya niya si Brett Hart Valencia. Literal na bumagsak ito dahil ipinatapon ito ng lolo nito sa lugar nila upang turuan ng leksiyon.
Ang masama, siya ang puwersahang naatasang gumabay rito. She was tasked to make him humane. Pero paano naman niya gagawin iyon kung sa tuwina ay laging umiinit ang ulo niya sa mga pang-aasar nito sa kanya? Ang lalong nakakairita, mukhang kasama sa paraan ng pang-iinis nito ang pang-aakit at pagnanakaw ng halik nito sa kanya.
Hanggang sa nangyari ang ayaw niyang mangyari—she fell in love with him.
Pero masakit ang natuklasan niya. Bukod sa bumalik na ito sa dating buhay nito, napagtanto niyang ginawa lang pala siyang pampalipas-oras nito.

9. PHR 4263 Love And Chances by Emily Reese


Galit si Farrah sa kanyang ama dahil inabandona at ipinagpalit sila nito ng kanyang ina sa ibang babae. Kaya nagtaka siya nang isang araw ay hilingin ng kanyang ina na magbakasyon siya sa Pilipinas para makasama niya ang kanyang ama na para bang bale-wala rito ang kasalanang nagawa ng kanyang ama. Alang-alang sa pagmamahal niya sa kanyang ina ay pinagbigyan niya ang kahilingan nito. Sa bahay ng kanyang ama ay nakilala niya ang babaeng ipinalit nito sa kanyang ina. Kung galit siya sa kanyang ama at sa babae ay lalong galit siya sa antipatiko at mayabang pero hindi naman kaguwapuhang pamangkin ng babae na si Vernon.
Dahil humingi ng leave ang driver ng daddy ni Farrah ay ang pinagkakatiwalaan nitong si Vernon ang pansamantalang ipinalit nito upang maging driver niya. Hindi niya gusto ang ideyang iyon. She really hated Vernon’s guts. Sinabihan ba naman siya nitong mag-ingat siya dahil baka mag-pass out siya sa labis na pagkagusto rito.
Wala na talagang mas kakapal pa sa mukha nito. Puwes, hindi siya kailanman magkakagusto rito, itaga nito sa bato!
Sa pagdaan ng mga araw ay lalo niyang nakilala ang tunay na pagkatao nito. Mabait pala ito, maalaga, maalalahanin, at higit sa lahat ay tinuruan siyang mahalin ito.
Ngunit nalaman niya na may girlfriend na pala ito. And worst, nalaman niya na kaya pala niligawan siya nito ay dahil sa pakiusap ng kanyang ama rito.
Magagawa pa kaya niyang magpatawad kung ang lalaking nagturo sa kanyang magmahal ay siya ring nagdulot ng sakit sa puso niya?

10. PHR 4264 In My Heart by Laurice del Rio


Gigil na gigil si Bern sa lalaking nagmamaneho ng BMW na nakabangga sa motorsiklo niya. At laking dismaya niya nang malaman niyang pamangkin pala ito ng matandang babaeng nagyaya sa kanyang mamalagi muna sa hacienda nito.
Masama ang iniisip sa kanya ni Ryle. Iniisip nito na may masama siyang motibo sa pakikipaglapit niya sa mayamang tiyahin nito. Pero habang tumatagal ang pagkakasama nila, ang inis na nadarama niya rito ay unti-unting napapawi at napapalitan ng ibang damdamin. Hanggang sa aminin niya sa kanyang sarili na may gusto na siya sa guwapong binata.
Ito man ay tila tinablan din ng appeal niyang hindi niya akalaing taglay pala niya. All of a sudden, everything was okay between them. Pero bigla-bigla ay nag-iba ang ihip ng hangin. At nang dumating ang isang matinding dagok sa buhay niya, sa halip na simpatya at pagdamay ang makuha niya rito, inakusahan pa siya nito ng kung ano-ano. Kung alam lang sana nito ang totoo...

11. Kristine Series 56 The Bodyguards 2: Jose Luis Morrison Montefalco by Martha Cecilia


She was running for her life. Sa nakalipas na anim na taon ay inakala niyang ligtas na siya. Subalit sa kaunting minutong nasilayan ang mukha niya sa telebisyon ay nagsimula na ang maraming panganib sa buhay niya. She staged her death.
Hanggang sa matagpuan siya ni Jose Luis. Big, tall, and lethal. Hindi lang iyon, the man was sexy as hell. Iniligtas siya nito sa isang tiyak na kamatayan. Subalit tinakasan na niya ang lalaking ito anim na taon na ang nakararaan. Kasama ba ito sa mga nagtatangka sa kanya?
Gayunman, may palagay si Cheyenne na mas nanganganib ang puso niya rito kaysa sa buhay niya.

Back to top Go down
 
April 25, 2012 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Day Charity Event...April 28, 2012...Atlanta, GA
» NYPost Article about Gerry singing at The Darby on Wednesday, April 4th
» MADHUBALA 13TH APRIL WRITTEN UPDATE
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» new DINO theme

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: