HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 April 18, 2012 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: April 18, 2012 Book Release   Sat Apr 21, 2012 4:21 am

1. PHR 4249 Love In Disguise by Heart Yngrid


Hindi makapaniwala si Erin nang masaksihan niya mismo ang panloloko ng lalaking mahal niya. Habang tumatakas siya sa eksenang iyon ay nakaengkuwentro niya ang isang guwapong taxi driver na may gana pang insultuhin ang kalagayan niya.
He was rude and crude and he was sarcastic about love. He was not her type of guy at all at inis na inis siya rito pero ito ang nagligtas sa kanya sa sitwasyon niya.
Ilang beses na nakatagpo niya ang lalaki pagkatapos niyon pero sa pagtataka niya, sa lahat ng pagkakataon, ay iba-iba ang bihis at trabaho nito na tila isa itong Jack of all trades.
Nagsimula siyang ma-curious sa tunay na pagkatao nito hanggang sa matuklasan niya ang sekreto nito. “Jonas” pala ang totoong pangalan nito. Na-involve siya sa complicated life nito. At pati ang puso niya ay nasangkot.

2. PHR 4250 The Right Mr. G. by Maan Beltran


“Nasa malapit lang ang lalaking mapapangasawa mo. Madalas mo siyang nakikita. Letter ‘G’ ang umpisa ng pangalan niya. Isang bato ang ibibigay niya sa `yo bilang simbolo ng kanyang pag-ibig. Bibigyan ka rin niya ng tatlong puting rosas bilang simbolo ng puro at wagas na pagmamahal niya.”
Iyon ang sinabi kay Leila ng manghuhula tungkol sa lalaking nakatadhana para sa kanya. Hindi siya likas na nagpapaniwala sa hula, pero nang isa-isang magkatotoo ang mga senyales na sinabi ng manghuhula ay unti-unti siyang nakumbinsi na totoo iyon. Mr. G was indeed her destiny.
Ang problema, dalawang “Mr. G” ang swak sa hula sa kanya. Si Glenn, ang suitor niya na pang-CEO ang dating, at si Gerry, ang guwapong “ampon” ng pamilya niya, maginoo pero medyo pilyo ang dating.
Dumating ang pagkakataong kailangan nang mamili ng puso niya. Ngunit may isa pang problema. Dahil mahal ng kapatid niya ang lalaking napili niya.

3. PHR 4251 And I Love You So by Emily Reese


Naniniwala si Merielle sa love at first sight dahil unang pagkakataon pa lang na nasilayan niya si Pierre, nakuha agad nito ang puso niya. Kaya nang magkaroon siya ng pagkakataon na mapalapit dito ay sumige agad siya. She vowed to herself she wouldn’t blow her chance with him. Ngunit biglang umentra si Lee, ang talipandas na kaibigan niya, her confidante, and her stress reliever. Lalo pang nagkagulo-gulo ang sistema niya nang halikan siya nito. Nasaan na ang pangako niyang “she wouldn’t blow her chance with Pierre”?

4. PHR 4252 Traje de Boda Trilogy 3: Nora by Vanessa


May sumibol na pagmamahal sa puso ni Nora para kay Emilio, ang lalaking itinakdang pakasalan ng kanyang kapatid na si Natasha. Pinigil niya ang kanyang damdamin at nakontento na sa isipin na pagkatapos ng kasal ng mga ito ay hindi na niya makakasalamuha pa ang dalawa. Nakabukod ang kanyang buhay sa hacienda mula sa glamorosang mundo ng kapatid niya.
Ngunit isang linggo bago ang kasal ay hindi na mahanap ang kanyang kapatid at kailangan niyang palitan ito bilang bride ni Emilio.
May kinabukasan bang naghihintay para sa kanila ni Emilio? Higit sa lahat, magkakaroon ba ng tugon ang damdamin niya para dito?

5. PHR 4253 I’ll Stay In Love With You by Cady Lorenzana



Habang masaya at “love is in the air” ang drama ng mga tao sa paligid ni Venus, siya naman ay naroon sa isang sulok, nagkukukot ang kalooban. Naturingang katukayo niya ang diyosa ng kagandahan at pag-ibig, pero zero ang love life niya. Sa edad niyang beinte-sais, ni wala pa siyang first kiss!
Mukhang naawa sa kanya ang “anak” niyang si Kupido. Isang gabing lasing at depressed siya dahil sa kawalan ng love life, dinala nito sa harap niya ang kanyang Prince Charming. Hindi nakapagpigil ang puso niyang excited nang ma-in love, hinablot niya ito at hinalikan sa mga labi. The kiss felt good, it was almost divine.
Pero nang mawala ang espiritu ng alak sa sistema niya, nahindik siya sa natuklasan. Ang lalaking hinalikan niya at napagkamalang kanyang Prince Charming ay walang iba kundi si Derrick Ramirez, ang lalaking unang minahal niya at siya ring dumurog sa puso niya noon…

6. PHR 4254 Struggling To Hate You by Lady Regine



Todo-tanggi si Maya nang yayain siya ng kaibigan niya na dumalo sa family reunion ng mga ito sa hacienda ng grandparents nito. Kapag pumayag siya, babalik ang isang mapait na alaalang matagal na niyang pilit na kinalimutan. Dahil sa reunion na iyon ay magkukrus uli ang mga landas nila ng ex-boyfriend niyang si Vincent, pinsan ng kaibigan niya at ang lalaking sumumpang mamahalin siya habang- buhay pero sinaktan lang siya sa bandang huli.
Nang mapapayag na rin siyang dumalo, isinumpa na lang niyang de-dead-mahin ang binata hanggang sa matapos ang reunion. Pero mukhang mahihirapan siyang gawin iyon. Dahil pagkakita pa lang niya kay Vincent na lalong gumuwapo at kumisig, ayaw nang tumigil sa malakas na pagkabog ang kanyang pasaway na puso...
Back to top Go down
 
April 18, 2012 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Day Charity Event...April 28, 2012...Atlanta, GA
» NYPost Article about Gerry singing at The Darby on Wednesday, April 4th
» MADHUBALA 13TH APRIL WRITTEN UPDATE
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» new DINO theme

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: