HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 April 11, 2012 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: April 11, 2012 Book Release   Thu Apr 12, 2012 10:51 am

1. PHR Gothic Romance: My Sunset by Camilla


Upang bigyan ng kasagutan ang mga tanong ni Sunset tungkol sa kanyang pagkatao, sumali siya sa Talinhaga, isang lihim na samahang itinatag para sa pag-aaral ng mga kakaibang elemento, ng mga bagay na mahirap ipaliwanag, at para sa pagkupkop ng mga taong hindi ordinaryo.
Doon ay nakilala niya si Manu, a man whose face looked both young and ancient. Ang kutis nito ay perpekto, hindi pa nagagatlaan ng panahon, hindi namamarkahan ng kapabayaan. Ngunit ang mga mata nito ay sa isang taong nakita at naranasan na ang lahat, mga matang kasintanda na ng panahon, mga matang tila kay tagal nang nangungulila sa kung ano o kung sino.
Manu was the man for her, she learned along the way. Pero sa gitna ng maraming banta sa buhay niya at sa iba pang miyembro ng Talinhaga, tila mas pinangangambahan niya ang nararamdaman niya para kay Manu at sa kung ano ang mayroon sa pagitan nito at ni Jasmine—ang pinakamakapangyarihan sa lahat ng mga kasamahan niya.

2. PHR 4239 The Infamous Biker’s Club: The Troublemaker by Maricar Dizon


Para kay Sissy, isang misteryo si Jet Montero. Parang may lihim na itinatago ang guwapong binata sa pagkatao nito. Masungit din ito at madalas napapaaway, pero pagdating sa kanya ay umaamo ito na parang tupa. Alam niyang imposibleng ma-in love siya sa kagaya nito pero iyon ang nangyari. Kahit hindi pa niya lubos na kilala ito ay sumugal siya sa pag-ibig nito. At sa piling nito ay naramdaman niya ang kakaibang kaligayahan na hindi pa niya naranasan kahit kailan.
Isang araw ay nagpaalam ito sa kanya at nag-iwan ng isang pangako na babalikan siya.

3. PHR 4240 From Saturn With Love by Luna King


Ipinagluluksa ni Jupy ang pagkabigo niya sa pag-ibig nang magkatuluyan ang best friend niya at ang lalaking mahal niya. Dumagdag pa ang buwisit pero guwapong childhood friend at kapitbahay niya na si Saturn Gutierrez na panay ang pang-aasar sa kanya dahil sa pagkabigo niya. He was the only person in the planet who knew about her secret love.
Saturn was just supposed to be an annoying neighbor, a distraction from her heartbreak, and a childhood friend. Pero bakit ang dami-dami na niyang napapansin na good qualities nito na hindi naman niya napapansin dati? Like he was very handsome, gentle, and sweet, and she wasn’t immuned to his charm.
“Tayo na lang, katulad nina Rain at Storm. I’ve told you before, childhood friends always end up together,” deklara nito sa kalaunan.
Pero bigla ring binawi nito iyon, pagkatapos ay hindi na siya pinansin nito. Ano iyon, joke?
Siyempre, hindi siya papayag na gano’n-gano’n na lang, pagkatapos nitong kilitiin ang puso niya!

4. PHR 4241 Daddy Said, Mommy Said by Venus Franz


Vianka thought she had gotten over Benjamin—her former best friend and lover—a long time ago. Ngunit nang sumulpot uli ito sa buhay niya pagkalipas ng ilang taon ay hindi niya inakalang mapapakabog pa rin nito ang puso niya tulad noon. Pilit niyang isinisiksik sa isip niya na “past is past.” Ngunit talaga nga yatang hindi natatahimik ang kaluluwa ng tao hangga’t hindi naa-accomplish ang unfinished business sa nakaraan dahil tila nagkakaisa ang mga kaluluwa nila ngayon upang ayusin at ipagpatuloy ang naudlot na love story nila noon...

5. PHR 4242 Traje de Boda Trilogy 2: Vilma by Vanessa



Perya ang buhay ni Vilma dahil doon siya natagpuan ng kanyang kinilalang mga magulang, ang mga may-ari ng perya. Sa perya rin niya unang nakilala si Pio, isa sa kanilang mga tauhan. Kaeskuwela rin niya ito. Agad siyang nagkagusto rito at gumawa siya ng paraan para mapansin siya nito, sa kabila ng katotohanang mayroon itong napapabalitang nobya, si Blessilda. At nang matuklasan niyang nagbabalak ang mga itong magtanan ay nagsumbong siya sa ama ni Blessilda, dahilan para hindi matuloy ang balak ng dalawa. Nilisan ni Pio ang perya, umalis itong galit sa kanya.
Pagkalipas ng mahigit isang dekada ay muli silang nagkita. Asensado na ito, matikas, at lalong naging guwapo. Tulad noon, gusto niyang magpa-cute dito at parang naku-cute-an naman ito sa kanya.
Ngunit natuklasan niyang mula noon hanggang ngayon ay tila hindi nagbabago ang kuwento nila. Parating may isang Blessilda na sumisira sa pangarap niya.

6. PHR 4243 A Dream Come True by Mei Sanchez



Sa unang pagkakataon pa lang na nasilayan ni Malou si Stephen ay nakaramdam na siya ng kakaibang damdamin para dito. Pero matagal bago siya nagkaroon ng pagkakataon na makausap ito nang matagal-tagal. Doon na nagsimulang magbago ang pagtingin niya rito. Lalo pa silang nagkalapit sa isa’t isa nang isama siya nito sa charitable works na ginagawa nito. Dahil sa kabutihang-loob sa maliliit na tao na nakita niya rito ay hindi na niya napigilan pa ang sarili na tuluyang mahalin ito. Hindi man nito namamalayan ay ipinaparamdam din nito sa kanya kung gaano siya kaespesyal para dito.
Kaya aasa siyang mamahalin din siya nito kahit sinabi na nito sa kanya ang mga plano nito sa hinaharap. Kahit malinaw na hindi siya kasama roon.

7. PHR 4244 Santi’s Sweet Heart by Victoria Amor



Mula sa isang mahirap na pamilya si Trini kaya ang una sa listahan ng mga priority niya ay ang mapaganda ang buhay ng pamilya niya sa hinaharap. Sa pag-aaral lang nakatuon ang atensiyon niya dahil iyon ang magiging tuntungan niya para maabot ang mga pangarap niya. Ang kaibigan niyang si Santi ang nasa tabi niya sa lahat ng sandali upang suportahan siya. Napakabait nito at tila wala itong hindi ibibigay para sa kanya. Hindi niya namalayan na sa paglipas ng mga araw, mag-iiba ang pagtingin niya rito.
Hindi siya handa sa damdaming iyon ngunit nang malaman niyang iiwan na siya nito ay hinangad niyang maranasan kahit sa maikling panahon lang kung paano ang mahalin nito. Hiniling niyang maging girlfriend siya nito sa loob ng huling dalawang buwan nito sa Pilipinas. Pinagbigyan siya nito nang walang reklamo.
Hindi niya naisip na sa ginawa niya ay mas magiging mahirap para sa kanya ang pag-alis nito dahil sa pag-amin nito ng isang lihim na hindi raw nito magawang sabihin sa kanya…

8. PHR 4245 Love Thy Neighbor by Akira Ellie


Isang taon nang kapitbahay ni Cris si Allie pero nagkakasya lang siyang tinatanaw ito mula sa malayo. Para kasing may sariling mundo ito; hindi ito nakikihalubilo sa ibang tao.
Nang magkaroon siya ng pagkakataon upang mapalapit dito ay sinunggaban na niya iyon kahit pa nga mukhang walang interes ito sa kanya. Nang malaman pa niya ang totoong katauhan nito ay lalo siyang nawalan ng pag-asang mamahalin din siya nito. Paano naman ang pagsinta niyang inabot nang isang taon?
Hanggang isang gabing nalasing siya ay hinalikan siya nito.
Ano kaya ang ibig sabihin niyon?

9. PHR 4246 Cupid’s Match Trilogy 1: The Heartless Avalanche by Nikki Karenina


Nicko loathed girls. He had never fallen in love with someone before. Nakita niya kung paano nasaktan ang kanyang ama at ang kapatid niya nang dahil sa mga babaeng nanloko at nang-iwan sa mga ito kaya hindi siya kailanman nangarap na pumasok sa isang relasyon o manligaw sa isang babae. For him, women were just trash and toys. He just needed them for his own satisfaction with no emotional attachment involved.
Then Xanthia came along. Ito na yata ang pinakamakulit at pinakapursigidong babaeng nakilala niya. Pilit niyang kinokontrol ang sarili na huwag mapalapit dito, lalong-lalo na ang ma-in love dito. Pero sadya nga yatang mapaglaro ang tadhana. Or was it Cupid?
He fell in love with Xanthia. Only to find out that she would just leave him in the end. Ngayon, may rason pa ba siya para magtiwala sa mga babae at sa pag-ibig kung naramdaman na rin niya ang sakit na dulot ng pagkabigo?

10. [color=red]PHR 4247 Cupid’s Match Trilogy 2: The Lovelorn’s Fairy Tale by Nikki Karenina[/color]


Pangarap ni Yngrid na makita at makilala sa personal ang crush niyang disc jockey na si DJ Kyle. Hindi niya inaasahang diringgin ang kanyang hiling nang magkaroon ng pa-contest ang radio station na pinapasukan nito. Bukod sa perang mapapanalunan ay may pagkakataon din ang mananalo na maka- date si DJ Kyle.
Hindi niya pinalagpas ang pagkakataon. Sumali siya at masuwerteng siya ang nanalo sa contest. Nakuha niya ang pera at naka-date pa niya si DJ Kyle. Ang akala niya ay doon na magtatapos ang lahat ngunit nagulat siya nang isang araw ay pumunta ito sa kanilang bahay at alukin siya ng trabaho bilang sekretarya ng kaibigan nito. Pumayag siya dahil bukod sa kailangan niya ng trabaho ay iyon ang tanging daan na alam niya para maging malapit sila sa isa’t isa.
Ang hindi niya alam, magkaiba sila ng dahilan sa pagnanais na mapalapit sa isa’t isa…

11. PHR 4248 Cupid’s Match Trilogy 3: The Loveless Sweet Serendipity by Nikki Karenina



Inupahan si Caraleigh ni Don Alberto para bantayan ang mga anak nito na sina Cage, Nicko, at Kyle at i-report dito ang mga love life ng mga iyon. At sa ilang linggong pagsubaybay niya sa tatlo ay isa lang ang napansin niya—makukulit ang mga ito. Pero ang pinakamakulit sa tatlo ay si Cage. Palikero ito at kung sino-sinong babae ang nakaka-date nito gabi-gabi. At bukod sa pagiging makulit nito, napagdiskitahan pa siya nito nang makita siya nito sa bar. He flirted with her!
But she had a dignity to uphold as a detective. Unang-una kasi sa rules sa agency nila ay hindi sila dapat magkaroon ng intimate contact sa mga subject nila. She could do that. Sa ilang taon niyang pagtatrabaho sa agency at dahil sa mga naranasan niya ay nagawa na niyang kontrolin ang sarili. Iyon nga lang, hindi sa harap ni Cage na mukhang nagbago na dahil hindi na ito palikero. Siya na lang ang kinulit-kulit nito at sinabi nitong liligawan daw siya nito.
Paano na `yan? Paano na ang dignidad niya gayong apektado siya hindi lang ng angking kaguwapuhan at ka-macho-han nito, kundi pati na rin ng sinseridad na nakikita niya sa mga mata nito tuwing sinasabi nitong mahal siya nito?

Back to top Go down
 
April 11, 2012 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Day Charity Event...April 28, 2012...Atlanta, GA
» NYPost Article about Gerry singing at The Darby on Wednesday, April 4th
» MADHUBALA 13TH APRIL WRITTEN UPDATE
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» new DINO theme

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: