HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 March 30, 2012 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: March 30, 2012 Book Release   Thu Apr 12, 2012 10:20 am

1. PHR 4234 Love, Camera, Action! When Love And Hate Collide by Haze Prado


Walang ibang alam gawin si Kimberly kundi ang magtrabaho nang magtrabaho. Kontento na siya sa monotonous na sistema ng buhay niya.
Until one night, she met an unfortunate incident that changed her life forever. Sa pagtakas niya sa mga dumukot sa kanya ay nagkrus ang mga landas nila ni Etienne del Fiero na katulad din niya ang kapalaran. Kagaya niya ay nalagay rin sa bingit ng kamatayan ang buhay nito nang gabing iyon.
Tinulungan nila ang isa’t isa. Ang akala niya ay doon magtatapos ang ugnayan nila. Bigla ay nagulat na lang siya nang ianunsiyo ni Etienne na fiancée diumano siya nito!
Nakiusap ito, halos manikluhod, kaya natagpuan na lamang niya ang sariling pumapayag…

2. PHR 4235 The Infamous Biker’s Club: The Rugged Knight by Maricar Dizon


Ria lived a monotonous life. Sawang-sawa na siya sa pagmamanipula ng mga makapangyarihang magulang niya. All her life, ang mga ito ang nasusunod kung paano niya patatakbuhin ang buhay niya.
Ngunit nagkaroon ng kakaibang saya ang mundo niya nang pumasok doon si Greg Ledesma, the rugged knight on a motorcycle. Sa piling nito lang niya naramdaman ang kakaibang saya at pagmamahal na hindi pa niya naramdaman sa kahit sinong lalaki. She knew it was love.

Ngunit muling nakialam ang kanyang mga magulang. Pinagbantaan ng papa niya ang buhay nito. Hindi mangyayari iyon kung papayag siyang makipaghiwalay kay Greg at pupunta sa States.
Masyadong mahal niya ang binata kaya sinunod niya ang kanyang ama.
At dahil doon ay inani niya ang poot ni Greg. Kung malalaman pa nito ang sakripisyong ginawa niya para sa pagmamahal niya rito, panahon na lang ang makapagsasabi…

3. PHR 4236 The Infamous Biker’s Club: The Love Coach by Maricar Dizon



Kahit matalino, tampulan pa rin ng panunukso ng kanyang mga kaklase si Angelique dahil sa ayos niya at paraan ng kanyang pananamit. Manang daw siya. Mabuti na lang, hindi ganoon ang pakikitungo sa kanya ng crush niya kaya bilang kapalit ay tinutulungan niya ito sa mga assignment nito. Ngunit natuklasan niyang ang pagtulong niyang iyon ang nais lang pala talaga nito mula sa kanya, at hindi dahil gusto rin siya nito. Hindi raw ito magkakagusto sa isang pangit na tulad niya.
Labis na nasaktan siya sa ginawa nito.
Aio offered to help her seek revenge on her ex-crush. Ime-makeover daw siya nito upang ipamukha sa ex-crush niya na nagkamali ito nang saktan siya nito.
Miyembro ito ng infamous biker’s club sa unibersidad nila kaya ito ang huling taong maiisip niyang tutulong sa kanya. Aside from the makeover, sinabi pa nitong magpapanggap silang magnobyo. Pero binalaan siya nito na huwag siyang mai-in love dito dahil baka lalo lang daw mawasak ang puso niya.
But she did not heed his warning. Dahil bago pa matapos ang misyon nila, nahulog na nang tuluyan ang puso niya rito.

4. PHR 4237 The Infamous Biker’s Club: The Heart Thief by Maricar Dizon



Parang gustong mag-back out ni Rhianna nang malaman niyang isa sa mga celebrity na idi-direct niya sa gagawin niyang liquor commercial ay si Cedric Marcelo, ang sikat na international motorcycle racing champion. She fell in love with him ten years ago, pero sinaktan lang siya nito sa pagsasabing kailanman ay wala itong sineryosong babae sa buhay nito. May expiry date daw ang pakikipagrelasyon nito sa isang babae, at isa lamang siya sa mga babaeng wala itong balak na seryosuhin.
At ngayon ay nagbalik ito sa buhay niya at sinabing “I’ll definitely win you back.”
Ninakaw na nito dati ang kanyang puso, hahayaan ba niyang nakawin uli nito iyon sa ikalawang pagkakataon?
Ang sabi ng isip niya ay “hindi,” pero kabaligtaran niyon ang sinasabi ng kanyang puso…

5. PHR 4238 The Infamous Biker’s Club: The Lone Wolf by Maricar Dizon



The moment Carrie saw Martin, she knew she was in love.
Kaya ginawa niya ang lahat ng paraan para mapansin siya nito. Sa pagtataka niya, tila immuned sa charm niya ang guwapong binata. He always asked her to stay away from him. Pero isang bagay iyon na hindi niya kayang gawin. Kaya kahit magalit pa ito, lumalapit pa rin siya rito. Aalamin niya ang dahilan kung bakit ganoon ito sa kanya.
Ngunit nang malaman niya ang dahilan, pakiramdam niya ay isa siyang talunan. Paano ay nalaman niyang mahal pa rin pala nito ang dating kasintahan nitong namatay sa isang accident.
Kaya ba niyang makipagkompetensiya sa alaala ng isang patay na nagkataong mahal pa rin nito?

Back to top Go down
 
March 30, 2012 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» new DINO theme
» Hieratic Chaos Deck?
» 2012 Football Harvey Address Book
» Duel Academy Regionals - Swiss Tournament, March 2012

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: