HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 March 28, 2012 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: March 28, 2012 Book Release   Thu Mar 29, 2012 11:02 am

1. PHR 4222 Ang Mga Love Dilemma Ni Jane by Yna Paulina


Secretly in love si Jane sa best friend niyang si Ken pero may girlfriend na ito, si Lily. Gustuhin man niyang makipagpaligsahan sa babae para masungkit ang puso ni Ken ay hindi maaari. Wala siyang pag-asang manalo. Kung itatabi siya sa maladiyosang kagandahan nito ay magiging mas plain pa siya kaysa sa pangalan niya. Nang ibalita ni Ken na ikakasal na ito at si Lily, gumuho ang mundo niya. Mukhang babaunin na lang niya hanggang sa hukay ang lihim na pagsinta sa best friend niya.
Pero tila isang biro ng tadhana na kung kailan isinuko na niya ang pag-asang isang araw ay mapapasakanya rin si Ken ay saka naman niya nalaman na hindi na matutuloy ang kasal nito. Tila nakakasilip na siya ng malaking pag-asang liligaya na rin siya sa wakas.
Huwag na huwag lang subukan ni Lily na bumalik sa buhay ni Ken…

2. PHR 4223 Race With Me by Hana Rei


Kakatwa ang unang pagtatagpo nina Caress at Bjorn. Inakala ni Caress na pari ang binata at naikumpisal pa niya rito ang pagkakaroon niya ng secret crush sa kanyang kababata. Kaya ganoon na lang ang gulat niya nang madiskubreng si “Father Bjorn” ay hindi pala pari at ang kababatang crush niya ay kaibigan pala nito.
Inis na inis siya sa panloloko nito sa kanya. Pero determinado itong humingi ng tawad sa kanya. Ginawa nito ang lahat para mapaglubag ang loob niya. At nang sa wakas ay pumayag siyang makipagkaibigan dito, nadiskubre niyang mabuting tao ito. Ramdam niya na unti-unti ay nahuhulog na ang loob niya rito.
Pero isang lihim nito ang natuklasan niya na maaaring sumira sa namumuong pagtitinginan nila…

3. PHR 4224 Loving Mr. Wrong by Pearl Hermosa


Mula nang masaktan si Rachel dahil sa isang playboy ay nawalan na siya ng tiwala sa mga lalaki. Kaya nang magtagpo ang mga landas nila ng numero unong babaero na si Alfred Hugo at magpahiwatig ito ng damdamin sa kanya ay todo-iwas ang ginawa niya huwag lang siyang mahulog sa bitag nito. Paano kasi, hindi lingid sa kanya na “sex” lamang ang habol nito sa mga babae.
“Wala akong planong makipag-sex sa `yo,” tahasang sabi niya rito nang lapitan siya nito.
“Me neither,” sagot nito. “Dahil ang mga babaeng katulad mo ay dapat sineseryoso. Wala akong balak na makulong sa isang seryosong relasyon.”
Ironically, they became friends.
Ngunit isang araw nagising na lang siyang umiibig kay Alfred. He fell for a womanizer. Again! Pero hindi siya natakot. Sa halip ay sinabi niya rito ang nararamdaman niya. She followed her heart. Naniniwala kasi siya na siya na ang babaeng makakapagpatino kay Alfred.
Iyon ang akala niya...

4. PHR 4225 All I Need Is You by Laurice del Rio


Ang sumikat—iyon ang ultimate dream ni Monique noon. Nagtagumpay naman siya. Isa na siya sa kinikilalang singer sa bansa. But she realized being a star has its drawbacks. Isa na roon ang kawalan ng pahinga. Para magkaroon siya ng kahit katiting na oras para sa sarili niya, napilitan siyang takasan ang mala-drill sergeant manager niya na si Tita Aths. Dahil doon, nagtagpo ang mga landas nila ni Bjorn, isang struggling mechanic na ilang beses na sanang umunlad sa buhay kung hindi lang laging nasisilat dahil sa kapatid nitong sakitin.
Pahinga lang ang hanap niya ngunit dahil sa madalas na magkasama sila ni Bjorn ay may isa pa siyang natagpuan: ang pag-ibig. Ngunit saan siya kukuha ng oras na ilalaan doon? Paano kapag nakialam na ang mga tao sa mundong ginagalawan niya na likas naman talagang mga pakialamera?
She loved Bjorn, but for his sake she had to let him go. Saka niya natuklasan na ang lahat ng yaman at kasikatang taglay niya ay hindi kayang punan ang pagkawala sa buhay niya ng lalaking kanyang minamahal.

5. PHR 4226 Lucky We’re In Love by Marione Ashley


Lakas-loob na nagtapat si Yanie ng pag-ibig sa kaibigan niya na si Kei pero halos madurog ang puso niya sa ibayong sakit nang deretsahang sabihin nito na kapatid lamang ang tingin nito sa kanya. Upang makalimot ay nilayuan at iniwasan niya ito.
Limang taon ang lumipas na hindi sila nagpapansinan. Nakaya niyang mabuhay nang hindi kasama si Kei. Hanggang isang araw ay nilapitan siya nito dahil sa nalaman niyang sekreto nito. Gusto rin nito na ibalik ang nasirang pagkakaibigan nila pero alam niya na nagkukunwari lamang ito upang kunin ang loob niya at hindi siya magsalita laban dito.
Pero siya na yata ang reyna ng katangahan dahil naniwala pa rin siya rito. Hanggang sa ang damdaming akala niyang naglaho na ay muling umusbong. Ngunit ang inaakala niyang totoong pagmamahal nito ay lokohan lamang pala talaga.
Mukhang hindi na Band-Aid ang kailangan ng puso niyang sugatan kundi ang pagmamahal ni Kei—pagmamahal na malabong makuha niya

6. PHR 4227 PHR 4227 Traje de Boda Trilogy 1: Charo by Vanessa


Napilitan si Charo na magpakasal kay Iñigo dahil iyon ang dying wish ng kanyang ama. Tutol na tutol ang kalooban niya roon sapagkat hindi naging maganda ang unang impresyon niya sa aroganteng lalaki—nakita niya ito sa isang hindi kaaya-ayang tagpo sa isang pampublikong lugar pa mandin.
Ngunit paano nga ba niya lalabanan ang atraksiyong nadarama niya rito kung napaka-sweet naman pala nito? He was the perfect husband. Sa bawat araw ay nahuhulog ang loob niya rito.
Pero palabas lamang pala ang lahat. Isa lamang pala siyang tauhan sa malaking plano nitong pabagsakin ang kanyang ama…

7. PHR 4228 Kissing A Stranger by Maricar Dizon


Sa isang hindi inaasahang pagkakataon, kinailangang manatili ni Jena nang buong gabi sa loob ng isang hotel room kasama ang isang estrangherong nakilala lamang niya sa pangalang “Woody.” Kinabukasan, aalis na lamang siya at gigisingin ito nang biglang hinalikan siya nito. Sa pagkabigla ay umalis siya nang hindi nagpa- paalam dito.
Ang akala niya ay hindi na niya makikita uli ito. Ngunit laking gulat niya nang makita niya ito sa kompanyang pinapasukan niya. Balak sana niyang iwasan ito ngunit nakita agad nito ang plano niya. Tila nang-iinis na kinuha pa siya nito bilang temporary secretary nito. Walang araw na hindi siya binu-bully nito kaya banas na banas siya rito.
Ngunit sa kabila ng lahat ay natagpuan niya ang sariling nahu- hulog ang loob dito at mukhang ganoon din ito sa kanya. Ang kaso, kabaligtaran ito ng lahat ng gusto niya sa isang lalaki. Di-hamak na mas bata ito sa kanya. Madalas na hindi sila magkasundo dahil magkaiba ang ugali nila.
May silbi pa bang sumuong siya sa isang relasyong alam niyang hindi maganda ang kahahantungan?

8. PHR 4229 Love Happens by Emily Reese


Ilang taon nang single si Jarysse dahil wala pa ring nagpapa- tibok ng kanyang puso. Na-traffic yata sa EDSA si Kupido kaya ang tagal bago nito mapana ang lalaking magpaparamdam sa kanya ng kakaibang “magic.”
Hanggang sa magtagpo ang mga landas nila ng guwapo at sikat na actor na si Vigo Eusteban. Naniniwala siya na instant attraction ang naramdaman nila para sa isa’t isa. Hindi mapuknat ang titig nito sa kanya na parang siya ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa. He even asked her on a date. Ang puso niya na dating himbing na himbing, ngayon ay gising na gising. Wala siyang duda na ito na ang “the one” niya. Mukhang kahit latecomer si Kupido ay itinodo naman nito ang pagbawi sa kanya.
Pero ganoon na lang ang pagkadismaya niya nang malaman niya na wala sa bokabularyo ni Vigo ang “serious commitment.” Paano na ang pangarap niyang maging “leading lady” nito balang-araw?

9. PHR 4230 A Blogger’s Love Story by Yna Paulina


Gusto ni Mariposa na maging award-winning writer. Kulang na lang ay kumain siya ng salita at i-digest iyon para makapagsulat siya ng article na magpapataob sa lahat ng article ever written. Pero hindi pala siya exempted sa writer's block. Ang solusyon? Homecoming.
In her old town, she found an old love—si Dalmacio, ang ambisyosong lawyer na gustong maging politiko. Na-in love siya rito kahit alam niyang may girlfriend na ito. She became his lover, his best friend, his home. Masaya rin siya na mas pinili siya nito kaysa sa girlfriend nito. In his arms, she stopped dreaming to be an award-winning writer because he became her dream come true.
Pero tulad niya ay may ambisyon din ito sa buhay. Paano kung ang kapalit ng pagtulong niya rito para matupad nito ang ambisyon nito ay ang pagtalikod niya sa pagmamahalan nila?

10. PHR 4231 The BFF Trilogy 1: Benevolent Brielle by Lian Suarez


Sampung taon na ang nakalilipas mula nang magtungo sa Singapore si Brielle. Subalit pagkauwing-pagkauwi pa lamang niya sa Pilipinas ay muling nagtagpo ang mga landas nila ng lalaking naging rason ng kanyang pag-alis noon—si Jason, ang lalaking unang nagpatibok at nanakit sa kanyang puso.
Ang damdaming matagal na niyang ibinaon sa limot ay muling umusbong para dito. Espesyal ang naging turing nito sa kanya. Umasa siyang sa pagkakataong iyon ay hindi na mabibigo ang kanyang puso sa pag-ibig nito. Subalit tila nagkamali siya, dahil muli ay naabutan niya ito sa piling ng ibang babae.
Paano niya magagawang paghilumin uli ang sugat na idinulot nito sa kanyang puso sa ikalawang pagkakataon?

11. PHR 4232 The BFF Trilogy 2: Fair Fiel by Lian Suarez


Walang panahon si Fiel sa mga lalaking nagkakandarapa makuha lamang ang kanyang atensiyon. Her studies would always be her priority. Pero nagbago iyon nang makilala niya si Taylor—ang unang lalaking nagpatibok ng kanyang puso. Hinayaan niyang mahulog ang loob niya rito. Subalit niloko siya nito. Hindi lamang pala siya ang nag-iisang babae sa buhay nito.
Mula noon ay naging bitter na siya sa mga lalaki. Isinumpa niyang hinding-hindi na siya iiyak dahil lamang sa mga ito.
Pero nang muling magtagpo ang mga landas nila ni Taylor ay unti-unting gumuho ang depensang matagal niyang itinayo para protektahan ang kanyang puso.
Paano niya magagawang lumayo rito gayong ito pa rin ang itinitibok at isinisigaw ng puso niyang makulit?

12. PHR 4233 The BFF Trilogy 3: Fervent Fawne b Lian Suarez


Nagulat si Fawne nang madatnan niya ang isang lalaki sa kusina ng bahay niya na pinakikialaman ang mga pagkain doon. At ang mas ikinagulat niya ay ang atraksiyong naramdaman niya para dito, samantalang noon lang niya ito nakita. Pero dagli ring nawala ang anumang paghanga niya nang insultuhin siya nito mula ulo hanggang paa. Dahil sa galit niya, binato niya ito ng vase na hawak niya. At para makaganti ang lalaki, hinalikan siya nito—it was not an ordinary kiss, but a deep, torrid kiss—bago siya iniwan nito.
Akala niya ay hanggang doon na lang sila, ngunit nagkamali siya. Muling nagkrus ang mga landas nila ni Brayden nang ikasal ang kaibigan niya. And then things just got interesting. She fell in love with him.
Pero may itinatago pa itong lihim sa kanya—isang lihim na sumira sa magandang relasyon nila.










Back to top Go down
 
March 28, 2012 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» new DINO theme
» Hieratic Chaos Deck?
» 2012 Football Harvey Address Book
» Duel Academy Regionals - Swiss Tournament, March 2012

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: