HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 March 21, 2012 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: March 21, 2012 Book Release   Thu Mar 22, 2012 5:13 am

1. PHR 4214 Let Me Stay With You by Cady Lorenzana


Bata pa lamang si Marianne ay pangarap na niyang maging isang sikat na theater actress, hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Pangarap niyang mahigitan ang tagumpay na naabot ng kanyang abuela na noon ay sikat sa larangan ng pag-arte.
Until she met Caspian Cameron Marasigan. Hindi niya pinlano na ma-in love sa edad na disiotso ngunit ginulo nito ang puso at isip niya. Palagi itong nasa tabi niya upang suportahan ang pangarap niya. Minahal siya nito kahit alam nitong wala sa isip niya ang salitang “pag-ibig.” Hanggang sa maramdaman na lang niyang nahuhulog na ang puso niya rito. Namomroblema siya dahil hindi niya kayang pagsabayin ang pag-ibig at ang pangarap niya kahit na sinabi nitong kaya nitong manatili sa tabi niya sa kabila niyon.
Pero sa lahat ng mga ginawa at sinabi nito sa kanya, mas pinili pa rin niya ang pangarap niya kaysa rito.
Huli na nang matanto niyang nagkamali siya sa napiling desisyon…

2. PHR 4215 Suddenly You’re Mine by Jessica Sison



Si Zac ang kabaligtaran ng lalaking pinapangarap ni Lyris: ungentleman, insensitive, bully, a playboy. Sa madaling-salita, bad boy.
Ito ang madalas na sumisira ng kanyang araw. Hindi siya makatagal na kasama ito. Kaya hindi niya maintindihan nang isang araw ay natagpuan na lang niya ang kanyang sarili na nami-miss ito. Nabubugnot din siya kapag hindi niya ito kasama.
Suddenly, he made her day. Suddenly, she was in love with him and forgot he was incapable of loving.
Ano ang nangyari? Bigla bang nagbago ang ikot ng mundo?

3. PHR 4216 Aseron Wedding: You’re My Safest Place To Hide by Dream Grace


Kung si Ceza ay reyna ng kaprangkahan dahil sa matalim niyang dila, si Ethan naman ay kilala bilang “the silver-tongued charmer” dahil sa mabulaklak na dila nito.
Nasa opposite poles silang dalawa na napakalayo ang distansiya sa isa’t isa. Ang itim para sa kanya ay itim at ang puti ay puti. Ngunit sa mundo ni Ethan, lahat ay gray. She hated chaos, while he thrived on it.
Kaya nang malaman nilang gusto ng lolo ng binata na ipareha sila sa isa’t isa, pareho silang nataranta at nagkukumahog na nagkasundo na hindi nila hahayaang manipulahin sila ng Cupid-wannabe na matanda.
But she soon found herself wanting her own “and they lived happily ever after” with Ethan. Pero hindi pala ganoon kadaling mahalin ang isang tulad nito. Lalo na nang malaman niya ang tungkol sa babaeng minsan na nitong inalok ng kasal, ang babaeng muling nagbalik at tila handang bawiin si Ethan…

4. PHR 4217 Sleeping Heart by Kandice Gonzales



Nakita ni Janicka ang katangian ng kanyang Prince Charming sa katauhan ni Jeff kahit noong una ay suplado ito. Pero dahil sa pangungulit niya ay naging kaibig-ibig ito.
Na-in love sila sa isa’t isa. Ngunit may hadlang: kailangan nitong magtungo sa Amerika para mag-aral. Hindi niya sinalungat ang bagay na iyon. Siya pa ang nagtulak dito na umalis—kahit masakit para sa kanya.
Pagkalipas ng limang taon, bumalik sa bansa si Jeff. Kahit wala silang communication ay wala raw nabago sa damdamin nito para sa kanya. Handa na itong ituloy ang pagmamahalan nila.
Pero nakatakda na ang kasal niya sa ibang lalaki…

5. PHR 4218 My Lovely Gypsy by Tyra


Nakilala ni Serah sa New York ang mukhang European prince sa kaguwapuhan na si Giles Martinez. Pero dahil sa isang maling akala, hindi naging maganda ang unang impresyon niya rito. Nang masundan pa uli ang pagkikita nila, mas malamig pa sa snow sa Amerika ang pakikitungo niya rito. Sa ikatlong pagkakataon na nagkita sila ay nalaman naman niyang makakatrabaho pala niya ito. Si Giles ang musical director sa isang play na siya ang choreographer.
Sa mga rehearsal nila ay pilit niyang iniiwasan ito pero panay ang lapit nito sa kanya. Kahit wala itong kinalaman sa pagtuturo niya ng mga routine ay nagbababad ito sa dance studio at pinanonood siya. That was when she started to be conscious because of his presence. Kapag tinititigan kasi siya nito ay bumibilis ang tibok ng kanyang puso.
Ngunit sadyang binibiro yata siya ng tadhana—dahil kung kailan may espesyal nang damdamin na sumisibol sa puso niya para dito ay saka naman huminto ito sa paglapit at panonood sa kanya. At halos madurog ang puso niya nang makita niya na may kasama itong iba.

6. PHR 4219 Marrying A Stranger by Maricar Dizon



Labag man sa kalooban ni Lettie ay wala siyang nagawa kundi ang pumayag sa kagustuhan ng kanyang ama na pakasalan niya si Damon Valencia, ang apo ng matalik na kaibigan ng nasira niyang lola. Iyon ang paraan na naisip nito para mabayaran ang malaking utang ng pamilya nila. Nalulong kasi ang ama niya sa casino.
Ngunit sa unang pagkikita pa lamang nila ni Damon ay hindi na agad maganda ang impresyon niya rito. Sa tingin niya ay mahihirapan siyang pakisamahan ito.
Ngunit nang makasama na niya ito ay na-realize niya na hindi naman pala masama na maging may-bahay nito. Hanggang sa tuluyan nang mahulog ang loob niya rito. Iyon nga lang, alam niyang delikado ang puso niya rito dahil kahit nagsasama na sila ay nananatili pa rin itong estranghero sa kanya. Maraming lihim sa pagkatao nito at isa sa mga iyon ang dumurog sa kanyang puso.

7. PHR 4220 Another Grow-Old-With-You Story by Ezra Lindsey


Bata pa lamang si Gabrielle ay namulat na siya sa magulong mundo ng showbiz dahil sa kanyang ina na dating artista at ngayon ay talent manager ng sikat na banda—ang Out of the Blue. Ang propesyong iyon din ang sumira sa masayang pamilya nila kaya nangako siya sa sarili na hinding-hindi siya papasok sa showbiz kahit pilit siyang hinihikayat ng kanyang ina.
She wanted a simple life. Kontento na siya sa pagiging businesswoman.
Isang araw ay ginulo ng lead vocalist ng Out of the Blue na si Jaden ang mundo niya. Panay ang lapit nito sa kanya, treating her like she was the most beautiful and important woman in his life. Natutuhan na rin niyang mahalin ito pero natatakot siyang tugunin ang damdamin nito.
Pero nang makita niyang may kasama ito na isang magandang babae, naalarma siya at biglang kinalimutan ang mga inhibisyon niya. “Babawiin” niya ito sa babaeng iyon. Sana nga lang ay tama ang gagawin niya dahil sa nakikita niya ay masaya si Jaden na kasama ang babae.

8. PHR 4221 May Bukas Pa (Santanina’s Love Story) by Star Caňete


Hindi type ni Santanina ang masugid na manliligaw niyang si Betong. Paano kasi ay isa lamang magsasaka ito na may maraming sideline. Mag-iisang dekada nang nanliligaw sa kanya ang binata ngunit tuwina ay binabasted niya ito. Ambisyosa siya at ang nais niya ay maging instant milyonarya kaya naghahanap siya ng mayamang mapapangasawa.
Para sa kanya, si Betong ang hadlang sa kanyang mga pangarap. Kaya isang araw ay isinampal niya rito ang katotohanan. Mula noon ay umiwas na ito sa kanya.
Akala niya ay matutuwa siya nang mawala na ito sa buhay niya. Hindi ganoon ang nangyari. Hahanap-hanapin pala niya ito. Bigla ay na-miss niya ang mga pick-up line nito. Nagseselos siya sa bagong nililigawan nito.
May gusto na yata siya kay Betong at handa na siyang lunukin ang kanyang pride at talikuran ang kanyang mga pangarap.
Ngunit paano mangyayari iyon kung nasaktan na niya ito nang labis?

9.
Back to top Go down
 
March 21, 2012 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» new DINO theme
» Hieratic Chaos Deck?
» 2012 Football Harvey Address Book
» Duel Academy Regionals - Swiss Tournament, March 2012

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: