HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 March 14, 2012 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: March 14, 2012 Book Release   Tue Mar 13, 2012 7:41 pm

1. MLH 381 Miguel Encarnacion by Cassandra


Laging naroon si Miguel para kay Elaine. Mula pagkabata hanggang sa paglaki niya ay dumarating ang binata kapag kailangan niya ito. Pangalawa ito sa puso niya, kasunod ng kanyang ama. He was her best friend.
He said he loved her. Of course she knew that because she loved him, too—like a very dear friend.
Pero nang malagay siya sa sitwasyong muntik nang kumitil sa buhay niya at sagipin siya nito, nang hindi ito umalis ng tabi niya at nagsilbing sandalan niya upang malampasan niya ang madilim na bahaging iyon ng buhay niya, bigla siyang napaisip.
What exactly did Miguel mean when he said he loved her? Sa tindi ng pagsasakripisyo nito para sa kanya, dapat ba niyang pagdudahang higit pa sa kaibigan ang pagmamahal na sinasabi nito?

2. PHR 4207 Hot Intruder: Carmelo, The Sweet Intruder by Vanessa


Dahil sa pag-aakalang may taning na ang kanyang buhay, naging adventurous ang konserbatibong si Kate. Ninais niyang gugulin ang nalalabing panahon sa buhay niya sa pagpapakasaya at pagtulong sa isang tao na mabago ang buhay nito.
Isang gabi ay dumating si Carmelo sa buhay niya. Inakala niya noong una na isa itong masamang-loob na nagtatangkang magnakaw sa bahay na pinagbabakasyunan niya. Naging makabuluhan at espesyal ang bawat minuto ng buhay niya dahil dito. Nahiling niya sa Diyos na sana ay habaan pa ang buhay niya para makasama pa niya ang lalaking sa sandaling panahon ay natutuhan niyang mahalin. Pero kasabay ng pagkatuklas niya na hindi pala totoong mamamatay na siya ay ang paglayo nito sa kanya…

3. PHR 4208 A Love For Era by Jessica Sison


When her father—the only man who loved her—died, Era felt so alone. Naroon naman si Ritter na nakahandang dumamay sa kanya pero sinabi niyang hindi niya ito kailangan. But he made her realize she was wrong. She needed him. He offered her his shoulders, his friendship, and later on, his love. Hindi siya nito iniwan at nangakong hinding-hindi siya iiwan. Ganoon siya nito kamahal, at mahal na mahal din niya ito. They planned their future together. At hindi nila hahayaan ang ibang taong sirain iyon. Iyon ang sabi niya noon. They couldn’t be swayed. They wouldn’t give up.
But she did.

4. PHR 4209 Her Prided Love by Gabriev Fuentes


Sa kagustuhang makaganti ni Hera sa talipandas na ex-boyfriend niya ay tiniktikan niya ito. She wanted to put her specialty to use—taking pictures. Gusto niyang mahuli sa akto ang pambababae nito. Ngunit sa halip na tagumpay ang makamit niya, nanganib ang buhay niya. Napagkamalan siyang nag-eespiya sa isang babaero ding politiko para sa pobreng asawa nito.
Dahil sa takot na baka matagpuan na lamang ang kanyang bangkay kinabukasan, napilitan siyang humingi ng tulong sa taong inakala niyang nakalimutan na niya—Jansen Kendrick Uytengco, her first love.
Inaasahan na niyang ipapahiya at tatanggihan siya nito. Kaya ganoon na lang ang pagkagulat niya nang walang sabi-sabing hinalikan siya nito.
Could this be the start of something new?
Hmm…

5. PHR 4210 Our Love Story by Aloha Jade


Paige Garcia was a budding romance writer. Nang tumaas ang sales ng mga libro niya, naging challenge iyon sa kanya na pagbutihin pa lalo ang pagsusulat ng mga kuwentong mas magugustuhan at kagigiliwan ng mga mambabasa. Kaya nagpasya siyang umuwi sa Iloilo para makahanap ng inspirasyon sa bagong kuwentong isusulat niya.
Anton Canseco was a beach bum. Dahil sa panggugulo sa kanya ng ex-girlfriend niya ay nagpasya siyang lisanin ang Manila para mamuhay nang tahimik sa probinsiya, malayo sa dating nobya at sa kahit sinong babae.
Paige and Anton met at the airport. She was looking for love, he was running away from it. They were two opposite poles yet their meeting led to something definitely wonderful.
Hindi inaasahan ni Paige na ang kuwentong maisusulat niya ay walang iba kundi ang kuwento nila ni Anton. Sana lang mabigyan nila ang kuwento ng happy ending.

6. PHR 4211 Just One Reason by Wilhelmina



Para kay Ysh, kailangan nang matigil ang pagmumukmok ni Wing. Hindi niya hahayaang patuloy na nagmamahal ito sa isang babaeng ikakasal na. After all, he was her best friend. Kaya ginawa niyang misyon sa buhay ang i-matchmake ito.
Hindi man interesado si Wing ay napilit niya ito. Hanggang sa wakas, mukhang naka-jackpot na siya at nahanap ang perfect match para dito.
Ngunit hindi niya maintindihan ang sarili. Bakit kung kailan mukhang nakaka-move on na si Wing sa napakatagal na heartbreak nito at sasaya na ito ay hindi siya masaya? Ginawa nga niya ang lahat para mapasaya lang ito, hindi ba?
Isa lang ang sigurado niya: nasasaktan siya na masaya na si Wing sa piling ng ibang babae. Ang tanong, bakit?

7. PHR 4212 Heto Na Ang Pag-ibig by Julianna Ran



Hindi naniniwala si Arita na kailangan niya ng isang lalaki sa buhay niya para maging masaya siya. Hindi pa kasi niya naramdamang magkagusto sa isang lalaki o humanga man lang sa mga ito. Masyadong pihikan ang puso niya at hindi niya iniisip na isang problema iyon.
Hanggang sa makilala niya si Bunsji Ibañez, isang guest sa hotel na pinagtatrabahuhan niya. Taglay nito ang mga katangiang hindi niya inaasahang magpapagulo sa isip at puso niya. Bigla siyang nataranta. Para siyang natutunaw sa mga titig nito. Higit sa lahat, nagdiriwang ang puso niya tuwing sinusundan siya nito at kinukulit kahit sinusupladahan niya ito.
Dumating ang araw na kailangan na nitong umalis at bumalik sa Maynila. Nangako ito na babalikan siya. Umasa ang puso niya sa pangako nito.
Ngunit ganoon na lang ang pagkadurog ng puso niya nang sa muling pagtatagpo ng mga landas nila ay nagbago na ito. Tila wala nang pakialam ito sa kanya.

8. PHR 4213 Mr. Heartbreaker by Laurice del Rio



Mula nang dalawang beses maging biktima ng mga palikerong lalaki si Maryzai ay nagkaroon na siya ng matinding galit sa mga playboy. Kaya buong-buo ang simpatya niya sa kaibigan niyang si Karen nang mag-break ito at ang boyfriend nito na si Charles pagkatapos mahuli ni Karen na may nakakandong na babae sa nobyo nito.
Nagkaudyukan silang magbabarkada na gantihan si Charles. At ang napili ng mga ito na gumanap sa papel ng vigilante queen ay walang iba kundi si Maryzai. Ayaw sana niya pero nang matiyempuhan niya sa isang bar ang lalaki ay nanariwa sa alaala niya ang ginawa sa kanya ng exes niyang kagaya nitong playboy. Kaya nang subukan siyang pick up-in nito ay nagpa-pick up naman siya.
Nagpahabol-habol siya kay Charles. So what kung nag-e-enjoy siya sa pagpapa-hard to get niya? Hanggang sa ma-realize niya na habang mas nakikilala niya ang lalaki ay unti-unti rin siyang nalilihis sa orihinal na misyon niya. Mukhang nai-in love na siya rito.
Dalawa lang ang choice niya: ang pikit-matang sundin ang udyok ng puso niya kesehodang makasakit siya ng damdamin ng iba, o siya na lang ang masaktan.

Back to top Go down
 
March 14, 2012 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» new DINO theme
» Hieratic Chaos Deck?
» 2012 Football Harvey Address Book
» Duel Academy Regionals - Swiss Tournament, March 2012

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: