HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 March 7, 2012 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: March 7, 2012 Book Release   Fri Mar 09, 2012 5:40 am

1. PHR Gothic Romance: My Sunset by Camilla



Upang bigyan ng kasagutan ang mga tanong ni Sunset tungkol sa kanyang pagkatao, sumali siya sa Talinhaga, isang lihim na samahang itinatag para sa pag-aaral ng mga kakaibang elemento, ng mga bagay na mahirap ipaliwanag, at para sa pagkupkop ng mga taong hindi ordinaryo.
Doon ay nakilala niya si Manu, a man whose face looked both young and ancient. Ang kutis nito ay perpekto, hindi pa nagagatlaan ng panahon, hindi namamarkahan ng kapabayaan. Ngunit ang mga mata nito ay sa isang taong nakita at naranasan na ang lahat, mga matang kasintanda na ng panahon, mga matang tila kay tagal nang nangungulila sa kung ano o kung sino.
Manu was the man for her, she learned along the way. Pero sa gitna ng maraming banta sa buhay niya at sa iba pang miyembro ng Talinhaga, tila mas pinangangambahan niya ang nararamdaman niya para kay Manu at sa kung ano ang mayroon sa pagitan nito at ni Jasmine—ang pinakamakapangyarihan sa lahat ng mga kasamahan niya.

2. PHR 4197 Hot Intruder: Isaac, The In Denial Romantico by Maan Beltran


Limang taong huminto sa pagsusulat si Sasha bago niya naisipang bumalik. Ang kaso, kahit ano ang gawin niya ay hindi siya makasulat nang maayos. Wala siyang mahanap na inspirasyon.
To the rescue ang best friend niyang isa ring romance writer. Kailangan lang daw niyang mag-unwind para ma-inspire siyang magsulat. Niyaya siya nito sa beach house ng pinsan nito.
Ngunit sa huling sandali ay umurong ito sa usapan kaya nasolo niya ang beach house. Kaya ganoon na lang ang takot niya nang sa unang gabi niya roon ay may lalaking nanloob sa beach house. Bigla ay natagpuan niya ang sariling isinasabuhay ang isang action story sa halip na love story. Ginulpi niya ang lalaki.
Pero mukhang magkakaroon ng twist ang action story. Gusto na niyang maging love story iyon nang makita niya kung gaano kaguwapo at kasimpatiko ang lalaki…

3. PHR 4198 My Happy Ever After by Skye Reyes


Napilitan si Steffani na magpanggap sa katauhan ng kanyang kakambal na si Stella dahil na rin sa pakiusap nito. Sa kanyang pagpapanggap, nakilala niya si Clovis Alferez, ang lalaking unang nakapagpanginig ng mga tuhod niya sa pamamagitan lang ng mga titig nito. Nahulog ang loob niya rito at naging masaya siya sa piling nito. Subalit hindi niya maipakita rito ang totoong siya dahil ang alam nito ay siya ang class at successful na kakambal niya. Inani niya ang galit nito nang sabihin niya rito ang katotohanan. Their love story ended without a happy ending.
Anim na taon ang lumipas nang magtagpo uli ang kanilang mga landas. Gaya ng inaasahan, hindi pa rin kumukupas ang pagtingin niya rito. Sa ipagtatapat niya rito at sa hawak niyang alas ay nabubuhayan siya ng pag-asa na sa wakas ay magkakaroon sila ng happy ending.
Pero mukhang malabo pa yata sa tubig-kanal na mangyari iyon, dahil natuklasan niyang may pakakasalan na itong iba…

4. PHR 4199 The Quitter And The Persistent Lover by Maan Beltran


Ayaw nang ma-involve ni Charrie sa mga lalaking workaholic. Ayaw niyang magkaasawa ng katulad ng kanyang ama na napabayaan silang mag-ina dahil sa pagiging workaholic nito. Pero dumating sa buhay niya si Rick, isang annulment lawyer at certified workaholic. Binago nito ang paniniwala niya sa mga lalaking workaholic. He made her feel she was his top priority.
Ang puso niyang dating nag-aalinlangan ay lakas-loob na sumubok sa piling nito. Pinanghawakan niya ang pangako nito na kahit ano ang mangyari ay paglalaanan siya nito ng oras.
Tinupad naman nito ang pangakong iyon. Tila sa kanya na umiikot ang mundo nito.
Ang hindi niya inaasahan ay darating pala ang panahong hindi na nito kayang panindigan ang ipinangako nito…

5. PHR 4200 Hot Intruder: Arthus, Ang Pambihirang Farm Boy by Rose Tan


Pumasok sa tindahan ng mga muwebles si Demi para manmanan ang kanyang nobyo. Aksidenteng nakabasag siya roon ng mga mamahaling gamit. At dahil hindi niya kayang bayaran ang lahat ng iyon, pumayag siyang manilbihan sa may-ari ng tindahan na dinala siya sa malayong bayan.
Pero napaslang ang amo niya kaya malaya na siya sa pagkakautang. Ang kaso, sa huling gabi niya sa bahay nito ay pinasok sila ng magnanakaw. Hinataw at iginapos niya ang lalaki kaya nawalan ito ng malay. Pero pagkakita niya kung gaano ito kaguwapo ay hindi niya napigilang titigan ito.
Nakakapanginig ng bikini bottom ang kaguwapuhan ng magnanakaw.
Nang magising ito ay agad niyang itinanong ang pangalan nito. Ito raw si Arthus. At parang tutol ang bikini bottom niya at ayaw tanggapin ng puso niya na ito nga ang salarin.

6. PHR 4201 Three Words, Eight Letters, One Heart by Aya Myers


Ang akala ni Emerry ay perpekto na ang buhay niya dahil nasa kanya na ang lahat—mapagmahal na mga magulang, magandang trabaho, at si Miguel na pinakamamahal niya at mahal na mahal din siya.
Pero pinaglaruan yata siya ng tadhana dahil bigla na lang namatay si Miguel. Sa pagkamatay nito ay parang bula ring naglaho ang mga pangarap nila.
She thought Miguel brought her heart with him and she would never fall in love again. Pero bigla na lang umeksena sa buhay niya ang dating kaibigan niya na si Ryan. Napakaraming pagkakapareho nito kay Miguel at kung umakto rin ito ay animo may karapatan itong pakialaman ang buhay niya.
Hanggang sa matagpuan na lamang niya ang sariling naguguluhan sa nararamdaman niya. Posible bang sabay na magmahal ng dalawang tao ang puso niya? Sigurado siya sa sarili niyang para kay Miguel lamang ang puso niya pero bakit tila nakikihati na roon si Ryan?
Hanggang sa matuklasan niya ang isang kasinungalingan na parehong kinasasangkutan nina Miguel at Ryan…

7. PHR 4202 For The Love Of Jeremiah by Sonia Francesca



Iniwan si Janeth ng kanyang ka-date na si Jaycob—ang bassist ng sikat na bandang Sentinel. Ayos lang iyon sa kanya dahil hindi naman ito ang puntirya niya nang gabing iyon kundi ang guwapong record producer ng banda—si Jeremiah.
Crush niya ito noong una pa lang niyang makita ito. Kaya nang magkaroon siya ng pagkakataon, hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Iyon ang nagbigay-daan para magkalapit sila ng binata at makilala niya ito nang husto. Her crush blossomed into love because he was everything any woman would look for in a man.
Ang kaso, may girlfriend na ito.
Puwede pa siguro siyang sumubok. Tutal, girlfriend pa lang naman ito ni Jeremiah. Naniniwala siyang, all is fair in love and war…

8. PHR 4203 For The Love Of You by Suzette Domingo



Tumakas si Sofia Calig sa kanyang ama at madrasta dahil nais ng mga itong ipakasal siya bilang pambayad- utang. Dahil sa kagipitan, napilitan siyang magpanggap na ibang tao upang makakuha ng trabaho. Naging personal secretary siya ni Anton. May kapansanan ang amo niya sanhi ng isang aksidente. Ngunit sa kabila niyon, hindi niya maintindihan ang kaba at bilis ng pintig ng puso niya tuwing napapalapit siya rito.
Handa siyang ibigay rito ang lahat sa kanya. Ngunit paano kung makabalik na ito sa dating mundo nito, makilala pa kaya siya nito? Higit sa lahat, mahalin din kaya siya nito?

9. PHR 4204 Love At First Fight by Julianna Ran


Kinailangang sugurin ni Beans ang mga taong may atraso sa kaibigan niyang labis na naagrabyado. Wala siyang pakialam kahit mag-isa lang siya at mga lalaki ang makakalaban niya. Ngunit biglang umeksena si Cameron Elejorde—ang crush niya dati ngunit kinaiinisan na niya ngayon dahil para sa kanya ay napakayabang nito. Eh, ano ngayon kung pantasya ito ng kababaihan at mga bading sa eskuwelahan nila? Kaaway ang turing niya rito, lalo na nang ipagtanggol nito ang kaibigan nitong katulad nitong sutil. Nakatikim ito at ang mga kaibigan nito ng masasakit na salita mula sa kanya. Hindi pa sana siya titigil hanggang sa patahimikin ng mga labi nito ang nag-iingay niyang mga labi.
Noon niya napatunayan na ibang usapan na pala kapag natikman na niya ang mga labi nito. Para siyang idinuyan sa ulap—at may hatid iyong pangako ng samut-saring ligaya sa mundo. Ang puso niya ay biglang nalito.
Dahil ba sa isang halik lang ay bibigay ang puso niya sa lalaking itinuturing niyang kaaway?

10. PHR 4205 When Miss NBSB Meets Mr. Bully by Aya Myers


Hindi pa nagkaka-boyfriend si Catherine. Hopeless romantic kasi siya. Ang gusto niya, kapag pumasok siya sa isang relasyon ay dahil mahal niya ang isang lalaki at hindi para magkanobyo lang. Pero wala yatang Prince Charming na nakalaan para sa kanya dahil ni minsan ay wala pang lalaking nagpakabog nang husto sa puso niya.
Hanggang sa umeksena sa buhay niya si Lance Pierro Alvarez. Mayaman ito, matalino, at guwapo. Okay na sana ito—kung hindi lang ito punong-puno ng angas at yabang. Ipinangako niya sa sariling hindi siya magpapadala sa killer smile nito at babale-walain niya ang malalagkit na titig nito.
Pero sadyang palabiro ang tadhana. Dahil nang minsang malagay sa panganib ang buhay niya ay ito ang naroon para sagipin siya, na parang handa itong ialay ang buhay nito huwag lang siyang mapahamak.
Paano pa niya pipigilan ang puso niya na mahulog dito? Ang lakas pa naman ng loob niyang ipamukha rito noon na hindi niya type ito!

11. PHR 4206 Peste Ng Buhay Ko, Laman Ng Puso Ko by Laurice del Rio


Nang magpunta sa ibang bansa ang best friend ni Aileen na si Jojie ay saka niya na-realize na hindi na lang pala pagkakaibigan ang gusto niyang mamagitan sa kanila. Kaya nang sabihin nito na uuwi na ito ay makukulay na pangarap ang sinimulan niyang ihabi—mga pangarap na gumuho on the spot nang malaman niyang may girlfriend na ito. Hindi lang iyon, gusto pa nitong hingin ang opinyon niya kung karapat-dapat na ba nitong pakasalan ang dalaga.
Pumayag siya sa pag-asang kaya niyang sirain ang magandang pagtitinginan ng dalawa. Ang problema ay ang buwisit na si Jace, ang kapatid ng napipisil na mapangasawa ng BFF niya.
Guwapo sana ito pero nuknukan naman ng presko. Siya ang napili nitong pagbuhusan ng abilidad nitong manira ng araw. Ngunit dumating ang puntong parang nagpaparamdam na ito sa kanya.
Deny to death naman siya na nagkakagusto na rin dito, pero nagkaroon ng panahong hindi na niya maitanggi iyon. At noon niya nalaman na malabo naman palang maging seryoso ito sa kanya…

Back to top Go down
 
March 7, 2012 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» new DINO theme
» Hieratic Chaos Deck?
» 2012 Football Harvey Address Book
» Duel Academy Regionals - Swiss Tournament, March 2012

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: