HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 February 28, 2012 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: February 28, 2012 Book Release   Fri Mar 02, 2012 8:23 pm

1. PHR 4186 Hot Intruder: The Romantic Interloper by Dawn Igloria


Love is in the air. Ramdam iyon ni Yesha tuwing magkasama sila ni Jake saan man sila pumunta. She met him at the time she was sporting a heartbreak after her boyfriend jilted her. Ngunit mabilis na pinagaling nito ang sugat ng puso niya. At hindi lang minsan na nangyaring muntik na siyang magpatangay sa passionate side nito.
Kaya lang ay bumalik sa eksena ang ex niya at kinailangan niyang ma-involve uli rito. Huli na nang ma-realize niyang mali ang nagawa niya. Nasaktan na si Jake. Naglaho ito na parang bula.
It seemed she was fated to another heartbreak.

2. PHR 4187 Kissing Liberty by Celine Isabella


Ang buong akala ni Liv ay nakalimutan na niya si Gene del Rosario—ang tanging lalaking inibig niya. Kaya hindi niya napaghandaan na sa muling pagkikita nila pagkatapos ng matagal na panahon ay ito pa rin ang laman ng puso niya. Ngunit hindi tulad noon, mukhang magkakaroon na siya ng pag-asang mapansin at mahalin nito, lalo at mukhang attracted din ito sa kanya.
She started hoping there was a future for the both of them. Saan pa ba papunta ang madalas na paghalik-halik nito sa kanya?
But when she was almost ready to believe nothing else could go wrong, everything started crumbling down...

3. PHR 4188 Un Unexpected Love Story by Cassandra


Hindi naging maganda ang unang pagkikita nina Karissa at ng sikat na aktor na si Randolf Soriano. Bilang baguhang aktres na gustong may mapatunayan sa entertainment industry, isang karangalan para sa kanya ang makasama ang binata sa trabaho. Subalit dagling nawala ang paghanga niya rito nang marinig niya ang negatibong opinyon nito sa kanya.
Pero isang lihim ang nalaman niya tungkol sa totoong pagkatao nito at naging dahilan iyon upang lubusang makilala nila ang isa’t isa. At habang tumatagal ay napapalapit sila sa isa’t isa—hanggang sa umusbong ang isang magandang pagtitinginan sa pagitan nila.
Ngunit hindi pa man nagtatagal ay pumutok ang balitang may relasyon sila ng binata. Nahahati ang damdamin niya sa pag-amin ng totoo at sa maraming pangamba. Paano kung hindi siya gusto ng mga tao para dito? Isusugal ba niya ang kasikatan nito alang-alang sa namumuong pagtitinginan nila?

4. PHR 4189 A True Love Quest by Skye Reyes


Rhian was on her quest to finding her Mr. Right. Sa halip, iba ang natagpuan niya: si Wilther—isang walang-pusong lalaking nagpakulong sa kanya matapos niyang mabangga ang napakagarang sasakyan nito. Sa inis niya rito, napagpasyahan niya na hinding-hindi ito mapapabilang sa listahan ng magiging potential Mr. Right niya.
Pero dala ng isang hindi sinasadyang pagkakataon, kinailangan nitong magpanggap na fiancé niya, samantalang ito naman ay nangangailangan ng singer sa isang okasyon sa restaurant nito. Wala silang choice kundi ang samantalahin ang pangangailangan ng isa’t isa.
Malay ba niyang mahuhulog nang tuluyan ang loob niya rito. Maibibilang na niya ito sa listahan niya ng potential Mr. Right. Ngunit tiyak na mabubura na naman ang pangalan nito nang malaman niyang mahihirapan siyang makipagkompetensiya sa alaala ng ex-girlfriend nito.

5. PHR 4190 Romeo And... Pilar? by Andie Hizon



Dalagita pa lamang si Febe ay super crush na niya si Romeo. Hindi siya makapagtapat dito dahil malayo ang agwat ng mga edad nila at may nobya na ito.
Ngunit nang umalis ang nobya nito ay ipinagkalat na niya sa buong barangay ang damdamin niya para dito. Sa kasamaang-palad, isang malaking JOKE lang iyon para kay Romeo dahil isang batang paslit pa rin ang tingin nito sa kanya.
Patuloy pa rin siyang umasa na mapansin nito. Nang maging kapitan ito sa kanilang barangay at siya naman ay nakapagtapos na ng pag-aaral, ipinagpilitan niyang makapagtrabaho sa barangay hall para araw-araw na makakasama niya ito.
And it was worth the wait! Ang matagal na ipinaghintay niya ay nagbunga nang sabihin nito sa kanya na nagugustuhan na rin yata siya nito. Ngunit hanggang ganoon na lamang siguro sila—dahil nagbalik na ang nobya nito.

6. PHR 4191 Sagot Ng Langit by Laurice del Rio


Pinoy si Kristoff pero hate niya ang Pilipinas, pati na ang mga Filipino. Paano’y narinig niya sa mag-asawang Kano na umampon sa kanya na ipinagbili siya sa mga ito ng kanyang ina. Kaya wala siyang maramdaman ni katiting na kagustuhang makita pa uli ito sa tanang buhay niya. Ngunit kinulit siya ng adoptive mom niya na subukan niyang hanapin ang kanyang tunay na ina. Dahil may sakit ang ina-inahan niya, napilitan siya na sundin ang hiling nito.
Ngunit pagdating niya sa Pilipinas, kamalasan agad ang sumalubong sa kanya. Naging biktima siya ng mga holdupper at kung hindi pa dumating sa eksena si Darlene, malamang na nanakawan na siya o baka napatay pa.
Gustong-gusto namang makarating sa Amerika si Darlene. Nang pakiusapan siya ni Kristoff na tulungan niya ito sa paghahanap sa ina nito, ganoon na lang ang tuwa ng inay niya. Baka raw iyon na ang sagot sa gabi-gabing pangungulit nito sa langit. Hindi siya sang-ayon doon. Paano ay mayabang at antipatiko ang tingin niya kay Kristoff.
Pero nang makilala niya ito nang husto ay lalong tumindi ang dating nito sa kanya. Ang masaklap, nang hulog na hulog na ang loob niya rito, saka niya natuklasan na wala palang ibig sabihin dito ang moments na pinagsaluhan nila.

7. PHR Strange And Beautiful by Princess Faye


Hindi inaasahan ni Prezzy na ilang araw pagkatapos mag-propose sa kanya ng nobyo niya ay mahuhuli niya itong katalik ang sekretarya nito sa loob mismo ng opisina nito. Sinunod niya ang payo ng kaibigan niyang magbakasyon para makapag-isip-isip. She thought then it would help clear her jumbled mind. But she was in for a surprise when she met Doroteo Jose “Dojo” Molina, a six-footer hunk of a jeepney driver-cum-housemate. Dojo was carefree, funny, flirty, and every bit of a man her fiancé wasn’t. Natagpuan na lang niyang tinatangay ng hangin ang matinong kaisipan niya tuwing kasama niya ito. Ang magulong isip niya ay lalo pang nagulo sa piling nito.
She knew she wasn’t allowed to fall in love with another man. She just wished she knew where to find the courage when it was time to leave…

8. PHR 4193 Subukan Mo Akong Mahalin by Camilla


Inis na inis si Yasmin sa security guard ng pinapasukan niyang kompanya dahil kahit panay na ang panonopla niya rito ay patuloy pa rin ito sa pagpapalipad-hangin at pagpapadala ng kung ano-ano sa kanya. Kahit guwapo ito at malakas ang sex appeal, hindi niya type si Lucasio Igipong. Ngunit nang tumigil ito nang barahin ng kanyang masungit na ina, saka niya na-realize na tila nami-miss niya ang pangungulit nito.
Hindi puwedeng in love siya rito. Hindi siya maiaahon ni Luc sa kahirapan…

9. PHR 4194 It’s Just You by Sonia Francesca


Jeni was a very pampered princess to her rich parents. And since she was a princess, she ought to have her own prince. Isa lang ang naiisip niyang maging prinsipe: si Reno, ang kanyang high school ultimate crush. Nang magkita uli sila pagkalipas ng maraming taon, na-realize niya na matindi pa rin ang epekto nito sa puso niya.
Nang malaman niya na nangangailangan ito ng Cinderella—este, sekretarya, mabilis pa sa alas-kuwatrong nag-apply siya para mapalapit dito.
Pero paano kapag natuklasan niya na ang pinili niyang maging prinsipe ay iba pala ang gustong gawing prinsesa? Paano na ang kanyang “happy ever after”?

10. PHR 4195 My Guy by Laurice del Rio


Dalagita pa lang si Marlee ay secret crush na niya si Ryan—ang best friend ng kuya niya, na sa dalas ng pagtambay nito sa bahay nila ay kulang na lang doon na ito tumira. But Ryan broke her young heart when she saw him kissing her best friend.
Nakabuti na rin siguro na namalagi si Ryan sa Amerika. Ngunit pagkalipas ng ilang taon ay bumalik ito sa Pilipinas. Dahil nag-aalala na ang pamilya ni Marlee sa kawalan niya ng love life ay pinakiusapan—pinilit pa nga—ng mga ito na ireto siya ni Ryan sa single friends nito.
Ganoon nga ang ginawa ng binata. Ngunit habang inihahanap siya nito ng prospect, parang nanganganib na mahulog na naman ang loob niya rito. Marlee did her best to control her feelings. Ngunit may hangganan din pala ang kakayahan niyang magpigil. Ang kagandahan lang ng nangyari, sa pagkakataong ito ay mukhang hindi lang siya ang nagkakagusto rito. She could see a glimpse of hope that the feeling is mutual.
Ngunit bigla na lang nagbago ang pakikitungo nito sa kanya. Hindi lang ito nanlamig sa kanya, dinalhan pa siya nito ng bagong ka-date. Isa lang ang ipinahihiwatig ni Ryan sa mga ikinikilos nito. Asa pa siya na may gusto ito sa kanya.

11. PHR 4196 Minsan May Isang Pusong Nagdamdam by Pauline Mei San Juan


May lihim na relasyon si Alexandra kay Caloy—ang anak ng labandera ng pamilya nila. Ngunit nalaman iyon ng kanyang ama. Galit na galit ito sa lalaki. Buo ang paniniwala nito na nananamantala lang si Caloy dahil nakaaangat sila sa buhay. Binantaan siya ng daddy niya na kung hindi niya hihiwalayan ang lalaki ay pahihirapan niya ang buong pamilya nito at ipatatapon pabalik sa probinsiyang pinanggalingan ng mga ito.
Wala siyang nagawa kundi ang makipaghiwalay kay Caloy, pinaniwalang hindi niya mahal ito. Pinalabas niyang ginamit niya lang ito para sa kapakanan ng isang kaibigan at pinagpustahan lamang ng kanyang mayayamang kaibigan.

Sa muling pagkikita nila ay iba na ang sitwasyon. Bumagsak ang negosyo ng pamilya niya at tuluyan na silang naghirap. Samantalang si Caloy ay maunlad na ang buhay. Siya ngayon ang naninilbihan dito bilang isang ordinaryong empleyado. Pinilit niyang iiwas ang sarili dito, kahit pa muling nakikipaglapit ito sa kanya.
Kahit milya-milya pa ang agwat ng estado nito sa kanya, nangangarap pa rin siyang muling mahalin siya nito. Ngunit ano ang laban niya sa kasintahan nitong isang sikat na news anchor at higit na nababagay rito?

Back to top Go down
 
February 28, 2012 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» new DINO theme
» 2012 Football Harvey Address Book
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: