HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 LATEST REPRINTS

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: LATEST REPRINTS   Fri Mar 02, 2012 7:28 pm

PHR 1732 Accidental Hearts by Sonia Francesca


Presko. Iyon ang impresyon ni Rhome kay Byron nang unang beses silang magkita. Ngunit hindi rin niya maitanggi ang atraksiyong nadarama niya para dito. Ni hindi nga niya alam kung paano siya napapayag nito nang imbitahan siya nito para sa isang dinner date. Ngunit sa huling sandali ay bigla namang kinansela nito ang date na iyon; kung kailan nakabihis na siya at handang-handa na. Bumalik tuloy uli ang inis niya rito. Ipinangako niya sa sariling hinding-hindi na niya papansinin ito kahit kailan.
Then she met his twin brother, Bryan. Kabaliktaran ang ugali nito sa ugali ng kakambal. Bryan was more her kind of man.
Ngunit tuwing tititigan niya ito, ang masayang disposisyon ng mukha ni Byron ang nakikita niya… At bakit lihim niyang hinihiling na sana ay si Byron nga ang kausap niya?


PHR 1775 Captain Of My Heart by Sonia Francesca


Sa paghahanap ni Leira sa kanyang “Mr. Right,” iba ang kanyang natagpuan; si Calvin, isang Air Force captain na kasalukuyang hinahanap din ang sarili nitong “Miss Right.” Pareho sila ng mithiin at misyon sa buhay kaya mabilis silang nagkapalagayan ng loob at naging magkaibigan.
Together they set out a quest to find their own true love. Pero nagbago ang lahat nang mag-iba ang tingin niya sa matikas at guwapong kapitan.


PHR 1833 My Sweetheart Cherie by Sonia Francesca


Pangarap ni Cherie na unusual at romantic ang maging pagkikita nila ng lalaking kanyang mamahalin. Ngunit naglaho ang pangarap niyang iyon nang ipagkasundo siya ng mga magulang sa lalaking ni hindi niya gusto. Nagpasya siyang kausapin na lamang si Dwight—ang lalaking ipinagkasundo sa kanya. Dapat na dito manggaling ang pag-atras sa kasal nila. Iyon lang ang tanging paraan para hindi sila makasal.
Ngunit tinanggihan siya ng hudyo. Wala raw itong balak na umatras sa kasal nila.
Kaya imbes na pag-ibig ay galit ang namayani sa kanyang puso. Well, she would make life a living hell for her dear husband-to-be. But when married life slowly sunk in, things started to change. Even the way she saw her husband had changed.
Even the way her heart felt towards him…


PHR 1883 I Love You, Todo-todo, Walang Hinto, Walang Preno by Sonia Francesca


Lumuwas sa Maynila si Reika upang hanapin ang kasintahang bigla na lang naglaho nang araw ng kanilang engagement. Ngunit ang natagpuan niya ay ang lalaking palagi na lamang nagpapakulo ng kanyang dugo; si Matthew, former NBI agent-turned-Patok jeepney driver, na sa kamalas- malasan ay siya ring taong kailangan niya upang makita ang kanyang hinahanap.
Ang problema, tila hindi man lang ito nagdalawang-isip na tumanggi para tulungan siya. Hindi na rin niya inisip na pakiusapan ito dahil wala iyon sa karakter niya.
Ngunit nakialam ang kanilang mga pamilya kaya sa ayaw at sa gusto niya ay mapipilitan siyang makipagkasundo rito.
Pero ang mas malaking problema ay nang makialam din ang puso niya. Natagpuan na lang niya ang sarili na nakikipagkasundo rito nang kusa.


PHR 1770 Goldilocks And Her Prince by Sonia Francesca


Kahit dis-oras ng gabi ay sinugod ni Mae si Lenard sa bahay nito. Galing dito ang subpoena na natanggap niya at nagpapasakit ngayon sa ulo niya dahil sa di-sinasadyang pagkakadisgrasya niya sa bakuran nito.
“We need to talk.” matigas na sabi niya, ngunit ang mga mata ay hindi maiwasang maglakbay sa malapad na dibdib nito at pipis na tiyan. “Magbihis ka nga!”
Pero tila wala itong narinig, sa halip ay nanatili lang itong nakatayo na ang tanging saplot sa katawan ay boxer shorts lang.
“You’re in my house so don’t you raise your voice on me, Miss. At tungkol sa subpoena, abogado ko na ang kausapin mo. Now, get out or I’ll take of my boxers in front of you.”
Natigilan siya, awang ang bibig na hawak pa rin ang subpoena. Nang marinig niya ang tinig nito ay tila noon lang muling nagbalik ang kanyang katinuan, ngunit hindi ang normal na tibok ng kanyang puso.


PHR 1857 I Do… Take Two by Sonia Francesca


Panay ang parinig ng mga kaibigan ni Dallas sa kanya. Siya na lang kasi ang unattached sa kanilang magkakaibigan. Ang hindi alam ng mga ito, may asawa na siyang naiwan sa Australia.
Hindi sana malalaman ng mga ito ang tungkol doon kung hindi nagpakita ang magaling niyang asawa. Ang buong akala niya ay susunduin na siya nito, na sasabihin nitong bumalik na siya rito dahil hindi ito mabubuhay nang wala siya sa tabi nito.
Pero ang hudyo, sa halip na manikluhod, iwinagayway sa harap niya ang divorce papers nila!




Back to top Go down
 
LATEST REPRINTS
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Latest News on DCC
» British Comic Reprints
» Spoiler Alert !! Latest in saraswati Chandra
» Watching Latest Movies Online
» Latest Promo of Na Bhole Tum WU

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: News & Announcements-
Jump to: