HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 February 22, 2012 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: February 22, 2012 Book Release   Wed Feb 22, 2012 7:04 am

1. PHR 4175 The Princess And The Pauper’s Love Story by Mei Sanchez


Para kay Patrice, minsan lang siya magmamahal at panghabang-buhay iyon. Kaya kahit matagal na siyang iniwan at kinalimutan ni Thorne, mananatiling ito ang lalaking nakatago sa puso niya. Kahit ngayong nakatakda na siyang ikasal sa iba.
Ngunit sa kung anong biro ng tadhana, sa mismong gabi ng engagement niya ay natagpuan niya si Thorne, at natuklasan niyang sa loob ng mahabang panahon ay hindi siya kinalimutan nito. Sadyang pinagtulungan lang silang hadlangan ng lahat ng nasa paligid nila.
Sa pagkakataong iyon, handa na ba silang labanan ang lahat ng nagnanais na mapaghiwalay sila?

2. PHR 4176 Extra Rice At Ikaw by Yna Paulina


Henri was fat with a capital “F.” But she didn’t care. Eh, ano kung umiikot ang mundo niya sa extra rice at sangkaterbang servings ng ulam? Eh, ano kung tumatamis ang araw niya dahil sa kakakain ng chocolates? Eh, ano ngayon? Ang importante, masaya siya.
Noon naman dumating si Mitchi, isa pang “F” as in “feeling.” Feeling-guwapo at feeling-magaling. Super-feeling talaga, dahil nang unang beses na makita siya nito ay tinawag pa siya nitong “Panda!”
But one day, she found herself falling for Mitchi. Suddenly, he was more important than extra rice.
But does he feel the same? And if he does, can she believe him?

3. PHR 4177 The Key To Your Heart by Sheyah


Inis na inis lagi si Ayeka kay Arkel, ang anak ng madrasta niya. Tila layunin nito sa buhay ang asarin at pagtawanan siya. Kung gaano ka-sweet ang mama nito, ganoon naman kasama ang ugali ng binata. At nang hindi na niya matagalan ang ugali nito, nagdesisyon siyang umalis ng bansa.
Sampung taon ang lumipas bago siya nagdesisyong bumalik. Hindi sinasadyang nagkita sila nito, natanto niyang hindi pa rin pala niya nakakalimutan ang mga kasalanan nito sa kanya. Kaya determinado siyang iwasang magsanga ang mga landas nila. Pero dahil sa isang malaking katangahang nagawa niya, napilitan siyang tanggapin na hindi niya matatakasan ito. At sa kabila ng pagtotodo-effort niya upang huwag mahulog sa charm nito, natagpuan na lamang niya ang sarili na unti-unting nahuhulog dito.
Handa na ba siyang kalimutan ang nakaraan at lahat ng mga kasalanan nito sa kanya at hayaan itong pumasok sa kanyang puso?

4. PHR 4178 Sweeter At First Sight by Rose Tan



Hindi matanggap ni Apple na may iba nang mahal ang ex-boyfriend niya kaya naisip niyang kasabwatin si Brian—ang ex-boyfriend ng babaeng ipinalit sa kanya—para mapabalik sa kanya-kanyang piling ang mga ex nila na naligaw ng kandungan. Pero nang makita niya ang lalaki, natulala siya sa kaguwapuhan at kakisigan nito.
Pumayag naman ito sa gusto niyang mangyari ngunit may natuklasan siya: Ito pala mismo ang utak kung bakit nagkalapit ang mga ex nila. Nagalit siya rito. Para mapakalma siya, naghain ito ng isang proposal:
“Walisin mo na siya sa sistema mo. Ako ang ipalit mo,” anito.
Thinking about it, she realized it was not a bad idea…

5. PHR 4179 Lovefinder Postscripts: Heart’s Secret (Winston And Maxine) by Victoria Amor


Boredom ang nagtulak kay Maxine para tanggapin ang para sa kanya ay nakakatawang trabaho—ang mag-imbestiga tungkol sa kulto na nananahan sa isang liblib na nayon ng Marciana na diumano ay nababalot ng hiwaga. Sa trabahong iyon ay nakilala niya si Winston, ang lalaking naroon naman para mag-ghost hunting kasama ang kaibigan nito. Habang siya ay bagot na bagot sa gitna ng gubat, ito naman ay aliw na aliw na dino-document ang activity ng kulto na sinusubaybayan niya. Ngunit pagkaraan ng ilang araw ay tila sa kanya na natuon ang interes nito. Anumang iwas niya rito ay ayaw naman nitong paawat sa pagsunod-sunod sa kanya.
Naisip niyang daanin ito sa gulatan para tantanan siya. Pinarusahan niya ito. Basta na lang niyang hinila ito, isinandal sa puno, at siniil niya ito ng halik habang tinatanglawan sila ng liwanag ng buwan. Ngunit sa halip na magulat ay tinutugon nito ang mga halik niya!
Nang mga sumunod na araw ay siya na ang may problema. Hindi na kasi mawala-wala sa isip niya ang mga halik nito…

6. PHR 4180 Falling For The Klutz Prince by Dawn Igloria



Dahil sa sandamakmak na konsumisyon at kamalasang dala ni Ronin sa buhay ni Joy, lahat ng paraan para makaiwas siya rito ay ginawa na niya. Kulang na lang ay humiling siya sa Diyos na pagkalooban siya ng ESP para lang makasiguro na hindi magkukrus ang mga landas nila ni Ronin.
Kung bakit kasi kahit alam nito na allergic siya rito ay sunod pa rin ito nang sunod sa kanya. Hindi na baleng umaapaw ang ka-cute-an nito kung lagi naman siyang damay sa mga mishaps nito. Feeling nga niya ay OA na ang pag-iwas niya rito.
Pero ang sabi nga nito, parte raw ng charm nito ang pagiging makulit na prinsipe ng mga klutz. At namalayan na nga lang niya na nahuhulog na siya sa charm nito.

7. PHR 4181 Paano Ang Tayo? by Odessa Kathrina


Napilitan si Leya na iwan ang pamilya niya sa probinsiya upang tumakas kay Greg—ang masugid at malupit na manliligaw niya. Sa pakikipagsapalaran niya sa Maynila ay nakilala niya si Lyandro. Nagkataon naman na kamukha niya si Angeline, ang asawa nito na matagal nang nawawala at pinaniniwalaang namatay na sa isang trahedya sa dagat.
Nagkalapit sila ni Lyandro at unti-unti ay nahulog ang loob niya rito, hanggang sa minahal na niya ito nang husto. Natuwa siya nang magtapat ito ng pag-ibig sa kanya.
Ang akala niya ay maayos na ang lahat. Subalit nagbalik si Angeline na totoong asawa ni Lyandro na inakala nilang patay na.
Paano ang pangako ni Lyandro sa kanya na hindi siya iiwan at pababayaan nito gayong nariyan na ang tunay na nagmamay-ari ng puso nito?

8. PHR 4182 Reto Ni Sir by Wilhelmina



Gustong-gusto si Frances ng coach niya sa table tennis para sa anak nito. Tinutudyo pa siya nito na magiging manugang daw siya nito. Pumayag siyang makilala ang anak nito. Pero nainis siya dahil tuwing magkikita na dapat sila ng anak nito, lagi iyong hindi natutuloy.
Then she met Collin. Ikinuwento niya rito ang tungkol sa lalaking imina-match sa kanya. Napangiti ito at pagkatapos ay naging extra sweet at attentive sa kanya. Dahil doon ay nagsimula na siyang ma-conscious. Inisip niyang may gusto rin ito sa kanya. Pero nagkamali siya. Nawawalan na siya ng pag-asang mapansin nito kaya masakit man ay nagpasya na siyang umiwas habang maaga at subukan na lamang kilalanin ang lalaking inirereto sa kanya. Baka sakaling mabait din iyon gaya ng kanyang coach.
At doon niya nalaman na si Collin at ang anak ng coach niya ay iisa.

9. PHR 4183 Casey’s Secret Recipe by Athena de Lara


Pagkalipas ng sampung taon, bumalik si Casey sa Pilipinas sa pag-aakalang nalimutan na ng lahat ang kanyang madilim na nakaraan. Pero nagkamali siya. Dahil hindi pa man siya nagtatagal sa bansa ay ginulo na siya ng mga tao sa kanyang nakaraan. At isa na roon si Gideon, ang lalaking naging malaking parte ng nakaraan niya.
Tatakas na sana uli siya rito pero dalawang bagay ang pumigil sa kanya. Una ay ang kagustuhan niyang makasama uli si Gideon kahit kumokontra doon ang kanyang puso at pangalawa, nais niyang matiyak ang sapantaha niyang mayroon itong inihahandang sorpresa sa kanya.
Aminado siyang mahal pa rin niya ito kaya nakahanda siyang ayusin ang gusot na namagitan sa kanila. Mukhang ganoon din ang saloobin nito kaya nagkasundo silang ibalik ang dating magandang samahan nila.
Maayos na sana ang lahat. Kaya lamang ay nalaman niyang ikakasal na pala si Gideon sa iba at inililihim lamang nito iyon sa kanya.

10. PHR 4184 Love, Camera, Action! (His Protective Custody) by Haze Prado


Simple lang ang gusto ni Monique sa buhay—ang magkaroon ng guwapo at mayamang asawa. Pero hindi simple lang ang mga pangyayari sa buhay niya. Una, natanggal siya sa trabaho. Pangalawa, nakasaksi siya ng isang krimen. Dahil doon ay nasa panganib ang buhay niya.
Ang akala niya ay katapusan na niya. Pero dumating si Yuri at nagboluntaryong maging tagapagligtas niya. Ginawa nitong kasiya-siya ang bawat sandali na binabantayan siya nito sa mismong bahay pa nito. Hindi tuloy niya napigilang magpantasya na ito na ang hinihintay niyang guwapo at mayamang groom. Dahil maganda ang pakikitungo nito sa kanya, naisip niyang kagaya niya ay pinapantasya rin siya nito para maging better half nito.
Iyon pala… Para makabawi sa kasalanang nagawa, nang hindi nito naprotektahan ang babaeng mahalaga sa puso nito…

11. PHR 4185 You “Maid” Me Love Again by Andie Hizon



Being in love was not Donna’s priority at the moment. Siya kasi ang breadwinner ng kanilang pamilya. Hanggang nagkrus ang mga landas nila ni Micah, ang binatang nagligtas sa buhay niya noon at ngayon ay amo niya. He was her superhero.
Pero hindi pala pang-superhero ang ugali nito. Ito na yata ang hari ng kasungitan at tila galit ito sa mundo. Ngunit sa kabila ng mga katangian nitong iyon ay natagpuan niya ang sariling nahuhulog pa rin ang loob dito. She fell hard. Ang problema, hindi niya alam kung may balak itong saluhin siya.
Back to top Go down
 
February 22, 2012 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» new DINO theme
» 2012 Football Harvey Address Book
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: