HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 February 15, 2012 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: February 15, 2012 Book Release   Wed Feb 15, 2012 5:46 am

1. PHR 4163 Hot Intruder: The Devious Intruder by Dream Grace


Jhoan’s life revolved around her family’s inn. Mahigpit na tinututulan niya ang pagtatangka ng ibang kamag-anak niya na ibenta na lamang iyon dahil hindi na kumikita iyon gaya ng dati. Para kasi sa kanya, ang inn ang tanging tahanang mayroon siya. Iyon na lamang ang nalalabing alaala sa kanya ng ina-inahan niyang si Nenita Serafin.
Subalit sa pagdating ni Anthony Blakeney sa buhay niya, isang bagong pinto ang nabuksan sa kanya. She fell for his rakish good looks and his witty words. But most of all, he made her believe there was a possibility for a new home with him.
Ngunit gumuho ang papausbong na pangarap niya nang matuklasan niyang kasabwat pala ito ng kanyang mga kamag-anak sa pag-agaw sa tanging tahanang mayroon siya.
Hindi lamang iyon. Imposible rin pala ang inaasam niyang buhay sa piling nito dahil mayroon itong ibang babaeng minamahal at ang babaeng iyon ang nais nitong pag-alayan ng pinakamamahal niyang inn.

2. PHR 4164 Isipin Mong Basta’t Mahal Kita by Camilla


Laking-Amerika si Avril Scotley—maganda, mayaman, sosyal, at Inglesera. Samantalang si Gaz Bucaliong ay laking-Tondo; ang matipunong pangangatawan nito ay bunga ng pagbabatak ng buto sa trabaho. Tinagurian itong “maginoo pero medyo bastos.” Malayo man ang agwat ng estado nila sa buhay ay napatunayang hindi imposible na magkaroon sila ng unawaan.
Pero hindi yata nangyayari sa totoong buhay ang mga kuwento sa mga nobela at pelikula.
“I made you my boyfriend just for the heck of it. I was bored, I needed fun—and you were there, drooling over me.” Parang bombang sumabog kay Gaz ang sinabing iyon ni Avril. Pero mas matindi ang sakit na nadama niya nang makitang may kayakap itong iba.
After two years, bumalik si Avril sa bansa dahil ayon sa kanyang ama ay dalawang taon ding walang kinang ang mga mata niya. Makipagbalikan na raw siya sa lalaking nagnakaw ng kinang na iyon.
Ngunit maibabalik pa kaya iyon gayong ni ayaw na siyang harapin ni Gaz?

3. PHR 4165 Writers Of Love, Writers In Love: Ever After In Neverland by Allie Sia Alonzo


Tinkerbelle had known Pete since forever. He was there when she was born, and the first word she learned was his name. Ito rin ang balak niyang gawing groom balang-araw. But Pete did not see her as a wife-material. His eyes were forever glued to Alyanna, his best friend, his Wendy.
Pero type na type niya si Pete kaya wala siyang choice. She had to do the hard work of making him fall in love with her.
Wala man siyang pixie dust katulad ng kapangalan niyang fairy na si Tinker Bell, may baon naman siyang sandamakmak na lakas ng loob. May pag-asa kaya ang Pete–Tinkerbelle love story?

4. PHR 4166 Out Of Eden by Noelle Arroyo


Hindi pa man personal na nagkikilala, matagal nang inis si Stelle kay Andrew—ang binatang apo ng mabait na kaibigan niyang si Lola Mariz. Sa tingin kasi niya ay pinapabayaan nito ang abuela. Laging nangangako ang binata na dadalawin ang matanda, pero hindi natutuloy iyon.
Sa wakas ay nakilala niya ito. She never thought he was so handsome. Pero nadagdagan ang inis niya rito dahil sa paninisi nito sa kanya sa diumano ay pagsulsol niya sa lola nito para bilhin ang isang building.
Pero sa paglipas ng mga araw, nalaman din nito na inosente siya sa ibinibintang nito. Doon na sumidhi ang atraksiyong nadama niya rito mula pa noong unang makita niya ito. Hindi na niya maiwasang ma-curious sa mga bagay na dati ay nababasa lang niya. Suddenly, she was curious to discover things about romance. Dahil sa edad na twenty-four—at bilang isang dating nobisyada—wala pa siyang praktikal na kaalaman tungkol sa pag-ibig.

5. PHR 4167 Writers Of Love, Writers In Love: Twinkle’s Wish by Allie Sia Alonzo


Achilles had a warm gentle smile that would render gifts, leaving Twinkle breathless. Umaabot ang mga ngiti nito sa mga mata nito na tila masaya itong nakikita siya. He smiled and looked at her as if she was the only person who mattered. Ngiti pa lang nito ay nagpapaulan na ito ng charm. Paano na kaya kapag nagsalita pa ito? Despite this effect on her, she was intimidated by him. May takot din siyang nararamdaman dito. Kaya isang palaisipan iyon sa kanya.
Sa buong buhay niya, ngayon lang niya naramdaman na parang may live wire sa katawan niya tuwing nagkakatinginan at nagkakadikit sila. Samantalang noon, kapag isinusulat niya ang ganoong klaseng pakiramdam sa mga pocketbook, buo ang paniniwala niya na exaggeration lang ang lahat.
Now she had a clearer understanding of what she was writing about by having a first-hand experience. Sana lang, hindi siya nagkakamali ng palagay at hindi rin isang exaggeration ang nakikita niya na ganoon din ang nararamdaman ni Achilles sa kanya...

6. PHR 4168 Aseron Weddings: Crawling Back To You by Dream Grace


Batid ni Mayet na si Irvine Aseron ang huling taong magnanais na tulungan siya sa custody battle niya para sa pamangkin niya laban sa stepfather ng bata. Bagaman minsang naging magkasintahan sila ni Irvine, hindi naging maganda ang paghihiwalay nila.
Subalit wala na siyang iba pang malalapitan kundi ang maimpluwensiyang pamilya nito. Kinailangan niyang lunukin ang pride niya alang-alang sa kanyang pamangkin. Ang hindi niya inaasahan ay ang pakikialam ng lolo nito at pagpapaniwala rito na anak nito sa kanya ang bata.
Alam niyang dapat niyang itama ang maling akala nito. Pero sa huling sandali ay hindi niya ginawa dahil isang tanong ni Lolo Nemo ang nagpabago ng isip niya.
“Do you want another chance with Irvine, Mayet?”
But did she really want the man she loved to stay with her just because he thought her niece was their daughter? At paano kapag nalaman nito ang totoo?

7. PHR 4169 Finally! One True Love by Gabriev Fuentes


Sa edad na dalawampu’t pitong taon ay lumalagapak na “single” pa rin ang status ng love life ni Marchesa. She never had a boyfriend despite the hordes of men trying to woo her heart away. Hindi kasi niya naramdaman sa mga ito ang “spark” na hinahanap niya sa isang lalaki.
Hanggang sa makilala niya si Train. Gayon na lang ang tuwa niya nang maramdaman niya rito ang “spark.” She was pretty sure he felt it, too. So she boldly told him: “I like you. Will you go out with me?”
She was expecting a positive answer but then he answered: “Let’s just be friends, Marchesa.”
Lumagapak yata sa sahig ang puso niya.

8. PHR 4170 My Life’s Missing Color by Nicka Gracia


Mula pa noong college ay “masugid na manliligaw” na si Leah ni Red. Kahit palagi siyang sinusupladuhan nito ay hindi niya iyon alintana. Aba, boto yata sa kanya ang buong pamilya nito. Isa pa, napatunayan niya sa sarili niya na mahal niya talaga ito. Naniniwala siyang mare-realize din ni Red na siya ang babae para dito.
Handa siyang gawin ang lahat ng paraan para mahalin nito kaya nang i-suggest sa kanya ng best friend niyang subukan niyang dead-mahin si Red sa pagbabaka-sakaling mami-miss siya nito ay ginawa niya iyon. At tila effective ang paraang iyon dahil nararamdaman niyang unti-unti, nagle-level up ang pagtingin sa kanya ni Red.
Asang-asa na siyang nagkakapuwang na siya sa puso ni Red nang matuklasan niyang may babaeng matagal na pala nitong minamahal…

9. PHR 4171 My Pretty Sweet Serenade by Juris Angela


Kontento na si Serenade sa simpleng buhay niya kasama ang mga kapatid at kaibigan niya na palaging nasa tabi niya at handang sumuporta sa kanya. Her goal was to make her business successful. Kaya doble ang pagsisikap niya. Until she woke up one day realizing her life was such a bore. Wala man lang nangyayaring exciting sa buhay niya.
Hanggang sa nakilala niya si Michael. He personally gave his compliment to her isang araw na kumain ito sa restaurant niya. Hindi niya inaasahan na magkukrus ang mga landas nila sa dalawang magkasunod na pagkakataon na naging simula ng madalas na pagkikita nila. Nagising na lang siya isang araw na tumitibok ang puso niya para dito.
Ngunit ano ang gagawin niya kung biglang may lumapit na babae sa kanya at magpakilalang fiancée nito? Had he been lying to her all along?

10. PHR 4172 Meet Me In The Bukid by Nicka Gracia


Dahil sa paghahanap ni Catherine sa karugtong ng nobela ng kanyang great great grandfather, napadpad siya sa Isabela. Doon ay nakilala niya si Zephyr na hindi lang ubod ng sungit, allergic pa sa mga modelong tulad niya. Kaya naman pala ganoon ito ay dahil iniwan ito ng dating nobya nito na isa ring modelo.
Ngunit isang araw, sa anong kadahilanan ay nagbago ang ihip ng hangin. Bigla itong bumait sa kanya. Tuloy, hindi ang kalahati ng nobela ang natagpuan niya kundi ang kalahati ng puso niya—sa katauhan ni Zephyr. Kahit sandaling panahon lang silang nagkasama ay minahal na niya ito. Wala man silang pormal na usapan tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila, sapat na sa kanya ang nararamdaman nila sa isa’t isa.
Ngunit darating pala ang pagkakataon na papangarapin niyang sabihin nito sa kanya na mahal din siya nito. Dumating kasi sa eksena ang dating nobya nito at nakikipagbalikan ito kay Zephyr. Handa na raw itong mamuhay sa rural life.
Handa rin naman siyang i-give up ang career niya para kay Zephyr. Pero paano niya ipaglalaban ang pag-ibig niya kung siya mismo ay hindi confident sa nararamdaman sa kanya ni Zephyr?

11. PHR 4173 You Had Me At Hello by Aya Myers


Ten years ago, kinailangan ni Kristina na lisanin ang bansa dahil sinaktan ni Jared Montecillo ang batang puso niya. Ngayon ay nasa Pilipinas na uli siya. At kailangan niyang harapin si Jared. Because she had to marry him. Iyon ang nakasaad na kondisyon sa last will ng lolo niya at kung hindi niya gagawin iyon ay idi-dissolve ang tatlong charity foundation na itinatag ng lola niya at ng lola ni Jared. Hindi niya maatim na hayaang mangyari iyon, lalo at marami ang umaasa sa foundation.
Sigurado siya sa sarili na matagal na niyang naibaon sa limot ang damdamin niya kay Jared. Ngunit bakit isang halik lang nito ay natunaw na ang lahat ng depensa niya?

12. PHR 4174 Hot Intruder: Intruder With A Mission by Laurice del Rio


Sa sobrang pagkaimbiyerna ni Ayen sa pamilya niya ay nagpasya siyang maglungga muna sa bahay na ipinamana sa kanya ng lola niya. Sure siya na hindi siya bubulabugin ng mga ito roon dahil takot lang magpunta roon ng mga ito. Noon pa kasi napapabalitang haunted iyon. Pero siya, sarado ang third eye niya kaya malakas ang loob niyang manatili roon kahit mag-isa lang siya. Ang mas mahalaga ay magkaroon ng peace and quiet sa buhay niya kahit sandali lang.
Ngunit nagkamali siya. Unang gabi pa nga lang niya sa bahay ay nilooban na siya ng isang lalaking noong una ay napagkamalan pa niyang kapre, ang pinaka-macho at pinakaguwapong kapre na nasilayan niya sa tanang buhay niya.
Hindi pala ito maligno. Sa halip ay may mahalagang sadya ito kay Lola Tonya. Pero dahil patay na ang matanda ay nakiusap ito na magsasaliksik na lang sa bahay para sa kung ano mang hinahanap nito.
Naintriga siya kaya nakihanap na rin siya. Pero imbes na ang hinahanap ni Ivan ang makita niya ay ang damdaming hindi pa niya nararanasan ang natagpuan niya.
Akala niya noong una ay masarap magmahal. But later, she discovered how painful it could really be. Malabo palang mahalin din siya ni Ivan.
Back to top Go down
 
February 15, 2012 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» new DINO theme
» 2012 Football Harvey Address Book
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: