HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 February 8, 2012 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: February 8, 2012 Book Release   Wed Feb 08, 2012 10:08 am

1. PHR 4153 Villa Catleya: Mad Love by Belle Feliz

Isang matinding writer’s block ang dinaranas ng romance novelist na si Anne. Para makapagpahinga at para na rin makahanap ng inspirasyon, sumama siya kay Nigel nang umuwi ito sa probinsiya nito sa Mahiwaga.
Doon ay naramdaman niya ang pagmamahal at pagtanggap ng isang pamilya—bagay na hinahanap-hanap niya. At dahil na rin puno ng pag-ibig ang magandang lugar na iyon, nanumbalik ang drive niya sa pagsusulat. Naging masaya ang pananatili niya roon, lalo na’t kasama niya si Nigel.
Ngunit isang halik ang nagpabago sa kanilang relasyon. Nais man niyang mahalin ito nang buong-buo ay sarisaring negatibong damdamin ang pumipigil sa kanya. Magagawa ba niyang palisin ang mga iyon upang makapiling ang binata?


2. PHR 4254 Love And Lies by Akira Ellie



Hindi lang ang pagiging vocalist ni Jessie sa bandang Picayz ang dahilan kung bakit sikat siya sa Saint Raphael University. Kilala rin siya sa bansag na “snob, heartless, unfeeling bitch” dahil sa hindi niya pagpansin sa mga lalaking pilit lumalapit sa kanya. Then she met Nathan Valdez. Dahil sa kapatid nito ay kumalat sa buong campus na “magkasintahan” sila ni Nathan. At tila hindi tumalab sa lalaki ang mga bansag sa kanya. Nagawa pa nitong ialok sa kanya na magpanggap sila bilang magkasintahan. Kailangan nito ang tulong niya para makaiwas sa babaeng naghahabol dito.
The next thing she knew, napapayag na siya nito sa alok nito. Inisip niyang pareho silang makikinabang doon. Ngunit hindi niya inaasahang madaragdagan ang mga dahilan niya sa pagpayag niyang iyon.
At ang dahilan na iyon? She started to fall for Nathan…

3. PHR 4155 Bakit Ikaw Pa Ang Minahal? by Camilla

Hindi matatawaran ang utang-na-loob ni Perrina kay Marisol at sa mga magulang nito. Kaya nang lihim na umibig siya sa matalik na kaibigan niyang si Buck—na nagkataong nobyo ni Marisol—pilit niyang nilabanan ang kanyang damdamin.
Pero nagkaroon ng lamat ang relasyon nina Buck at Marisol dahil sa isang napakalaking kasalanang ginawa ng babae na tila kailanman ay hindi na mapapatawad ni Buck.
At sa isang gabing dinamayan niya si Buck sa pagdadalamhati nito—at dala na rin marahil ng alak na ininom nila—natagpuan niya ang sariling isinusuko rito ang lahat sa kanya.
Gusto niyang pagalitan ang sarili. Paano niya ngayon haharapin si Marisol? At ano ang sasabihin niya kay Buck? Pakiramdam niya ay pasan niya ang mundo at wala siyang ibang pagpipilian kundi ang lumayo…

4. PHR 4156 Sorry Kung Mahal Kita by Camilla

Hindi inasahan ni Renata na sa pagtulong niya sa isang matandang nawalan ng malay sa harap niya ay magbabago ang takbo ng mundo niya. Inampon siya ng matanda at dinala sa bahay nito sa probinsiya. Doon ay nakilala niya si Jotham, na noong una ay masungit pero kalaunan ay naging sweet sa kanya. Hindi niya naiwasang mahulog ang loob dito.
Pero alam niyang bawal iyon. Kahit nararamdaman niyang tila espesyal din ang turing nito sa kanya, ayaw niyang umasa. Literal na langit at lupa ang agwat ng mga buhay nila. At nariyan pa ang ina nito na sinigurong hindi mauugnay sa tulad niya si Jotham…

5. PHR 4157 Writers Of Love, Writers In Love: My Twisted Sunshine by Allie Sia Alonzo

Sasha had been in love with Kael since she heard and saw him reading a poem. He was like poetry himself, beautiful with a touch of mystery—dahil biglang nawala ito at hindi niya alam kung saang sulok ng mundo niya hahagilapin ito.
Until she succumbed to her friend’s witchcraft. Alin lang sa dalawa: magaling itong gumawa ng lovespell, o talagang aksidente lang na biglang lumitaw si Kael sa harap niya.
Pero nang malaman nito ang pagsinta niya ay wala itong sinabi sa kanya kundi: “stay away from me, Sasha. I can’t love you.”
Naka! Daanin na kaya niya ito sa santong paspasan?

6. PHR 4158 Hot Intruder: The Reckless Intruder by Dream Grace

Nang mabalitaan ni Bliss na bumili ng bahay sa village na tinitirahan niya si North, naisip niyang gumawa ng paraan upang mapansin siya nito. She sent him gifts with cards saying they all came from his secret admirer.
Subalit isang pagkakamali pala ang nagawa niya. Dahil hindi si North ang lalaking lumipat sa bahay na inakala niyang nabili ng lalaki kundi ang pinsan nitong si Kion Campbell Navarre, the mouth-wateringly gorgeous bad boy heir to the Campbell wealth.
At sa malas, inakala nito na isa siya sa mga nagbabalak ng masama laban dito kaya pinasok nito ang bahay niya at pilit siyang pinaamin kung sino ang nag-utos sa kanyang pagbantaan ang buhay nito.
Akala niya ay si North ang kapalaran niya. But she soon found herself falling for Kion, the man who recklessly stole her heart after he intruded in her life.

7. PHR 4159 Villa Catleya: A Very Special Love by Belle Feliz

Almost perfect—iyon ang buhay ni Hannah. Halos lahat ng bagay ay nakukuha niya maliban sa isa—ang pag-ibig ni Jeff Mitchel. Ordinaryo at boring man ang tingin ng iba rito, ito ang pinakaespesyal na lalaki para sa kanya. Ngunit kahit ano ang gawin niyang pagpapapansin dito, hindi pa rin niya kayang hulihin ang puso nito. Halos magmakaawa na siya rito na siya na lang ang mahalin ngunit hindi pa rin siya ang pinili nito.
Muli silang nagkita sa Villa Cattleya pagkalipas ng maraming taon.
Doon ay nakatagpo niya ang isang lalaking higit pa rito at hindi siya sasaktan. Ngunit ang nakapagtataka, ito pa rin ang nakikilala ng puso niya...

8. PHR 4160 Villa Cattleya: Crazy Love by Belle Feliz


teaser to follow

9. PHR 4161 Villa Cattleya: Destined Love by Belle Feliz



Maagang naranasan ni Glanys ang lupit ng pag-ibig. She believed that falling in love was painful. Kaya ipinangako niya sa sarili na hindi na siya iibig uli kung masasaktan din lang siya.
Hanggang sa dumating sa buhay niya si Adam, isang sikat na rockstar. He rocked her world. He made her laugh a lot. Tila galing ito sa ibang mundo. He was not her type. Ngunit nahulog pa rin ang loob niya rito at tuluyan na siyang nawalan ng kontrol sa damdamin niya.
Kung matatanggap nito ang lahat ng tungkol sa nakaraan niya at mamahalin pa rin siya nito sa kabila ng lahat, magiging masaya na ba siya sa wakas?

10. PHR 4162 Villa Cattleya: One True Love by Belle Feliz


teaser to follow
Back to top Go down
 
February 8, 2012 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» new DINO theme
» 2012 Football Harvey Address Book
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: