HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 February 1, 2012 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: February 1, 2012 Book Release   Wed Feb 01, 2012 11:00 am

1. PHR 4144 Don’t Mess With My Heart by Heart Yngrid



Nang dahil sa maling label ng botelya ng gamot, hindi alam ni Bea na ang iniinom pala niyang pills ay hindi food supplement kundi isang antianxiety drug. Nalaman lamang niya iyon nang magsimula siyang makaramdam ng heart palpitations at madaling pagkahapo.
Nang magpatingin siya sa isang cardiologist—na ubod ng guwapo at kisig at may overflowing na sex appeal—ay nalaman niyang nagkaroon ng diperensiya ang kanyang puso dahil sa long-term at hindi tamang pag-inom ng gamot na iyon. Nang mga sandaling iyon ay nagpa-palpitate ang kanyang puso sa kilig habang nakatunganga siya sa kaguwapuhan nito. Gusto niyang ipagamot dito ang kanyang puso—literally and figuratively. Pakiramdam niya ay handa na uli siyang umibig. Ngunit may prescription ito na tila saglit na nagpatigil sa kanyang mundo.

2. PHR 4145 Hot Intruder: The Sleepwalking Intruder by Camilla


Isang gabi ay ginulantang ng isang intruder ang nananahimik na mundo ni Mackenzie. Nahambalos niya ito ng kawali sa ulo at naigapos ang mga kamay nito bago niya na-realize na isang somnambulist ang kanyang super hot intruder!
Mula noon ay nagkasunod-sunod na ang nakakagulat at nakakanerbiyos na mga pangyayari sa buhay nila ng guwapong kapitbahay at sleepwalking intruder niya na nakilala niyang si Darius. Kung hindi ba naman gaga ang puso niya, nakuha pa niyang ma-in love dito sa gitna ng mga panganib.
She knew she was headed for disaster kung hahayaan niyang tuluyang mahulog ang loob niya rito; but every time he tried to seduce her, she couldn’t put up any resistance at all.

3. PHR 4146 True Love Waits by Andie Hizon


College si Star nang magkagusto siya sa kaklase niyang si Ieryk. Ito lamang ang nag-iisang lalaking nagustuhan niya. Kaya ganoon na lang ang saya niya nang ibigay nito sa kanya ang pink lunch box nito na ang sabi nito ay para sa liligawan nito. At hindi lang iyon, nag-collaborate pa sila sa isang photography contest dahil na rin sa pakiusap nito. At bago dumating ang araw ng announcement ng winners para sa contest ay sinabi nitong may sasabihin ito sa kanya. Hindi man siya assumera ay umasa siyang sasabihin na nito sa kanyang may pagtingin ito sa kanya.
Pero hindi ito dumating nang araw na iyon. Bigla itong naglaho na parang bula. Mula noon ay hindi na niya ito nakita pa. Pero hindi nawala ang pagmamahal niya rito. Hinintay niya itong bumalik.
Ganoon na lang ang saya niya nang isang araw ay bigla nga itong nagpakita sa kanya. Iyon na ang pinakaaasam niyang chance na matuloy ang nasimulan nila noon. Pero bigla nitong inamin sa kanya na may pakakasalan na itong ibang babae.

4. PHR 4147 A Walk To Forever by Dawn Igloria


Ang maging asawa ng best friend niyang si Joshua ang ultimate dream ng pocketbook addict na si Knicole. Pero nasa high school pa lang sila nang ipatikim nito sa kanya ang unang heartbreak niya. Sa pagdaan ng mga taon, magkakasunod pang heartbreak ang naranasan niya mula rito.
Hanggang sa magkolehiyo sila at bigyan siya nito ng undivided attention. She had tasted her first kiss courtesy of him. Akala niya ay sila na. Ngunit basta na lang siya tinalikuran nito at bumaling ito sa ibang babae.
Nagtatrabaho na siya nang isang araw ay kunin nito ang lahat ng koleksiyon niya ng pocketbook at papirmahan ang mga iyon sa mga paborito niyang writer na may iisang dedication: Knicole, sagutin mo na si Joshua.
Muntik na siyang mapraning sa kilig. Mukhang sa wakas ay manliligaw na ito sa kanya.

5. PHR 4148 From This Night To Forever by Noelle Arroyo


Matagal nang kilala ni Arianna si Enrique pero ni sa hinagap ay hindi niya pinangarap na ito ang lalaking aangkin sa kanya isang gabing nasa gipit siyang sitwasyon. Ang inasahan niya ay impiyerno, hindi langit, sa mga bisig nito. At nang iwan na niya ito, tila may iniwan din siyang parte ng kanyang puso na ito lamang ang makapagbabalik.
Hindi niya inaasahang ipahahanap pa siya nito. At nang muling magtagpo ang kanilang mga landas ay gusto nitong tuluyan siyang ariin. Gusto niyang lumaban at tumakas. Dahil masasaktan siya nang labis kung pagnanasa lang ang dahilan nito at hindi pag-ibig.

6. PHR 4149 Trial Love by Ezra Lindsey


Dahil sa napapabalitang paggunaw ng mundo ay nagbiro si Georgina sa mga kaibigan niya na kailangan muna niyang magkaroon ng boyfriend bago mangyari iyon. Pero sineryoso siya ng mga kaibigan niya. The next thing she knew ay kung sino-sinong lalaki na ang ipinapa-date ng mga ito sa kanya. Pero lahat ng date niya ay hindi naging matagumpay.
Until her friend, Charles, learned about it. Nagprisinta ito na i-date siya at ligawan. “Naaawa” na raw kasi ito sa kanya dahil nakikita nito sa kanya na gustong-gusto na niyang magkanobyo.
Of course that wasn’t true. Kaya nga noong una ay ayaw niyang pumayag sa gusto nito dahil baka pinagti-trip-an lang siya nito. But in the end, nakumbinsi at napapayag siya nito sa trial and error setup nila.
But along the way she fell in love with Charles. At hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng kanyang damdamin—sa happiness ba, o sa pagkadurog ng kanyang puso?

7. PHR 4150 Baka Sakaling Mahal Mo Rin Ako by Camilla


Hindi inaasahan ni Asia na sa lahat ng lalaki ay kay Rustom siya mai-in love—ang pansamantalang driver ng kaibigan niyang si Nimfa, na hayagang nagpapakita ng pagkagusto sa binata. Pero ano ang magagawa niya kung siya ang nagustuhan nito? Kaya kahit may nararamdaman siyang guilt ay sinagot niya si Rustom nang magtapat ito ng pag-ibig sa kanya.
Masaya siya sa pagmamahal sa kanya ng binata. Ngunit hindi pala niya lubusang kilala ito. Hindi pala “Rustom” ang totoong pangalan nito kundi “Roosevelt Tamundong,” isang NBI agent na nasa isang undercover mission.
Bakit naglihim ito sa kanya? Kasali ba siya sa misyon nito kaya siya niligawan nito?

8. PHR 4151 Along Came Penny by Aloha Jade


Unang kita pa lang ni Penny kay Sean ay humanga agad siya sa kaguwapuhan nito. Kaya lang ay suplado at ubod ng sungit ito. Hindi naman niya masisisi ito. Dahil sa isang vehicular accident, nalumpo ito at naging dahilan pa iyon ng pagkamatay ng girlfriend nito. Kahit may pag-asa pa itong makalakad kung magpapa-therapy ito ay hindi nito ginawa dahil nagi-guilty ito sa nangyaring aksidente.
Gumawa siya ng paraan para mapalapit dito. Gusto niyang tulungan ito na magising sa katotohanan na hindi ito mananatili sa ganoong kalagayan. Ngunit pilit pa rin siyang ipinagtatabuyan nito. Hanggang sa magkaroon ng isang hindi inaasahang pangyayari na naglapit sa kanila. Naging magkaibigan sila. Ang kaso, unti-unti nang nahuhulog ang loob niya rito. Ang masakit, hindi nito kayang mahalin siya dahil nakabilanggo pa rin ito sa pagmamahal sa namayapang kasintahan.
Ayaw sana niyang makipagkompetensiya sa isang alaala ngunit hindi siya mapalagay. Kung kailangan niyang sumubok ay isusugal niya ang kanyang damdamin, masaktan man siya—kung iyon ang kailangan upang mabago niya ang pananaw nito sa buhay.

9. PHR 4152 Chasing Yllano by Serafina


Nakilala ni Crishna si Yllano nang magbakasyon siya noon sa probinsiya ng lola niya. Unang kita pa lang niya sa binata, inamin agad niya sa sarili na in love siya rito. Pero nasaktan ang pride niya nang tawanan siya nito at sabihan siyang mataba.
Lumipas ang mga taon, sikat na modelo na si Yllano. At gusto niyang pagsisihan ang pagpili rito bilang endorser ng produktong ilalabas ng kompanyang pinagtatrabahuhan niya. Ngayon naman kasi ay sinabihan siya nito na hindi siya ang babaeng nababagay sa best friend nitong si Castor. Lingid sa kaalaman nito ay kaibigan lang niya si Castor. Ito ang kinukuhanan niya ng impormasyon tungkol kay Yllano, lalo na sa love life nito.
Humingi naman ito ng tawad sa kanya. Inisip niyang magiging katrabaho niya ito kaya pinatawad niya ito. Ngunit hindi niya inasahang magiging close ito sa kanya at lalong mahuhulog ang loob niya rito. Kaya ganoon na lang ang sakit na naramdaman niya nang makita itong kahalikan ang ex-girlfriend at first love nito…



Back to top Go down
 
February 1, 2012 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» new DINO theme
» 2012 Football Harvey Address Book
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: