HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 June 11, 2008 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: June 11, 2008 Book Release   Wed Jun 11, 2008 10:14 am

1. PHR 2851 Pepsi's Romance by Vanessa



Ang plano ni Pepsi sa kanyang buhay ay simple lang: bitagin ang lalaking mag-aangat sa kanya at sa kanyang pamilya sa buhay. At ang lalaking iyon ay walang iba kundi si Gene. Ngunit hindi pa man siya nakakapagsimulang mambitag ay umentra na sa eksena ang pinsan nitong walang K, si Tani. Ang tanging handog ni Tani sa isang babae ay ang walang kaseryo-seryosong pagtingin nito sa buhay at ang kapogian nito. Iyon lang. At wala siyang balak na matuwa rito.
Pero pilit itong nagsusumiksik sa kanya... At parang gusto na niyang pasingitin ito... Paano na ang plano niya sa buhay?

2. PHR 2852 Si Sheldon Joson by Camilla



Kadarating pa lang ni Libby sa isang liblib na lugar nang mahatak ang pansin niya ng isang mansiyon sa ituktok ng burol. She went there to satisfy her curiosity. Nakilala niya ang may-ari niyon--a gorgeous playboy named “Sheldon Joson.”
Suwerteng inalok siya nito ng trabaho. Pero ang lahat yata ng suwerte ay may kaakibat na malas. Dahil bagaman okay ang bagong kalagayan niya bilang sekretarya ng binata, ang puso naman niya ang nagdurusa dahil unti-unting nahuhulog iyon sa palikerong amo niya...

3. PHR 2853 For The Love Of Myla by Sonia Francesca



Hinahangaan ni Myla ang bandang Sentinel maliban sa isang miyembro niyon--ang playboy na bass guitarist na si Jaycob Zamora. Maganda na sana ang imahe ng banda sa kanya kung hindi lang dahil dito.
Sa kasamaang-palad, sa isa sa mga performances ng mga ito ay di-sinasadyang napunta sa kanya ang cell phone nito. Pinagbintangan siya nitong magnanakaw at ipapakulong daw siya nito.
Kahit anong paliwanag niya ay ayaw nitong pakinggan. Naiyak na siya dahil sa nalalapit na pagkasira ng kanyang buhay. Laking pagtataka niya nang biglang nagbago ang isip nito.
“Para iyon lang, umiyak ka na. Oo na, oo na.” He reached out a hand and gently brushed away the tears on her cheeks. “Huwag ka nang umiyak. Hindi na kita ipapakulong.”
Ano ang nakain nito? Bakit biglang bumait ito?

4. The Dream Team Series 3: Hutch Oseña by Almira Jose



Kailangan ni Hutch ang pagpupursige para patunayan sa lahat na may ibubuga siya. Siya kasi ang pinakabagong manlalaro sa kanyang team. He could not afford any distractions. At iyon si Macy sa buhay niya--isang ubod ng cute na distraction. Kung mag-demand ito ng atensiyon niya ay daig pa nito ang isang girlfriend.
Gustuhin man niya ay hindi niya puwedeng ilaan dito ang buong panahon niya. He now had his team to think about. Kaya naman kahit gaano pang pangungulit ang gawin nito ay nag-time-out muna siya rito.
Hindi niya inaasahang lalo lamang pala siyang madi-distract nang makahanap ito ng ibang binatang kukulitin...

5. The Dream Team Series 4: Victor Torres by Almira Jose



Nakilala ni Erica si Victor sa isang spa resort. Para sa kanya, instant attraction ang naramdaman niya para sa binata. Sa loob ng ilang araw ay sila lagi ang magkasama kaya hindi niya naiwasang lalong lumalim ang nararamdaman niya para dito.
Hanggang isang araw ay di-sinasadyang may nangyari sa kanila. Noong una ay natakot siyang baka iyon na ang katapusan ng lahat ng magagandang sandali nila. Ngunit pinatunayan ni Victor na mali ang sapantaha niya. Masaya ang bawat sandaling magkasama sila bagaman may agam-agam siya dahil wala itong ipinapangako sa kanya.
Handa siyang maghintay. Ang mahalaga ay masaya sila at nararamdaman niyang espesyal siya rito. Ngunit nang matuklasan niya ang tungkol sa dalawang taong may kaugnayan dito ay tinanong niya ang kanyang sarili: Nakahanda pa rin ba siyang manatili sa piling ni Victor kahit alam na niyang may mga taong maaaring masagasaan o magpaparaya na lamang siya kahit ang katumbas niyon ay tila ang kamatayan niya?

6. Calle Pogi Series 6: Matt by Keene Alicante



Nagtataka na si Natalya kung bakit tuwing nilalapitan niya ang resident pediatrician ng barangay nila na si Matteo Evangelista ay palaging nadidisgrasya ito. Napaisip tuloy siya kung ano ang problema sa kanya. Nakaka-bother kasi ang ginagawang pag-iwas nito sa kanya.
Pero minsang muntik na siyang maaksidente ay ito ang sumagip sa kanya. At magmula noon ay hindi na siya iniwasan nito. Palagi na itong nakaalalay at nag-aalala sa kanya. Hindi tuloy maiwasan ng ilusyunadang puso niya na umasang nagsisimula nang mahulog ang loob nito sa kanya.
Ang kaso, nalaman niyang may mahal na pala ito noon pa. Ito pa nga mismo ang nagsabi niyon sa kanya.
Paano na siya?

7. Les Hommes d' Affaires Series 6: Travis Inocentes by Sharmaine Galvez



Sinamantala ni Travis ang pagpapadala sa kanya ng kuya at papa niya sa Baguio para maiwasan ang isang babaeng pumipikot sa kanya. He knew Lyka was trapping her into marriage, bagay na wala sa bokabularyo niya.
Then he met Yna, an innocent-looking lady and a beauty to behold. Nang minsang gumimik sila ay ginabi sila ng uwi kaya napilitan siyang patulugin ito sa bahay niya. Kinabukasan, dumating ang mga magulang nito. Running away would be the most natural thing to do. But why was he volunteering to marry Yna instead?

8. The Don's Boys Series 10: Alfonso de Oro by Vanessa


Vera had a reputation of being a playgirl. Nang dahil doon ay nalagay siya sa panganib at kinailangan ng tulong ng isang lalaking hindi niya kilala. Dinala siya nito sa isang isla kung saan walang maaaring makalapit sa kanya. Ang pangalan ng lalaki ay Alfonso.
She was so mad and wanted to go back to the city at once but Alfonso was a strict guard. Buwisit na buwisit siya rito dahil wala ni isang gusto niya ang pinagbigyan nito. Lahat ng kabakyaan ay ipinagawa nito sa kanya.
Nangako siyang pagbalik sa Maynila ay magsisisi ito sa ginawa nito sa kanya... Pero iba na ang gusto niyang gawin pagbalik nila sa Maynila: gusto na niyang agawin ito sa nobya nito.

9. Braveheart Series 26: Zebedee Yulo IV (Winter Haven) by Dawn Igloria



Para kay Laila, Zebedee Yulo IV was every woman’s dream. Kaya nang magpakita ito ng interes sa kanya ay mabilis na na-capture nito ang puso niya.
Kaya lang, kung gaano kabilis siyang nagkagusto rito ay ganoon din kadaling nawala ang feelings niya rito.
Their relationship was relegated to mere a friendship. Doon naman sila mas naging close nito. He become a constant refuge for her. Noon din lumitaw ang mga bagay na hinahanap niya rito noong sila pa nito.
Handa na siyang sabihin dito na mahal pa rin pala niya ito. Ngunit iba na ang mahal nito ngayon.
Ngayon ay nahahati siya kung aagawin niya ang binata, o hahayaan na lang niyang lumigaya ito sa piling ng tamang babae.

10. Stallion Series 37: Eizhiro Figueroa by Sofia



Handang-handa na si Gianna upang sumali sa isang baduy na game show. Pakiramdam kasi niya ay iyon na lang ang pag-asa niya para makabayad sa lahat ng pagkakautang niya dahil sa kanyang papalubog nang computer shop.
Subalit sa malas ay mukhang hindi siya kinakasihan ng tadhana. Sa gitna ng malakas na ulan, isang rumaragasang asul na sportscar ang nagpaligo sa kanya ng marumi at nakapandidiring tubig-baha. Nasira tuloy ang makeup niya, ang kanyang magandang buhok, pati ang kanyang bagong damit at sapatos.
“Excuse me!” pasigaw na sabi niya, pagkatapos ay kinatok ang tinted na windshield ng sasakyan.
Napanganga na lang siya nang bumaba ang bintana sa driver’s side at dumungaw ang driver. It was Eizhiro Figueroa, The King of Frown. At iyon na yata ang simula ng lahat ng kamalasan sa buhay niya. Dahil kahit saan siya pumunta ay wala na itong dinala sa kanya kundi kamalasan.
Aakalain ba naman niyang pati puso niya ay raragasain nito?
Back to top Go down
maan_beltran
PHR Writer
PHR Writer


Number of posts : 184
Age : 30
Location : Cebu City
Registration date : 2008-01-25

PostSubject: Re: June 11, 2008 Book Release   Wed Jun 11, 2008 10:31 am

wow! my book release na for this week! thanx ms jen! sana di ka magsawa sa pagpopost! Very Happy
Back to top Go down
http://craevyll.multiply.com
{STOIC}_@nnette®™
Junior
Junior


Number of posts : 46
Age : 33
Location : Angono, Rizal
Registration date : 2008-04-17

PostSubject: Re: June 11, 2008 Book Release   Wed Jun 11, 2008 11:54 am

whaaa ang dami mabibili ngayon heheheh

tanx ms. jen kala ko walang release ngayon eh... hehehe ulit..


cheers bounce Basketball
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.blogspot.com
natalia
Junior
Junior


Number of posts : 128
Registration date : 2008-01-30

PostSubject: Re: June 11, 2008 Book Release   Wed Jun 11, 2008 12:59 pm

akala ko wla din bago release he he sana my maabutan ako bukas sa pocketbook he he
Back to top Go down
Caleb
Master
Master


Number of posts : 857
Age : 25
Location : negros occidental
Registration date : 2008-01-17

PostSubject: Re: June 11, 2008 Book Release   Wed Jun 11, 2008 1:11 pm

cool....


2 ang release ni kagandahan nya ngayon...



si victor torres sa dream team ni miss almira, mukhang si channing tatum... Question Question


tapos si alfonso de oro sa dons boys, familiar rin...
Back to top Go down
~brynette~
Junior
Junior


Number of posts : 115
Age : 28
Location : q.c.
Registration date : 2008-03-08

PostSubject: Re: June 11, 2008 Book Release   Wed Jun 11, 2008 3:58 pm

kilig yang for the love of myla..weee..
Back to top Go down
joanna jane
Junior
Junior


Number of posts : 42
Age : 24
Location : cavItE
Registration date : 2008-03-30

PostSubject: Re: June 11, 2008 Book Release   Wed Jun 11, 2008 5:37 pm

weeeeeeeeeeee
kay eizhiro n! Laughing
sna di maubos ang mga ito hnggng nxt wik!
sna sna sna sna....[ngorasyon dw b?]

slmat po s pgpost!
Very Happy
Back to top Go down
gemme
Senior
Senior


Number of posts : 226
Age : 24
Location : Calamba City, Laguna
Registration date : 2008-01-29

PostSubject: Re: June 11, 2008 Book Release   Wed Jun 11, 2008 6:00 pm

tEnkyu sa pagpOst!

kAy maTt na pala.. Hay.. kelan ko ng bumiLi ng caLLe... hehe,

eizhirO!! wuu!!
Back to top Go down
cutejan19
Special Team
Special Team


Number of posts : 1452
Location : davao city
Registration date : 2008-02-18

PostSubject: Re: June 11, 2008 Book Release   Wed Jun 11, 2008 7:04 pm

hahahahha...maganda ang release ngayon...pero walang pag babago d2 sa davao...haaaayzzz!!!
Back to top Go down
rhyzie
Junior
Junior


Number of posts : 56
Age : 29
Location : calamba city, laguna
Registration date : 2008-01-17

PostSubject: Re: June 11, 2008 Book Release   Wed Jun 11, 2008 8:27 pm

grabeh n toh...
kkbili ko lng nung for the love of julie eh may kasunod n agad...
tsk tsk...
at kay eizhiro n!!!
my goodness...
kailangan ko ng salapi!!!
huhuhu...
Back to top Go down
ChRiStInE LoVeS YuNhO
Junior
Junior


Number of posts : 167
Age : 23
Location : Somewhere over Valenzuela
Registration date : 2008-04-07

PostSubject: Re: June 11, 2008 Book Release   Wed Jun 11, 2008 9:52 pm

waaahhh! isang buwan pa akong maghihintay mabili ang SRC, CP at ung love of julie...

...waaahhh... buti pasukan na!

sage kelan ka lalabas... kaw ang aking hinihintay...!

xempre ang pamosong si reiven... na isang misteryo pa rin ang katauhan...

haaayyyzzz... di ko mapigilan ang sarili maexcite!
Back to top Go down
http://esnipers.forumotion.net
VANADIK & MC FANATIC
Junior
Junior


Number of posts : 101
Location : MAKATI CITY
Registration date : 2008-03-07

PostSubject: Re: June 11, 2008 Book Release   Thu Jun 12, 2008 12:41 pm

may duty ako ng 2-10 kaya inagahan ko para makipagsapalaran sa recto kahit ang init init at matrapik hayz kahit di ko alam ang bago......ang tanga tanga di ko man lng naisip tumawag sa phr heheh

pero ok lng nawala lahat ng pagod ko sa nakita kong nakadisplay sa tindahan ni ate hehehhe

Dream team -- dalawa hehehheh tnx ms. aj and sa phr

Les hommes -- yahoo....sa wakas meron ulit

at xempre

kay kagandahan -- dalawa din syempre

binili ko agad pero to make it 6

ayon binili ko ung kay Ms. C at di ako nagsisi dahil yun ang unang kong binasa sa duty ko dahil wla namang pasyente ang gandah gandah ng story ni liberty at sheldon.....8 na magkakasunod na bangong labasa lingo lingo ang nabili ko under Ms. C at lahat yun ay di ako nagsisi...

tnx ms. Jen sa walang pagsawang pag post ng mga bagong labas...

m,wah
Back to top Go down
http://iluvvanessa.proboards82.com/index.cgi
natalia
Junior
Junior


Number of posts : 128
Registration date : 2008-01-30

PostSubject: Re: June 11, 2008 Book Release   Thu Jun 12, 2008 6:58 pm

ay thank god natirhan ako he he kahit umuulan sumugod ako he he
Back to top Go down
-MikHa-
Junior
Junior


Number of posts : 168
Age : 23
Registration date : 2008-04-24

PostSubject: Re: June 11, 2008 Book Release   Fri Jun 13, 2008 1:11 am

wAaH,,,
wOw tEynKs uLit sa pAg pOst mS. jEn...
Back to top Go down
Faye Andrew
Fanatic
Fanatic


Number of posts : 1516
Age : 31
Location : Sydney, Austrilia
Registration date : 2008-05-09

PostSubject: Re: June 11, 2008 Book Release   Fri Jun 13, 2008 9:29 am

Dito sa legazpi ang tagal dumating ng mga bagong labas... ang National Bookstore lang ang medyo updated... huhuhu... hindi naman ako pinapayagan ng boss kong magleave para pumunta manila....
Back to top Go down
kaytee
Junior
Junior


Number of posts : 138
Age : 28
Location : artist paradise...yeah!
Registration date : 2008-02-04

PostSubject: Re: June 11, 2008 Book Release   Fri Jun 13, 2008 9:15 pm

wahhaahah...


meron na ko ng SRC, CP at yung ky MYLA!yosh!




lol!
Back to top Go down
ChRiStInE LoVeS YuNhO
Junior
Junior


Number of posts : 167
Age : 23
Location : Somewhere over Valenzuela
Registration date : 2008-04-07

PostSubject: Re: June 11, 2008 Book Release   Sat Jun 14, 2008 9:21 am

ay nako after one month na naman ako makakabili ng cp, ss at ung story ni myla... wisit naman!
Back to top Go down
http://esnipers.forumotion.net
viCtoriA
Newbie
Newbie


Number of posts : 25
Age : 22
Location : parañaque city
Registration date : 2008-04-16

PostSubject: Re: June 11, 2008 Book Release   Sat Jun 14, 2008 1:41 pm

gusto ko nang mabili yaann!! huhu... kelan pa kaya??
Back to top Go down
andieyoo02
Junior
Junior


Number of posts : 175
Location : Sagada / SRC
Registration date : 2008-04-27

PostSubject: Re: June 11, 2008 Book Release   Sun Jun 15, 2008 2:22 pm

ako bukas makukuha ko ng ang ss37, cp6 at myla sa sm manila...dun kasi ako nagpareserve eh....
Back to top Go down
cutejan19
Special Team
Special Team


Number of posts : 1452
Location : davao city
Registration date : 2008-02-18

PostSubject: Re: June 11, 2008 Book Release   Sun Jun 15, 2008 2:26 pm

i would like to say thx kay ate sofia sa pag greet niya sa akin sa SRC #37...thank you so much!!! ^_^
Back to top Go down
alexa
Newbie
Newbie


Number of posts : 10
Registration date : 2008-05-01

PostSubject: Re: June 11, 2008 Book Release   Sun Jun 15, 2008 9:05 pm

sosyal!!!! andaming gusto kong basahin kaso hindi pa ako makakapagbasa .... ang dami dami kong assignment huhuhu!!!!!
Back to top Go down
cutejan19
Special Team
Special Team


Number of posts : 1452
Location : davao city
Registration date : 2008-02-18

PostSubject: Re: June 11, 2008 Book Release   Sun Jun 15, 2008 9:29 pm

mag aral kayong mabuti...hehehehe
Back to top Go down
andieyoo02
Junior
Junior


Number of posts : 175
Location : Sagada / SRC
Registration date : 2008-04-27

PostSubject: Re: June 11, 2008 Book Release   Mon Jun 16, 2008 11:28 pm

yehey...nakuha ko na ang stallion#37, cp#6 at ang for the love of myla...
Back to top Go down
allenssexywife
Junior
Junior


Number of posts : 104
Age : 38
Location : Davao City
Registration date : 2008-09-03

PostSubject: Re: June 11, 2008 Book Release   Mon Dec 29, 2008 1:08 am

wawahhhhhhhhhhhhhhhhhhh super ganda naman
Back to top Go down
http://www.tagalogpocketbookromance.com
Sponsored content




PostSubject: Re: June 11, 2008 Book Release   Today at 3:54 am

Back to top Go down
 
June 11, 2008 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» How to write a Mills and Boon
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014
» London Has Fallen DVD release date - June 14, 2016

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: