HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 January 25, 2012 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: January 25, 2012 Book Release   Thu Jan 26, 2012 2:10 am

1. PHR 4135 Campus Girl: Helen, The Foxy Cinderella by Heart Yngrid


Hindi naniniwala sa fairy tale si Helen. Dahil sa hindi magandang karanasan ng kanyang ina at ng kaibigan niya, tumimo sa kanyang isip na ang mayayamang lalaki ay hindi kailanman magmamahal ng mahirap na babae.
Pero nagbago ang paniniwala niya nang makilala niya si Hero de Vega. Hindi ito mapagsamantala at matapobre tulad ng ibang tipikal na mayayamang lalaki sa paligid niya. He could be her Prince Charming… and she could be his Cinderella.
Pero paano kung matuklasan nito ang isang maitim na sekretong pinakatatago niya? Gugustuhin pa rin kaya nitong dalhin siya sa palasyo nito?

2. PHR 4136 A Smile In Your Heart by Angel Bautista


Minsan nang hinawakan ni Dr. Victor Ochoa ang puso ni Juana Justine Arguelles sa kanyang mga kamay. Iniligtas niya ang buhay nito sa isang delikadong operasyon at siya ang pinagkatiwalaang mag-alaga rito pagkatapos niyon.
Ngunit isang araw, may hiningi sa kanya ang mga magulang nito. JJ was in love with him. At siya na mismo ang nagsabi sa mga magulang nito na hindi ito puwedeng masaktan dahil ang heartbreak ay hindi kakayanin ng puso nito. Dahil doon ay kailangan niyang magpanggap sa kabila ng katotohanang ang puso niya ay hawak na ni Dr. Jeminah Marasigan, ang kanyang kababata at tanging babaeng minahal niya.
JJ had unwittingly placed her heart in his hands once more. At hindi itinuro sa kanya sa medical school kung paano aalagaan iyon.

3. PHR 4137 Lonely No More by Laurice del Rio


Kabilang ang ina ni Abra sa grupong “Lonely Hearts No More.” Ang misyon ng grupo: bawasan ang malulungkot na tao sa mundo sa pamamagitan ng matchmaking. Tuloy, pati siya ay napagdiskitahan nito.
Samantala, lumong-lumo naman si Heilyn sa walang-humpay na paghahanap ng tita niya ng lalaking ipapa-date sa kanya.
Hindi naman sa kapwa sila may balak na magpakatandang binata’t dalaga. Ayaw lang nilang mai-match sa iba. Pareho silang binabagabag ng mga multo ng mga espesyal na tao sa kanya-kanyang kahapon.
Isang araw, pinagtagpo sila ng mga dakilang matchmaker sa buhay nila. They had the same sentiments kaya madali silang nagkasundo na umaktong nagkakamabutihan sa harap ng dalawang nakatatanda. Hanggang sa matanto na lamang nilang hindi na lang acting ang pagiging sweet nila sa isa’t isa.
Mapanindigan pa kaya nila ang pagiging drama prince at princess kung pareho na silang ipinagkakanulo ng kanya- kanyang mga puso?

4. PHR 4138 Guilty Heart by Angeline Buena


Maagang naulila si Moira sa mga magulang. At teenager pa lang siya nang mamatay naman sa isang aksidente ang kuya niya. Mula noon ay nasanay na siyang mamuhay nang mag-isa. Hindi niya hinayaan ang kahit sino na pumasok sa buhay niya. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakilala niya si Paolo. Pinatunayan nito sa kanya na hindi siya iiwan nito tulad ng pamilya niya. Unti-unti ay nagawa niyang magtiwala at mahalin ito. Pero kung kailan handa na siyang tanggapin nang lubusan si Paolo sa buhay niya ay doon naman niya natuklasan ang isang madilim na bahagi ng pagkatao nito na sadyang inilihim nito sa kanya.

5. PHR 4139 No Letting Go by Jessica Sison


Matalik na kaibigan ni Issy si Anton. But one day, Anton tried to cross the line. Nagtapat ito ng pag-ibig sa kanya. And he asked for a chance.
“Forget about that love, Anton. Just love me as a friend.”
Iyon ang mga katagang binitawan ni Issy dahil ayaw niyang masira ang kanilang pagkakaibigan. Natatakot siyang mawala si Anton sa kanya.
Ngunit patuloy siyang minahal ni Anton. Sa pangalawang pagkakataon ay nagtapat ito. This time, she asked him to let go.
Iyon ang nasabi niya kahit na taliwas iyon sa nais sabihin ng kanyang puso. Mahal na mahal niya si Anton nang higit pa sa isang kaibigan. Hindi niya nakita kaagad iyon dahil nabulagan siya ng sariling takot. Nang sa wakas ay ma-realize niya iyon, huli na ang lahat.

6. PHR 4140 The Shy Bride by Lucy Monroe (translated by Janis delos Reyes)


Neo was Cassandra’s most important friend. She could trust him and she felt safe with him. Alam niyang masuwerte siya dahil pinahahalagahan siya nito sa kabila ng magkaibang katayuan nila. Neo was a man of the world while she was a reclusive pianist with an abnormal fear of strangers and crowds. Ngunit sa kabila niyon ay nahulog pa rin ang loob niya rito.
But all he could offer her was a friendship with benefits. He promised her lots of passion and pleasure, and he would be the most precious friend she would have. Would that be enough for her when what she really wanted was his love?

7. PHR 4141 Loving The Charming Prince by Gabriev Fuentes


Hindi pa kailanman naranasan ni Charlotte ang ma-in love. Pero nang matuon ang mga mata niya sa guwapong beterinaryo ng village nila na si Seishiro, nagwala sa loob ng rib cage ang puso niya. Mukhang finally ay naisip na ni Kupido na panain ang puso niya.
Nasa mood yata ang anak ni Venus dahil tila pagkatapos panain ang puso niya ay puso naman ni Seishiro ang pinana nito patungo sa kanya. She was so sure Seishiro loved her, too. Ganoon na lang kasi kung mag-care ito sa kanya.
Nangangarap na siya ng bonggang “happy ever after” kasama ito nang bigla na lang lumitaw sa eksena ang mga magulang nito karay-karay ang fiancée raw nito. Pakiramdam niya ay pinagsakluban siya ng langit at lupa.
Diyata’t first love, first heartache ang magiging drama ng love life niya?

8. PHR 4142 In Love And In Denial by Noelle Arroyo


Unang kita pa lang ni Sarah sa amo niyang si Poulo ay hinangaan na niya ito. Ito ang kabuuan ng isang Prince Charming. Kaya naman ginawa niya ang lahat upang mapagsilbihan ito—kesehodang itaya niya ang buhay niya maprotektahan lang ito.
Napalapit naman sa kanya si Poulo. Ngunit hindi sa paraang gusto niya—itinuring siya nitong nakababatang kapatid. Ngunit sa kaibuturan ng puso niya, isa lang ang pinapangarap niya: ang mahalin siya nito bilang babae. Isang gabi, ginawa niya ang lahat upang mapansin siya nito bilang isang babae. Nagtagumpay siya roon. Ngunit magtagumpay rin kaya siya na maipadama rito na isa siyang babaeng puwede rin nitong mahalin…?

9. PHR 4143 Twice Upon A Time by Gabriev Fuentes


Dahil sa injury ay napilitang magpahinga si Mitch mula sa pagiging atleta. Kaya habang tuluyan siyang nagpapagaling ay nagpasya siyang umuwi na muna sa bayan nila. Doon ay nagkrus uli ang mga landas nila ni Kirk, ang lalaking minsan ay minahal niya nang labis ngunit basta na lang siya iniwan.
Desidido siyang huwag pansinin ito. Pero may magagawa ba siya kung ito mismo ang pilit na nagsusumiksik sa buhay niya? Magagawa ba niyang tanggihan ang kaisa-isang lalaking nagpabilis sa tibok ng puso niya?
Back to top Go down
 
January 25, 2012 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» new DINO theme
» THE ART OF ELYSIUM 5TH ANNUAL HEAVEN GALA - Jan. 14, 2012
» 2012 Football Harvey Address Book
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: