HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 January 18, 2012 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: January 18, 2012 Book Release   Tue Jan 24, 2012 7:15 am

1. PHR 4126 Radio Romance by Laurice del Rio


Mula nang iwan si Frances ng groom-to-be niya sa mismong araw ng kasal nila ay nawalan na siya ng interes sa pag-ibig. Kaya ganoon na lang ang inis niya nang marinig niya ang pinagsasasabi ng isang DJ. Believe in love daw because it will make you happy. Tinawagan niya ang programa at inaway-away ang DJ na iyon.
Hindi niya inakalang magtatagpo ang landas nila ng DJ na si Elmo. Nais diumano siyang tulungan nito na maibalik ang paniniwala niya sa pag-ibig.
Matindi ang pagtutol ng kalooban ni Frances na mapalapit dito pero hindi rin niya nagawang pigilan iyon. And slowly but surely, she was discovering once more how wonderful love could be.
Iyon nga lang, hindi niya alam ang tungkol sa nakaraan nito. At ang nakaraan na iyon ang siya palang sisira sa kaligayahang akala niya ay abot-kamay na niya.

2. PHR 4127 Aseron Weddings: Spanish Eyes by Dream Grace


Wala sa plano ni Joleen ang magpakasal kahit kailan. After seeing the miserable married life of her parents, mas gusto na lang niyang tumandang mag-isa kaysa danasin din niya ang ganoong kapalaran. Kaya nang hindi sinasadyang marinig niya ang usapan nina Lolo Nemo at Lola Dorinda tungkol sa lalaking napipisil ng lolo niya para sa kanya, nagkumahog siya sa paghahanap ng lalaking maihaharap sa mga ito na magpapanggap na nobyo niya.
Kasi naman, ang lalaking napili ng lolo niya na ipareha sa kanya ay si Jake de Asis—ang huling lalaking gugustuhin niyang makaharap uli pagkatapos nitong saktan ang damdamin niya noong teenagers pa sila. He had already rejected her once, she would not give him the satisfaction of rejecting her again.
Subalit iba ang plano ng kapalaran sa kanya. Sapagkat mas pinaglapit sila niyon imbes na paghiwalayin.
O kapalaran nga lang ba talaga ang dahilan niyon?

3. PHR 4128 The Marriage Betrayal by Lynne Graham (translated by Bettinna)


Nang samahan ni Tally ang kapatid niya sa Tagaytay, wala sa plano niya ang ma-in love. Pero nakilala niya roon si Sander—isang matagumpay na negosyante kahit napakabata pa nito. At hindi lang yata sa negosyo matagumpay ito kundi sa pang-aakit din ng mga babae. Dahil sa unang pagtatama pa lang ng mga mata nila, may kung anong init nang nanulay sa buong katawan niya.
Hindi siya naghahanap ng boyfriend o ano pa man. Ngunit ano ang magagawa niya kung hindi niya kayang paglabanan ang damdaming pinukaw nito sa puso niya?
Ang kaso, hindi si Sander ang tipo ng lalaking naniniwala sa seryosong relasyon…

4. PHR 4129 Hot Intruder: Jefferson, Iyah’s Intruder by Camilla



Sa silid ni Iyah napunta si Jefferson nang habulin ito ng kanilang aso nang araw na binalak nitong umakyat ng ligaw sa pinsan niya. Dahil hindi ito makalabas agad nang hindi nasisita ng mga barakong kuya niya, halos buong araw itong nasa kuwarto niya at nagkakuwentuhan sila. Iyon ang simula para mapalapit sila sa isa’t isa, hanggang sa mahulog ang loob niya rito.
Hindi niya inakalang mararamdaman pa uli niya kung paano magmahal dahil kay Jefferson. Isinumpa na niya ang pag-ibig dahil sa maraming kabiguang naranasan niya noon. Ang kaso, talagang nasapol ni Jefferson ang puso niya.
Ngunit isang kaibigan lang yata talaga ang papel niya sa buhay nito…

5. PHR 4130 Because I Love You by Joan Jean


Naniwala si Angie na may pagtingin din si Derek sa kanya kaya kahit hindi niya opisyal na boyfriend ito ay hinayaan niyang halikan siya nito. He was her first kiss.
Pero nalaman niya na pinaglaruan lang pala siya nito at ng mga kaibigan niya. She felt betrayed. Nagalit siya at iniwasan niya ito. Ipinangako niya sa sarili na hindi na siya masasaktan pa uli nito. But that promise vanished into thin air the moment she set eyes on him again.
How could she keep her defenses kung sa isang ngiti pa lang nito ay kinikilig na siya?

6. PHR 4131 Love, Camera, Action! Pretzel’s Wicked Chance For His Love by Haze Prado


Unang kita pa lang ni Pretzel kay Madrid ay sumumpa na siya sa kanyang sarili na paaamuin niya ito. Hindi niya alintana ang pagsusuplado at panonopla nito sa kanya. Naniniwala siyang walang matimtimang lalaki sa babaeng matiyagang manuyo. Kampante siya na mapapasakanya rin ito.
At nang malagay ang buhay ng binata sa panganib dahil sa pagiging NBI agent nito ay sinamahan pa niya ito sa pagtatago.
Nang sa palagay niya ay nahuhulog na rin ang loob nito sa kanya dahil sa pagsasama nila nang ilang araw, natuklasan niyang nagkamali siya. He suddenly ditched her in front of Kate, his ex-girlfriend.
Paano niya mababawi si Madrid sa ex-girlfriend nito, kung ito na mismo ang nag-uutos na lumayo na siya rito?

7. PHR 4132 Fall In Love All Over Again by Belle Feliz



Umuwi si Junesca sa kanyang mga magulang nang mabigo siya sa lalaking pakakasalan niya. Doon ay nakita uli niya si Olivio—ang lalaking minahal niya noon pero may mahal na iba. They became good friends again. Pinangiti at pinatawa siya nito. Sa kabila ng pagkabigo ay nagagawa niyang maging masaya dahil sa presensiya nito. Pakiramdam niya ay unti-unti na namang nahuhulog ang loob niya rito. Kailangan niyang pigilin ang damdaming iyon dahil alam niya na siya lamang ang masasaktan sa huli. Kapag bumalik na ang babaeng totoong mahal nito, iiwan uli siya nitong luhaan.
Ngunit sadyang sutil ang puso niya dahil gusto na naman niyang umasa na masasakop niya ang puso nito…

8. PHR 4133 Make You Feel Love by Carista Rei Ellyse


Pumunta si Adella sa Baguio dahil sa misyong muling pagbuklurin ang pamilyang pinagkakautangan niya ng kanyang pangalawang buhay. Ngunit hindi pa man nag-iinit ang mga paa niya roon ay nasangkot kaagad siya sa isang aksidente involving Ram, isang day care center nurse.
Pansamantala siyang tumira sa bahay nito. Kahit sandali pa lang silang nagkakasama, batid niyang ang matinding atraksiyon na agad niyang naramdaman dito ay nauwi na sa pag-ibig. Pero imposibleng mapansin siya nito. Nakikita niya kung gaano ito kasaya tuwing nakatunghay ito kay Marianne—ang coworker nito na matagal nang laman ng puso nito. Ngunit may boyfriend na si Marianne.
May pag-asa kaya siyang masungkit ang puso ng pinakaunang lalaking itinibok ng pihikan niyang puso?

9. PHR 4134 Sweet Sacrifice by Sonia Francesca


Lauren had been secretly in love with her handsome boss Uruha. Pero tila imposibleng mapansin siya nito dahil miyembro ito ng pinakasikat na banda sa Japan. Fate decided to end her misery when her family in the Philippines asked her to come home. Laking dismaya niya nang payagan naman siyang umalis ng boss niya.
Tahimik at maayos ang takbo ng buhay niya sa Pilipinas nang biglang sumulpot doon si Uruha at ginulo iyon. He said he wanted her back.
Ang dating sa kanya niyon ay gusto nitong maging parte na siya ng buhay nito bilang girlfriend nito. Kaya ganoon na lang ang tuwa niya nang bigyan siya nito ng couple’s ring bilang simbolo ng pagmamahal nito sa kanya.
Ang akala niya ay wala nang makakahadlang sa pagmamahalan nila. Ngunit nalaman niyang ipinagkasundo na pala itong ipakasal ng mga magulang nito sa ibang babae…

Back to top Go down
 
January 18, 2012 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» new DINO theme
» THE ART OF ELYSIUM 5TH ANNUAL HEAVEN GALA - Jan. 14, 2012
» 2012 Football Harvey Address Book
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: