HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 January 11, 2012 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: January 11, 2012 Book Release   Thu Jan 12, 2012 2:00 pm

1. PHR 4113 My Honey Drew by Celine Isabella



Sa lahat ng pagkakataong kailangan ni Jemay ng karamay, to the rescue palagi si Drew. He was her most reliable friend.
Hanggang isang umaga, na-realize niyang hindi na lang “reliable friend” ang tingin niya rito; he had become her dream guy. Sa puso niya ay naniniwala siyang hindi lang basta kaibigan ang turing nito sa kanya. Kaya isinugal niya ang pagkakaibigan nila para sa pag-ibig. Nag-level up nga ang relasyon nila: from friends, they became lovers.
Ngunit hindi yata sila uubra bilang lovers, dahil ang kanyang newfound knight in shining armor, tila may iba pang gustong iligtas na damsel in skimpy, sexy clothes. Bigla ay naitsa-puwera siya…

2. PHR 4114 It Has To Be You (Yankee And Selene) by Ivy Czarina


Matagal nang may gusto si Yankee kay Selene. Kaya nang magkaroon siya ng pagkakataon na mahalin ito ay sinunggaban agad niya. Masaya ang mga unang araw ng relasyon nila hanggang sa masangkot sa aksidente ang pamilya niya. Dead on arrival ang mga magulang niya at comatose naman ang kapatid niya. Kailangan niya ng malaking halaga para sa pagpapalibing ng mga magulang niya at para sa mga gamot at iba pang gastusin ng kapatid niya sa ospital pero hindi niya alam kung saan siya kukuha niyon. Hanggang sa may isang taong nag-alok sa kanya ng tulong para sa lahat ng gastusin. Pero may hinihingi itong kapalit: iwan niya si Selene. Mahal niya ang dalaga pero kailangang iwan niya ito.
Pagkalipas ng limang taon ay muling nagkrus ang mga landas nila ni Selene. She was now a top actress and he was the lead vocalist of a famous band. Gusto niyang yakapin ito pero may mahal na itong iba.

3. PHR 4115 Love, Camera, Action! Legal Possession Of My Heart by Haze Prado


Bilang NBI agent, Thea wanted to have some action in her life. Iyon naman talaga dapat ang normal na nararanasan niya. Pero mukhang walang plano ang boss niya na isabak siya sa totoong laban at sa halip ay gusto nitong lunurin siya sa paperworks. So she confronted him and demanded that he give her real work.
Hindi naman siya binigo nito. Binigyan siya nito ng trabaho. Sobrang excited siya dahil sa wakas ay magkaka-thrill na ang NBI life niya. Subalit ganoon na lamang ang pagkadismaya niya nang malaman niyang magbabantay lang pala siya ng isang palikerong lalaki na may stalker. She found the assignment boring dahil parang bale-wala lang naman kay Rafael ang mga banta sa buhay nito. Patuloy pa rin ito sa pakikipag-flirt sa mga babae.
Sa araw-araw na magkasama sila ay natuklasan niya kung bakit maraming babaeng nahuhumaling dito. Bukod kasi sa pagiging guwapo at mayaman, the man was a charmer, too. At ayaw man niya, nararamdaman niyang siya man ay unti-unti nang nahuhulog dito…

4. PHR 4116 When You Smile by Camilla


Inakala ni Laida na ang online boyfriend niya ang magdadala sa kanya ng suwerte sa buhay. Kaya hindi na siya nagdalawang-isip nang yayain siya nitong makipagtagpo rito sa Kuala Lumpur. Subalit sa halip na suwerte ay pulos kamalasan ang inabot niya roon. Mabuti na lang at nakilala niya ang kanyang knight in shining armor—si Jon.
Kinupkop siya nito sa tirahan nito. Sa loob ng maikling panahon na nagkasama sila ay nahulog ang loob nila sa isa’t isa. Subalit pagbalik nila sa Pilipinas ay sinalubong sila ng isang nakawiwindang na katotohanan tungkol sa pagkatao nila. At malaki ang naging impact niyon sa buhay nila ni Jon…

5. PHR 4117 Message In A Bottle by Camilla


Dala ng itinuturing ni Francesca na “kagagahan” noong bata pa silang magkakaibigan, gumawa sila ng mensaheng WILL YOU MARRY ME WHEN I’M TWENTY? sa tig-iisang bote at ipinaanod ang mga iyon sa dagat.
Well, that was eighteen years ago. Malapit na siyang maging old maid, pero wala pa ring linaw kung may nakakuha ng bote niya. Ang isang kaibigan niya ay matagal nang kasal sa nakakuha ng mensahe nito. Iyong isang kaibigan naman niya na madre ang nakakuha ng bote ay madre na rin ngayon. Siya na lang talaga ang bokya.
Halos nakalimutan na niya ang tungkol doon nang makilala niya si Stavros Mykonos, isang Greek god yata na napadpad sa lupa, na kung umasta ay animo pag-aari siya nito. Parang nananadya ang tadhana dahil lagi silang pinagtatagpo.
Hindi niya alam kung pinagti-trip-an lang siya nito sa mga hirit nito sa kanya kaya ayaw niyang seryosuhin ito. Pero totoo ba ang lungkot na nakita niya sa mukha nito nang sabihin niyang may boyfriend na siya?

6. PHR 4118 What You Mean To Me by Noelle Arroyo


Nang gabing magpunta si Anne sa bar ng kaibigan niya para sa kanyang blind date ay desidido na siya sa plano niya—she would seduce her date hanggang sa may mamagitan sa kanila. Dahil gusto niyang magkaanak, iyon lamang.
Pero sa huling pagkakataon ay sinalakay siya ng takot. Hindi pala niya kayang gawin ang ganoon. At naroon si William para i-rescue siya. It did not matter that he was the president of the company where she worked; nakahanap siya ng masasandalan sa katauhan nito. Natagpuan na lang niya ang sariling sinasabi rito ang mga pangamba niya at ang mga pangyayari sa nakaraan niya na ni hindi niya magawang ikuwento sa mga kaibigan niya.
Hindi niya inakalang ang pagkakataong iyon ang magiging daan upang pukawin ang mga damdaming akala niya ay hindi na siya capable na madama. At hindi niya kayang basta na lang ignorahin ang nadarama niya para dito.
Pero natatakot siyang isugal ang puso niya kay William…

7. PHR 4119 Like The Nightingale’s Love by Nicka Gracia


Si Natsu ang lalaking kauna-unahang minahal ni Amaya. Hindi niya alam kung saan at kailan nagsimula ang puso niyang mahalin ito. Basta alam niya na kahit sa batang edad ay pag-ibig na ang nararamdaman niya para dito.
But Natsu felt the opposite. Isa lang ang dahilan kung bakit mabait ito sa kanya at kaya ito ang nagiging tagapagtanggol niya. Ayon dito, nabubuhay sa katauhan niya ang namatay nitong kapatid. Labis na lungkot at pagkabigo ang naramdaman niya kaya nagpakalayo-layo siya rito.
Pero muling nabuhay ang pag-asa niya na magkakaroon ng happy ending ang kuwento nila nang pagtagpuin uli sila ng tadhana. Again, Natsu took care of her, protected her, and even loved her. Pero bigla tuloy siyang nagduda. Pagtinging-kapatid pa rin ba ang lahat ng iyon?

8. PHR 4120 Sinta by Vanessa


Lumaki si Jacinta na laging tinutudyo ng mga kaklase niya dahil sa kanyang hitsura. Gayunman, hindi niya ininda iyon dahil naroon ang katukayo niyang si Jacinto na tagapagtanggol niya. Minahal ito ng batang puso niya at umasa siyang mamahalin din siya nito. Ngunit dumating ang pagkakataon na natuklasan niyang mapanlibak din pala ito tulad ng iba. Lihim palang pinagtatawanan siya nito.
More than eight years later, she returned to the country—successful, flawless, and beautiful. Thanks to her cosmetic surgeon friend. Ibig niyang ipamukha kay Jacinto kung ano na siya ngayon. Ngunit sa muling pagkikita nila, hindi niya napaghandaan ang sinabi nito. Gusto raw nito na maging nobyo niya ito.
Dapat ay mag-concentrate na lang siya sa plano niyang pamukhaan ito. Sa halip ay biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Ang nakakainis pa, ang isang bahagi niya ay hindi niya mapigilang matuwa sa ipinahayag nito.

9. PHR 4121 Pretensions And Lies by Haze Prado



Kontento na si Avon sa simpleng buhay na mayroon siya. Nagsimula lang magulo ang mundo niya nang makialam ang papa niya sa pagpili ng lalaking pakakasalan niya. Nang gabing ipinakilala siya nito kay Roald ay iyon din ang gabing nagkrus ang mga landas nila ni Arius, ang lalaking sumalo sa kanya mula sa pagkahulog sa punong inakyat niya para lamang makatakas kay Roald.
Hindi niya napaghandaan ang instant attraction na naramdaman niya kay Arius, lalo na at mula nang gabing iyon ay hindi na siya tinigilan nito. He made her forget her problems. At nang malaman nito ang sitwasyon niya, he even pretended as her boyfriend para hindi siya maipakasal kay Roald. Kahit alam niyang palabas lamang ang lahat ay na-appreciate pa rin ng puso niya ang “sweetness” at “pag-aalaga” nito sa kanya.
Hanggang sa isang araw ay hindi na niya napigilan ang sariling mahalin ito.
Ang masaklap, natuklasan niyang instant libangan lamang pala ang turing nito sa kanya habang nasa ibang bansa ang modelong nobya nito. Pero parang ayaw pa ring paniwalaan ng puso niya na hindi totoong hindi siya mahal ni Arius... Kahit nasa harap na niya ang lahat ng katibayan na niloko lamang siya nito.

10. PHR 4122 Kapitbahay Ng Puso by Majesty Roque


Hindi maintindihan ni Gheila kung bakit lagi siyang sinusundan ng kamalasan na kung tawagin ay “Jeffrey.” Tila ganoon din ang tingin nito sa kanya kaya para silang mga aso’t pusa tuwing nagkikita sila.
Pero nang may mag-iwan ng isang sanggol sa tapat ng apartment nito, nagbago ang tingin niya rito. Mabait naman pala ito, taliwas sa unang impresyon niya rito. Umani ito ng sandamakmak na pogi points sa kanya dahil sa magandang pagtrato nito sa bata. Hindi rin niya napigilang mahulog ang loob dito, lalo na at joint efforts sila sa pag-aalaga sa sanggol.
Ngunit kung kailan naman feel na feel na niya ang role niya bilang mommy ng baby ay saka naman siya ginulantang ng isang masakit na katotohanan: ibang babae pala ang gusto ni Jef na maging mommy ng baby sa totoong buhay at hindi siya…

11. PHR 4123 There Could Only Be You by Shaylee Sizon


Labis na nasaktan si Joebel nang matuklasan niya ang tunay na pagkatao ng doktor na lihim niyang iniibig. Umasa kasi siya na ito na ang lalaking itinadhana para sa kanya.
Along came Dustin, ang may-ari ng water station sa tapat ng wedding shop niya at high school crush niya. Nasaksihan nito ang kabiguan niya at narinig nito ang pagbulalas niya ng mga hinanakit. Mula noon ay lagi na itong nagpapapansin sa kanya. Kapag nalulungkot siya at kailangan niya ng makakasama ay lagi itong nasa tabi niya, whispering sweet nothings. He comforted her and made her feel so special. Gayunman ay inisip niyang dahil lamang sa awa kaya siya dinadamayan nito.
Nang hindi na siya makatiis dahil nagsisimula na itong guluhin ang puso at isip niya, deretsahan na niyang tinanong ito. At hindi napaghandaan ng puso niya ang isinagot nito.

12. PHR 4124 Kindred Spirits by Camilla


Nawala sa dagat ang fiancé ni Cheyenne. Mahal na mahal niya ito at alam niyang mahihirapan siyang maka-recover. In fact, she vowed never to love again. Nang mga panahong iyon niya nakilala si Rannie, na kagaya rin niya ang sitwasyon.
Nagkaroon sila ng fake na relasyon para tigilan na sila ng mga walang sawang matchmakers na inirereto sila sa kung sino-sino. Hanggang sa matuloy iyon sa kasalan.
Hindi siya mahal ni Rannie. And he made it clear na wala itong intensiyon na umibig sa kanya.
Paano pa niya pipigilan ang pag-ibig para dito na hindi niya inakalang uusbong sa puso niya?

13. PHR 4125 Loving Yebeni by Camilla


Para kay Yebeni, iisa lang ang likaw ng bituka ng mga lalaki. Pare-parehong babaero ang mga ito gaya ng kanyang ama. Kaya kahit gaano pa ipakita ng partner niya sa trabaho na si Conrad ang pagmamahal nito sa kanya, hindi niya pinapansin iyon. Natatakot siya na baka isang araw ay saktan din siya nito at ipagpalit sa iba, gaya ng ginawa ng kanyang ama.
Isang gabi ay natangay sila ng kanilang mga damdamin at nagbunga iyon. Sa halip na mapalapit kay Conrad, lalong lumaki ang takot niya sa maaari niyang danasin kapag hinayaan niyang kumawala ang damdamin niya para dito. She took him for granted, until one night, she saw him with another woman. Kasunod niyon ay hindi na ito muling nagpakita pa sa kanya. Hindi niya inasahan ang sakit na dulot niyon sa damdamin niya.
Nagising na ba ito at naisip nito na hindi lang siya ang babaeng puwede nitong ibigin?
Back to top Go down
 
January 11, 2012 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» new DINO theme
» THE ART OF ELYSIUM 5TH ANNUAL HEAVEN GALA - Jan. 14, 2012
» 2012 Football Harvey Address Book
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: