HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 January 4, 2012 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: January 4, 2012 Book Release   Thu Jan 05, 2012 10:26 am

1. PHR 4102 Why Did I Fall In Love With You? by Marione Ashley


Ganoon na lamang ang galit ni Jill sa ex-boyfriend niyang si Jack dahil after their so-called “cool off,” bigla na lamang niyang nalaman na may bago na itong nobya. She wanted to get even. Gusto niyang ipamukha rito na okay lamang na nakipaghiwalay ito sa kanya at bale-wala sa kanya na ipinagpalit siya nito sa iba.
Then Guji Gonzado, the snobbish and oh-so serious member of Tennis Knights, entered the picture. Itinalaga nito ang sarili bilang “boyfriend” niya. Gusto rin daw nitong ipamukha kay Jack na mali ang ginawa niyon sa kanya.
Tinanggap niya ang tulong ni Guji.
Madali lang sana ang pagpapanggap nila bilang magnobyo kung hindi lamang unti-unting lumilihis ang puso niya sa kanilang plano. Batid naman ng puso niya na napakahirap mahalin si Guji pero sinasabi niyon na dapat siyang sumugal para sa sariling kaligayahan niya. Pero mukhang nakatadhana siyang masaktan dahil ang lalaking unti-unti niyang minamahal ay nakakulong pa rin pala sa nakaraan nito at ng babaeng hindi niya alam kung makakaya niyang labanan at higitan.

2. PHR 4105 Flora’s Defiance by Lynne Graham (translated by Bettinna)


Nang maulila ang pamangkin ni Flora ay naiwan ito sa pangangalaga ni Angelo Vanzal, the arrogant but effortless gorgeous stepbrother of her brother-in-law. Kaya naman hindi niya mapigilang kiligin at pamulahan ng mukha tuwing nakikita niya ito.
Ngunit may problema. Gusto nitong ampunin ang pamangkin niya—at hindi siya makapapayag. Tuloy ay biglang napalitan ng inis ang nararamdaman niyang kilig dito. Di-hamak na mas may karapatan siya sa bata kaysa rito.
Pero hindi rin patatalo ito. At mukhang mahihirapan siyang kalabanin ito. Dahil sa titig pa lang nito ay bumibigay na ang mga tuhod niya.

3. PHR 4106 Jess’s Promise by Lynne Graham (translated by Julienne Miguel)


Wala yatang babaeng hindi mahuhulog sa karismang taglay ni Cesar De Silvestre. Maliban kay Jessica Martinez.
Minsan nang naka-date ni Jessica si Cesar ngunit hindi na iyon nasundan pa. Hindi siya handang mapaglaruan nito gaya ng ibang mga babae. Ngunit nasuong ang pamilya niya sa isang mahirap na sitwasyon nang pagnakawan ng mga kamag-anak niya ang property nito sa Baguio. Wala siyang nagawa kundi pumayag sa proposition nito—ang magpakasal siya rito at bigyan ito ng anak.
Hindi kasama ang pag-ibig sa kasunduan nila. Pero ano ang magagawa niya kung mabilis na nahulog ang puso niya rito nang unti-unti niyang makilala ang totoong katauhan nito?

4. PHR 4107 The Faked Marriage That Started It All by Amanda


Nakatakda nang ikasal si Lindsay. Kaya nasorpresa siya nang sa halip na Certificate of No Marriage Record ang makuha niya sa NSO ay kopya ng marriage certificate niya ang dumating. Nakalagay roon na ikinasal siya kay Nathan Iñigo, ang ex-boyfriend niya noong high school na nanloko sa kanya.
She was enraged. Pineke nito ang mga dokumento at pinalabas na ikinasal sila. Gusto niyang suntukin ito nang magkita sila. Gusto rin niyang idemanda ito. Pero hindi niya alam kung bakit sa halip na iyon ang gawin niya ay naawa pa siya rito at nagpadala siya sa pagsusumamo nito. Pinagbigyan niya ang kahilingan nitong sumama siya rito sa Subic para ipakilala sa pamilya nito. Inakala niyang iyon ang pinakamadaling solusyon kapalit ng pangako nitong itatama ang ginawang pagkakamali.
Wala siyang kamalay-malay na ang lahat pala ay parte ng plano nito. Wala itong balak na ipawalang-bisa ang kasal nila, bagkus ay gagawin nito ang lahat para paibigin siya sa ikalawang pagkakataon…

5. PHR 4108 Hot Intruder: The Sensual Intruder by Sofia


Kiev Lazaredos was running away from trouble. Pumasok sa suite niya sa resort ang girlfriend ng pinsan niya at tinangka siyang i-seduce. Nang hindi niya ito patulan, inakusahan siya nito na gusto niya itong gahasain. Wala siyang choice kundi ang tumalon sa terrace ng katabing kuwarto niya para makatakas. Masuwerte siya dahil bukas ang pinto roon at doon siya pansamantalang nagtago.
Paalis na sana siya nang magising ang lasing na babae na umookupa sa silid na iyon. Brokenhearted daw ito. Hiniwalayan daw ito ng nobyo nito dahil boring at frigid daw ito. She mistook him for someone else—ang gigolo na ipinadala ng kaibigan nito para turuan ito kung paano maging isang sensuwal na babae.
Kung malalaman nito na hindi siya ang inaasahan nito, tiyak na maaakusahan na naman siyang rapist sa pangalawang pagkakataon sa gabing iyon. But if he wanted to save his ass, he must teach this innocent lady how to be a passionate woman.

6. PHR 4109 Second Chance At Forever by Aloha Jade


“Perfect couple,” iyon ang description kina Keith at Monique. They were truly in love with each other. Pero nauwi sa masakit na hiwalayan ang tatlong buwan pa lang na masayang pagsasama nila dahil sa isang pagkakamali na nagawa ni Keith. They parted ways with a ruined trust and broken hearts.
Pagkalipas ng isang taon ay muling nagkrus ang mga landas nila. Nananatili pa rin ang disappointment sa puso ni Monique dahil sa mapait na nakaraan.
Samantala, kung mayroon mang isang bagay na sigurado si Keith, iyon ay ang katotohanang sa paglipas ng taon ay mahal pa rin niya si Monique. He was willing to go through anything just to win her heart once again. He vowed to find a way to make her fall in love with him all over again… no matter what it would take.

7. PHR 4110 The Reckless Damsel by Julia Francine Sicat


Nasa high school pa lang si Elise, mahigpit na niyang kakompetensiya si Jarvis sa lahat ng bagay. Pareho silang hindi nagpapatalo kaya napapayag siya nito sa isang pustahan.
After ten years, dapat ay playgirl na siya. At kung mapatutunayan niya iyon ay siya ang panalo. She could have her dignity back and she could ask for anything she wanted. Pero kapag natalo siya, gagawin niya ang lahat ng gusto nito, kahit pa ang maging asawa nito.
Hindi niya inakalang seseryosuhin iyon ng binata kaya napasubo na siya.
She gave her hundred and ten percent for her overall makeover. Hindi naman nasayang ang effort niya dahil nakilala siya bilang isang “playgirl” kahit medyo edited version lang iyon ng katotohanan.
Ngunit kung kailan akala niya ay nagtagumpay na siya, nalaglag ang panga niya nang magkita uli sila ni Jarvis pagkalipas ng sampung taon!
Kung dati ay fafable na ito, ngayon ay puwede na itong bigyan ng free pass sa Mount Olympus kung saan ito nababagay. The guy was a freaking god of hotness!
Ano kaya kung magpaalipin na lang siya rito? Hindi na siguro siya talo roon...

8. PHR 4111 Flirting With The Boy Next Door by Mandie Lee


Try everything once. Maghanap ng thrill. Mag-enjoy. Ang mga iyon ang napagkasunduang gawin ng magkapitbahay na sina Maja at Franklin. Boring daw kasi pareho ang kanilang buhay kaya nag-join forces silang susubok ng mga bagay na hindi pa nila nagagawa.
Ang kaso, hindi inakala ni Maja na ang mabait at gentleman na si Franklin ay closet flirt pala. At nahahawa na rin siya rito! Or was it just plain flirting on her part? Bakit nagpatangay siya sa mga halik ng binata at nauwi sila sa mainit na pagtatalik sa tabing-dagat? At bakit ganoon na lamang ang sakit na naramdaman niya nang matuklasan niyang isa pala sa gustong gawin ni Franklin habang hindi pa ito nakikipagbalikan sa girlfriend nito ay ang maranasan ang pakikipag-one-night stand?

9. PHR 4112 Marry Me, Jackie by Pearl Hermosa


Nothing lasts forever, not even love. Iyon ang paniniwala ni Jackie. Kaya nang alukin siya ng kasal ni Janus, tinanggihan niya iyon kahit mahal niya ito. Para sa kanya, ano ang saysay na magpakasal kung sa huli ay kukupas din ang pag-ibig at maghihiwalay rin sila? Kaya kahit anong pakiusap nito, pinili niyang iwan ito at pumunta siya sa Canada.
Pero na-realize niya na ang ginawa niyang pag-iwan dito ang pinakamalaking pagkakamaling ginawa niya sa buong buhay niya. Nagdesisyon siyang bumalik sa bansa. She will win him back. Alam niyang mahal pa rin siya nito at matutuwa ito sa pagbabalik niya.
Pero nang magkita na uli sila, gumuho ang mundo niya. Dahil ang Janus na dating kanyang-kanya lang, ngayon ay pag-aari na ng iba..


Back to top Go down
 
January 4, 2012 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» new DINO theme
» THE ART OF ELYSIUM 5TH ANNUAL HEAVEN GALA - Jan. 14, 2012
» 2012 Football Harvey Address Book
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: