HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 December 21 & 28, 2011 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: December 21 & 28, 2011 Book Release   Wed Dec 21, 2011 7:04 pm

1. Bud Brothers Unlimited Series 20: The Bloomer Bandits (Islaw) by Rose Tan


Nang mahuli si Mayumi at malaman ni Islaw kung saan niya isinangla ang kubyertos ng mama nito, napaniwala niya ito na tapos na ang papel niya sa buhay ng lalaki.
Nagkamali si Islaw. Wallet naman nito ang pinitik niya. Ipinatubos niya rito ang lisensiya at iba pang laman ng pitaka nito. Pumayag ito. Ngunit nang makaharap niya si Islaw, dinala siya nito sa presinto at ipinakulong.
Ngunit hindi rin siya natiis nito. Pinakawalan siya ni Islaw at sinabi sa kanyang tutulungan siya nitong baguhin ang nakasanayan niyang buhay.
Bakit kaya?

2. PHR 4091 The Perfect Heroine by Janikka Bernardo


Ang matinding pangangailangan sa pera ang nag-udyok kay Frecy na tanggapin ang alok ni Jigs upang maging PA nito. Kahit alam niyang wala itong mabuting maidudulot sa sistema niya ay pinakisamahan pa rin niya ito. Pero ipinangako niyang hindi siya mahuhulog sa patibong nito. Alam niya na may reputasyon ito bilang palikero dahil sa pagiging super friendly nito sa opposite sex.
Ngunit itinakda na nga sigurong mapabilang siya sa mga babaeng nababaliw rito dahil unang beses pa lang na hinalikan siya nito ay naitapon na agad niya ang kanyang katinuan. Hanggang sa namalayan na lamang niyang mahal na niya ito. Kaya kahit malabo ay umasa siyang may nararamdaman din ito para sa kanya. Na may ibig iparating ang sweetness nito sa kanya.
Ngunit kung kailan handa na siyang magtapat dito ay saka naman bumalik si Celine sa buhay nito, his one and only love.

3. PHR 4092 Kahit Isang Halik Mo Lang by Mandie Lee


Ibang-iba si Jade sa identical twin niyang si Opal. Opal was kind, charming, and adorable. Mahal ito ng mga tao. Samantalang siya ay carefree, arogante, haragan, at pasaway. Walang pakialam sa kanya ang ibang tao, lalo na ang guwapo ngunit antipatikong kapitbahay nilang si Evans na “amasona” ang tawag sa kanya. Ngunit isang gabi ay hinalikan siya nito at nagdulot iyon ng kakaibang damdamin sa kanya. Sa kalituhan ay isang malakas na sapak ang iginanti niya rito.
Ngunit dahil sa isang masakit na pangyayari na naging dahilan ng pagkawala ng kakambal niya, nagbago ang buhay ni Jade. Binago niya ang sarili. Sa tindi ng guilt ay binuhay niya ang kakambal sa pamamagitan niya. Natuwa ang marami sa pagbabago niya ngunit naiwala na niya ang totoong siya.
She thought she was bound to live in guilt and darkness forever, until Evans showed her the light. Binuhay nito ang totoong siya at pinukaw nito ang kanyang puso. Kaya nang muling halikan siya nito, hindi na sapak ang iginanti niya rito; she kissed him back with all the passion in the world…

4. PHR 4093 Tayo Pa Rin, `Di Ba? by Julianna Ran


Lahat ay gagawin ni Angela para bumalik sa kanya ang ex-boyfriend niyang si Gordy. Mahal na mahal niya ito at hindi siya makapapayag na mauwi sa wala ang isang taong relasyon nila.
Hanggang sa nalaman niya na may bagong girlfriend na ito. Dinurog ng katotohanang iyon ang puso niya ngunit hindi siya sumuko. Pilit pa rin niyang inilalapit ang sarili rito. Ngunit labis na binale-wala siya nito kaya naman nakaramdam na siya ng pagod. Naisip niyang wala na talagang pag-asa na mabuo pa ang relasyon nila. Kaya kahit masakit para sa kanya ay kinalimutan na niya ito.
Ang nakakaloka lang, mula nang iwasan niya ito at makita nitong masaya siya kasama ang isang manliligaw niya ay bigla na lang itong parang may sapi na lapit nang lapit sa kanya. Kung dati ay halos ipagtabuyan na siya nito, ngayon naman ay ito ang habol nang habol sa kanya.
Ano ba talaga ang gusto nitong mangyari? Hahayaan ba niyang umasa uli ang puso niya kahit nasaktan na siya sa pagmamahal dito?

5. PHR 4094 Along Came Summer by Princess Faye


Walang maniniwala kay Nica kapag sinabi niyang nahalikan na siya ni Mac mahigit dalawang taon na ang nakalilipas. Ang masaklap, walang natatandaan si Mac sa ginawa nito sa puri niya. Ni hindi nga nito maalala na nakilala siya nito noon. Sino ang matutuwa rito? Ang pinakamasaklap sa lahat, na-record sa utak niya ang tamis ng halik nito at siya lang ang hindi makalimot-limot doon. Masisisi ba siya ng kahit na sino kung umiinit ang bumbunan niya kapag nakikita niya si Mac? Tuloy, giyera-patani lagi sila.
Pero tuwing may nangyayaring hindi maganda sa kanya ay nag-a-a la Superman si Mac para sagipin siya. Hanggang sa nagising na lang siya isang araw na tinunaw na ng mga ngiti nito ang inis niya rito. But he was Mac Lizalde: ang lalaking nagsabi na hindi na muling isusugal ang puso kahit na kanino.

6. PHR 4095 Funny Little Whisper by Venus Franz



Napuno ng kahungkagan at lungkot ang mundo ni Liyah nang mabigo siya sa pag-ibig sa tanging lalaking minahal niya sa loob ng maraming taon. Masakit isipin na ang best friend pala nila ang babaeng gustong pakasalan nito at hindi siya.
Nagpasya siyang pansamantalang lumayo para magbakasyon sa ibang lugar at paghilumin ang kanyang puso.
Ngunit sumulpot si Lance, ang antipatikong magtataho at tricycle driver sa bayang pinuntahan niya. Ginulo nito ang dapat sana ay nananahimik na niyang puso. At habang lumilipas ang mga araw na nagkakaroon sila ng pagkakataong magkasama ay natatagpuan niya ang sariling ngumingiti na uli dahil dito.
And as the attraction between them grew, the more she realized he might be everything she was looking for.

7. PHR 4096 Silver And Spice by Sheena Rose


Eight years ago, ipinangako ni Dianne sa sarili na hindi na siya tatapak uli sa San Martin. Ngunit dala ng kagipitan ay napilitan siyang magbalik.
Pumasok siyang barista sa isang coffee shop. Sa kamalas-malasan, ang may-ari niyon ay pinsan ni Cris, ang ex-boyfriend niya na isinumpa niya pagkatapos siyang ipagpalit nito sa med school.
Hindi lang iyon, napilitan din siyang tumira sa condo unit nito dahil hindi siya binigyan ng ibang choice ng kapalaran. Sinabi niya sa sariling wala siyang dapat ipangamba sa setup nila dahil wala siyang kabalak-balak na patawarin o tanggapin uli ito kahit magmakaawa pa ito sa kanya.
Pero paano kung hindi rin siya bigyan ng choice ng puso niya kundi aminin sa kanyang sarili na hindi pa rin siya tumitigil sa pagmamahal dito?

8. PHR 4097 When Bettina Was Fifteen by Celine Isabella



Twelve years ago, Bettina declared her undying love and devotion to Cain. Pero binasted lang siya nito dahil nakababatang kapatid lang daw ang turing nito sa kanya.
The next time they met, nag-iba ang ihip ng hangin. Cain was obviously smitten with her. At mukhang handa itong gawin ang lahat upang ipaalala sa kanya na gusto niya rin ito noon. Ngunit ipinangako niya sa sarili na hindi niya papansinin ito kahit lumuhod ito sa harap niya.
But when he held her in his arms, the long-forgotten butterflies once again rammed against the walls of her tummy. She was fifteen again!
Cain once had the power to break her heart. Kailangan niyang ipaalala iyon sa sarili. Pero bakit muli siyang nangangarap na si Cain ang magiging asawa at ama ng mga anak niya?

9. PHR 4098 Hot Intruder: JM, The Blue-eyed Playboy by Victoria Amor


Sinalubong ng tadyak ni Jhoan ang pangahas na lalaking bigla na lang pumasok sa pamamagitan ng pagsipa at pagsira sa pinto ng kubong punong-puno ng masasayang alaala ng kanyang lolo at lola. Ang akala siguro nito, por que guwapo ito ay palalampasin niya ang ginawa nito. Hinding-hindi siya magpapadala sa asul na mga mata nito kahit nakakaakit ang mga iyon. Kung susumahin, kulang pa ang ipinatikim niyang tadyak sa perhuwisyong dinala nito sa kanya. Kaya itinali at iginuhit niya ito nang hubad. Kung hindi lang tumawag ang date ng nanay niya na si Tito Mike at sinabing anak nito si JM—ang lalaking pinarurusahan niya—ay hindi pa siya titigil sa paniningil dito.
Subalit nais niyang pagsisihan na pinakawalan niya si JM dahil ginantihan siya nito ng masiil na halik sa mga labi. Ang masama pa, nasundan pa ang halik na iyon nang mapilitan siyang tumira sa condominium unit nito. Pakiramdam niya ay naisahan siya nito. Paano siya makagaganti rito kung awtomatikong humihina ang kanyang depensa tuwing natitikman niya ang halik nito?

10. PHR 4099 The Runaway Groom by Aloha Jade


Laking gulat ni Martynna nang tawagan siya ng kanyang amang matagal na niyang hindi nakakausap. Pinauuwi siya nito sa probinsiya. Ipapakilala raw siya nito sa lalaking ipinagkasundo nito na pakasalan siya. Tutol siya sa nais nitong mangyari.
Sa Olotayan Island, nakilala niya si Lysander—ang lalaking katuparan ng kanyang pangarap. May namuong espesyal sa pagitan nila sa loob ng isang gabi. Nalaman nito ang problema niya kaya sinabihan siya nitong umuwi siya sa kanila at sundin ang kanyang ama.
Laking gulat pa niya nang matuklasang si Lysander at si Eugene Hernandez na ipinagkasundong ipakasal sa kanya ay iisa. Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit nag-iba na ang pakikitungo nito sa kanya nang magkita sila sa Villa Sebastian. Hindi rin niya alam ang dahilan nito para ipilit nitong ikasal sila gayong nalaman niyang boyfriend ito ng stepsister niya. Gusto niyang paniwalaang pag-ibig ang dahilan niyon.

11. PHR 4100 Wild And Beautiful by Sheena Rose


Malaki ang problema ni Maureen: walang nanliligaw sa kanya at hindi niya alam kung bakit.
May-pagka-stiff daw kasi ang personality niya at hindi raw nakatutulong iyon para makuha ang pansin ng mga lalaki. Iyon ang paliwanag doon ni Jay, ang kanyang boss sa pinapasukan niyang agency. Nagsilbi itong coach niya kung paano siya magiging mas “exciting” sa paningin ng mga lalaki.
As time went by, she just realized that their lessons were turning hotter and wilder.
Tila wala na rin siyang gustong iba pang lalaki na maging interesado sa kanya maliban dito.
Kung sana ay ganoon din ang nararamdaman nito para sa kanya…

12. PHR 4101 Ang Pag-ibig Ni Rochelle by Camilla


Nagkahiwalay sina Rochelle at Ludwig dahil sa kabuktutan ng ina ng binata. Napakahirap ng sitwasyon niya nang iwan siya nito at todo-todong sakit ang naramdaman niya.
Pagkalipas ng maraming taon, muling nagkrus ang mga landas nila ni Ludwig. Wala na ang dating rangya ng pamilya nito. Tila tadhana na ang gumawa ng paraan upang singilin ang mga ito sa kasalanan sa kanya.
Ang tanging nais niya ngayon ay ipamukha kay Ludwig kung ano ang nawala rito sa pag-iwan nito sa kanya.
Ngunit sa nakikita niyang paghihirap nito, bakit tila siya ang higit na nasasaktan?

13. PHR 4102 Hot Intruder: Fyro, The Hotheaded Angel by Victoria Amor


Para hindi mawala kina Ciarra ang bahay at lupa nila ay tinanggap niya ang alok ng matandang bakasyunista sa bayan nila na tumao sa rest house nito at sundin ang lahat ng pabor na hihingin nito. Kapalit niyon ay tutubusin nito ang lupa at bahay nila.
Ang akala niya ay suwerte na siya dahil bukod sa nasa bahay na ang lahat ng kailangan niya, buhay-prinsesa pa siya. Ngunit nagkamali siya. Dahil sa ikatlong gabi niya roon ay isang intruder ang pumasok at napagkamalan siyang “paid date” nito. Muntik na siyang ma-“rape” nito! It turned out, ang inakala niyang pangahas ay si Fyro, ang apo ng matanda at siyang tunay na may-ari ng bahay.
Kailangan niyang manatili sa rest house dahil may pinirmahan siyang kontrata. Ang problema, tila sinasadya ni Fyro na laging ibilad ang katawan nito sa harap niya. Lumala pa ang lahat nang isang mapanganib na pabor ang hingin ng lola nito: gampanan daw niya ang papel ng isang asawa kay Fyro at turuan niya iyong maging “good husband” dahil ipapakasal nito ang apo sa babaeng napipisil nito.
Hanggang kailan niya kakayanin na maging “trial wife” kung ipinagkakanulo na siya ng puso niya?

14. PHR 4103 Heart by Majesty Roque


Halos dalawang dekada nang inirereserba ni Heart ang puso niya para kay Cenon. Pero hanggang malapit na kaibigan lang ang tingin nito sa kanya. Gayunman, nanatili pa rin siya sa tabi nito bilang isang mabuting kaibigan habang lihim pa rin siyang umaasang matutugunan nito ang pag-ibig niya. Hanggang sa tuluyan nang mabiyak ang puso niya nang ianunsiyo nitong ikakasal na ito sa fiancée nito.
Pero tila mabait sa kanya ang tadhana. Hindi sumipot ang fiancée nito sa kasal ng mga ito.
Nang piliin ni Cenon na magdalamhati sa isang beach resort sa Bataan ay sinamahan niya ito. Nasobrahan yata siya sa pagdamay rito dahil nang malasing sila isang gabi ay buong pusong ipinagkaloob niya ang sarili rito.
Ang akala niya ay simula na iyon para maangkin na niya nang tuluyan ang puso nito. Ngunit biglang sumulpot ang fiancée nito sa resort at sinabi kay Cenon na dinadala nito sa sinapupunan nito ang anak ng mga ito…

Back to top Go down
 
December 21 & 28, 2011 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» The Wilder Life - A new book
» CAMBRIDGE GLASS FAIR - Sunday 27th February**
» Chaos Goddess Deck
» Coriolanus accepted for TIFF. Release date is Dec 2nd.
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: