HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 December 14, 2011 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: December 14, 2011 Book Release   Sat Dec 17, 2011 11:52 am

1. Bud Brothers Unlimited Series 19: The Bloomer Bandits (Buboy) by Rose Tan


Isang makating-dila ang nagsabi kay Patsy na may lihim na pag-ibig sa kanya si Buboy, partner ng pinsan niya sa Blooms at part-time DJ. Convincing ang makating-dila kaya lahat ng love songs na pinatutugtog ni Buboy, akala niya ay para sa kanya.
Hindi pala. At ang masaklap, siya ang nagkagusto sa lalaki at nalaman nito iyon. Kaya ang herodes, ginamit ang matchmaking skills. Isinali siya nito sa animo dating game na segment ng programa nito sa radyo.
Nakabuti naman iyon dahil nakilala niya ang lalaking sa tingin niya ay magpapaligaya sa kanya. Ang akala niya ay tapos na ang problema niya kay Buboy, hindi pa pala.
Dahil may kung anong nakain ito at bigla na lang dumating sa bahay nila isang gabi. May dala itong mga bulaklak at tsokolate.
Aakyat daw ito ng ligaw…

2. PHR 4062 Love Mo Na Ba Ako? by Dawn Igloria


Timothy was Larisse’s first kiss. He was the first man to tell her he wanted to take care of her and make her happy. Ito ang unang lalaki na nagtanggol sa kanya, nagbigay sa kanya ng pag-asa, tumulong sa mga pangangailangan niya, at nang-umit ng halik bilang bayad sa pustahan nila.
He was her first and only love. Ito ang nag-iisang lalaking pinagkatiwalaan niya ng kanyang puso, katawan, at kaluluwa.
Pero si Timothy rin ang sumugat sa puso niya at sumira sa magandang pagtingin niya sa salitang “love.” At natitiyak niyang hindi na niya babalikan pa ito.
Huwag nga lang sana siyang traidurin ng puso niya.

3. PHR 4063 Love, Camera, Action! Undercover Love by Haze Prado


Kahit ilang beses nang nabigo ay hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Airill na balang-araw ay darating din ang Prince Charming niya at magsasama sila nang masaya habang-buhay.
Agad naman siyang nakakita ng panibagong prospect. Ngunit sa kung anong biro ng tadhana ay muling nagkrus ang mga landas nila ni Lewis, ang lalaking kinaiinisan niya nang labis. Pakialamero ito at lagi nitong sinisira ang diskarte niya.
Pero sa kung anong biro din ng tadhana ay ito ang naging tagapagligtas niya nang maging target siya ng isang pinaghihinalaang serial killer. Wala siyang nagawa kundi tanggapin ang proteksiyon nito.
Dahil lagi silang magkasama, namalayan na lamang niya na nahuhumaling na siya rito. Hindi nakapagtataka iyon dahil kaibig-ibig naman talaga ito. Sa malas, magkaiba sila ng pananaw pagdating sa pag-ibig. Hindi ito naniniwala roon at lalong hindi ito naniniwala sa “and they lived happily ever after” na ending!

4. PHR 4064 Helplessly Falling by Dawn Igloria


Aso’t pusa, tubig at langis, La Niña at El Niño—ganoon sina Jade at Papo. Beyond comprehension para kay Jade na isiping isang araw ay magiging malapit sila ni Papo sa isa’t isa.
Pero tila isang biro ng tadhana, nalaman niya na ito ang lalaking ipinagkasundo sa kanya ng kanyang mga magulang para pakasalan niya. Inaasahan niya na magpoprotesta ito nang todo pero sa halip, nagsimula itong umaktong parang isang perpektong nobyo. He was so sweet and caring. Hindi tuloy niya naiwasang unti-unting mahulog ang loob dito.
Pero nang handa na siyang tanggapin nang buong puso na ito na ang makakasama niya habang-buhay ay saka naman niya nakita ito na may kasamang magandang babae at sweet na sweet ang mga ito sa isa’t isa. Walang duda na girlfriend nito ang babaeng iyon. Diyata’t isang palabas at pagpapanggap lang ang mga ipinakita nito sa kanya?

5. PHR 4065 Just Love by Gabriev Fuentes


Iyon ang naging sagot ni Miggy kay Crea nang magtapat siya ng damdamin dito bago ito biglang nawala. She wanted to hate him then for leading her on and then hurting her in the end.
Pagkalipas ng halos isang dekada ay muling nagkrus ang mga landas nila. He followed her around. He was making her fall for his smile and charms again. At gaya noong nasa college sila, nagagawa na naman nitong palambutin ang puso niya.
She knew she had to block him off somehow. At mukhang sinasang-ayunan siya ng tadhana dahil natuklasan niya ang dahilan sa likod ng lahat ng mga ngiti nito sa kanya—noon at ngayon.
Could she trust him with her heart again?

6. My Perfect Fake Boyfriend by Janikka Bernardo


Fake boyfriend. Iyon ang solusyon na tanging alam ni Danica upang ipamukha sa ex niya na hindi totoo ang sinabi nito: na tatanda siyang dalaga dahil stiff daw siya at masyadong bossy. Kaya agad siyang naghanap ng candidate para gawing fake boyfriend.
Enter Justin Cray Gonzales—her childhood nemesis na kinakapatid din niya. Seeing him again brought out a lot of memories, lalong-lalo na ang halik na ibinigay nito sa kanya many years ago when her good-for-nothing ex-boyfriend ditched her for another girl. Kahit saang anggulo tingnan, perfect candidate itong gawing fake boyfriend.
Making him agree to her proposal was like standing on a quicksand. Dahil hindi niya na-anticipate ang epekto nito sa sistema niya. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi na niya kayang labanan ang charms nito. It was like he had suddenly turned into the most charming man she had ever laid her eyes on.
Kung paano nangyari iyon ay hindi niya alam. Isang bagay lang ang natitiyak niya. The next one hundred days would both be heaven and hell.

7. Lovefinder Postcripts: Heart’s Vow (Rod And Cheryl) by Victoria Amor


Siyam na taong gulang si Cheryl nang makilala niya ang isang estranghero sa park. Sinagip siya nito sa gutom, at sa malakas na buhos ng ulan ay hinayaan pa siya nitong magpahinga sa bahay nito. Mula noon ay natanim na sa isip niya na tama ang madalas sabihin ng mama niya na ang mga totoong superhero ay walang superpowers kundi nasa paligid lang. At ang mukha ng lalaking iyon ang naging mukha ng isang “hero” para sa kanya. Nanatili sa isip niya ang alaalang iyon ng kabataan niya.
Hindi niya inaasahan na pagkalipas ng mga taon ay muling magkukrus ang mga landas nila ng real-life hero niya—si Rod, ang bagong bodyguard na kinuha ng ama niya para bantayan siya mula sa faceless stalker niya. Hindi niya napaghandaan ang naging epekto ng muling pagkikita nila. Guwapong-guwapo na ito at napakaganda ng tindig at porma. Perpektong hero ito sa paningin niya, kaya lang ay tila wala itong pakiramdam. Ni wala itong reaksiyon sa muling pagkikita nila kahit nakilala naman siya nito.
“Yakapin mo ako,” utos niya para may makuha siyang reaksiyon mula rito.
Sumilay ang pamilyar na ngiti sa mga labi nito. Huli na para saluhin niya ang nalaglag niyang puso …

8. Segunda Manong Puso by Mandie Lee


Intense sexual tension was always in the air kapag naglalapit sina Gellie at ang hunky boss niyang si Jervis. Nag-umpisa iyon mula nang hindi inaasahang makita nitong nakasuot siya ng sexy outfit. Dahil matagal nang may lihim siyang pagnanasa—este, pagsinta—rito ay walang pag-aatubiling pumayag siya nang alukin siya nitong maging steady dates sila.
Okay na sana ang lahat, handa na sana nilang ilagay sa next level ang kanilang pagde-date nang bumalik naman sa bansa ang first love ni Jervis na si Selena. And Selena was determined to get Jervis back. Gustuhin man ni Gellie na sumuko na ay umaayaw naman ang kanyang puso na i-give up si Jervis nang ganoon-ganoon na lamang, kahit sabihin pang walang kasiguruhan kung mamahalin din siya nito.
She was willing to do anything to have Jervis’ heart, kahit secondhand lamang iyon. Isusuko niya ang lahat-lahat ng mayroon siya—puso, pride, and, yes, pati na “Bataan.”

9. Jemima’s Secret by Lynne Graham (translated by Ice Jimenez)


Iniwan ni Jemima si Alejandro, ang asawa niyang hacendero, nang paniwalaan nito na may namagitan sa kanila ng kapatid nito. Lingid sa kaalaman ng lahat, buntis siya nang lisanin niya ang hacienda. Sa takot na kunin ni Alejandro ang anak nila, inilihim niya iyon dito.
Mahigit dalawang taon ang lumipas nang magkita uli sila ni Alejandro. Gaya ng inaasahan niya, nais nitong kunin ang bata. Alam niyang wala siyang laban dito kaya napilitan siyang pumayag na magsama uli sila.
Tatlong buwan ang itatagal ng kasunduan nila. Ngunit napagtanto niyang hindi niya kayang iwan uli ito. Pero anong kinabukasan ang maghihintay sa kanila kung siya lang ang nagmamahal dito?

10. Beloved Daydreamer by Dawn Igloria


Sa mga daydream ni Li ay laging bida ang supladito ngunit supercute na si Gian. Mabait, passionate, at sobrang romantic ito. Ang ikinaiinis lang niya, laging hindi natutuloy ang kissing scene nila kapag nangangarap siya nang gising. Kung hindi sa sahig ay sa lupa siya bumabagsak bago pa magdikit ang kanilang mga labi.
Kabaligtaran iyon sa totoong buhay. Dahil oo nga at mukhang idol ni Gian si Scrooge sa kasungitan, may mga eksena naman sila na sadyang nahahalikan siya nito.
Ang akala niya ay patungo na sa happy ending ang namumukadkad na amor niya rito. Ngunit tulad sa daydreams niya na lagi na lang nauunsiyami ang romance, may kontrabidang dumating sa kanila ni Gian—si Joel. Sandamakmak na luha at pighati ang ipinalasap nito sa kanya. Kung sana lang, pangangatawanan ni Gian ang pagiging knight in shining armor nito sa buhay niya.

Back to top Go down
 
December 14, 2011 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» The Wilder Life - A new book
» CAMBRIDGE GLASS FAIR - Sunday 27th February**
» Coriolanus accepted for TIFF. Release date is Dec 2nd.
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: