HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 December 7, 2011 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: December 7, 2011 Book Release   Wed Dec 07, 2011 8:20 pm

1. PHR 4072 Hot Intruder: Titus, The Jackpot Winner’s Intruder by Camilla


Napakalaking suwerte ang dumating sa buhay ni Salvacion nang mapanalunan niya ang jackpot sa grand lotto. Maipamumukha na rin niya sa mga tsismosong kapitbahay niya na hindi siya malas. Pero wala naman siyang balak na ipangalandakan ang pagkapanalo niya.
Hindi niya alam kung may kinalaman sa suwerte niya ang walang babalang pagsulpot ni Titus isang gabing nag-iisa siya sa bahay. Sa pag-aakalang magnanakaw ito, tinisod niya ito ng kawayan habang pababa ito ng hagdan. Nakonsiyensiya siya sa ginawa niya rito nang malaman niyang hindi ito masamang tao. Sa halip ay nagmamalasakit ito dahil may nag-aabang pala sa pagke-claim niya ng premyo na balak siyang gawan ng masama.
Hindi niya alam kung bakit nagtiwala siya rito, pero batid niyang totoong nais nitong protektahan siya. Nang may magtanong dito kung sino ito sa buhay niya, bigla na lang nitong idineklarang manliligaw niya ito. Kung sana ay totoo nga iyon dahil kinikilig ang puso niya…

2. PHR 4073 Love Me For Once And Always by Aloha Jade


Handang gawin ni Cher ang lahat para sa taong mahalaga sa kanya. Kaya nang mangailangan siya ng malaking halaga para sa pagpapagamot nito ay napilitan siyang kumapit sa patalim. Pero bago pa man niya magawa iyon ay dumating si Craig, her knight in shining armor. Ito ang tumulong sa kanya. Sa pagtataka niya, hindi ang katawan niya ang hiningi nitong kabayaran kundi ang puso niya.
Everything seemed perfect, until she met his family. Ipinadama ng mga ito ang labis na pagtutol sa kanya para kay Craig pagkatapos malaman na mahirap at mababa lang ang pagkatao niya. Hindi raw siya nababagay kay Craig.
Kaya ba niyang ipaglaban ang damdamin niya para kay Craig gayong sa pagdaan ng panahon, tanging ito lang ang isinisigaw ng puso niya?

3. PHR 4074 The Reality Show: Truth Or Dare by Angel Bautista


Nagsimula ang lahat sa isang laro ng truth or dare. Pinili ni Myla ang dare dahil ayaw niyang aminin ang truth: in love siya kay Sean Enriquez, ang ex-theater actor at ngayon ay up and rising young TV director. Ayon sa description ng marami, Sean Enriquez’s eyes were a lethal weapon. At siya yata ang pinakamalaking biktima niyon.
Hindi niya alam na lalo pa siyang mapapahamak sa pinili niya. She was asked to dance for him, isang sayaw na nagpabago at nag-ugnay sa buhay nilang dalawa. Pagkalipas ng ilang taon ay magkasama uli sila sa isang programang idinidirehe nito, ang The Reality Show. Pangalawang pagkakataon ba nila iyon para sa “truth,” o talaga bang hanggang sa pagkakaibigan na lang sila ni Sean?

4. PHR 4075 In Love With A Reformed Rascal by Noelle Arroyo


Tumakas si Blair sa madrasta niya dahil balak nitong ipakasal siya sa matandang negosyanteng si Henrich Dugall. Hinanap niya ang dati niyang yaya na napag-alaman niyang nagtatrabaho sa asyenda ng mga Malfore. Ang may-ari niyon ay kaibigan ng kanyang namayapang ama at ang inaasahan niyang makatutulong sa kanya.
Doon ay muli silang nagkita ni Theo, ang kinaiinisan at kinatatakutan niyang kababata na walang ginawa kundi i-bully siya noon. Ngunit dahil namayapa na rin ang lolo nito na may-ari ng asyenda, napilitan siyang tanggapin ang alok na tulong ni Theo kahit labag sa kalooban niya.
Sa pagdaan ng mga araw, ibang Theo na ang nakikita niya rito. Kung dati ay nakaka-terrorize ang personalidad nito, ngayon ay nakaka-in love na ito. Kahit nalaman na niya ang relasyon nito sa isang babaeng alam niyang bagay na bagay rito ay gusto pa rin niya ito. At ang nakakainis, hindi man lang ito nag-abalang gumawa ng paraan para ma-turn off siya rito. Tila tuwang-tuwa pa ito na nahuhulog na ang kalooban niya rito. She couldn’t help but wonder… Was the former rascal a rascal still?

5. PHR 4076 The Tycoon Takes A Wife by Catherine Mann (translated by Jade Alleje)


Tinakasan ni Eloisa ang asawang si Jonah Landis isang taon na ang nakararaan dahil ayaw niyang maging bahagi ng makinang na mundo nito. Subalit basta na lang ito sumulpot isang araw para sabihing kasal pa rin sila. Nagkaroon diumano ng problema sa filing ng divorce nila dahil sa isang lihim sa pagkatao niya na hindi niya nasabi rito.
“Kailangang magsama tayo nang two weeks. Iyon ang kailangan para masimulan ang divorce natin,” wika nito.
Aminado siyang walang araw na hindi ito nawala sa isip niya. Makakatagal kaya siyang makasama ito nang dalawang linggo, samantalang kung makaakto ito ay parang hindi sila nagkahiwalay nang isang taon?

6. PHR 4077 This Guy Is In Love With You, Mare by Mandie Lee


Parang aso at pusa na sina Iris at Chance mula pa noong nasa high school sila. Kaya hindi inakala ni Iris na darating ang panahon na magiging kumpare, kaibigan, at boss niya ito. Malaki ang kasalanan niya rito: siniraan niya ito sa crush nito noon; sinabi niyang may BO ito at may mga patay na kuko sa paa. Hiling na lang niyang sana ay hindi malaman ni Chance ang tungkol doon.
Pero wala nga yatang lihim na hindi nabubunyag. Nagalit si Chance sa kanya at pinarusahan siya nito—sa pamamagitan ng isang napakatamis at nakaka-adik na halik. Parusang tunay iyon dahil bigla, tinubuan siya ng kilig at pagsinta sa lalaking tila nawili sa paghalik-halik sa kanya.
Alam niyang wala siyang pag-asa rito dahil iba ang babaeng gusto nito. Pero bakit siya ang ipinakilala nitong girlfriend sa madlang pipol?

7. PHR 4078 Turning Point by Laurice del Rio


Malungkot ang balitang natanggap ni Jira: patay na raw ang ama niya. Ipinamana nito sa kanya ang lupang ilang salinlahi nang pag-aari ng angkan nito. Ang payo ng abogado na nagpadala ng sulat ay mas maganda kung uuwi siya sa Pilipinas para bisitahin ang ipinamana sa kanya.
Her life in the States had been going down the drain at that time. Nagkasabay-sabay ang mga kamalasang dumating sa buhay niya—sa trabaho niya, sa love life niya, at sa kanyang pangarap na maging pintor. Dahil doon ay napadali ang pagpapasya niyang umuwi sa Pilipinas.
Sa pagbabalik-bayan niya ay nakilala niya si Francis, isang single father na mukhang may balak na maging single for life. Nagkalapit agad ang loob nila ng anak nito at sa maikling panahon ay ganoon din sila ng lalaki. Pero biglang dumating ang isang pagkakataon upang magkaroon ng katuparan ang pangarap niya. At para matupad iyon ay kailangan niyang iwan ang mga taong napamahal na sa kanya.
She hoped Francis would understand. But he didn’t. Kaya masakit man ay napilitan siyang iwan ito.

8. PHR 4079 Hershey’s Kisses by Allie Sia Alonzo


Patay na patay si Hershey kay Achilles. Pero ang commercial model na si Kim ang kinahuhumalingan nito. Upang masolo niya si Achilles, inutusan niya ang best friend niyang si Race na ligawan si Kim.
Nakalimutan niyang mabilis nga pala ang karma. Nang makita kasi niyang sweet na sweet na sa isa’t isa ang best friend niya at si Kim ay bigla siyang nataranta.
It was then that she realized the ugly truth: best friends do fall in love with each other and she fell first. Pero may alam siyang alas: masarap siyang humalik!
Papaulanan niya ng halik ang best friend niya. Tingnan lang niya kung hindi malipat ang pagtingin nito sa kanya.

9. PHR 4080 The Devil’s Heart by Lynn Raye Harris (translated by Nikki del Rosario)


Parehong galit sa isa’t isa sina Francesca at Marcos. Sa lalaki isinisisi ni Francesca ang lahat ng masasamang nangyari sa kanya. Pagkatapos siyang paibigin nito at makuha ang gusto nito ay basta na lang itong umalis at nawala na parang bula.
Pagkalipas ng maraming taon, sinubukan niyang nakawin ang isang mahalagang bagay rito upang iligtas ang buhay ng taong kumupkop at nagmalasakit sa kanya. Ngunit binalikan siya ni Marcos at gusto nitong pagbayarin siya sa ginawa niya. Gusto nito na muli silang magpakasal. Kapalit niyon ay sasagutin nito ang lahat ng gastusin sa pagpapagamot sa taong kumupkop sa kanya.
Ayos na sana ang lahat. Ngunit sa paglipas ng mga araw na nakakasama niya ito, unti-unti na namang nahuhulog ang loob niya rito.
Paano kung malaman nito ang isang lihim na kahit kailan ay hindi na masosolusyunan pa? Tatanggapin pa rin ba siya nito? Isa pa, ni hindi niya alam kung kaya nitong suklian ang pag-ibig niya rito…

10. PHR 4081 I For You by Jennieca Guererro


Malinaw at simple lang ang plano ni Belle kung bakit umuwi siya sa Pilipinas—ang makapiling ang kanyang ama na nawalay sa kanya sa loob ng walong taon. Pero mukhang may ibang plano ang tadhana dahil mula nang sunduin siya ng driver ng daddy niya na si Mateo Cornedo ay parang lumilihis ang plano niya.
Unang engkuwentro pa lang nila ni Mateo ay hindi na naging maganda ang karanasan niya habang kasama ito. But slowly, she found herself falling for his charm. Binura ng pagiging sincere at sweet nito sa kanya ang maling impresyon niya rito.
Nakahanda na sana niyang aminin dito na mahal niya ito pero bigla itong umalis—at walang katiyakan kung babalik pa ito.







Back to top Go down
 
December 7, 2011 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» The Wilder Life - A new book
» CAMBRIDGE GLASS FAIR - Sunday 27th February**
» Coriolanus accepted for TIFF. Release date is Dec 2nd.
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: