HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 November 30, 2011 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: November 30, 2011 Book Release   Wed Dec 07, 2011 7:39 pm

1. PHR 4062 Hot Intruder: Piccolo, Summer’s Intruder by Camilla


Nabulabog ang pagbabakasyon ni Summer sa isolated rest house ng pamilya niya nang pasukin siya roon ng isang lalaking bugbog-sarado na tinakasan ng malay sa sahig ng kanyang kusina. Sinaklolohan niya ang lalaking nagpakilalang si Piccolo Yamamoto.
Sa ilang araw na pamamalagi nito sa rest house ay hindi niya napigilang mahulog ang loob niya rito. Halos malunod siya sa saya nang aminin nitong mahal din siya nito.
Pero nang malaman nito na pinsan niya ang may kagagawan ng pagdukot at pananakit dito, bigla na lang itong lumayo. Sa laki ng problema sa pagitan ni Piccolo at ng kanyang pamilya, pakiramdam ni Summer ay siya ang talo.
If only Piccolo would bend and try to understand…

2. PHR 4063 The Tanangco Boys: Justin Karl Chua (Saving My Love For You) by Juris Angela


Masakit man para kay Nancy Jane ay tinanggap niyang hindi na siya kayang mahalin ni Justin gaya ng dati. Labis nga sigurong nasaktan ito sa pang-iiwan niya noon dito kaya tumigas na ang puso nito sa kanya.
Ang akala niya ay wala nang mas sasakit pa sa pambabalewala nito sa kanya, pero nang makita niya ito na may kasamang babae sa restaurant na pinagdalhan sa kanya ng manliligaw niya ay halos gumuho ang mundo niya. Ngalingaling sugurin niya si Justin sa mesang inuupuan nito at ilayo ito sa babaeng panay ang pulupot dito.
Sadya nga yatang pasaway ang puso niya. Hayun na nga sa harap niya ang lalaking handa siyang ibigin at alagaan pero sumige pa rin siya sa dikta ng pride niya. Wala na siyang itinira sa kanyang sarili. Nagpakumbaba siya sa harap ni Justin kahit wala siyang kasiguruhan kung sa pagkakataong iyon ay siya ang pipiliin nito.

3. PHR 4064 Loving The Villain by Nikki Karenina


Para mapansin si Drea ng love of her life na si Dominic, nakipaglapit siya sa kapatid nito na si Dereck, ang numero unong kontrabida sa buhay niya. Paaamuin niya ito at kakaibiganin nang sa gayon ay hindi na nito sirain ang mga diskarte niya para magpapansin sa kuya nito.
Pero kung kailan umaayon na ang lahat sa plano niya ay saka naman nagloko ang tibok ng puso niya. Bigla, ayaw na niyon kay Dominic at si Dereck na ang gusto niyong gawing Prince Charming.
“Happy ever after” pa rin kaya ang maging ending ng pangarap niyang fairy tale ngayong ang villain na ang itinitibok ng puso niya?

4. PHR 4065 When I Met You by Laurice del Rio


Iniwan ni Abby ang glamorosong mundong ginagalawan niya sa New York nang mabaril at mamatay ang boyfriend niya dahil sa pagkakasangkot nito sa droga. Para sa kaligtasan niya, binigyan siya ng bagong pagkatao. Hindi na siya si Abigail Arcena, ang supermodel, kundi si Baby—isang walang kadating-dating na misis ng isang magbubukid at nakatira sa bayang nasa dulo yata ng daigdig.
Malaking problema na nga sa kanya ang mag-adjust sa bagong buhay niya, dumagdag pa roon si Dexter, ang magbubukid with an attitude na kunwa-kunwariang mister niya. So what kung guwapo at katakam-takam ito? Magbubukid pa rin ito. Pikon na pikon din siya rito dahil hindi na nga ito nabighani sa ganda niya, pinaglaba pa siya nito ng mga damit sa ilog!
Gayunman, habang tumatagal ang pagsasama nila, natagpuan niya ang kanyang sariling nahuhulog ang loob dito. Parang gusto niyang maging totohanan na lang ang pagiging mag-asawa nila. Iyon lang, kung siya ay kinatatakutan ang panahong kailangan na nilang huminto sa pagpapanggap, ito naman ay tila hindi na makapaghintay na mangyari iyon…

5. PHR 4066 You, Me, And Marney by Mandie Lee


Nang alukin si Alena ng napakalaking pera ni Quentin Labrador para maging tutor-nanny ng pamangkin nitong si Marney, walang pagdadalawang-isip na iniwan niya ang pagiging substitute teacher. Sa isip niya, mas madaling i-handle ang isang bata kaysa sa isang buong classroom. And how wrong she was. Napakapasaway ng magiging alaga niya! At hindi lamang iyon, dumadagdag pa sa sakit ng ulo niya si Quentin na panay ang pagfi-flirt sa kanya. Paano niya magagawang tanggihan ang guwapong lalaki na panay ang pang-aakit sa kanya sa pamamagitan ng killer abs na palaging idini-display nito?
Hindi niya alam kung kanino siya mas hindi tatagal: kay Marney ba na lagi na lamang pinapainit ang ulo niya, o kay Quentin na pinapainit ang buong katawan niya?

6. PHR 4067 Knight’s Sweet Vow by Victoria Amor


Si Theo Knight ang kahulugan ng “ultimate crush” para kay Miliza, kaya lang ay best friend niya ito. Six years old pa lang siya ay kilala na siya nito. Lahat ng kapintasan niya ay memoryado nito at lagi nitong ipinapaalala sa kanya. Pero sa kabila ng lahat, si Theo ang pinakaespesyal na lalaki sa buhay niya dahil sa vow nito na lagi nitong tinutupad.
Pagdating nila sa high school, nag-renew ito ng vow. Hindi raw siya nito ibibigay sa kahit na sinong lalaki lang. Pakakasalan daw siya nito kung kinakailangan para mahadlangan nito ang relasyon niya sa maling lalaki kung sakali. Hinagkan siya nito sa mga labi para i-seal ang vow nito. Binago ng halik na iyon ang pintig ng puso niya, subalit magkasunod na trahedya ang naglayo sa kanila.
At sa muling pagkikita nila, ibang Theo na ang nakaharap niya. Gusto uli niyang lumapit dito ngunit base sa ikinikilos nito, mukhang hindi na siya nito kailangan pa.
Paano na ang damdamin niya para dito na nanatili sa puso niya sa kabila ng pagkakalayo nila?

7. PHR 4068 The Tanangco Boys: Leonardo Apilado (Ipagpatawad Mo) by Juris Angela


Sa pagbabalik ni Cassy sa Pilipinas ay hindi niya inaasa- hang madurugtungan ang nakaraan nila ni Leo. Ang pagkakaligtas nito sa kanya sa tatlong lalaking humarang sa kanya sa gitna ng dilim ang naging daan upang maging madalas ang pagsasama nila. At sa mga sandaling kaharap at kausap niya ito, muling nabuhay ang pag-ibig niya rito na inakala niyang matagal nang naglaho sa puso niya. Ang nakalulungkot lang ay tila sarado na ang puso nito. Ibang-iba na rin ito sa dating Leo na kilala at hinangaan niya. Wala na ang mga ngiti nito, sa halip ay lagi itong seryoso. Nalaman niyang nakakulong pa rin pala ito sa isang pangyayari sa nakaraan na nagpatigas sa dating mapagmahal na puso nito.
Ngunit ipinangako ni Cassy sa kanyang sarili na ibabalik niya ang dating Leo. Gagawin niya ang lahat, maiahon lamang niya ito sa madilim nitong nakaraan. Kahit pa masaktan siya nang ilang beses at kahit alam niya kung gaano ito kahirap mahalin.

8. PHR 4069 Stupid Heart by Laurice del Rio


Sa edad na beinte-tres ay hindi pa nagkaka-boyfriend si Mitch. Iyon ay dahil sa mga barakong kuya niya na animo mga guwardiya sibil kung bantayan siya. Nais niyang makamit ang kalayaan na ni minsan ay hindi niya naranasan. Ang paraan na naisip niya ay umalis siya sa malaseldang bahay nila. At magagawa lang niya iyon sa tulong ng kanyang kababatang si Chet. Ito lang ang bukod-tanging lalaking nakakalapit sa kanya dahil malaki ang tiwala rito ng mga kuya niya. Naisip niyang makitira dito sa kondisyong magpapanggap siyang girlfriend nito upang tigilan na ito ng ex-girlfriend nito. It was a win-win deal. Nakamit niya ang kalayaan niya at napaalis nito ang girlfriend nito. Iyon nga lang, hindi niya ma-enjoy ang pakiki-mingle sa ibang boys dahil si Chet lang pala ang gusto niya na noon ay busy sa pakiki-mingle sa ibang girls.

9. PHR 4070 Hot Intruder: Rowan, Jia’s Intruder by Camilla


Kasagsagan ng bagyo, nag-iisa sa bahay si Jia at walang magawa kaya naisipan niyang i-dramatize uli ang audition piece niya sa isang reality show sa TV. Ngunit bigla na lang may lalaking sumulpot sa kuwartong kinaroroonan niya, nakaumang ang hawak na baril—si Rowan. Sa pag-aakalang masamang tao ito ay ubod-lakas na pinalo niya ito sa ulo, dahilan para mawalan ito ng malay.
Nang magising ito, nalaman niyang balak sana nitong saklolohan siya. Inakala nitong humihingi siya ng tulong, kaya naglabas ito ng baril.
Naging simula iyon ng pagkakalapit nila. Todo suporta pa ito sa kanya nang matanggap siya sa reality show kung saan siya nag-audition. At lalo siyang namangha nang magtapat ito ng pag-ibig sa kanya. Hindi siya makapaniwala na magmamahal ito ng isang tulad niya.
Wala na siguro siyang mahihiling pa dahil napaka-sweet nito. Pero may nadiskubre siyang lihim na malaki ang magiging epekto sa samahan nila.

10. PHR 4071 Love, Camera, Action! Your Heart’s Under Arrest by Haze Prado


Sa kagustuhan ni Madeline na damayan ang kaibigan niyang iniwan ng nobyo nito, napahamak siya dahil isang gay bar pala ang napasok nila nang sundan nila ang ex-boyfriend nito. Kamalas-malasang naroon sila nang i-raid ang bar.
Dagdag pa sa malas nang malaman niyang ang antipatiko at maangas na kapitbahay niyang si Albert ang leader ng mga NBI agent na nag-raid sa gay bar. Ito pa mismo ang nakahuli sa kanya. Para hindi siya madawit sa eskandalo at kontrobersiya ay pumayag siyang pumapel na nobya nito. Pinalabas nito na sinundan niya ito sa pinangyarihan ng raid dahil sa selos.
Sa kabila ng utang-na-loob niya rito, ginawa pa rin niya ang lahat upang ipagtabuyan ito. She hated his guts because he was one of those men in uniform she hated. She knew his kind and she didn’t want to be associated with him.
Ngunit kung bakit lumalayo na nga siya rito ay para naman siyang itinutulak palapit dito ng sitwasyon. Bigla kasi ay may taong nagtatangka sa kanyang buhay at to the rescue na naman ito. In-appoint nito ang sarili na tagapagligtas niya.
Soon, she found herself depending on him. His undivided attention and lethal charm tore her defenses to shreds.Wala siyang nagawa kundi magpatangay sa agos ng pang-aakit nito.
Ang akala niya ay kanyang-kanya na ito. Pero mali siya. Kanya lang pala ito hangga’t hindi natatapos ang kaso niya…
Back to top Go down
 
November 30, 2011 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» The Wilder Life - A new book
» CAMBRIDGE GLASS FAIR - Sunday 27th February**
» SOFA Chicago 4-6th November 2011
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: