HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 November 23, 2011 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: November 23, 2011 Book Release   Tue Nov 22, 2011 8:45 pm

1. PHR 4052 A Thing Called Love by Laurice del Rio


Mula nang iligtas si Raisa ng rich, hot, and sexy hunk na si Stephen Montinola ay naging laman na ito ng mga pantasya niya. Gayunman, tanggap niyang malabong may mamagitan sa kanila dahil ni hindi na nga yata muling magkukrus ang mga landas nila.
However, it did. Not only did their paths cross again, pinakiusapan pa siya nito na maging fiancée nito. Sa kalaunan ay nagpakasal pa sila! Pero kunwari lang iyon at para lang sa benefit ng lolo nitong noon pa diumano hinihimok ang binata na lumagay sa tahimik.
She did not mind the charade. Pero natuklasan niyang mahirap hawakan at kontrolin ang damdamin. Dumating sa punto na ayaw niyang sa pantasya lang niya siya mahalin ni Stephen. She wanted it to be in the real world.
She was in big trouble. Mabuti na lang, bago tuluyang napahamak ang puso niya ay nakipaghiwalay na ito sa kanya. Pero hindi pala roon nagtatapos ang problema niya dahil kahit hindi na sila magkasama ay patuloy na ginugulo nito ang puso at isip niya …

2. PHR 4053 Accidentally In Love by Camilla


Pinakiusapan si Winter ni Theo na magpanggap na nobya nito para huwag itong magmukhang kawawa sa isang okasyon kung saan pupunta rin ang taksil na ex-girlfriend nito kasama ang bagong boyfriend niyon. Pumayag siya kapalit ng vacation treat na inialok nito. Then he accidentally fell in love with her at sinimulan nitong suyuin siya.
Pero nang magkaroon ng problema ang kanyang ina at ang kapatid ni Theo, pinili niyang isakripisyo ang damdamin niya para sa binata.
Kinamuhian siya ni Theo, pero sinuyo niya ito. Ngunit nagkabalikan na ito at ang ex-girlfriend nito…

3. PHR 4054 Dalaga Na Si Prima by Vanessa


Masaya na sana si Prima sa buhay niya sa Maynila dahil bukod sa gusto niya ang trabaho niya at pambabae iyon ay close pa sila ng boss niya na crush niya. Ngunit isang araw ay kinailangan niyang iwan ang lahat ng iyon dahil inako niya ang obligasyon ng kanyang ama sa amo nito na si Maximillian. Napilitan tuloy siyang bumalik sa buhay-isla at magtrabaho bilang latero ng mga yate at ng iba pang mga sasakyan nito.
Noong una ay naiilang siya rito dahil tila kay lupit nito, suplado, at hindi man lang marunong ngumiti. Ngunit ang inisyal na kaba niya rito ay unti-unting naging pananabik at ang inisyal na inis ay naging pagnanasa at pagmamahal.
Nang maging close sila, inakala niya na mauuwi sila sa pinapangarap niyang relasyon. Ngunit nagkamali siya dahil casual relationship lang pala ang gusto nito. Paano na ang pangarap niyang maikasal at magkapamilya?

4. PHR 4055 The Tanangco Boys: Humphrey Lombredas (It Started When You Smiled) by Juris Angela


Hindi kataka-takang lahat ng mga mata ay nakatuon kay Lady. She was famous in the social world—a real socialite. Siya ang nag-iisang anak ni Senator Mario Castillo at tagapagmana ng mga ari-arian nito. Pero sa kabila ng katanyagan, yaman, at atensiyon na ibinibigay sa kanya ng publiko, she still felt the emptiness inside her.
Nang masangkot siya sa dalawang magkasunod na eskandalo na labis na ikinagalit ng mga magulang niya at sumira sa magandang imahe niya, pakiramdam niya ay nag-iisa siya sa mundo. Mabuti na lamang at nakilala niya si Humphrey, ang sikat na photographer na minsan na rin niyang nakatrabaho sa isang photo shoot. Hindi niya inasahan na dadamayan siya nito sa pinagdaraanan niya. Nangako pa ito na tutulungan siyang magtago sa media.
Magulo na nga ang sitwasyon niya, tila lalo pang pinagulo iyon nang makisali sa issue ang puso niyang tila unti-unting nabibihag ni Humphrey. At sadya nga yatang matigas ang ulo niya dahil binuksan niya ang kanyang puso sa isang bagong pag-ibig kahit alam niyang walang kasiguruhan ang damdamin niya para kay Humphrey.

5. PHR 4056 His Royal Prize by Katherine Garbera (translated by Jade Alleje)


Amelia Mortiz’s middle name was “Scandalous.” Wala siyang pakialam sa sasabihin ng mga tao sa kanya­—­hanggang sa makilala niya si Geoff Devon. Mula ito sa konserbatibong angkan at may pangalang pinangangalagaan. Umiiwas din ito sa mga reporter dahil sa eskandalong nakadikit sa pagkakapanganak dito.
Hindi inaasahan ni Amelia na ang pagde-date nila ni Geoff ay magiging daan upang mahulog ang loob niya rito. Sa unang pagkakataon sa buhay niya ay naramdaman niyang may nagmamahal sa kanya.
Pero paano niya panghahawakan ang nilalaman ng mga puso nila kung natatakot ang puso niya na magtiwala rito? Hindi si Geoff ang tipo ng lalaking mananatili sa isang relasyon sa loob ng mahabang panahon. Isusugal ba niya ang puso niya, o pipiliin na lang niyang bumalik sa makinang subalit malungkot na mundo niya na wala ito sa piling niya?

6. PHR 4057 Second Chance To Love You by Andie Hizon


Simple at tahimik ang buhay ni Neliel. Mayroon siyang maayos na trabaho, magandang relasyon sa kanyang pamilya, at higit sa lahat ay mayroon siyang longtime boyfriend na mahal na mahal niya—si Chino. Wala na siyang mahihiling pa.
Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakilala niya si Galen. Ito ang nagparamdam sa kanya ng kakaibang klase ng pagmamahal na hindi niya naramdaman kay Chino. She felt treasured and loved. Hanggang sa napansin na niya ang kakulangan ni Chino bilang isang nobyo. All of a sudden, si Galen ang naging batayan niya sa pagkakaroon ng “ideal boyfriend.”
Nakipaghiwalay siya kay Chino sa pag-aakalang ang anumang namamagitan sa kanila ni Galen ay totoo. Ngunit nagkamali siya. Ang lahat ay isang palabas lamang pala; ang lahat ng namagitan sa kanila ay parte lamang ng isang script na hinabi nito...

7. PHR 4058 For The Love Of Cindy by Amanda


Hindi maganda ang impresyong tumatak kay Cindy sa unang pagkikita nila ni Dave Deloro. Nahuli niya ito sa loob ng silid-aklatan ng bahay-ampunan kasama ang isang babae na may ginagawang “kalokohan.” Wala siyang interes na makilala si Dave nang lubusan pero mukhang may ibang plano ito.
Pagkatapos ng isang buwan ay nagbalik ito sa bahay-ampunan. Obvious na gusto siya nitong ligawan. Unti-unti ay nakilala niya ang totoong pagkatao ni Dave. At unti-unti ring nahuhulog ang loob niya rito. Pero kasabay niyon ang malaking problemang kinakaharap ng mga madre—ang pagdating ni Don Simeon na nagpapalayas sa kanila sa bahay-ampunan, at ang tila pagkakagusto ng matandang don sa kanya.
Ngunit hindi papayag si Dave na mapahamak siya. Dahil sa pag-ibig ay ipinagpalit nito ang inheritance nito at ibinigay kay Don Simeon ang fifty million. Literally, binili ni Dave ang bahay-ampunan para sa kanya.
Makasasapat ba ang pag-ibig niya kapalit niyon?

8. PHR 4059 Hot Intruder: Buster, Cordy’s Intruder by Camilla


Nagulat si Cordy nang makita niya ang isang lalaking nagtatago sa loob ng silid na tinutulugan niya. Nagpakilala ito bilang si Buster at ayon dito, balak daw itong patayin ng mga humahabol dito. Siguro ay dahil guwapo ito kaya hindi na siya nag-isip at basta na lang niya ito tinulungan.
Nagbunga ang kagandahang-loob niya dahil nang siya naman ang nalagay sa peligro, iniligtas din siya ni Buster. Kinupkop pa siya nito at ng tiyahin nito. Hindi lang iyon; naging nobyo pa niya ito.
Pero hindi nagtagal ay natuklasan niyang pinaglalaruan lang pala siya nito. Lumayo siya, hanggang sa ma-realize niya na mas nananaig ang pagmamahal niya rito. Pero pagbalik niya sa tirahan nito, wala na ito roon at walang nakakaalam kung babalik pa ito…

9. PHR 4060 Sweet Song Of Home by Avi Cabrera


Nasa grade two pa lang si Chi ay itinatangi na ng kanyang puso si Angelo Borromeo. Para sa kanya, ito ang pinakaguwapo, pinakamatalino, at pinakamabait na lalaking nakilala niya.
Subalit dahil sa isang malungkot na trahedya ay nilisan nito ang bayan nila at nakita lang uli niya ito pagkalipas ng pitong taon. Kahit iba na ang Angelo na nagbalik—suplado, rebelde, troubled, at mukhang walang direksiyon ang buhay—natuklasan niyang natulog lang at hindi namatay ang damdamin niya para dito.
They shared a kiss. Then he disappeared again without saying good-bye.
Pero muli ay nagbalik si Angelo. Naaksidente ito at siya ang gusto nitong maging nurse nito. Hindi niya alam kung mapipigilan niya ang sariling mahalin ito sa pagkakataong iyon. Angelo had come home again. Masusuklian na ba nito ang pag-ibig na matagal na niyang iniingatan sa kanyang puso? O gaya ng dati ay iiwan uli siya nito?

10. PHR 4061 Heaven’s Knight by Julianna Ran


Mortal na kaaway ni Heaven si Knight. Lagi kasi siyang inaasar nito.
Hanggang sa dumating ang araw na bumalik ang longtime crush niya na si Archie. Pinilit niyang magpapayat para dito at itinodo niya ang pagpapa-cute. Ngunit lagi na lang nakahadlang si Knight. Lagi itong umeeksena sa pagitan nila ni Archie.
Sinita niya ito kung bakit nito ginagawa iyon. Nagulat siya sa naging sagot nito.
May gusto raw ito sa kanya!
Ngunit mas nagulat siya sa naramdaman niya. Sasakalin niya si Knight kapag binawi nito ang ipinagtapat nito sa kanya.
Back to top Go down
 
November 23, 2011 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» The Wilder Life - A new book
» CAMBRIDGE GLASS FAIR - Sunday 27th February**
» SOFA Chicago 4-6th November 2011
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: