HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 November 16, 2011 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: November 16, 2011 Book Release   Tue Nov 15, 2011 7:16 pm

1. MLH 380 Sebastian Molina by Cassandra


Nakahanap ng isang kaibigan si Nerissa sa katauhan ng misteryosong si Blue—ang taong sinabi ng kapatid niyang namayapa na maaari niyang hingan ng tulong kung kakailanganin niya iyon. Subalit ni minsan ay hindi pa niya nakita ito at ang tanging paraan ng kanilang komunikasyon ay text messaging.
Subalit nang minsang manganib ang buhay niya dahil sa isang kasong kinasangkutan ng kapatid niya noon, hindi si Blue ang sumagip sa kanya kundi ang guwapo at ubod ng yabang na janitor sa kompanyang pinapasukan niya—si Sebastian. Ang nakakainis pa, tila enjoy na enjoy naman itong tulungan siya dahil ang kapalit niyon ay paglaki ng utang-na-loob niya rito.
Pero nakilala niya ang totoong ugali nito na malayo sa ipinakita nitong kagaspangan sa kanya. Pakiramdam niya ay ligtas siya at walang mangyayaring masama sa kanya basta kasama niya ito. Ito ang totoong nagliligtas sa kanya at mga bisig nito ang palaging nakahandang yumakap sa kanya. Dito niya naramdaman ang totoong kahulugan ng mga katagang “I will protect you” na minsan nang sinabi ni Blue sa kanya…

2. PHR 4044 Cavalry’s Knight by Gabriev Fuentes


Ang akala ni Cavri ay kontento na siya sa pagtatago sa mundong nilikha niya para sa kanyang sarili. Pero dumating ang araw na nakaramdam siya ng insecurity.
Pero dumating si Enad—isang guwapo, matikas, at simpatikong doktor. Ipinakita nito sa kanya na may malaki pang puwang ang mundo sa labas para sa kanya. Ipinaramdam nito sa kanya na nakalalamang siya sa iba. Tinuruan siya nitong tanggapin at mahalin ang kanyang sarili. Higit sa lahat ay tinuruan nito ang puso niya na mahalin ito. Everything was falling into place, hanggang sa makilala at makaharap niya ang babaeng unang minahal nito.
Kaya ba niyang tanggapin ang katotohanan sa likod ng mga ngiti nito? Would she still allow herself to love him kahit pa alam niyang ang nakikita lang nito sa kanya ay ang unang pag-ibig nito?

3. PHR 4045 A One Percent Chance To Happiness by Nikki Karenina


Labis na nasaktan si Megan sa kinahantungan ng kanyang unang pag-ibig sa kababata niyang si Seth. Inamin niya ang nararamdaman niya para dito at inamin naman nito ang pagmamahal nito para sa kapatid niya. Now, her sister Candy and Seth are getting married. Lumayo siya para paghilumin ang puso niyang nasaktan.
Then she saw Ken, Seth’s ultra-gorgeous cousin. Pero bad shot ito sa kanya. He was the most ruthless man she’d ever met! Pinaglalaruan nito ang lahat ng babaeng dumaraan sa buhay nito.
Pero ibang Ken ang nakilala niya. Sa mga ipinakita nitong kabutihan sa kanya, nagbago ang tingin niya rito. She fell in love with him; he helped her heal her broken heart and made her happy.
Ang akala niya ay tuloy-tuloy na ang sayang nararamdaman niya sa piling nito. Pero nagkamali siya. Ang buong akala niyang pagmamahalan nila ni Ken ay plano lang pala nito para siguruhing hindi siya manggugulo sa kasal nina Candy at Seth.

4. PHR 4046 Kung Kasama Kita by Laurice del Rio



Mahilig sa bata si Iris. At para matugunan ang hilig niya na iyon ay itinayo niya ang Angel Home. Kaya ganoon na lang ang pagkabagbag ng kalooban niya pagkakita niya sa dalawang batang ipinagpipilitang iwan sa pangangalaga niya ng tiyuhin ng mga ito. Pero buwisit man to the nth degree ang tingin niya sa tito ng mga ito na si Keith—na walang kaamor-amor sa mga bata—ay kailangan pa ring maya’t mayang magkita sila para sa kapakanan ng mga pamangkin nito.
And slowly, she managed to open Keith’s eyes to the wonders that kids could bring to a person’s life. Hindi lang naging malapit ito sa mga pamangkin nito, mukhang naiba na rin ang pananaw nito sa pagkakaroon ng anak.
That would have been fine and dandy if she didn’t realize that she had fallen for him. Sa malaking pagbabagong naganap dito, natiyak niyang hindi na siya ang babaeng nababagay rito. Sukdulang ikadurog ng puso niya, kailangang magsinungaling siya rito. Sinabi niyang hindi niya ito mahal.

5. PHR 4047 The Tanangco Boys: Jared Bandonillo (Hate That I Love You) by Juris Angela


Tahimik ang buhay ni Adelle sa piling ng pinakamamahal niyang washing machines sa kanyang laundry shop. Nagulo lang ang lahat nang bigla siyang magkautang ng two-point-eight million pesos kay Jared Bandonillo. At bilang kabayaran, hiniling nito na magsilbi siya rito bilang “housemaid” nito sa loob ng dalawang buwan. Labag man sa kalooban niya ay pumayag siya dahil wala naman siyang choice. Natatakot din siyang idemanda siya nito.
Ngunit laking pagsisisi niya nang magpadala siya sa takot. Dahil habang tumatagal siya sa pagsisilbi kay Jared at unti-unti na siyang napapamahal dito ay isa-isa rin niyang natutuklasan ang panloloko nito. Kung sana ay puwede niyang lunurin sa mga washing machine niya ang pagkabigo…

6. PHR 4048 Blaze, Be Mine by Andie Hizon


Sa buong buhay ni Agnes ay umasa siya na si Blaze na ang lalaking maghaharap sa kanya sa altar, ang lalaking makakasama niya habang-buhay. Kaya kahit anong pambabale-wala ni Blaze sa kanya ay tiniis niya sa pag-aakalang sa huli ay sa kanya rin ito babagsak.
Hanggang sa dumating ang araw na inamin sa kanila ng mga magulang nila na hindi totoo ang “fixed marriage” na ikinintal ng mga ito sa isip niya. Dahil sa kalokohang fixed marriage na iyon ay minahal niya si Blaze at dahil hindi totoo iyon ay talagang nasaktan siya. Nagmukha siyang tanga sa loob ng matagal na panahon.
She tried to pick up the pieces of her broken heart and pride. Kakalimutan na niya si Blaze.
Ngunit kung kailan naman nais na niyang kalimutan ito ay saka ito biglang nagparamdam na tila may gusto ito sa kanya.
Maniniwala ba siya?

7. PHR 4049 The Billionaire’s Contract Wife by Penny Jordan (translated by Sumire Villegas)


Napilitan si Lizzie na magtungo sa Cebu dahil sa isang summon letter na mas tamang tawaging, “threat letter” galing kay Ylan Manos. Hindi raw legal ang pagtatayo niya ng gusali sa lupain na pag-aari nito. Ang balak lang sana niya ay makausap nang maayos ang lalaki para matapos ang problema.
May isa lang siyang hindi inaasahan: pinsan ni Ylan ang isa sa mga sira-ulo niyang business partner at dahil tumakas na ang mga ito, naiwan sa kanya ang responsibilidad na harapin ang galit ni Ylan. And he wanted full compensation for it.
Dahil wala naman siyang sapat na yaman para mabayaran ito, may inilahad itong proposal sa kanya: puwede raw siyang magpakasal dito dahil kailangan nito ng asawa. Kapag pumayag siya, bayad na siya sa utang niya, magiging financially secure pa ang pamilya niya.
Pero paano naman ang puso niya?

8. PHR 4050 I Mean I Love You by Carista Rei Elyse


Kay tagal na panahong hinintay ni Ria ang pagbabalik ng kanyang first love, ang lalaking hiniling ng kanyang ama na pakasalan niya bago ito namatay. Bilang masunuring anak ay pumayag siya.
Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana dahil kung kailan magkakaroon na ng katuparan iyon, saka naman nagkrus ang mga landas nila ni Xai, ang mayabang na photographer na kinaiinisan niya. Sa kabila niyon ay nahulog ang loob niya rito. Binigyan kasi nito ng kulay ang mundo niya.
Pero may binitiwan siyang pangako sa kanyang namatay na ama. Iyon ba ang kanyang susundin o ang itinitibok ng kanyang puso?

9. PHR 4051 Runaway Hearts by Cleorina


Malapit na ang kasal ni Allie sa kanyang fiancé nang madiskubre niya ang kataksilan nito. She caught him naked in bed with no less than her friend!
Dahil labis na nasaktan, pinili niyang lumayo at magbakasyon sa isang resort sa Bohol. Doon ay nagkrus ang mga landas nila ng guwapo ngunit antipatikong si Tristan Villarama. Wala siyang balak magkaroon ng rebound relationship kaya todo-iwas ang ginawa niya rito. Pero nang malaman niyang nagpakasal na ang ex-fiancé at kaibigan niya, naroon si Tristan sa tabi niya para damayan siya.
In a drunken state, she asked him to make love to her. Pakiramdam niya ay iyon ang tanging paraan upang makalimutan niya ang sakit. After a night of passion, she left.
Balak na niyang kalimutan ang chapter na iyon ngunit nagbunga ang nangyari sa kanila ni Tristan…
Back to top Go down
 
November 16, 2011 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» The Wilder Life - A new book
» CAMBRIDGE GLASS FAIR - Sunday 27th February**
» SOFA Chicago 4-6th November 2011
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: