HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 November 9, 2011 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: November 9, 2011 Book Release   Tue Nov 08, 2011 10:32 am

1. Bud Brothers Unlimited Series 18: The Bloomer Bandits (Drick) by Rose Tan


Parang keso ang pag-ibig ni Sam kay Drick—habang tumatagal ay lalong sumisidhi ang flavor. Pero mukhang aamagin na lang ang pagsinta niya dahil wala nang nakitang maganda sa kanya ang binata. Kahit sa mga bagay na walang kabagay-bagay ay inaaway siya nito na para bang may sinumpaan itong tungkulin na hanapan siya ng mali.
Pero minsan ay dumadapo rin ang suwerte. Drick needed her help and asked her to pretend they were live-in partners. Sinunggaban niya ang pagkakataon. Ang kaso, nagkamali pala siya sa akalang maaakit niya ito kapag magkasama na sila sa iisang bubong at magkatabi sa iisang higaan.
Kasi, kahit split ends niya, ayaw nitong salingin. Sagad sa bone marrow ang pagka-gentleman nito.
`Sarap patayin…

2. PHR 4038 At First Sight by Aya Myers


Hindi inaasahan ni Aria na darating ang araw na magkukrus ang mga landas nila ni Randall Clark, ang lalaking naging dahilan kung bakit maagang nawala sa kanya ang kakambal niya. At dahil doon, may panahon sa buhay niya na nagtanim siya ng galit sa binata.
Pero mula nang iligtas siya nito nang mawalan siya ng malay sa dalampasigan, hindi na nito pinatahimik ang buhay niya. Sa bawat paglapit nito sa kanya, animo may karapatan ito sa kanya kung makaasta. Gusto man niyang itaboy ito ay hindi niya magawa. Dahil itanggi man niya, hindi niya kayang pasubalian ang atraksiyon niya rito.
Ngunit may hawak siyang sekreto na kapag nadiskubre nito ay hindi lang siya basta masasaktan. Baka madurog din ang puso niya…

3. PHR 4039 Paint My Love by Aya Myers


Kumukulo ang dugo ni Ada sa boss niyang si Arthur Franz de Luna. Adelantado at arogante ito. Tila misyon din nito sa buhay ang painitin ang ulo niya araw-araw. Kaya lagi rin siyang may sagot sa bawat atake nito. Kung hindi nga lang napakalaki ng utang-na-loob niya sa mga magulang nito ay matagal na siyang nag-resign sa trabaho.
Pero naglaro ang tadhana. Nagkasakit siya at ang binata ang nasa tabi niya. Hindi niya inasahan ang labis na pag- aalala nito sa kanya. Sa unang pagkakataon, nakapag-usap sila nang hindi nagbabangayan.
Iyon ang naging daan para magbago ang pakikitungo nila sa isa’t isa. Nadiskubre niya ang magagandang katangian nito na hindi niya nakikita noon dahil sa inis niya rito.
At dahil nagkalapit na sila, hindi niya nagawang magalit nang bigla na lang siyang nakawan ng halik nito. Dahil kung magpapakatotoo siya, aaminin niyang kinikilig siya sa ginawa nitong iyon.

4. PHR 4040 Stranger In My Heart by Gabriev Fuentes



Mula nang itakwil si Haya ng pamilya niya ay hindi na uli siya nagpapasok ng lalaki sa buhay niya sa dahilang ayaw na niyang maranasan uli ang sakit ng rejection. Pero nagbago ang lahat nang dumating sa buhay niya ang kapitbahay niyang si Wade. He teased her, followed her, and made her see him. Tinuruan siya nito na ibaba ang depensang iniharang niya sa kanyang puso.
She was beginning to enjoy having him in her life nang muling makaharap niya ang kanyang mga magulang at nalaman niyang si Wade ang may pakana niyon. Ang masakit ay walang-habas na ipinahiya siya ng mga ito sa harap ni Wade. Ibinunton niya rito ang lahat ng sama ng loob niya. Itinaboy niya ito gaya ng pagtataboy sa kanya ng pamilya niya.
Kung may pag-asa pa para maghilom ang sugat sa puso niya at magagawa pa niyang patawarin si Wade ay hindi niya alam…

5. PHR 4041 Always And Forever by Belle Feliz


Sigurado si Julliana na wala na siyang ibang lalaking mamahalin bukod kay Benjamin. It felt so great to know that the man she loved so much loved her back. Magkasalo sila sa lahat ng bagay—sa hirap man o sa ginhawa. Halos sabay rin nilang inabot ang kanilang mga pangarap.
Kaya hindi niya inakalang darating ang araw na magkakahiwalay sila. Hindi niya naisip na magmamahal ito ng iba. Pagkatapos ng maraming taong pagsasama ay naging magandang alaala na lamang ang masasayang sandaling pinagsaluhan nila.
Paano siya magsisimula ng panibagong buhay na wala ito? Paano siya susulong? Paano muling iinog ang mundo niya na dating umiikot lamang para dito?

6. PHR 4042 Marrying JC by Mandie Lee


Sa edad na dalawampu’t pito, handa nang magpakatan- dang-dalaga si Marion. Iyon ang naiisip niyang kahihinatnan ng buhay niya dahil hindi pa siya nagkakanobyo at wala rin namang nanliligaw sa kanya dahil daw sa mabagsik na pag-uugali niya.
Pero bigla na lang dumating sa buhay niya si Atty. Juan Crisostomo Marcellano, ang lalaking daig pa ang naengkanto niya dahil ayaw siyang tantanan nito. Pero hindi siya naniniwala na seryoso sa kanya ang isang tulad nito. Wala siyang balak na maging isa sa mga babae nito, kaya ginawa niya ang lahat upang iwasan ito. Pero sa labis na pagkairita niya ay kinukulit pa rin siya nito kahit paulit-ulit na niyang tinarayan ito. Hanggang sa namalayan na lang niyang nasanay at kinikilig na rin siya kapag nasa paligid ito.
Ngunit nang nahuhulog na ang loob niya rito, saka niya natuklasan na napilitan lang itong ligawan siya…

7. PHR 4043 Paano Kung Masaktan Ako? by Laurice del Rio


Hindi pa na-in love sa tanang buhay niya si Lara. Hindi rin niya inaasam na madama iyon dahil masaya siya sa buhay niya kahit madalas siyang napag-iisipan na naliligaw ang kasarian niya.
Nang pilitin siya ng lolo niya na magtrabaho sa kompanyang pag-aari nito ay nagkrus ang mga landas nila ni Cliff. Hindi niya inasahan at hindi niya maintindihan kung bakit kakaiba ang dating ng binata sa kanya. Para bang may binubuhay ito sa pagkatao niya na hindi niya alam kung ano. Whatever it was, it made her feel so… different.
Hanggang sa madiskubre niya na ang damdaming iyon ay pag-ibig na pala. Binago siya niyon sa paraang hindi niya inakala. Pero kung masarap ang pakiramdam ng nagmamahal, nadama rin niya ang pait na dulot niyon nang malaman niya ang rason sa likod ng pakikipaglapit sa kanya ng binata…

8. Stallion Revisited Series 2: Ruki Takizawa by Sonia Francesca


Napilitan si Chi na pumayag sa plano ng kanyang pamilya na magpakasal sa anak ng ninang niya. Dahil may malubhang sakit ang ninang niya, humiling ito na makita ang nag-iisang anak nito na matagal nang nawalay rito. Ang problema, ayaw itong makita ng anak nito na isa na ngayong vocalist ng isang sikat na banda sa Japan.
So Chi had to go all the way to that snow-filled country, endure the freaking cold, and the freaking coldness of Ruki himself. It was obvious he didn’t want her and was frank enough to tell to her face that he didn’t want to have anything to do with her or her country.
Ibinaon na sana niya ito sa snow kung hindi lang niya iniisip ang kalagayan ng ninang niya. Kaya pinagtiyagaan niya ang ugali ni Ruki. Hanggang sa matuklasan niya na hindi naman pala ito kasinsama gaya ng una niyang akala. In fact, he could be sweet when he was in the mood. Kaya hindi kataka-taka kung mahulog man ang loob niya rito.
Ngunit paano na kapag nalaman nito na kinaladkad lang niya ito papunta sa Pilipinas para madala ito sa inang kinamumuhian nito at hindi dahil sa magpapakasal sila?

Back to top Go down
 
November 9, 2011 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» The Wilder Life - A new book
» CAMBRIDGE GLASS FAIR - Sunday 27th February**
» SOFA Chicago 4-6th November 2011
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: