HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 November 2, 2011 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: November 2, 2011 Book Release   Thu Nov 03, 2011 8:24 pm

1. Bud Brothers Unlimited Series 17: The Bloomer Bandits (Victoriano) by Rose Tan


Tinamaan ng matinding krisis sa pananalapi si Victoriano at nagising na lang siya isang umaga na boarder na lang siya sa sariling pamamahay at ang kanyang landlady ay si Dee. Inaangkin nito ultimo chandelier ng na-foreclose niyang bahay.
Siyempre, napikon siya at inaway ang babaeng maaskad ang pag-uugali. Pero nang maisahan niya ito, gumanti ito at ninakaw nito ang lahat ng karsunsilyo niya.
“Ah, hinahamon ako.” Para ano pa at tinagurian siyang “Bloomer Bandit”? Ninakaw rin niya ang mga bikini nito.
Hayun, pareho na silang walang underwear sa ilalim ng isang bubong.

2. PHR 4030 Heart Of Mine by Marione Ashley


Isang sikat na modelo ang secret boyfriend ni Rione. At kahit ayaw rito ng mga magulang niya para sa kanya ay handa siyang ipaglaban ito. Kahit madalas ay missing in action ito ay handa siyang intindihin ito.
Ngunit hindi sinasadyang nabuking ng kababata niyang si Riley ang lihim niya. Malapit ito sa mga magulang niya kaya kailangan niyang gumawa ng paraan para hindi siya isumbong nito—kesehodang pumayag siyang maging PA nito sa loob ng isang buwan.
Napilitan lang siyang sundin ang gusto ni Riley. Kaya bakit natagpuan niya ang sariling nag-e-enjoy nang pagsilbihan ito at kinikilig siya sa lahat ng ginagawa nito? PA lang daw ang kailangan nito, hindi girlfriend.

3. PHR 4031 Singing My Way To Your Heart by Mei Sanchez


Everybody thought Brianna had it all—beauty, brains, popularity, and excellence in everything she did. Pero bagsak siya sa isang bagay… O mas tamang sabihing sa isang “tao.” Hindi niya pinapansin ang kanyang mga manliligaw dahil may isang lalaking hinihintay niya na lumapit sa kanya—si Ashton na crush yata ng lahat ng babae at binabae sa kanilang campus. Isang taon na niyang kaklase ito ay dead-ma pa rin ang beauty niya rito.
Hanggang sa nakulitan yata sa kanya ang tadhana kaya pinagbigyan siya sa inaasam-asam niya: sa hindi niya malamang dahilan ay nilalapitan at nginingitian na siya ni Ashton. Hiniling pa nito na maging girlfriend siya nito. It was a dream come true for her. Hindi na siya nagpakipot pa, agad niyang sinagot ito. Everything was perfect pero may kakaibang kondisyon ito. Wala raw dapat ibang makaalam ng kanilang relasyon at kung bakit ay hindi naman nito masabi. Dahil mahal niya ito, pumayag siya.
Until one day, her fantasy became a nightmare after she found out his real intentions.

4. PHR 4032 When Hannah Fell In Love by Maricar Dizon


Mula nang mamatay ang kasintahan ni Hannah ay hindi na niya nagawa pang magmahal uli kahit anong subok niya. Kaya sa edad na treinta y uno ay sumuko na siyang makakakita pa siya ng lalaking mamahalin niya. Tanggap na rin niya na tatanda siyang dalaga.
Pero nagulo ang paniniwala niyang iyon nang biglang dumating sa bahay nila si Chad, ang lagalag na doktor na kabigan ng kapatid niya. Dahil bakasyon nito mula sa medical mission nito sa ibang bansa ay sa bahay nila nito naisipang tumuloy. Chad was everything a woman would ask for to marry. Maging siya ay unti-unting nahuhulog ang loob dito dahil sa mga ipinapakita nitong kabaitan sa kanya. The next thing she knew, she fell in love again.
Ngunit kung kailan akala niya ay okay na ang lahat ay saka naman niya nalaman ang mga lihim at kasinungalingan nito sa kanya.
Was she bound to live the rest of her life an old maid after all?

5. PHR 4033 My Sweet Surrender by Celine Isabella


Tuliro si Margaret. Bukod kasi sa ipinamanang sandamakmak na utang sa kanya ng ama niyang sabungero, inirereto pa siya ng madrasta niya sa isang amoy-lupang pinagkakautangan din nila. Wala siyang balak ipambayad ang sarili niya sa utang!
Mabuti na lang at nakilala niya si Jedi—ang guwapong lalaking itinuro niyang boyfriend niya upang tantanan siya ng kanyang madrasta. Walang pag-aatubiling tinulungan siya nito. He was kind, lovable, and, oh, so caring. Hindi nakapagtatakang nahulog ang loob niya rito.
Binale-wala niya ang kaalamang katulad ng kanyang ama, sabungero din si Jedi. Ngunit nang mas makilala pa niya ito, nag-alinlangan ang kanyang puso…

6. PHR 4034 Hot Intruder: The Amorous Intruder by Sofia


Simple lang ang misyon ni Riva sa pagsugod niya sa Villa del Carmen—ang pigilan ang kasal ng paborito niyang pinsan na si Ernest sa kasintahan nitong gold digger na si Estrella. Naniniwala siya na ginamit lang ito ng babaeng iyon para mabayaran ang mga pagkakautang ng villa na pag-aari niyon.
Nagpasya siyang maagang mamahinga para may lakas siya kinabukasan kapag sinimulan na niyang isakatuparan ang kanyang misyon. Pero sa kailaliman ng gabi ay isang guwapo, matipuno, pero lasing na lalaki ang pumasok sa kuwartong inookupa niya. Tinangka pa siyang halikan ng lalaki na nagpakilalang “Arice.” Hindi lamang iyon ang ikinagulat niya; tinawag pa siya nitong “Estrella” at paulit-ulit na sinabi nitong mahal na mahal daw siya nito.
Dapat ay humingi siya ng saklolo para ipahuli ito pero napaisip siya kung ito ang makakatulong sa kanya para sa misyon niya. O ito kaya ang lalaking liligalig sa nahihimbing na puso niya?

7. PHR 4035 Dante: Claiming His Secret Love-Child by Sandra Marton (translated by Armine Rhea Mendoza)


Isang superhero ang biglang nag-materialize sa buhay ni Gabriella noong kailangan niya ng tagapagligtas. Iyon ang tingin niya kay Dante Orcine, ang ex-boyfriend niya, na inutusan ng ama nito para bilhin ang Rancho Viera—ang lupaing pag-aari ng kanyang ama na nakatakdang i-auction ng bangko. Nanalo sa bidding si Dante, ngunit dahil sa mga taong ang intensiyon ay maisahan siya, hindi nito nabili ang property.
Wala siyang pera at wala siyang tahanan, mga bagay na inialok ni Dante sa kanya. Tatanggihan ba niya iyon gayong kailangan niya ito—at ng anak nila na hindi nito kilala?

8. PHR 4036 Happily Ever After In His Arms by Cady Lorenzana


Hatred. Iyon ang nararamdaman ni Kate para sa best friend ng kuya niya na si Rodney. Paano ba naman, mula nang magkakilala sila ay wala nang ginawa ito kundi ang inisin siya. Kaya kahit saksakan pa ito ng guwapo, wala siyang ka-amor-amor dito.
Nadagdagan pa ang pagkainis niya rito nang malaman niyang ito pala ang dahilan kaya hindi pa siya nagkaka-boyfriend ever. Hinaharang at pinagbabantaan pala nito ang lahat ng manliligaw niya. Pakiramdam niya ay sinira nito ang buhay niya dahil sa pakikialam nito sa love life niya.
Bilang ganti, pinahirapan niya ito. Pero hindi niya na-foresee na ang pagpapahirap pala rito ang magiging susi para mabuksan nito ang kanyang puso…

9. PHR 4037 Here To Stay by Shaylee Sizon


Nagtayo ng malaking pader si Charm sa pagitan niya at ng mga lalaking nais makapasok sa buhay niya. Pero may isang lalaking nagawang sirain ang pader na iyon—si Mitch. Naging mabuting kaibigan ito sa kanya hanggang sa nahulog na ang loob niya rito. Minahal niya ito nang todo at minahal din naman siya nito. Sa katunayan ay niligawan pa siya nito. Pero sa pagnanais na huwag siyang masaktan at huwag itong mawala sa kanya ay itinulak niya ito palayo. Pero kung kailan wala na ito ay saka lang niya napagtanto na malaking katangahan ang ginawa niya. Paano na ngayon niya mapababalik ito sa kanya gayong hindi na niya alam kung nasaan ito?

Back to top Go down
 
November 2, 2011 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» The Wilder Life - A new book
» CAMBRIDGE GLASS FAIR - Sunday 27th February**
» SOFA Chicago 4-6th November 2011
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: