HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 October 26, 2011 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: October 26, 2011 Book Release   Tue Oct 25, 2011 8:26 pm

1. Kristine Series 55 Monte Falco: Island In The Sun by Martha Cecilia


Gustong makilala nang lubusan ni Meredith si Andrea Monte, ang babaeng buong buhay niya ay pinagseselosan ng kanyang inang si Agatha. Tinanggap niya ang paanyaya ni Andrea na magbakasyon sa Rancho Monte.
She had never known paradise until she saw the mountains, forests, and seas of Rancho Monte. It was an island in the sun. Ang mansiyon ay nasa ituktok ng isang burol at nakatanaw sa karagatan at mga isla. And she had never known love until she met Tristan Falco, the handsome ranch help who was as rugged and mysterious as the virgin forest that he so much loved and as untamed and wild as the strong winds of Monte mountains.
Subalit kinasusuklaman ni Tristan ang mayayaman at taga-Maynilang tulad niya. Could she tame the winds and smooth the waters?

2. PHR 4023 Blue Roses For The Ice Maiden by Farah Alegria


Maya lived a secluded life, shunning herself away from the whole world. Kontento na siya sa pag-iisa niya at hindi niya gustong mabago pa iyon. Kaya labis ang inis niya kay Daryll Aragon, ang napakakulit na anak ng amo niya sa part-time job niya. Alaga nitong kulitin siya; gagawin daw nito ang lahat upang mapalambot ang puso niya. So she gave him a task she thought was impossible—she asked him to give her a garden of blue roses. Ngunit naibigay nito iyon sa kanya. At hindi lang blue roses ang ibinigay nito sa kanya kundi maging ang pag-ibig nito. Nagtagumpay itong tunawin ang yelo sa puso niya.
Inisip niyang si Daryll na ang nakatakdang magpasaya sa kanya. Hindi niya inakala na ito rin pala ang magpaparanas ng pinakamatinding sakit sa puso niya…

3. PHR 4024 Nobody’s Girl by Rose Tan


Para mapatunayan ni Gibby sa ex-boyfriend niyang si Toto na hindi na niya ito mahal ay buong kaplastikang tinanggap niya ito bilang kaibigan niya kasabay ng pagsasabi rito na “in a relationship” ang status niya at masaya siya sa piling ng imaginary boyfriend niya.
Pero ang mautak na si Toto, naghanap ng “proof of boyfriend” niya. Kaya ora-orada ay sinagot niya ang unang nagpakita ng interes sa kanya. Ang kaso, may tililing pala ang pinatulan niya after the first date. Hayun, nagkaroon siya ng stalker nang wala sa oras.
Wala siyang ibang matakbuhan at mahingan ng saklolo kundi si Toto. Nakahanda naman daw ito na tulungan siya—sa isang kondisyon: kailangan daw nilang magpanggap na may relasyon uli sila at nagmamahalan nang wagas.
No way!

4. PHR 4025 Saint Catherine University Campus Girl: Maxene, The Boyish Girl by Heart Yngrid


Maxene had always been one of the boys. Lumaki siya na pulos mga lalaki ang kasama kaya tila mas alam pa niya kung paano ang maging isang lalaki kaysa maging isang babae.
She believed that men were naturally dominant and proud. Pero mukhang above average ang angking kayabangan ni Kristofer “Tofee” Villados. Kahit kailan ay hindi siya magkakagusto sa isang lalaking mistulang inflated ego na nagkatawang-tao.
“Hang out with me for one whole day. Ipapakilala ko sa `yo ang sarili ko. Patutunayan ko sa iyo na mabuting tao ako,” sabi nito sa kanya minsan.
Nang mabigyan nga siya ng pagkakataong makilala ito nang lubos, na-realize niya ang isang napakaimportanteng bagay: hindi immune ang puso niya rito.

5. PHR 4026 I Will Make You Mine by Camilla


Naaksidente ang future stepsister ni Aurora. Iyon din ang dahilan ng pagkalumpo nito. At si Byron, ang boyfriend ng stepsister niya, ang sinisisi ng lahat.
To make matters worse, Byron confessed he was falling for her.
Pero duda si Aurora kung totoo ang damdamin ng binata para sa kanya. Dahil pagkatapos siyang itakwil ng halos lahat dahil sa pakikipagmabutihan niya rito, bigla na lang niyang nabalitaan na magkasamang umalis ng bansa ang dating magkasintahan.
Aasa pa ba siya sa isang happy ending sa piling ni Byron?

6. PHR 4027 Never Been Kissed, Never Been Touched by Daisy Lou Concepcion


Kahit minsan ay hindi pa nararanasan ni Dina na magkaroon ng nobyo kaya madalas na nagiging tampulan siya ng kantiyawan at tuksuhan ng mga kasamahan niya sa trabaho. Hanggang sa isang araw ay napasubo siya sa isang pustahan na ang nakataya ay ang trabaho niya bilang assistant editor ng Brain Publishing.
Dahil sa sobrang pagkapikon ay napilitan siyang magsinungaling na may boyfriend na siya. Nangako pa siya na ipapakilala sa lahat ang imaginary boyfriend niya pag-uwi nito sa Pilipinas. Sinuportahan siya ng kaibigan niyang si Carol sa kalokohan niya. Sa tulong nito ay humanap sila ng lalaking puwedeng magpanggap na nobyo niya.
And because they were looking for the most ideal guy to play the role, naisip nilang kumuha ng lalaki sa escort service. Nang gabing kakatagpuin na niya ang lalaki, that was also the same night she met Jade, the most perfect guy she had ever seen. Pero tumutugma sa hitsura nito ang deskripsiyon ng lalaking katatagpuin niya.
Matay man niyang isipin, hindi tumutugma sa trabaho nito ang mga kilos at pananalita nito.

7. PHR 4028 A Cherry On Top by Sheena Rose


Pagkalipas ng anim na taon ay nagbalik si Jesrelle sa San Martin na may malinaw na misyon: to capture the heart of Brent—the man of her dreams when she was a teenager.
Ang kaso, nakakalimutan niya ang misyon niyang iyon tuwing nakikita niya si CL. Ito ang may-ari ng coffee shop na katabi ng kanyang beauty salon. Nag-uumapaw ang sex appeal na taglay nito at apektadong-apektado siya niyon.
Pilit niyang binabale-wala ang kakaibang epekto nito sa kanya alang-alang sa pangarap niya na maging kabiyak ni Brent. Pero paano siya magtatagumpay kung ayaw paawat ng pasaway na puso niya sa pagpapa-distract dito?

8. PHR 4029 A Love Story Written In The Stars by Aloha Jade


Magkaiba ang pakay at hinahanap nina Coco at Franklin nang magpunta sila sa Cannes, France. But they found each other instead. Doon nagsimulang mabuo ang isang makulay na relasyon sa pagitan nila.
Pero dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay kinailangang umalis ni Coco ng France. Hindi na sila nagkaroon ni Franklin ng pagkakataon na magkausap pang muli bago siya umuwi sa Pilipinas. However, after all the years that followed, she still cherished in her heart what he promised her.
Pagkalipas ng limang taon, muli silang nagkita. Pero nag-iba na ang lahat. Ibang Franklin na ang nakatagpo uli niya. Parang hindi na siya kilala nito. But she would never surrender. Panghahawakan niya ang pangako nito. She would fight for their love come ruin or rapture.

Back to top Go down
 
October 26, 2011 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» The Wilder Life - A new book
» CAMBRIDGE GLASS FAIR - Sunday 27th February**
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» Book Publishing Stats from ForeWord Magazine

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: