HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 October 19, 2011 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: October 19, 2011 Book Release   Tue Oct 18, 2011 7:26 pm

1. PHR 4014 Club 56: Vishnu Book 3: Winter’s Heart by Arielle


Sinisikap ni Kale na bayaran ang kasalanan na nagawa niya noong teenager pa siya sa pamamagitan ng pagtulong at pagligtas sa sinumang nangangailangan ng tulong niya. Hindi nga lang niya alam kung sasapat ang mga kabutihang ginagawa niya. Animo walang kapatawaran ang kasalanang nagawa niya.
Bilang dagdag na parusa ay inalisan niya ang sarili ng karapatan na magmahal o makadama ng anumang uri ng kaligayahan.
Ngunit sa pagkikita nila ni Eudora, natuklasan niyang ang tanging paraan para matulungan niya ito ay kung mamahalin niya ito!

2. PHR 4015 His Kryptonite by Wilhelmina


Nag-umpisa ang friendship nina Nhyzel at Sinn sa simpleng palitan ng mga mensahe na isinusulat nila sa kanya-kanyang whiteboard at ipinababasa sa isa’t isa—si Nhyzel mula sa bintana ng kanyang silid, at si Sinn mula sa terrace ng bahay nito. Ang akala ni Nhyzel ay iyon lang ang mayroon sa pagitan nila: pagkakaibigan.
Kaya hindi siya makapaniwala nang kausapin siya ng nobya ni Sinn at sabihing magtatapat sa kanya ng pag-ibig ang kanyang kaibigan. Nakipag-break daw si Sinn dito dahil siya raw talaga ang mahal ng binata. Nakiusap ang babae na tanggihan niya si Sinn dahil ang binata ang ama ng ipinagbubuntis nito.
Wala naman itong dapat ipangamba dahil hindi mangyayari ang sinasabi nito.
Pero nagtapat nga sa kanya si Sinn.
Inaamin niyang may nararamdaman din siya para sa binata, pero kaya ba niyang tanggapin ito kung may ibang taong masasaktan?

3. PHR 4016 Hot Intruder: Inggo, The Ruggedly Handsome Intruder by Vanessa


Ang misyon ni Vera sa pag-uwi sa farm ng kanyang lolo ay ang awatin ito sa kabaliwan nito. Sa edad na sesenta y otso ay biglang nagtayo ito ng isang rock and roll band. Ayon sa kanyang ama, ang pasimuno ng lahat ng iyon ay isang oportunistang nais makuha ang kayamanan ng kanyang lolo—si Inggo.
She met the man responsible soon enough. As a matter of fact, even during their first encounter, she knew he would cause her trouble. Sapagkat ang unang pagtatagpo nila ay nang pasukin siya nito sa silid na inookupa niya habang natutulog siya. Napagkamalan siya nitong Pretty Woman at ang dialogue sa kanya ay “Hubad na.”
Ah, he waged war and she would not back down… But could she really resist his rugged male beauty that made her act like a teenager every time?

4. PHR 4017 Hot Intruder: Washington, Mayina’s Intruder by Camilla


Dahil gustong takasan ang galit sa kapatid at kasintahan na nanloko sa kanya, minabuti ni Mayina na magtungo muna sa Puerto Galera at magbakasyon doon.
Pero naistorbo ang matahimik na bakasyon niya nang bigla na lang pumasok sa banyo ang isang lalaki—si Washington Tamundong—kung kailan pa naman nakaupo siya sa trono! Pero naglubag ang loob niya nang makita niyang may sugat ito. Ginamot niya ito at hinayaang manatili sa tinutuluyan niyang bahay hanggang sa umayos ang pakiramdam nito. Iyon ang naging simula ng pagkakalapit nila at sa maikling panahon ay nauwi iyon sa pag-ibig.
Sa side niya, at least.
Dahil hindi sinasadyang natuklasan niya na may iba diumano itong mahal at friendship lang ang maaaring i-offer nito sa kanya.
Ganoon ba siya kamalas sa pag-ibig?

5. PHR 4018 Club 56: Vishnu Book 4: Wickedly Divine by Arielle



Nagbalik si Jezza sa Pilipinas para bigyan ng katarungan ang pagkamatay ng kanyang mga magulang. Nagtrabaho siya sa Club 56 bilang bartender dahil ang taong responsable sa nangyari sa kanyang mga magulang ay kalaban din ng club.
Wala siyang balak na makatagpo ng pag-ibig. Ngunit unang kita pa lang niya kay Led Carver, ang violet-eyed manager ng club, ay nabatid na niyang umiibig siya rito.
Ngunit malinaw na walang pag-asa ang pag-ibig niya rito. Dahil ang puso nito ay pagmamay-ari na ni Helena. Sumumpa pa nga itong kapag nagtagumpay ang ibang babae na mabawasan ang pagmamahal nito kay Helena ay agad nitong kikitlin ang sariling buhay.

6. PHR 4019 Aseron Weddings: If I Don’t Have You by Dream Grace


Hindi sana magkukrus ang mga landas nina Charie at Hisoka kung hindi sa pakikialam ng dalawang matandang humabi ng isang malaking kasinungalingan para lang mapaglapit sila.
Ang paniwala ni Hisoka ay isang gold digger si Charie at inaakit daw niya ang lolo nito para pagkaperahan. Kaya gumawa ito ng hakbang para mailayo siya sa matanda; dinala siya nito sa malayong isla na pag-aari nito. Inis na inis siya rito dahil doon. Binantaan pa siya nitong gagawin siyang alipin nito sa bahay at sa kama nito bilang kaparusahan sa ginawa raw niya sa lolo nito. Charie hated him for it.
Pero sa halip na ipakita iyon dito, mas pinili niyang pasakitin ang ulo nito. Kumilos siya na para bang tama ang iniisip nitong binabalak niya. Kung iniisip nitong inaakit niya ang lolo nito, puwes, humanda ito. Hindi pa nito nakikita kung paano totoong mang-akit ang isang Charie Veil.
Titiyakin niya, mahuhulog ito sa charm niya at hindi siya ang malulunod sa nag-uumapaw na kaguwapuhan nito…

7. PHR 4020 Zairo’s Kiss by Dawn Igloria


Five years old pa lang noon si Zairo ay idinedeklara na nitong love nito si Mindy. She indulged him. Pumayag pa siyang maging GF nito. Katwiran niya, lilipas din ang crush nito sa kanya. Pero sixteen years later ay patuloy pa rin ito sa pagpapakita ng undying love sa kanya.
Hinding-hindi niya papatulan ito kahit pa guwapong hunk na ito ngayon. Mabuti sana kung hindi malaki ang agwat ng mga edad nila. Naging misyon tuloy niyang putulin ang “abnormal” na pagkagusto nito sa kanya dahil nilalayuan na siya ng mga binata sa pag-aakalang totoong mag-boyfriend sila ni Zairo.
Pero minsang natikman niya ang halik ni Zairo ay nakalimutan na niya ang misyon niya. Kaya lang, mas mataas pa sa Eiffel Tower ang pride niya—at wala siyang balak na lunukin iyon.
Ngunit hindi yata siya matatahimik at magiging maligaya kung hindi siya aamin na mahal niya ito.

8. PHR 4021 A Home For A Heart by Gabriev Fuentes



Nang maulila si Rima ay kinupkop siya ng mayamang biyuda na si Tita Nina. She was thankful to the old lady. Kaya nang pakiusapan siya nitong pansamantalang palitan ang secretary-cum-assistant nito ay hindi siya nagdalawang-isip na iwan ang magandang trabaho niya upang pagbigyan ito.
Kung tutuusin ay madali lang naman ang trabaho niya, kung hindi lang sa sinabi sa kanya ng kaisa-isang anak nito na si Antonino.
“Stop kissing my mother’s ass. Hinding-hindi ka niya pamamanahan kahit ano pa’ng gawin mo.”
Gustong magpanting ng mga tainga niya ngunit alang-alang sa mabait na ina nito ay pinagtiyagaan niya ito. She thought she had everything under her control.
Pero bakit nang magtagal na ay nasasaktan na siya tuwing inaasar siya nito? At bakit pati yata ang puso niya ay umaangil kapag nahuhuli niya itong nasa kandungan ng iba?

9. PHR 4022 Falling In Love With The Master by Carole Mortimer (translated by Janis Delos Reyes)


NBSB at certified virgin si Elizabeth. Pero choice niya iyon dahil ayaw niyang pumasok sa magulong relasyon. Wala siyang balak baguhin ang status niyang iyon.
Nang tanggapin niya ang trabaho ng pagka-catalogue ng mga libro sa library sa bahay ng mga Sullivan, inisip niyang wala siyang magiging problema. She could handle books better than men. Kaya hindi siya naging handa sa pagdating ni Rogan Sullivan—the dark, dangerous, and wickedly sexy new master of the Sullivan household, ang bagong boss niya.
Ito ang personification ng mga hero na nababasa niya sa mga sexy vampire novel. At alam niyang dapat niyang iwasan ito. Pero paano niya magagawa iyon kung nagsimula na itong akitin at pasunurin siya sa mga gusto nito? At wala siyang magawa kundi magpatangay..

10. Love Immortal by Vanessa


Isang gabi ay may kakaibang nangyari kay Sky. Sumakit ang kanyang tiyan at nang magising siya ay mayroon nang marka sa palibot ng kanyang pusod. Then she started having weird dreams. Sa mga panaginip na iyon una niyang nakita si Miguel, isang sundalo sa kanyang panaginip pero isang doktor sa totoong buhay. Miguel gave her a job, which she took… But soon, all the weird things happening in her life were making her think Miguel was not human.
And she soon found out he was a vampire.
Sa maraming pagkakataon ay napatunayan niyang nakahanda itong protektahan siya. She fell in love with him. Hanggang sa natuklasan niyang kaya siya pinoproteksiyunan nito ay dahil siya ang susi upang makasama uli nito ang babaeng mahigit isang siglo na minamahal nito.
And for that to happen she had to sacrifice her own life


Back to top Go down
 
October 19, 2011 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» The Wilder Life - A new book
» CAMBRIDGE GLASS FAIR - Sunday 27th February**
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» Book Publishing Stats from ForeWord Magazine

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: