HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 October 12, 2011 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: October 12, 2011 Book Release   Wed Oct 12, 2011 8:13 pm

1. PHR 4007 The Tanangco Boys: Ken Charles Pederico (Irresistibly Loving You) by Juris Angela



Dahil sa matinding problema sa pamilya ay pinili ni Myca na lumayo. At sa kanyang pag-alis, tinulungan siya ng kaibigan niyang si Abby. Dinala siya nito sa Tanangco Street. There she met the handsome and the ever bubbly Dr. Ken Charles Pederico. Mula nang makita siya nito ay naging masugid na niyang manliligaw ito. Dahil sobrang kulit nito, nainis siya rito at binasted niya ito sa harap ng mga kabarkada nito.
Dahil labis itong nasaktan sa hayagang pagtanggi niya rito ay nangako ito sa kanya na hindi na siya kakausapin nito. Tinupad naman nito iyon. Pero hinahanap-hanap naman niya ang presensiya nito.
Dapat yata ay aminin na niyang in love din siya rito bago pa mahuli ang lahat.

2. PHR 4008 Matrix’s Dotted Love by Nicka Gracia


Hindi matagalan nina Vanessa at Patrik ang isa’t isa tuwing nagkakaharap sila. Pareho silang may nabuong hindi magandang impresyon sa isa’t isa kaya tuwina ay magkakontra sila.
Ngunit pinaglapit sila ng pagkakataon nang walang pagpilian ang binata kundi kunin ang serbisyo ni Vanessa bilang web designer para sa kompanya nito. Napagkasunduan nilang magtatrabaho si Vanessa sa ilalim ng pamamalakad nito. Ngunit higit pa sa pag-iinisan ang natuklasan nilang bago sa isa’t isa. They grew fond of each other. Hanggang sa parang naging natural na sa kanila na alalahanin ang bawat isa.
Nalito bigla ang puso ni Vanessa. Masaya siya kapag kasama niya si Patrik, ngunit napakalayo nito sa lalaki sa panaginip niya na batid niyang siyang nakatadhana para sa kanya…

3. PHR 4009 Avery by Camilla


Nag-propose si Avery ng marriage kay Irwin at pumayag naman ito. Her reasons were noble—and if he only knew! Ngunit ito pa ang may ganang mag-demand sa kanya!
“May mga ilang bagay kang dapat tandaan, Avi. Hindi na katulad noon ang nararamdaman ko sa iyo ngayon, so there will be no love between us. Alam kong okay lang naman sa iyo iyon dahil hindi mo rin naman ako mahal. Second, pagkatapos nating magpakasal sa Maynila, it will be a business arrangement. Oo, magsasama tayo sa iisang bubong, pero hanggang doon lang. Maghihiwalay tayo ng kuwartong tutulugan. I won’t touch you… iyon ang pinakahuling gusto kong gawin. Got it?”
Napalunok siya. “I got it.”
The arrogant bastard, sa loob-loob niya.

4. PHR 4010 Scars Of Your Love by Belle Feliz


Hindi inakala ni Laureen na magiging malaking bahagi ng buhay niya si Raphael Dunford. Hindi niya nais na magkagusto sa katulad nito ngunit hindi napigilan iyon ng kanyang puso. Habang nakikilala niya ito ay lalo niyang iniibig ito.
Ang akala niya ay pareho sila ng nararamdaman, ngunit nagimbal siya nang malaman niyang may nobya na ito. Tila pinagsakluban siya ng langit at lupa nang sabihin nito sa kanya kung gaano nito kamahal ang nobya nito.
Nais na niyang sumuko. Ipinangako niya sa kanyang sarili na kalilimutan na niya ang nararamdaman niya para dito. Ngunit isang gabi ay may nangyaring maganda sa pagitan nilang dalawa. Inialay niya rito ang lahat ng mayroon siya.

5. PHR 4011 My Dearest Enemy by Sabrina


Para kay Isabel, malas ang dala ni Nikko Molina sa buhay niya. Dahil dito ay nawalan siya ng trabaho at kailangan niyang huminto sa pag-aaral. Abot-langit ang galit niya rito kaya laking pasalamat niya na hindi na sila magkikita.
Kaya ganoon na lamang ang pagtataka niya nang makita niya itong nakatira sa bahay ng kanyang butihing kapitbahay.
Bigla, ang inakala niyang tahimik na mundo niya ay nagulo dahil naging instant kapitbahay niya pa ito. Pero handa naman daw itong bumawi sa mga atraso nito sa kanya. Inalok siya nito ng trabaho:
“Magpapanggap ka lang na girlfriend ko, I’ll pay you fifty thousand. Ipapakilala lang naman kita sa mga magulang ko,” alok nito sa kanya.
Ang trabahong iyon na ang sagot sa mga problema niya pero nag-aalangan siya. Paano kung sa pagpapanggap niyang nobya siya nito, matangay siya?

6. PHR 4012 No Way, No How, Some Way, Somehow by Sheena Rose


Dahil sa isang trahedya na muntik na niyang ikabalda ay nawala ang isang pag-ibig kay Gwen. Natakot kasi ang ex-boyfriend niya na matali sa isang responsibilidad. Labis siyang nasaktan sa kasawian niya sa pag-ibig pero napagtagumpayan naman niyang lagpasan ang pagsubok na iyon. Gayunman, naging recluse siya. Mas ginusto niyang mamuhay nang mag-isa dahil sa ganoong paraan ay maiiwasan niyang makakilala at umibig uli sa isang lalaking baka saktan lang siya sa bandang huli.
Ang akala niya ay nagtagumpay na siya sa pinili niyang buhay ngunit hindi pala. Iyon ay dahil kay Dax, ang kapitbahay niyang makulit at pilit na ipinagsisiksikan ang sarili sa kanya. Hindi niya makuhang iwasan ito, lalo at nagkasama sila sa isang coffee book project na nangangailangang magkasama sila sa paglilibot sa buong Pilipinas.
Unti-unting tinitibag nito ang pader na itinayo niya sa palibot ng kanyang puso. Hanggang sa natuklasan niyang hindi pala ang kakulitan nito ang dapat na pinoproblema niya kundi ang puso niyang natuto nang tumibok para dito sa kabila ng pagbabawal niya…

7. PHR 4013 A Love Recaptured by Dawn Igloria


Mahigpit ang bilin ng mga magulang ni Shaira sa kanya na huwag muna siyang makikipagnobyo hangga’t hindi siya nakakatapos sa kursong Medisina. Kaya napilitan siyang ilihim sa lahat ang relasyon nila ni Dex. Nakahanda raw itong maghintay hanggang sa makatapos siya ng Medisina. Mahal na mahal daw siya nito at hindi ito susuko sa pagmamahalan nila.
Pero kung kailan halos abot-kamay na nila ang matagal na nilang hinihintay ay saka naman sinubok ng tadhana ang tatag ng pagmamahalan nila sa isa’t isa. At ang masakit, sa kanilang dalawa, ito yata ang unang susuko at kakalimutan ang pangako nila sa isa’t isa...


Back to top Go down
 
October 12, 2011 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» The Wilder Life - A new book
» CAMBRIDGE GLASS FAIR - Sunday 27th February**
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» Book Publishing Stats from ForeWord Magazine

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: