HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 October 5, 2011 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: October 5, 2011 Book Release   Tue Oct 04, 2011 6:35 pm

1. PHR 3997 Hot Intruder: The Charming Intruder by Belle Feliz



Ilang oras pa lamang nakakabalik sa Pilipinas si Ana Karina ay pinasok na siya ng isang lalaki sa kanyang silid. Hindi siya pumayag na basta na lang matalo ng isang intruder kaya nanlaban siya. Hinataw niya ng vase ang ulo ng lalaki. Habang walang malay ito, nalaman niya na hindi pala ito intruder talaga. He was Daryll Agoncillo, her best friend’s boyfriend. Dinala niya ito sa ospital dahil mapapatay siya ng kaibigan niya kapag nagawan niya ng malalang pinsala ang boyfriend nito.
Mula nang araw na iyon, nag-iba na ang ikot ng mundo niya dahil kay Daryll. Nagulo ang maayos na buhay niya. Nakakalimutan niya ang mga suliranin niya kapag kasama niya ito. Lalo niyang nakilala ito at mas napalapit sila sa isa’t isa. Unti-unti nang nahuhulog ang loob niya rito pero pinigil niya ang sarili na tuluyang umibig dito. Pag-aari ito ng matalik na kaibigan niya at hindi niya maaatim na mang-agaw ng kaligayahan ng iba. Kahit masakit sa kanya ay kalilimutan niya ang kakaibang damdamin na umusbong sa puso niya para kay Daryll.
But how long would she be able to fight love?

2. PHR 3998 Through Your Eyes by Mei Sanchez


Unang beses pa lang na nakilala ni Richelle si Derek, ang guwapong-guwapong eye patient niya, alam na niyang nanganganib ang puso niya rito. Isang ngiti pa lang nito ay natutunaw na ang puso niya. Kaya nang magpakita ito ng interes sa kanya ay ganoon na lang ang kilig niya. Pumayag siyang makipag-date dito. Hindi nagtagal ay na-in love na siya nang tuluyan dito. Ang tanging hinihintay na lang niya ay sabihin nitong mahal din siya nito.
Ngunit bigla ay nawala ang ngiti nitong dati ay palaging nakahanda para sa kanya. Itinulak siya nito palayo rito. Pero hindi na niya kayang kalimutan ito kaya tinuklas niya ang dahilan ng pagbabago nito. Nadurog ang puso niya sa natuklasan niya...

3. PHR 3999 Lovefinder Postscripts: Heart Revenge (Randy And Luna) by Victoria Amor



Namumuhay nang tahimik si Luna sa piling ng kanyang ama at mga batang tinuturuan niya sa Marciana nang bigla na lang dumating sa lumang bahay nila ang dalawang estranghero at dinukot siya. Pinatulog siya ng mga dumukot sa kanya at nang magising siya ay nasa isang isla na siya.
Sa islang iyon ay naghihintay sa kanya ang matangkad na lalaking animo naghihiganting killer na mababakas sa mga mata ang galit sa kanya. Pamilyar ito sa kanya pero hindi niya maalala ang kaugnayan nito sa nakaraan niya. Gagawin daw nitong miserable ang buhay niya dahil may malaking kasalanan siya rito.
Ginawa siyang alipin nito. Lagi itong galit sa kanya pero panay naman ang sulyap nito sa kanya kapag hindi siya nakatingin dito. At nang hagkan siya ng isa sa mga bantay sa bahay na pinagdalhan sa kanya ay nakipagbasagan ito ng mukha para sa kanya. Ang resulta, pati tuloy ang puso niya ay inaalipin na rin nito.
Pero ang pag-ibig ay hindi para sa isang tulad niya…

4. PHR 4000 The Prude Damsel by Julia Francine Sicat


Nang mamatay ang lola ni Freya ay nasanay na siyang mamuhay nang mag-isa. Ayos lang iyon sa kanya dahil may negosyo naman siyang pinagkakaabalahan. Ang tanging panira lang sa tahimik na buhay niya ay ang asungot na si Ziggy. Ipinanganak yata ito para asarin siya at bigyan ng konsumisyon ang buhay niya!
Pero bakit kung kailan nagkaroon na ng ceasefire sa pagitan nila ay saka naman nagkaroon ng digmaan sa puso’t isipan niya? She seemed to be falling for him! Pero ano naman ang panama niya sa naggagandahang babaeng naghahabol dito kung siya ay isang dakilang “manang” sa isip, sa salita, at sa gawa?

5. PHR 4001 Twelve Days To Capture A Playboy’s Heart by Skye Reyes


Para ma-promote sa trabaho si Athena ay kailangan niyang sumulat ng isang article sa magazine na pinagtatrabahuhan niya tungkol sa mga playboy. Tinanggap niya iyon at pinatulan ang suhestiyon ng boss niya na humanap ng totoong playboy na paiibigin niya. Sa ganoong paraan daw ay magiging kapani-paniwala ang isusulat niya.
She found herself pursuing Brienton Torres, ang best friend ng kuya niya at lalaking mula yata nang ipanganak ay nananalaytay na sa dugo ang pagiging babaero. Pero mukhang hindi niya mapapaibig ito dahil sa pangit na engkuwentrong nangyari sa kanila three years ago.
Sa ngalan ng trabaho ay ginawa niya ang lahat para paibigin ito. Hanggang sa sineryoso na niya ang misyon niya. Paano kasi ay siya ang na-in love kay Brienton.

6. PHR 4002 Sweetie Pye by Camilla



Isang dakilang manikurista si Olympia Kalayaan aka Pye. Mataas ang pangarap ng nanay niya para sa kanya dahil ayaw nitong matulad siya rito na lugmok sa kahirapan dahil nag-asawa ng poor. Siyempre pa, naimpluwensiyahan siya ng ina kaya naman ganoon na lang ang dilemma niya nang umentra sa eksena ang mekanikong si Che na guwapo sana pero may permanent resident na yatang grasa sa mga kamay—ang itim ng mga kuko!
Kinukulit siya nito kaya naiinis siya rito. Ngunit palibhasa ay simpatiko, hindi naglaon ay bumigay rin siya rito. Halos isang linggo pa lang silang magkasintahan ay nag-propose na ito ng kasal, bagay na labis na ipinagtaka niya. Nararamdaman niyang may problema ito ngunit hindi naman nagsasabi sa kanya.
Nang malaman niya kung ano iyon, nagpasya siyang kusa nang lumayo rito kahit parang dinudurog ang puso niya…

7. PHR 4003 Not So Typical Cinderella Tale by Haze Prado


Iniwasan ni Gayle na maungkat ang pangit na alaala sa pagitan nila ni Siedfred pero mukhang hindi ito tatahimik hangga’t hindi ito nalilinawan sa ginawa niyang pag-iwas at pambabale-wala rito noon. Gusto niyang magmatigas, panatilihin ang propesyonal na relasyong dapat lang na mamagitan sa kanila, pero hindi lang iyon ang gusto nito. He bluntly told her he desired her and presented her an indecent proposal. Ibabalik nito ang bahay nilang nabili nito kapalit ng hinihingi nito—to have her in his bed.
Hindi niya alam kung paano siya napapayag nito, kung paanong sa kabila ng hinanakit ay nagawa nitong pukawin ang damdaming akala niya ay wala na. He made her fall in love with him all over again. At na-realize niya, hindi na lang ang mga bagay na nawala sa kanya ang gusto niya, kundi pati ang puso nitong matagal na niyang inaasam pero mukhang malabo pa rin niyang makuha…

8. PHR 4004 Olivia’s Love Contract by Cassandra



Isang undercover agent si Olivia. Nang dahil sa isang maliit na pagkakamali, nagkaroon siya ng problema sa trabaho. Upang makabawi ay binigyan siya ng panibagong assignment—ang maging bodyguard ng isang bata na biktima ng kidnapping. Subalit hindi niya inakalang magiging sakit ng ulo ang trabahong iyon—hindi lamang dahil walang tiwala sa kanya ang ama ng bata na si Gilbert Supremo, kundi dahil galit din sa kanya ang bata.
Hindi niya inaasahan na makakasundo niya ang bata at lalong hindi niya inasahan na mapapalapit ito nang husto sa kanya.
Labis namang ikinatuwa iyon ni Gilbert, sa kanyang pagkamangha. Kaya kahit bodyguard lamang ang dapat na trabaho niya ay literal na siyang tagapag-alaga ng bata. Subalit lalong hindi niya inasahan nang maging si Gilbert ay tila gusto na ring magpaalaga sa kanya.
Paano niya sasabihin dito na hindi kasama iyon sa kontrata niya, at lalong hindi kasama roon ang paghalik na ginagawa nito sa kanya?

9. PHR 4005 Hot Intruder: The Gorgeous Trespasser by Dawn Igloria


Palaisipan kay Grace kung ano ang motibo ng estrangherong nanloob sa rest house na kinaroroonan niya. Sinabi nitong somnambulist ito kaya napunta ito roon nang hindi sinasadya. May sayad lang sa isip ang maniniwala sa alibi nito. Pero hanggang sa matakasan siya nito ay hindi na niya nalaman ang tunay na dahilan.
Wala namang ninakaw ito. Hinayang na hinayang siya dahil tinubuan agad siya ng matinding crush dito. Sinong babae ang makaka-resist sa nag-uumapaw na sex appeal nito?
Pero mapanukso talaga ang tadhana dahil pinagkrus uli niyon ang mga landas nila ni Ovi—na pangalan pala nito. Kaya lang ay ikakasal na siya sa fiancé niyang Fil-Am sa New York.
Sa huli ay nagdesisyon siyang piliin ang gusto ng puso niya. Binalikan niya si Ovi. Pero ipinagtabuyan lang siya nito

10. PHR 4006 Hello, My Mr. Yesterday by Julianna Ran


First boyfriend ni Hana si Ken. Bakasyunista ito sa lugar nila kaya naman tatlong buwan lang ang relasyon nila. Nangako itong babalikan siya ngunit tulad ng kasabihan, napako lang ang pangako nito.
Pagkalipas ng sampung taon ay muling nagkrus ang mga landas nila—siya bilang isang ordinaryong empleyado habang si Ken ay presidente ng kompanyang pinagtatrabahuhan niya.
Ano kaya ang mangyayari sa muling pagtatagpo nila?
Back to top Go down
 
October 5, 2011 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» The Wilder Life - A new book
» CAMBRIDGE GLASS FAIR - Sunday 27th February**
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill
» Book Publishing Stats from ForeWord Magazine

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: