HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 September 28, 2011 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: September 28, 2011 Book Release   Wed Sep 28, 2011 8:58 pm

1. PHR 3989 Kampilan Trilogy 1: Rebel by Arielle


Bunsong anak si Zach ng makapangyarihang angkan ng Montepiedad sa bayan ng Puerto Real. Lahat ng gusto niya ay nakukuha niya.
Unang kita pa lang niya kay Sicily ay nabighani na siya rito. Ngunit hindi ito interesado sa kanya. Ang tanging paraan para makuha niya ito ay kung dadaanin niya ito sa dahas.
Pero bago niya maisakatuparan ang kanyang maitim na balak ay nawala ang lahat ng yaman at kapangyarihan ng kanyang pamilya.
Dahil doon ay nabaligtad ang sitwasyon nila ni Sicily. Ito na ngayon ang may hawak sa buhay niya. Ito ang magdidikta ng lahat ng gagawin niya at susunod siya rito nang walang protesta at reklamo.
Sa kung anong dahilan, ikinasiya niyang maging alipin siya nito…

2. PHR 3990 Kampilan Trilogy 2: Warrior by Arielle


Para makilala ang tunay na pagkatao ni Lt. Samuel Jericho ay pumayag si Leanne na magpanggap na isang GRO. Ikinatuwa niya nang malaman niyang mabuting tao ito at tapat ito sa tungkuling sinumpaan nito.
Ganoon na lang ang pagkagulat niya nang malaman niya ang plano ng lider ng kanilang grupo para kay Lt. Jericho. Hindi siya makapapayag na mapunta kay Lt. Jericho ang mahalagang papel na pinapangarap niyang magampanan din niya. Gagawin niya ang lahat para masira ang plano.
Muli ay ipinain niya ang kanyang sarili pero sa pagkakataong iyon ay para masira ang magandang reputasyon ni Lt. Jericho sa mata ng mga kasamahan niya. Ngunit hindi niya inakalang babalik sa kanya ang ginawa niya. Natagpuan na lamang niya ang sarili na ikinakasal kay Lt. Jericho.
Pananagutan daw siya nito sa kabila ng ginawa niyang pandadahas dito!

3. PHR 3991 Kampilan Trilogy 3: Equalizer by Arielle


Bata pa lang si Jordan, alam na niya na ang lalaking gusto niyang mapangasawa ay si Acron. Subalit dahil sa isang malagim na trahedya na naganap noong mga bata pa sila ay nagkahiwalay sila.
Sa kabila ng pagkakalayo nila ay hindi nagbago ang damdamin niya para dito. Lalo pa ngang tumibay at lumalim iyon.
Nang sumapit siya sa hustong edad ay hinanap niya si Acron. Ngunit nang makita niya ito ay pilit na itinaboy siya nito. Napakarami nitong sinabi kung bakit hindi maaaring maging sila. Pero lalo lamang pinag-igting ng mga iyon ang pagmamahal niya rito. Kaya kung inaakala nitong maitataboy siya nito dahil sa mga pinagsasabi nito, nagkakamali ito.
Hindi niya ito tatantanan hanggang sa tanggapin nito sa sarili nito na sila ay para sa isa’t isa…

4. PHR 3992 Club 56: Vishnu Book 1: Confession by Arielle


Pangarap ni Thrace na magtagumpay at yumaman. Nakahanda siyang isakripisyo ang kanyang social life at love life para lang maiahon sa hirap ang kanyang pamilya.
Ang pagkakataon na kumita nang malaki at makapagpatayo ng isang maliit na negosyo ay dumating sa kakaibang job offer mula sa multimillionaire na si Mr. Marino. Nakahanda itong magbayad ng kahit magkano basta magpanggap lang siya bilang ang anak nitong si Sunni na may malubhang sakit.
Sa pagpapanggap niya bilang si Sunni, kailangan niyang isakatuparan ang lahat ng pangarap at kagustuhan ni Sunni. Kabilang doon ang pagpapaibig kay Guiller, ang lalaking minamahal ni Sunni!

5. PHR 3993 The Bridesmaid’s Baby by Barbarra Hannay (translated by Agnes Serafin)


Pangarap yata ng bawat bridesmaid na mapansin ng kanyang best man, especially if he was her old crush. Ganoon din ang naramdaman ni Lucy nang dumalo siya sa kasal ng kaibigan niya kung saan kasali sila ni Will sa entourage.
Batid niya na hindi siya dapat ma-conscious kay Will kahit may nakaraan sila nito at naging bahagi ito ng buhay niya. All she wanted was to settle down and have a family. At wala ang mga bagay na iyon sa bokabularyo nito. Masyadong adventurous na tao ito para maisip nito na manatili sa iisang lugar.
Ngunit natagpuan uli niya ang sarili na nakakulong sa mga bisig nito. At labis-labis ang kaligayahan niya nang malaman niya na nagbunga ang isang gabing pinagsaluhan nila. Iyon ay sa kabila ng takot sa puso niya kung paano tatanggapin ni Will ang sitwasyon. O kung tatanggapin siya nito sa buhay nito.

6. PHR 3994 My Heart’s Bet by Kaye Ysabelle


“Mabuti na lang at hindi ako kasali sa mga lalaking nabiktima ng ganda mo, at hinding-hindi mangyayari iyon. I will never fall in love with someone like you.”
Agad na nag-init ang ulo ni Avia sa kanyang narinig mula kay Paulo. Hinding-hindi niya hahayaang insultuhin siya nito nang ganoon kahit pa matagal na siyang may lihim na pagtangi rito.
Tiningnan niya ito nang matalim. “`Wanna bet, Mr. Jade Paulo Torralba?” hamon niya rito.
Tumaas ang isang kilay nito at mukhang pinag-isipan nito ang sinabi niya. Kapagkuwan ay umangat ang isang sulok ng mga labi nito. “One month. Make me fall in love with you in a month’s time,” sagot nito sa hamon niya. Ayon pa rito, kapag nanalo siya ay may supply siya ng mga designer shoes at bag mula rito sa loob ng tatlong taon.
“One month? Iniinsulto mo ba ako? I can make you fall in love with me in a week!” pagyayabang niya.
Pinagbuti niya ang panliligaw rito.
Manalo naman kaya siya?

7. PHR 3995 Hot Intruder: The Bare Intruder by Sofia


Simple lang ang pangarap ni Ellora—ang maging proud sa kanya ang papa niya bilang isang sikat na painter. Gusto niyang patunayan na maipagmamalaki pa rin siya nito kahit pinili niyang maging artist kaysa magtrabaho sa kompanya nito.
Nagsisimula na sana siyang makapag-establish ng sariling buhay pero nasira ang lahat ng pangarap at plano niya nang pasukin ng isang pusa at isang guwapong lalaking nagngangalang “Cougar Reveron” ang bahay niya. Nasira ang mga gamit niya at ang painting na plano niyang isali sa isang exhibit na magiging daan sana niya para magkaroon ng malaking pangalan sa larangan ng pagpipinta.
“What do you want me to do then? Kahit ano ay gagawin ko para lang makabawi ako sa iyo at gumaan ang pakiramdam mo,” desididong sabi ni Cougar.
Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. Hmm… Papasa itong maging modelo sa nude portrait na kailangan niyang ipinta.

8. PHR 3996 Club 56: Vishnu Book 2: Permanence by Arielle


Sumali si Althea Jacinto sa isang reality beauty contest hindi para manalo at sumikat kundi para makahanap ng lalaking magiging ama ng kanyang magiging anak. Nangunguna sa pamantayan niya ang kaguwapuhan. Gusto niyang magkaroon ng maganda o guwapong anak para hindi ito laitin ng mga tao sa paligid niya. Dahil kasi sa pagiging ugly duckling ay panlalait ang kinalakhan niya.
Sa set ng reality beauty contest niya nakilala si Raiden Kai Anderson, former US military man, na ang tanging layunin sa buhay ay mabigyan ng katarungan ang kamatayan ng kapatid nitong si Rissa.
Unti-unti na niyang nakakamit ang tagumpay nang sa hindi inaasahang pangyayari ay nadisgrasya siya at dahil doon ay nasira ang kanyang mukha. Si Raiden ang may kasalanan kung bakit nangyari iyon. Dahil sa pagkasira ng kanyang mukha, hindi na niya maipagpapatuloy ang pagsali sa beauty contest.
Sa labis na pagsisisi ay nangako si Raiden na ibibigay nito ang anumang hilingin niya. Ngunit kaya ba nitong panindigan ang ipinangako nito kung ang hihingin niyang kabayaran dito ay isang anak?
Back to top Go down
 
September 28, 2011 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» The Wilder Life - A new book
» CAMBRIDGE GLASS FAIR - Sunday 27th February**
» Yu-Gi-Oh!! My Karakuri machine deck september 2011 banlist
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: