HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 June 4, 2008 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
Go to page : Previous  1, 2
AuthorMessage
Femmia Pink
Master
Master


Number of posts : 543
Age : 33
Location : iloilo/guimaras
Registration date : 2008-02-05

PostSubject: ...   Mon Jun 09, 2008 1:56 pm

gemme wrote:
wala rin pong cover, pero sana makatuLong.. ü

waaaaaaaaaaaaaaaah! wala pa ring cover. pero salamat gemme, nakatulong kahit paano... hindi yata napapadako dito c julie..
Back to top Go down
http://profiles.friendster.com/langgingfemz
viCtoriA
Newbie
Newbie


Number of posts : 25
Age : 22
Location : parañaque city
Registration date : 2008-04-16

PostSubject: Re: June 4, 2008 Book Release   Mon Jun 09, 2008 3:07 pm

wuu!! sana mabili ko na yan...
tnx gemme!!
Back to top Go down
_vim_
Junior
Junior


Number of posts : 33
Age : 23
Location : nowhere near you... lol
Registration date : 2008-04-07

PostSubject: Re: June 4, 2008 Book Release   Mon Jun 09, 2008 3:43 pm

bibili talaga ako nyan.. hehehehe.... Smile alien
Back to top Go down
kaytee
Junior
Junior


Number of posts : 138
Age : 28
Location : artist paradise...yeah!
Registration date : 2008-02-04

PostSubject: Re: June 4, 2008 Book Release   Mon Jun 09, 2008 9:33 pm

wahhh..maganda po yang book ni ate sonia na
FOR THE LOVE OF JULIE!!


kc nabasa k n yan eh..


hahahah..excited n din ako sa story nina:
JAYCOB AT MYLA
at HELENA at RAIJIN..
yung anoder members ng sentinel..hihi


for sure nmn my story yan eh.. lol!
Back to top Go down
rhyzie
Junior
Junior


Number of posts : 56
Age : 29
Location : calamba city, laguna
Registration date : 2008-01-17

PostSubject: Re: June 4, 2008 Book Release   Mon Jun 09, 2008 11:21 pm

gemme meron k n b nito???
for the love of julie...
hehehe...
parang ung album ng sentinel...
for the love of sassa...
^_^
Back to top Go down
-MikHa-
Junior
Junior


Number of posts : 168
Age : 23
Registration date : 2008-04-24

PostSubject: Re: June 4, 2008 Book Release   Tue Jun 10, 2008 9:50 am

kAsi pO aNg mGa bida biDahaN sA fOr tHe LovE oF juLie aY mGa miyembRo nG seNtiNeL...
haha...
gnda ng sToRy...

mAmaTz nInaNg gEmMe....
Back to top Go down
gemme
Senior
Senior


Number of posts : 226
Age : 24
Location : Calamba City, Laguna
Registration date : 2008-01-29

PostSubject: Re: June 4, 2008 Book Release   Tue Jun 10, 2008 12:42 pm

te rHyzie: parang sentinel series kasi yun te rhyz, yuP merOn nA ko nun.. ü iSa yun sa dadaLhin ko paG nagkita tayO, hehe..

mHikz: ur weLcome, iNaaNak! (im getting used to it.. hehe,)

loOking fOrward tO raijin and hellene's story!! wuu!
Back to top Go down
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: Re: June 4, 2008 Book Release   Tue Jun 10, 2008 6:46 pm

Hay, ang eng-eng ko, napindot ko ang delete sa halip na edit. Tuloy, nabura ang pinost ko sa page 1. Anyway, as promised (kahit super delayed na), ito ang book release nung June 4, 2008.

1. PHR 2847 First Love, Second Chance by Dawn Igloria



“May problema ako. Kailangan kong magkasyota. Puwede ka ba?”
Nagulat si Lorabelle sa sinabi sa kanya ni Mandy. First time iyon na may naghangad na maging nobya siya. Kunsabagay, naku-cute-an siya rito at hindi araw-araw na may isang guwapong lalaki na nag-aalok na maging syota niya.
Ang kaso, noon pa lang sila nagkakilala nito kaya one hundred percent sure siya na kung anuman ang dahilan nito para alukin siya ng ganoong proposal ay natitiyak niyang hindi dahil na-love at first sight ito sa kanya...

2. PHR 2848 Your Love Is Better Than Lemon Iced Tea by Claudia Santiago


“How can I work for a man na hindi ko gusto ang ginagawa? Sa isang taong mapaglaro sa damdamin ng mga babae at napakapalikero?”
Iyon ang sentimyento ni Drew ngunit napilitan pa rin siyang magtrabaho bilang sekretarya ni Riley Agustin sa pakiusap na rin ng Tita Eva niya na matagal naglingkod sa kompanya ng mga Agustin.
Ngunit habang tumatagal na nakakasama niya ang binata ay unti-unting natutuklasan niya na mukhang nagkamali siya ng paghusga rito. At nang maamin na niya sa sariling mahal na niya ito ay saka naman bumalik ang kababata nitong si Diane. Mula noon ay tila nabale-wala na siya rito.
Kaya ba niyang ipaglaban ang kanyang pagmamahal para sa binata?

3. PHR 2849 Talk About Mr. and Mrs. Elgar Morris by Camilla



Saglit lang ang pagkakakilala niya kay Elgar, pero agad nang naramdaman ni Yonila ang pagtubo ng pag-ibig para sa binatang negosyante. Pumayag siya nang yayain siya nitong magbakasyon sa Hong Kong kung saan naka-base ito. At pumayag din siya nang ora-oradang yayain siya nitong pakasal... only to discover na kaya pala ginawa nito iyon ay dahil ni-reject ng nobya nito ang marriage proposal nito.
Masakit para sa kanya ang kanyang nalaman. Pero bakit pumayag pa rin siyang magpakasal dito?

4. PHR 2850 For The Love Of Julie by Sonia Francesca



Bisperas ng ikadalawampu't walong kaarawan ni Julie nang humiling siya sa Diyos ng isang regalo. “Isang lalaki po na mamahalin ko. At kung puwede po sana, mabait at guwapo siya. Puwede rin pong mayaman siya at may magandang kotse para puwede niya akong ihatid-sundo sa opisina ko araw-araw.”
Afterwards, she went out for a walk. At nagkabanggaan sila ni Lancer na ikinatumba niya. Walang kaabug-abog na pinasan siya nito para dalhin sa ospital. Pero nagulat siya nang pagkatapos siyang ideposito nito sa sasakyan nito ay basta na lamang siya hinalikan nito.
“Happy birthday, Julie Anne,” sabi nito kapagkuwan.
He was her first kiss. Could he also be the first man she would ever love? Pero ayaw niya rito. Hindi ito pasado sa standards niya para sa isang lalaking mamahalin niya. Ngunit bakit ganoon? Bakit parang iba naman ang sinasabi ng kanyang puso?
Something was wrong with her heart...

5. The Don's Boys Series 7: Bernad Burgos 1 by Vanessa



Bernad knew Cookie married him because she needed him. And he gave Cookie the impression that he married her because he needed a wife. He guessed she would never know how very much in love he was with her... And it hurt to know that she was in love with one of his best friends. Sanay siyang ang mga babae ang humahabol sa kanya... Nabaligtad ang sitwasyon. Baliw na baliw siya sa isang babaeng mukhang kahit asawa na niya ay hindi niya makuha-kuha...

6. The Don's Boys Series 8: Bernad Burgos 2 by Vanessa



Nang matuklasan ni Cookie ang nararamdaman sa kanya ni Bernad ay laking katuwaan niya. Ngunit kasabay ng katuwaan ay labis na sakit sapagkat ang nadarama nito sa kanya ay tapos na. Nagsawa na ito sa katigasan ng kanyang ulo at nakakita na ito ng babaeng mas nakakaunawa rito, mas nakakapagpasaya rito, mas bagay rito...
Ano ngayon ang gagawin niya?

7. The Don's Boys Series 9: Maximo Arnaiz by Vanessa



Mataas ang pangarap sa buhay ni Panchie. Hindi pa siya kontento sa kasikatan niya sa showbiz. Gusto niya ring maging makapangyarihan at maging kabilang sa mundo ng mga tunay na miyembro ng alta-sosyedad.
Nasa unang hakbang na siya sa pagtupad sa kanyang pangarap nang makilala niya si Maximo Arnaiz, isang tuberong hindi kaguwapuhan. Dahil dito ay nagkaloko-loko ang mga plano niya. Inis siya rito pero bakit hindi niya maikaila ang katotohanang masaya siya sa piling nito?

8. The Dream Team Series 2: Ethan Hernandez by Almira Jose


Matagal nang kasintahan ni Ethan si Alana. Mahal na mahal niya ito at alam niyang wala na siyang ibang nais na makapiling sa kanyang buhay kundi ito.
Ang problema nga lang, masyado silang magkatulad. Iyon ang dahilan kung bakit compatible sila. Ngunit iyon din ang hadlang kung bakit hanggang ngayon ay ayaw pa ring tanggapin nito ang marriage proposal niya.
Tulad niya ay matayog din ang ambisyon nito sa career nito. Ang hiling nito ay maghintay muna sila. Tuwing bubuksan niya ang paksa ng kasal ay iyon ang laging sinasabi nito.
Hanggang kailan siya maghihintay?
Naiinip na siya...

9. Señorito Series 13: Sylvanno by Rose Tan



Kinidnap ni Nelia si Sylvanno sa mismong gabi ng engagement party nito. Ang alam niya, siya ang true love nito. Ang kaso, false alarm yata.
Dahil habang nasa poder niya ang binata, tumakas din ito!

10. 18 Roses Series 28: Maiko, My Japanese Doll by Cora Clemente



“Kapag nagmahal ka, huwag mong ibibigay lahat. Magtira ka para sa sarili mo. Para sakaling hindi ka man makatanggap ng inaasahan mo mula sa kanya, may respeto ka pa sa sarili mo.”
Iyon ang isa sa mga hindi makakalimutan ni Maiko na word of wisdom sa kanya ni Ephraim, ang estrangherong lalaki na bigla na lamang dumating sa buhay niya. For her, he was the perfect man, ang hinihintay niyang Prince Charming.
Ito ang nagbigay ng kulay at saya sa pagpasok niya sa mundo ng pagiging isang ganap na dalaga.
Pero paano kung matuklasan niyang ito rin pala ang sisira sa sinabi nito sa kanya kung paano siya magmamahal? Iyon ay pagkatapos niyang matuklasan na sa likod ng magagandang ipinakita nito sa kanya ay may motibo itong labis na magpapasakit sa kanyang puso?
Si Ephraim ba ay isang “lobo” sa likod ng mala-Prince Charming na pagkatao nito?

11. MLH 358 Stephen Sandoval by Cassandra



Dull, stupid, and unreliable--iyon ang tingin ni Claudette sa bagong personal driver niya dahil sa palpak na trabaho nito sa unang araw nito sa kanya. Kahit guwapo ito ay hindi basta mawawala ang hindi magandang impresyon niya rito.
Subalit nang lumaon, nakita niyang hindi naman pala ito ganoon. Masarap palang kasama ito, mabait at medyo sweet. Pero mukhang sumobra naman ito sapagkat tila kinarir nito ang trabaho at maging ang pagba-bodyguard ay nais pa nitong pasukin. Unti-unti siyang natuwa rito at kakatwang nagkaroon ito ng pitak sa kanyang puso.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, may nagtangkang kumidnap sa kanya. At noon niya nalaman na ang inakala niyang tatanga-tangang driver niya ay itinalaga ng kanyang ama para bantayan siya. At hindi lamang pala ito isang ordinaryong bodyguard. Isa pala itong ex-military captain!

12. GEM 41 Lux by Camilla



Sa buong bayan ni Lux Madrigal, wala siyang ibang minahal kundi si Red. Nang sa wakas ay natupad ang matagal na niyang inaasam na tugon nito sa pag-ibig niya, nadiskubre niyang pahiram lamang pala ang kaligayahang iyon. Sa kagagawan ng kanyang kapatid at sa pamamagitan ng impluwensiya ng kanyang papa, nakatakdang magdilim ang kinabukasan ng binata. Kinailangan niyang isakripisyo ang pag-ibig niya rito para sa kaligtasan nito.
Seven years later, nagkita sila uli sa Paris. Malaki na ang ipinagbago nito. Marami nang pagbabago sa buhay nila pareho. One thing remained, though: akala niya ay iyon na ang simula ng bagong buhay na kasama ito.
But Red had other plans. At hindi kasama roon ang pagbibigay ng happy ending sa kanilang love story.
Back to top Go down
rhyzie
Junior
Junior


Number of posts : 56
Age : 29
Location : calamba city, laguna
Registration date : 2008-01-17

PostSubject: Re: June 4, 2008 Book Release   Wed Jun 11, 2008 9:54 am

hahaha...
nakabili n ko...
for the love of julie!!!!
weee!!!
ang ganda...
nkktuwa...
gusto ko n mbasa ung story ni raijin and jaycob...
wut wut!!!
hehehe...
^_^
Back to top Go down
{STOIC}_@nnette®™
Junior
Junior


Number of posts : 46
Age : 33
Location : Angono, Rizal
Registration date : 2008-04-17

PostSubject: Re: June 4, 2008 Book Release   Wed Jun 11, 2008 10:11 am

Question May release ba ngayon?

whooo... Dapat may SRC and CP na hah...

Kelan nga kaya out ng kay raijin and jaycob ni ms. sonia? heheh


KAWAII!!!
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.blogspot.com
Femmia Pink
Master
Master


Number of posts : 543
Age : 33
Location : iloilo/guimaras
Registration date : 2008-02-05

PostSubject: waaaaahh!!   Wed Jun 11, 2008 12:39 pm

thank you sa jen kahit delay!!! ang gute naman ng cover ng for the love of julie! taz iyong jems, pink na pink!!! whooohooo!!1 ancute!!!!
Back to top Go down
http://profiles.friendster.com/langgingfemz
allenssexywife
Junior
Junior


Number of posts : 104
Age : 38
Location : Davao City
Registration date : 2008-09-03

PostSubject: Re: June 4, 2008 Book Release   Mon Dec 29, 2008 1:05 am

helloo ang ganda ng mga novels na ito lahat ata mayron ako hehehee
Back to top Go down
http://www.tagalogpocketbookromance.com
allenssexywife
Junior
Junior


Number of posts : 104
Age : 38
Location : Davao City
Registration date : 2008-09-03

PostSubject: Re: June 4, 2008 Book Release   Wed Dec 31, 2008 6:54 am

SUper ganda ng Don's Boys. ni Vanessa
Back to top Go down
http://www.tagalogpocketbookromance.com
Sponsored content




PostSubject: Re: June 4, 2008 Book Release   Today at 10:10 am

Back to top Go down
 
June 4, 2008 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 2 of 2Go to page : Previous  1, 2
 Similar topics
-
» How to write a Mills and Boon
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014
» London Has Fallen DVD release date - June 14, 2016

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: