HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 September 21, 2011 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: September 21, 2011 Book Release   Tue Sep 20, 2011 7:49 pm

1. PHR 3982 Your Love Is The Only Exception by Marione Ashley


Sa loob ng limang taon ay inalagaan ni Jelle si Guji sa kanyang puso. Nakontento na siya sa palihim na pagmamasid at pagtanaw niya rito mula sa malayo. Until one day, she learned that he already had somebody else. Naalarma ang puso niya kaya naglakas-loob siyang lapitan ito.
Her plan was almost perfect. Kung hindi lamang palaging sumusulpot sa eksena ang “tinik” sa lalamunan niya na si Reus San Diego, ang kaisa-isang tao sa buong university nila na nakakaalam ng lihim na pagtingin niya kay Guji. Sa bawat pagkakataong nagpapapansin siya kay Guji ay palagi nitong sinisira ang diskarte niya. Hindi niya alam ang dahilan ng panggugulo nito kaya isang araw ay nagulat siya nang bigkasin nito ang mga katagang “I’ll make you love me, Jelle.”
Hala! Hindi siya maaaring magkagusto rito dahil hindi niya ito type. Pero bakit parang nagdiwang ang puso niya dahil sa mga katagang iyon? Parang sinasabi rin ng puso niya na bigyan niya ng tsansa si Reus na ipakilala nito ang sarili sa kanya.

2. PHR 3983 A Love Bloomed In School Year ‘99 by Maricar Dizon


Labis ang kaligayahan ni Ritzi nang isang araw na depressed siya ay lumapit sa kanya at pinasaya siya ng pinakasikat na lalaki sa buong campus na si Jeff Cardenas. It was also that day when he told her he loved her. Ngunit kinailangan niyang iwan ito.
Pagkalipas ng maraming taon ay bumalik siyang hindi na umaasang muling magkukrus ang kanilang mga landas. When she saw him, she felt excited and afraid. Natatakot siya sa maaaring maging reaksiyon nito. Pero hindi niya kinakitaan ito ng galit o disgusto. Sa katunayan ay pinakitunguhan siya nito na parang hindi niya nasaktan ito noon.
Unti-unti ay muling nabuhay ang damdamin niya para dito, lalo pa’t hinalikan siya nito nang buong pagsuyo. Nagkaroon siya ng pag-asa na magiging maayos na ang lahat sa pagitan nila, that they could start all over again.
Pero mula’t sapol pala ay iisa lang ang dahilan ng espesyal na atensiyong ibinibigay nito sa kanya…

3. PHR 3984 When Izen Takes Charge by Wilhelmina


Magkababata at best friends sina Gee at Izen kaya kilalang-kilala na nila ang isa’t isa. Ngunit may isang bagay na matagal nang inililihim si Gee sa binata—ang pag-ibig niya rito. Pinili niyang itago iyon kaysa masira ang friendship nila. Hindi niya kakayanin na hindi na makasama ito.
Kung puwede lang ay gusto na niyang kalimutan ang nararamdaman niya para dito. Pero paano niya gagawin iyon kung sa araw-araw ay ipinapakita nito sa kanya kung gaano siya kahalaga rito, ipinaparamdam na espesyal siya, at kung gaano kasarap maalagaan nito?
Ngunit nang minsang makita nitong may kausap siyang ibang lalaki, tila inis na inis ito. Gusto niyang isiping nagseselos ito. Nakasilip siya ng kaunting pag-asa na marahil ay may damdamin din ito sa kanya…

4. PHR 3985 Patuloy Kang Mamahalin by Camilla


Naging nobyo ni Shannon si Brock nang tumira siya sa poder ng kanyang estranged father, na hindi siya itinuring na tunay na anak. Brock was her fortress, hanggang sa sumulpot ang half sister niya na matagal nang may gusto sa lalaki.
Pinagtulungan siya ng kanyang ama at kapatid para mapalayas sa poder ng mga ito. Hindi niya inaasahan na dahil doon ay tatalikuran siya ni Brock at pakakasalan nito ang kapatid niya.
Five years later, muli silang nagharap-harap. Sariwang-sariwa pa rin ang galit sa dibdib niya. Ngunit sa likod niyon ay hindi niya malabanan ang sigaw ng kanyang damdamin na nagsasabing mahal pa rin niya si Brock sa kabila ng lahat…

5. PHR 3986 My Darling Deceiver by Dorren Gabriel


Hindi matanggap ni Ossy na ipinagkasundo siya ng kanyang mga magulang sa lalaking hindi pa niya nakikita sa tanang buhay niya kaya naglayas siya. Hindi niya inaasahang sa mismong pagtatago niya ay makakaharap niya si Kaede, ang lalaking nakatakdang pakasalan niya, at iibigin niya ito. Nakilala siya nito sa ibang katauhan at minahal din siya nito. Katunayan, handa raw nitong talikuran ang utos ng pamilya nitong pakasalan ang babaeng hindi nito kilala para sa kanya.
Paano niya sasabihin dito na siya mismo ang nakatakdang pakasalan nito nang hindi nito iisiping pinaglaruan niya ang damdamin nito?

6. PHR 3987 First Kiss And First Impression by Wilhelmina


Gustong magpa-impress ni Grel kay Jigo, ang lalaking minsang iniligtas niya at ngayon ay instant crush na niya. Pero tuwing nakikita at nakakaharap niya ito ay pulos kapalpakan ang nagagawa niya. Hanggang sa isang malaking pagkakamali ang nagawa niya—aksidenteng nasabi niya rito na crush niya ito. Ngayon ay hindi na niya alam kung may mukha pa siyang ihaharap sa binata dahil tiyak na mukha na siyang katawa-tawa sa paningin nito.

7. PHR 3988 Heart For Ransom by Majesty Roque


Hindi makapaniwala si Eunice sa kamalasang magkasunod na dumating sa buhay niya. Una, nag-break sila ng boyfriend niya. Pangalawa, nadamay siya sa gulong kinasasangkutan ni R-Jhay Laurio, ang CEO ng pinakamalaking motorcycle manufacturer sa buong Asya. Ang akala ng mga nagbabanta sa buhay nito ay girlfriend siya nito kaya pati siya ay nanganganib na rin ang buhay.
Wala siyang choice kundi sumama rito para diumano ay maprotektahan siya nito.
Pero mukhang ang puso niya ang dapat niyang protektahan mula rito. Dahil habang lumilipas ang mga araw na magkasama sila ay unti-unting nahuhulog ang kanyang loob sa guwapong binata.
Ang akala niya ay iyon na ang huling komplikasyon sa buhay niya. Hanggang sa mapanood niya sa balita na wanted na pala siya for kidnapping! At ang kanya diumanong biktima? Si R-Jhay mismo!
Malas ba o suwerte ang lalaki sa buhay niya?

8. PHR 3989 The Eternal Kiss by Dream Grace


Cesca had always known she was different. May lihim ang pagkatao niya na hindi maaaring mabunyag sa kahit sino sapagkat kamatayan niya ang magiging katumbas niyon. Kaya mahigpit na ipinagbilin sa kanya ng kanyang ama na huwag siyang basta-basta magtitiwala sa kahit sino.
Ngunit nang makilala niya ang isang guwapong estranghero na nagpakilalang si Desmond, kinalimutan niya ang mahigpit na tagubilin ng kanyang ama. Ibinigay niya sa lalaki nang buong-buo hindi lang ang pagtitiwala niya kundi maging ang kanyang puso.
Ngunit nagkamali pala siya. Dahil ang kauna-unahang lalaking pinagkatiwalaan at minahal niya nang higit pa sa kanyang sarili ay siya palang nilalang na inatasang tumugis at pumatay sa kanya.
Back to top Go down
 
September 21, 2011 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» The Wilder Life - A new book
» CAMBRIDGE GLASS FAIR - Sunday 27th February**
» Yu-Gi-Oh!! My Karakuri machine deck september 2011 banlist
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: