HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 September 14, 2011 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: September 14, 2011 Book Release   Wed Sep 14, 2011 7:11 pm

1. PHR 3972 The Beauty Queen And The Geek by Ashlene Javier


Glamorosa ang mundo ni Aimee. Intelektuwal naman ang mundo ni Wyldon. But even though they belonged to different worlds, she still hoped that one day he would learn to love her. Kaso, ilang beses nang umasa’t nabigo ang puso niya nang dahil dito.
But when the two of them hosted and starred in a show entitled “The Beauty Queen and The Geek,” her heart was back into doing its usual somersaults. Hindi niya maiwasang muling umasa, lalo na’t nang dahil sa show nila ay kung ano-anong challenges ang magkasama nilang hinarap at nilagpasan. At kung siya ang tatanungin, pakiramdam niya ay unti-unti na ring nahuhulog ang loob sa kanya ni Wyldon. She knew there was something in the way he looked at her. Hindi rin niya puwedeng bale-walain ang ginawa nitong paghalik sa kanya sa isang episode nila kahit hindi naman nito dapat gawin iyon.
Ang kaso, nang gabing aminin niya ang nararamdaman niya para dito, walang sabi-sabing tinalikuran lamang siya nito. And the searing pain she had in her chest that night just felt too impossible to bear.
When would she ever learn that he would never care?

2. PHR 3973 The Tanangco Boys: Archie Dhing Santos (Runaway) by Juris Angela


Pumunta si Chacha sa Amerika para alagaan ang kanyang ama na may sakit. Kaakibat ng desisyon niyang iyon ay ang pag-iwan din niya sa lalaking kanyang pinakamamahal—si Dingdong. Habang nasa ibang bansa siya ay naging mahirap para sa kanya na kalimutan ito, lalo na’t ito ang first love niya. Wala siyang ibang ipinagdarasal kundi maunawaan siya nito at hintayin nito ang kanyang pagbabalik.
Dininig naman ng Diyos ang mga panalangin niya. Pagbalik niya ay napatunayan niyang gaya niya ay hindi pa rin kumukupas ang pag-ibig nito sa kanya. Pero hinahadlangan na ng mga magulang niya ang pagmamahalan nilang dalawa. Kaya para hindi na sila mapaghiwalay ay nagpakasal sila nang wala sa oras.
Pero ganoon na lang ang gulat niya nang lapitan siya ng isang babae at sabihin nito sa kanya na inalok din ito ng kasal ni Dingdong.

3. PHR 3974 You Are Beautiful In My Eyes by Rhiza Pauline


Nagka-crush si Aleiah sa guwapong kapitbahay niyang si Vince. Parang ang sarap nitong maging boyfriend. Dumating pa siya sa point na pinangarap niya itong maging asawa balang-araw. Naging maganda ang samahan nila sa kabila ng malaking pagtutol ng ate niya rito.
Ngunit isang araw ay natuklasan niya na pinasasakay lang pala siya ni Vince. Bistado na pala nito ang lihim niyang pagsinta rito. Ang higit na nakakahiya sa lahat, alam na pala nito na iniilusyon niyang maging misis nito.
Wala na siyang mukhang maihaharap dito kaya iniwasan niya ito. Pero mapilit ito. Okay lang daw rito na may gusto siya rito dahil gusto rin naman daw siya nitong maging Mrs. Vicente Alegre. Gusto na sanang lumukso ng puso niya dahil sa tuwa. Pero sa tuwina ay naiisip niya na parang bisyo na nito na pag-trip-an siya. Paano siya maniniwala rito?

4. PHR 3975 My Pretty Captain by Gabriev Fuentes


Rinding-rindi na si Myra sa mga hinaing ng best friend niyang si Alvin tungkol sa magulong love life nito, lalo pa at tuwing nagkukuwento ito, nasasaktan siya. Matagal na kasi niyang minamahal ang best friend niya nang lihim. Masyadong mahabang panahon na ang hinintay niya para mapansin siya nito at hindi iyon nangyari at mukhang hindi na mangyayari. Finally, she decided to move on and find herself another love.
Ngunit nakakaisang date pa lang siya ay hinarang na siya ni Alvin at pinagbawalang mag-boyfriend. Tila nagseselos ito. Diyata’t sa wakas ay na-in love na ito sa kanya?

5. PHR 3976 The Tanangco Boys: Joneil Victor Pineda (Someone Like You) by Juris Angela


Best friend ni Abby si Victor—ang guwapo at sikat na basketball player sa buong campus. Pero dahil sa pagiging boyish niya ay lagi siyang itinutukso nito sa mga babae. Tuwina ay naiinis siya dahil sa sarili niya ay nasisiguro niyang babae siya. Isang patunay roon ang lihim na paghanga niya rito. Lingid dito ay nasasaktan siya kapag nagpapa-cute siya rito at pinagtatawanan lamang siya nito.
Hindi na nga yata niya mababago ang tingin nito sa kanya at hindi na rin niya masasabi rito na higit na sa pagiging kaibigan ang gusto niya rito…

6. PHR 3977 Sunlight Trilogy 1: Mons by Sheena Rose


Nakilala ni Wie ang makisig na agriculturist na si Mons nang makitira ito sa bahay ng kanyang ama sa San Vicente. Pero kahit anong kisig nito ay asar siya rito dahil bine-brainwash nito ang tatay niya. Dahil dito, hindi niya makumbinsi ang tatay niya na sumama sa kanya sa Manila.
Buong-buo ang tiwala ng tatay niya kay Mons. Ang tingin nito sa lalaki ay bayani na magsasalba ng San Vicente sa kahirapan, despues, busilak na busilak ang kalooban nito. Kaya kailangan niyang gumawa ng paraan para magalit ang tatay niya rito.
Nakaisip siya ng paraan: aakitin niya si Mons. Pero nang isinasagawa na niya ang plano niya, may napansin siya rito. Diyata’t inaakit din siya nito? At mukhang nagtatagumpay na ito dahil naakit nga siya rito. Pero hindi siya patatalo; lalong inakit niya ito.
Hindi siya sigurado pero parang nag-e-enjoy siya sa ginagawa nila ni Mons. She couldn’t tell who was tempting who. But whoever it was, she loved their game.

7. PHR 3978 My Tattooed Love by Nicka Gracia


Gustong hanapin ni Althea ang kanyang sarili kaya lumayo siya. Hindi siya nagpaalam o nagparamdam sa mga kaibigan niya. Sanay na rin naman ang mga ito sa ugali niyang iyon.
Medyo nagsasawa na siya sa takbo ng kanyang buhay. She wanted to break free. Kaya nga biglang pinagupitan niya ang buhok niya. Napadpad din siya sa isang tattoo shop na nadiskubre niyang pag-aari pala ni Johnny. Masasabing kakilala na rin niya ang binata dahil kaibigan ito ng nobyo ng pinsan niya.
After the tattoo, hindi lang yata ang balat niya ang inukitan ni Johnny dahil nakuha na rin nito ang atensiyon niya. Kaya pagkatapos ng masusing pag-iisip, inalok niya itong maging boyfriend niya sa loob ng isang linggo, no strings attached. Siguro nga ay nababaliw na siya, but she just wanted to feel loved.
Ngunit mukhang siya ang talo sa kasunduan nila dahil sa paglipas ng mga araw ay unti-unti siyang nahuhulog sa binata.
Makakaya pa kaya niyang pakawalan ito kapag natapos na ang isang linggo?

8. PHR 3979 Wife In Waiting by Camilla


Sa lahat yata ng malas sa pag-aasawa, si Dulcie na ang pinakamalas. Kinahapunan mismo ng kasal nila ni Atty. Wade Advincula ay umalis ito kasama ang kliyente nitong si Bianca at mula noon ay hindi na niya muling nakita ito. Pagkalipas ng dalawang taon, saka lang sila muling nagkaharap.
Dahil ramdam niyang mahal pa rin niya ito ay hinayaan niyang kalimutan na lang nila ang nakaraan at nagsimula uli sa piling ng asawa. Hanggang sa muling sumulpot si Bianca sa eksena.
May pag-asa pa ba silang magkaayos ng kanyang estranged husband gaya ng nais nitong mangyari?

9. PHR 3980 Pierre’s Kiss by Aloha Jade


Unang kita pa lang ni Jacqui kay Pierre ay kaagad siyang humanga rito. Pero ang paghangang iyon ay dagling naglaho nang malaman niya kung gaano kababaero ito. Nanliligaw na ito sa kaibigan niya ay nahuli pa niya itong may kasamang isang hubo’t hubad na babae sa kama nito. At ang mas masahol, siya naman ang pinupuntirya nito pagkatapos siyang halikan nito.
She did everything to resist him. Ayaw na ayaw niyang mabiktima ng pagkababaero nito. But how could she fight the irresistible charm of Pierre Laurent when all this time, the sweetest magic of his kiss disturbs her mind and softens her heart?

10. PHR 3981 Sunlight Trilogy 2: Ilio by Sheena Rose


Nagpunta si Vida sa San Vicente para maging maid of honor sa kasal ng kaibigan niya at para makapagbakasyon na rin.
Hindi siya makapaniwala nang matuklasan niyang may itinatagong local Adonis ang bayan na iyon—si Ilio.
Ngunit sa kabila ng kagandahan niya ay hindi siya binigyan ng pansin nito. Hindi siya makapapayag na basta dead-mahin siya nito kaya hindi niya tinantanan ito.
Malaking problema ang inihatid ng pangungulit niya rito: she fell in love, when she had only planned to play with him.
Paano niya kukumbinsihin ito na isa siyang dilag na karapat-dapat seryosohin at iharap sa dambana?

Back to top Go down
 
September 14, 2011 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» The Wilder Life - A new book
» CAMBRIDGE GLASS FAIR - Sunday 27th February**
» Yu-Gi-Oh!! My Karakuri machine deck september 2011 banlist
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: