HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  
Share | 
 

 September 7, 2011

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts: 664
Age: 26
Location: Quezon City
Registration date: 2007-12-19

PostSubject: September 7, 2011   Wed Sep 07, 2011 8:34 pm

1. GEMS 47 Sagada: Nayakap Ko Ang Mga Ulap by Martha Cecilia




Brianna was a victim of a failed kidnapping and attack. Iniligtas siya ng isang estrangherong may maiitim na mata na kung tumingin ay halos manuot sa kabuto-butuhan niya. Hindi na niya muling nakita pa ito. Brianna’s fiancé left her when she needed him most. Ang trauma sa muntik na niyang pagkapahamak at ang sakit ng sugatang puso ay pareho niyang ininda.
Isang assignment sa Sagada ang hindi niya matanggihan. That was to interview the recluse Shaun Morgan Llantero—a famous Fil-Am pianist. Mula nang mawala ang asawa nito sa isang trahedya ay hindi na ito muli pang nagpakita. When they met, attraction sparked, enough to light the whole of Sagada. Subalit walang balak magpa-interview si Shaun. “You are willing to offer your body for an interview?” His animosity was apparent. She hated him for his accusation. But she would not be deterred. She was as tenacious as a bull.
Subalit may isang taong ganoon din kasidhi ang pagnanais na mawala siya sa landas nito. Kaya ba siyang ipagtanggol ni Shaun upang bigyan ng ikalawang pagkakataon ang pag-ibig?

2. PHR 3964 The Fall Of Autumn by Princess Faye




Mula pa pagkabata ay mainit na ang dugo ni Gabby kay Sid. Lagi kasi siyang nauungusan nito sa academics. Pakiramdam pa niya ay mas pinapaboran ito ng ama niya kaysa sa kanya. And to make matters worse, her father assigned him to be her secretary.
“You need me, Gabby,” sabi pa nito.
Asa!
Habang-buhay na sigurong ganoon ang reaksiyon niya kay Sid. That was until he kissed her. Ang resulta, biglang hinahanap-hanap na ng mga mata niya ang presensiya nito. But she was the great Gabrielle Montecillo. Hindi niya hahayaan ang sariling tuluyang mahulog ang loob sa hamak na sekretaryo niya.
Sulsol ng makulit niyang puso: Ows? Is that your final answer?

3. PHR 3965 Adrian, The Candy Man by Ashlene Javier



Nakilala ni Mia si Adrian noong walong taong gulang pa lang siya. Umiiyak siya noon dahil gutom na siya pero hindi pa rin niya mahanap ang nanay niya. Mula sa kung saan ay dumating ang batang si Adrian at binigyan siya ng tatlong piraso ng candy. Iyon ang simula ng pagkakaibigan nila.
Hanggang noong magdalaga na siya at napasok siya sa isang maling relasyon ay to the rescue agad si Adrian. Inilayo siya nito sa lalaki at dinala sa isla na pag-aari ng pamilya nito.
Ngunit isang araw ay natuklasan na lamang niya na ang taong inaakala niyang nagpoprotekta sa kanya ay nagawa pala siyang lokohin. Adrian had been keeping secrets from her for the past years. He was also the reason behind an incident that caused her unbearable pain.
Mia’s heart got shattered to a thousand bits. And what crushed it all the more was the realization that came to her: she had accidentally fallen in love with her best friend...

4. PHR 3966 My Prince by Belle Feliz



Muling nakita ni Zhang ang kababata niyang si Prince nang magbakasyon siya sa probinsiya. Malaki na ang ipinagbago nito. Ang dating payatot na may makapal na salamin sa mga mata ay isang napakakisig na lalaki na ngayon.
Hindi niya maintindihan kung bakit bumibilis nang husto ang tibok ng puso niya tuwing nasisilayan ito ng kanyang mga mata at tuwing napapalapit sila sa isa’t isa. Hindi siya nakaramdam ng mga kakaibang damdamin dito noon. He was a dear friend. Ito ang nakaramay niya noon sa lahat ng paghihirap niya. Pinapahid nito ang mga luha niya tuwing umiiyak siya.
Masaya siya na makasama uli ito. Nagkalapit uli sila. She fell in love with him. Espesyal din ang turing nito sa kanya kaya hindi napigilan ng puso niya na umasa. Ang akala niya ay ito na ang lalaking makakasama niya habang-buhay. Ang akala niya ay hindi nito gagawing komplikado ang buhay niya. Ang akala niya ay mahal din siya nito.
Nagkamali siya...

5. PHR 3967 Hot Intruder: The Hot And Sexy Mentor by Laurice del Rio



Nakakawindang ang mga pangyayari sa buhay ni Joy. Parang kailan lang ay isa siyang simpleng probinsiyana, lumaki sa liblib na bayan, at pagtatanim ng mga gulay ang kabuhayan. Bigla ay naging isang heredera siya na pinamanahan ng napakalaking kayamanan ng ama niya na ni hindi niya nakilala.
Isang gabing hindi siya mapakali sa napakalaking bahay na ipinamana sa kanya ay may nasumpungan siyang isang lalaki roon—si Clay. Naalala niya na naglipana sa siyudad ang masasamang-loob kaya agad siyang humagilap ng maipanghahataw rito. Pero bago niya magawang hatawin ito ay natumba na ito sa paanan niya. Lasing pala ito.
Napakaguwapo nito nang mapagmasdan niya. Pero wala siyang balak na maging biktima nito kaya iginapos niya ito.
Nang magising si Clay ay isang napaka-incredible na proposal ang inialok nito sa kanya. Tuturuan daw siya nito kung paano umasta na isang tunay na mayamang heredera.
Pero hindi lang pala iyon ang ituturo nito sa kanya kundi pati na kung paano ang magmahal. Nahulog ang loob niya rito.
Pero nalaman niyang may iba pang pakay ito sa kanya.

6. PHR 3968 Abandoned Heart by Antoinette



Aksidente at hindi sinasadya ang kasal nina Cyrah at Alec. Ngunit sinamantala iyon ni Cyrah upang paibigin ang binatang matagal nang nilalaman ng kanyang puso. Sa halip, ang nakuha niya rito ay matinding galit at pagkasuklam. Iniwan at inabandona pa siya nito pagkatapos ng kanilang kasal.
Nag-iwan iyon ng malaking sakit sa kanyang pagkatao at pagkababae. Subalit bumangon siya at binago ang kanyang buhay at sarili. Saka naman bumalik si Alec galing ng Amerika pagkatapos ng pitong taon.
Ang buong akala niya ay bumalik ito upang ipa-annul ang kanilang kasal. Pero iba ang nangyari. Tila ayaw nitong pakawalan siya. Nagseselos din ito sa isang lalaking nagpadama sa kanya ng pag-ibig at pagpapahalaga na hindi nito naibigay sa kanya noon.
Ang masaklap, napagtanto niyang mahal pa rin niya ito. Tama bang umasa uli sa pag-ibig nito? At kung sakali, handa ba siyang masaktan uli?

7. PHR 3969 Mahal Kita, Dati Pa by Andie Hizon



Si Samuel ang pinakapangit, pinakanakakairita, at pinakanakakainis para kay Devon. Kaklase niya ito noong elementary, high school, at maging noong nagkolehiyo siya. Ito rin ang best friend ng kakambal niyang si Vandross. Higit sa lahat, ito lamang ang taong hindi niya kayang maungusan sa kahit na anong larangan.
Marami ang nagsasabing matalino siya, maabilidad, at maparaan ngunit hindi niya pa rin kayang higitan si Samuel. Sinusubukan naman niyang gawin ang lahat ng makakaya niya para maging mas magaling siya kaysa rito, ngunit hindi na yata talaga darating ang panahon na matatalo niya ito.
Ipinanganak nga ba siya upang maging pangalawa na lamang dito? Ngunit bakit ganoon? Kahit anong kagaspangan ang ipinapakita niya rito ay hindi ito kailanman nagalit sa kanya. At hindi rin ito pumapalya sa pagtulong sa kanya tuwing kailangan niya ito.
Ano nga ba ang mayroon sa kanilang dalawa?

8. PHR 3970 Love At First Cook by Mei Sanchez



Kahit napakaguwapo ni Jared, napakasuplado naman nitong boss kaya turned off dito si Jasmine. Ang nakapagtataka, sa kabila ng pagsusuplado nito sa kanya, nasumpungan niya ang sariling nahuhulog ang loob dito.
Pero simpleng cook lang siya, samantalang si Jared ang may-ari ng restaurant na pinagtatrabahuhan niya. Hindi sila bagay kaya dapat lang na kalimutan na niya ang nararamdaman dito. Eksakto namang nakilala niya si Thorne, ang prospect niyang pagbalingan ng kanyang nararamdaman.
Pero kaya ba niyang kalimutan na lang si Jared kung ang inspirasyon niya sa mga putaheng inihahanda niya ay ito?

9. PHR 3971 Prince Charming by Lace



Matagal nang hinahangaan ni Zia si Denver kahit hindi pa niya nakikita ito. Ang mga tula kasing ginawa nito ang nagbigay ng pag-asa sa kanya nang mamatay ang kanyang mga magulang. Ngunit nang malaman nito ang tungkol sa paghanga niya rito, tila nainis ito sa kanya. Mukha ring may gusto ito sa napakagandang pinsan niya na si Charlene.
Inisip niyang iwasan na lang ito. Ngunit nang mapahamak siya, ito ang nagligtas sa buhay niya. Tuloy, nasaksak ito dahil doon. Para makabawi siya rito, inalagaan niya ito habang nagpapagaling ito. Unti-unti ay nagkalapit sila. Kumilos ito na tila interesado sa kanya nang higit pa sa isang kaibigan. Matutuwa na sana siya, pero nalaman niyang niyaya na naman nitong mag-date ang pinsan niya…
Back to top Go down
 

September 7, 2011

View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1

 Similar topics

-
» Andrea Landgraf German Playboy Cybergirl For September 2011
» Baro nga piloto ti Bacarra!! 18 September 2007
» Blue-Eyes Maiden Xyz Deck September 2013 Format
» Hack Shop + Instan Mission 100 Day Login 13 September 2013 , New Tutorial Tanpa LSEdit Work 100%
» 2011 NFL All-Pro Team and Awards

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-