HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  
Share | 
 

 August 31, 2011 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts: 684
Age: 26
Location: Quezon City
Registration date: 2007-12-19

PostSubject: August 31, 2011 Book Release   Wed Aug 31, 2011 6:50 pm

1. PHR 3955 Milagros by Camilla


Patung-patong na hirap ang nagtaboy kay Milagros para hanapin ang kanyang ina sa Maynila at iwan ang isang kahig-isang tukang buhay sa piling ng kanyang ama at madrasta. Ang hindi niya inaasahan ay sa pagkakatagpo niya sa kanyang ina ay makakatagpo rin niya ang lalaking magpapatibok sa kanyang puso, si Jinn.
Kakaiba ito sa mga lalaking nakilala na niya. Unang kita pa lang niya rito ay tumibok na ang puso niya para dito. Suwerte naman na ibinalik nito ang pagtingin niya—and it was just a matter of time para magkaroon sila ng happy ending. Ngunit ganoon na lang ang pagkadismaya niya nang malaman niya ang rason kung bakit nakikipaglapit ito sa kanya: kamukha pala niya ang yumaong asawa nito. Gusto niyang ipaglaban ang pagmamahal niya para dito, gusto niyang maging maligaya sa piling nito, pero hanggang kailan niya maaaring lokohin ang sarili niya na balang-araw ay mamahalin din siya nito bilang siya?

2. PHR 3956 Searching For Love by Hazyl del Carmen


Lorian was just an ordinary employee in Vladimir’s eyes. Kaya alam niyang labis na nagulat ito nang madiskubre nitong marami siyang kayang gawin. She could fix cars, climb a tall coconut tree, fix a faucet, and such. She could do extraordinary things that a normal woman could not do.
Ngunit kahit marami siyang kayang gawin, hindi niya akalaing kaya niyang magpanggap bilang girlfriend nito nang hingin nito sa kanya ang pabor na iyon. Paano’y titigan pa lang siya nito ay natuturete na siya. Gayunman, nagustuhan niya ang pagpapanggap nila na nauwi sa totohanan.
Maganda at masaya na sana ang relasyon nila ngunit sunud-sunod naman na dumating ang mga balakid—kabilang ang isang lihim ng kahapon na nakatakdang maglayo sa kanila…

3. PHR 3957 My Fantasy, My Reality by Celine Isabella


Bagaman tutol si Ria sa kagustuhan ng kanyang ama na ipakasal siya sa hindi pa niya nakikitang anak ng kaibigan nito, wala siyang magawa. Iyon lang kasi ang makakapagsalba sa nalulugi raw na negosyo nila.
Wala naman siyang boyfriend kaya pumayag siya. Itinuring na lang niyang isang business deal ang lahat dahil parehong makabubuti sa mga pamilya nila ang pag-iisang-dibdib na iyon. Walang mawawala sa kanya kung papayag siya.
Ngunit ilang linggo bago ang nakatakdang pagkikita nila ng mapapangasawa niya, bigla niyang napagtanto na may mawawala pala sa kanya. Dahil nakilala niya si Ulan at binagyo nito ang nananahimik niyang puso…

4. PHR 3958 My Silver Lining by Laurice del Rio


“Behind every cloud, there’s a silver lining.” Nais nang maniwala ni Ellen sa kasabihang iyon dahil ang sunod-sunod na kamalasang naranasan niya ay nagdulot ng isang magandang bagay: nakilala niya si Eli. Dahil dito, nakaramdam siya ng pag-asa. Bagaman may dinadala siyang mga sariling problema, pakiramdam niya ay responsibilidad niyang lagyan ng kislap ang mga mata nito. Pakiramdam niya, magiging masaya siya kapag napasaya niya ito.
Ang tanging gusto niya ay pasayahin ito, ngunit hindi nagtagal, ang puso naman niya ang nais na lumigaya—sa piling ni Eli.
Pero paano siya magiging masaya kung iibig siya sa taong may mahal nang iba?

5. PHR 3959 Avenging Jasmine by Camilla



Nangangamba si Sasha na nagba-backfire sa kanya ang pinlano niyang paghihiganti kay Jairuz para mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng kanyang kapatid na si Jasmine.
Sa bawat araw na kasama niya ang binata ay nalalasing siya sa mga halik at yakap nito. Hindi pa niya naranasan ang ganoong pakiramdam sa mga nakarelasyon niya, at worst, tinanggap niya ang marriage proposal nito nang buong puso.
Mahal na niya si Jairuz.
Ipagtatapat na sana niya ang lahat dito nang aksidenteng makita niya ang e-mail ng ex-girlfriend nito at nakikipagbalikan ang babae kay Jairuz…

6. PHR 3960 Sweet Symphony by Sheena Rose


Balak ni Vira na komprontahin ang lead vocalist ng isang sikat na banda dahil sa pananakit nito sa damdamin niya kaya nagpunta siya sa rest house ng pamilya nito pagkatapos niyang mabalitaang nagbabakasyon ito roon. Sa pagkadismaya niya, hindi ito ang inabutan niya roon kundi ang nakatatandang kapatid nitong si Kid.
Mas macho nga siguro si Kid kaysa sa kapatid nito pero ubod naman ng antipatiko ito. Naisip niyang makagaganti na siya sa kapatid nito kung guguluhin niya ang buhay ni Kid. Kaya nagsinungaling siya sa mga tao na buntis siya at ito ang ama ng “dinadala” niya.
Ngunit bumalik sa kanya ang plano niya dahil pinanindigan nito ang “responsibilidad” nito sa kanya. Ngayon ay stucked sila sa isa’t isa. Ngunit hindi iyon ang pinakamalaking problema niya. Na-in love siya rito at mukhang mabo-brokenhearted siya dahil hindi siya ang dream girl nito…

7. PHR 3961 Pigilan Man Ang Puso by Marjorie Garcia


Alam ni Claire na hindi siya nababagay kay Maxwell. Malabong magustuhan nito ang isang tulad lang niya na sobrang simple at nanggaling sa isang ordinaryong pamilya. Pinapansin lang siya nito dahil nagsawa na ito sa ibang babae na ka-level nito ang estado sa buhay. O marahil ay na-challenge ito sa kanya dahil hindi siya katulad ng mga babaeng nagdaan sa buhay nito na agad bumigay sa kaunti lang na pang-aakit nito.
Naniniwala siyang hindi magtatagal ay magsasawa rin ito sa kanya at mapapabilang siya sa listahan ng mga babaeng pinaluha nito kaya determinado siyang labanan ang atraksiyong nadarama niya para dito. Pilit na ikinintal niya sa kanyang isip na hindi totoo ang mga deklarasyon nito ng pag-ibig kaya dapat lang na alisin niya iyon sa isip niya bago pa niya makumbinsi ang sarili na totoo ang mga iyon.
Madali lang palang sabihin iyon pero napakahirap gawin, lalo pa at gusto ng puso niya na magpabitag…

8. PHR 3962 Suddenly, It’s Magic by Celine Isabella



Nakahanda na sana si Juris na isuot ang manipis na pantulog na regalo sa kanya ng boyfriend niya nang mahuli niya itong may kahalikang iba sa elevator.
Sa pagmamadali niyang makalayo, nangyari sa kanya ang pinakakorning maaaring mangyari sa isang sawi sa pag-ibig—muntik na siyang mabundol habang naglalakad nang wala sa sarili.
Surprise of all surprises, si Liam Zaldarriaga pala na dati niyang pinapantasya pitong taon na ang nakararaan ang muntik nang makabangga sa kanya. And he was as gorgeous as ever.
Sa muling pagkukrus ng landas nila ni Liam, parang magic na nawala ang lahat ng sama ng loob niya. Tila nawawala kasi siya sa katinuan dahil sa mga titig nito. Napatunayan niyang malaking kagagahan ang pagpatol niya sa nanloko sa kanyang ex-boyfriend niya.
Ngunit si Liam ay nakakulong sa isang mapait na alaala ng nakaraan. Mahihila ba niya ito sa kasalukuyan?

9. PHR 3963 A Time For Happiness by Maricar Dizon


“Pasan ko ang daigdig” ang drama ni Joanne sa buhay. Siya ang breadwinner ng pamilya nila at tila lahat ng problema sa buhay ay naranasan na niya. Kabaligtaran niya si Clever na sa loob ng tatlong taong pagkakakilala niya rito ay never pa yatang nagkaroon ng problema. Palagi kasing nakangiti at looking fresh ito na animo wala itong problema sa buhay.
Pero siya naman ang namomroblema rito. Wala kasi itong ibang inatupag tuwing nagkikita sila kundi inisin siya. Walang palya iyon kaya hanggang maaari ay ayaw niyang nakikita ito. Ngunit nagbago ang lahat nang mabisto niya ang panloloko ng boyfriend niya at ito ang naging kasama niya noong gabing nagpapakalango siya sa alak.
Laking gulat niya nang paggising niya kinaumagahan ay makita niya ito sa tabi niya—at pareho silang hubad! Sa labis na kalasingan ba ay naipagkaloob niya ang sarili rito?


Back to top Go down
 

August 31, 2011 Book Release

View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1

 Similar topics

-
» Miami Dolphins Alumni Update: August 2011
» August!!!!
» 31 August Late Afternoon Tourney @ Lor Ah Soo.
» Classical Roar - Cardiff 2nd August 2014
» English Vanguard Tournament @ Sengkang 12th August

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 ::  :: -