HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 August 24, 2011 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: August 24, 2011 Book Release   Tue Aug 23, 2011 9:49 pm

1. PHR 3947 Only A Memory Away by Anna Caroline Via


May partial retrograde amnesia si Nicka. Wala siyang maalala sa huling dalawang taon na nakalipas sa buhay niya.
Kahit naipaliwanag na ng doktor sa kanya ang tungkol sa kanyang kalagayan ay nalilito pa rin siya. Kailangan niya ng mga kasagutan.
Nilapitan niya ang matagal na niyang kasintahang si Oscar para makapitan ito sa gitna ng mga nakayayanig na pangyayari sa buhay niya. To her dismay, tila hindi na ito ang dating nobyo niya na mahal na mahal siya. He seemed so distant and so angry with her. Mayroon ding ibang pangalan ng babae na binabanggit ito sa kanya na ayon dito ay siya nang mahalaga sa buhay nito.
Ano ang nangyari sa pagitan nila? Kailangang gumawa siya ng paraan para makabalik uli siya sa piling nito…

2. PHR 3948 The Angel And The Prince by Athena de Lara


Ipinangako ni Gabrielle sa sarili na hinding-hindi na siya iibig pa mula nang iwan siya ng kanyang dating nobyo. Nagawa niyang panindigan iyon sa nakalipas na limang taon. Pero nabago ang lahat nang may isang lalaking bigla na lang pumasok sa buhay niya at ginulo ang nananahimik na mundo niya. Lagi siyang kinukulit nito; at lagi niyang nakikita ito kahit saan siya magpunta. Ginawa niya ang lahat upang mawala ito sa landas niya. Nagtagumpay naman siya dahil hindi na nga ito nagpakita pa—ngayon pa, na parang hinahanap-hanap na niya ang pangungulit nito. Anong biro ito ng tadhana?

3. PHR 3949 Heaven By Your Side by Aloha Jade


Nagpakalasing si Kaede nang malaman niyang magpapakasal na sa ibang babae ang tatay niya. Hindi niya matanggap na pinalitan na nito sa puso nito ang kanyang ina kahit sampung taon nang patay ito. Nang magising siya ay natagpuan niya ang sarili na nasa isang bundok sa Albay kasama ang isang lalaking may mahabang buhok at balbas-sarado pa. At first, she was scared. Pero nang makilala niya ito nang lubusan ay hindi niya napigilan ang sarili na mahulog ang loob dito.
Pero dumating siya sa realisasyon na magkaiba ang buhay na tinatahak nila. Natakot siya na baka isang araw ay iwan siya nito dahil hindi ito napipirmi sa iisang lugar. Sapat na ba iyon para kalimutan niya ang damdamin niya para dito?

4. PHR 3950 The Day You Came Along by Amanda


Pumunta si Regina sa Sogod, Southern Leyte para hanapin ang mga taong naging dahilan ng pagkamatay ng kaisa-isa niyang kapatid. Sa airport ay sinundo siya ni Andrei, ang guwapong apo ng may-ari ng Villa Carolina Manor House na tutuluyan niya. He was nice and he offered to drive her around town.
Tinulungan siya ni Andrei na hanapin ang mga taong hinahanap niya every step of the way. Namalayan na lang niyang nahuhulog na ang loob niya rito. Hanggang sa aminin nito ang nararamdaman nito para sa kanya.
Ngunit hindi niya napaghandaan ang isang rebelasyon: that all along, Andrei had been leading her to the wrong direction. Na binantayan lang siya nito para matiyak na wala siyang gagawing masama sa mga hinahanap niya.
Ngayong nabunyag sa kanya ang katotohanan, paano pa siya magtitiwala sa lalaking natutuhan na niyang mahalin?

5. PHR 3951 Wishing For A Star by Heart Yngrid


Maya was a grade school teacher and a passionate reader of romance pocketbooks. Wala siyang gaanong adventure sa buhay. Wala rin siyang naging matinong relasyon. She was longing to meet her true love, the one who would give her the greatest adventure of her life.
Mukhang dumating din iyon nang isang gabing hindi niya inaasahan ay bigla na lang siyang hinagkan ni JM Guzman, ang hinahangaan niyang sikat na artista. Ang problema, lasing ito at hindi nito alam ang mga ginawa nito sa kanya. Nang muli silang magkaharap ay hindi siya nakilala nito. Pero isa lang ang nasiguro niya: napakaambisyosa ng puso niya dahil ito pa ang napili niyon na maging true love!
Parang isang bituin ito na kailangan pa niyang sungkitin mula sa langit. Sukdulang mamasukan siyang housemaid nito ay gagawin niya para lamang mapalapit dito at mabihag ang pihikang puso nito. Now, she was in for the greatest adventure of her life.

6. PHR 3952 Oh, Lorelai! by Camilla


Masaya si Lorelai sa nobyo niya. Pero nang dumating sa buhay niya si Cyrus ay hindi niya napigilan ang sarili na umibig dito. Tuwing kasama niya ito ay hindi niya maitatanggi na may pagtingin din ito sa kanya. Pero nang dumating ang ina ng anak nito ay kailangan niyang magbigay-daan, lalo pa at nalaman niyang ang babae palang iyon ay ang kapatid niya na nawalay sa kanya noong mga bata pa sila…

7. PHR 3953 The Geeks Place: Roarke’s Schoolie by Gypsy Esguerra


Roarke would never lose his composure while talking to anyone except Mia. Dati silang magkaklase at magkaibigan pero pagkalipas ng maraming taon, parang nawawala siya sa sarili kapag nakakaharap niya ito. Until finally, he decided to tell her how he really felt. He was sure things would run smoothly, if only he didn’t overhear her saying she was in love with somebody else.

8. PHR 3954 Hot Intruder: Heart-melting Intruder by Sofia


Nagbakasyon si Heart sa isang resort sa bayan ng Aurora para huwag niyang makita ang ex-boyfriend niya na nagpakasal sa babaeng kinaiinisan niya. Pagkakataon na rin niya iyon upang makasagap ng sariwang hangin at maibalik ang mood niya sa pagsusulat. Subalit parang minamalas siya dahil wala pa siyang isang oras sa resort ay nasira na niya ang sauna. At habang payapang nagbababad siya sa Jacuzzi ay nakatulog siya. Pagdilat niya ay nakatunghay sa kanya ang pinakaguwapong lalaking nakita niya… At tila gusto nitong pagsamantalahan siya! Lumaban siya at dinepensahan ang sarili. Hinampas niya ito sa ulo!
Only to find out that he was JM de Guzman, the owner of the resort. Kailangan niyang maging alipin nito sa loob ng isang buwan kung ayaw niyang makulong dahil sa pananakit dito at pabayaran nito sa kanya ang mahal nitong sauna machine.
Wala siyang planong makulong at wala rin siyang malaking halaga na ipambabayad dito. Pero wala rin siyang planong magpadala sa mga ngiti ng lalaking ito. Even if his kisses and touch threatened to melt her heart.

Back to top Go down
 
August 24, 2011 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» The Wilder Life - A new book
» CAMBRIDGE GLASS FAIR - Sunday 27th February**
» Big Harbor Freight ONLINE coupon?
» Morning Coffee & Surf - August 14th 2011
» Submission themes due 10th August, 2011

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: