HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 August 17, 2011 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: August 17, 2011 Book Release   Wed Aug 17, 2011 7:43 pm

1. PHR 3938 The Geeks’ Place: Wren’s Square-headed Girlfriend by Gypsy Esguerra


Tiffa and Wren both had something in common—they were not interested in each other. Kaya hindi pa man sila nagkikita at kahit anong pamimilit ng mga taong kakilala nila ay walang nagawa ang mga ito upang paglapitin silang dalawa.
Besides, Tiffa also liked Gio while Wren on the other hand liked Ella. They could both live happily ever after but not in the arms of each other. Or so they thought.

2. PHR 3939 I Love You, Superman by Camilla


Unang nagtagpo ang mga landas nina Tabby at Primus sa maliit na coffee shop na pinagtatrabahuhan ni Tabby. Hindi na makakalimutan ni Tabby ang lalaki dahil talagang hiningi nito ang sukli sa one hundred pesos na ibinayad nito sa kapeng in-order nito. Akala pa naman niya ay tip na nito ang sukli roon. Wala na raw kasi itong ibang pera, pero kapag nagkapera daw ito ay babalik ito roon para ibigay ang “utang” nitong tip sa kanya.
Pero hindi sa coffee shop ang sunod na pagkikita nila kundi sa bahay niya. Sinuong nito ang mga ipot ng manok sa silong ng bahay dahil ire-rescue raw siya nito. Hindi niya alam kung paano nito nalamang ikinukulong siya ng kanyang ama sa bahay dahil ayaw niyang magpakasal sa lalaking pinagkakautangan ng tatay niya. Pero ipinagpapasalamat niya ang pagsulpot ni Primus.
Hindi niya alam kung bakit napapayag siya nitong sumama ritong tumakas gayong hindi naman niya gaanong kilala ito. At lalong hindi niya alam ang dahilan kung bakit tila handa itong itaya ang buhay nito mailigtas lang siya…

3. PHR 3940 The Geeks Place: Macky’s Seagull Manager by Gypsy Esguerra


Mikki discovered something about Macky: inis pala sa kanya ang lalaki. Hindi na lang sana niya papansinin si Macky at ang pagkainis nito sa kanya, pero sadyang may mga bagay na ginagawa itong ikinaiirita niya, hanggang sa isiwalat nito ang dahilan kung bakit inis ito sa kanya.
Pagkatapos niyon ay parang walang dead-mahang nangyari sa kanila. All-ears na siya sa mga nangyayari sa buhay nito. Hanggang sa namalayan na lang niyang apektado siya dahil may girlfriend na ito.

4. PHR 3941 A Little Longer Than Forever by Gabriev Fuentes


Bigo si Diane nang magkrus ang mga landas nila ni Jurrance—ang antipatikong pamangkin ng boss niya. He was arrogant, blunt, and stubborn. Inis na inis siya rito dahil parang kasiyahan nito ang maasar siya. Pakiramdam niya ay isa lang itong tipikal na anak-mayaman na walang magawa sa buhay kaya siya ang pinagti-trip-an.
Pero nang mapilitan siyang pagtiyagaan ang presensiya nito ay namulat siya sa totoong personalidad nito. Tulad niya, mayroon din itong iniindang sugat sa puso. Ginawa niya ang lahat para matulungan itong makaahon mula sa isang madilim na nakaraan. At sa pagdaan ng mga araw, kahit anong pilit niya ay hindi niya nagawang pigilan ang puso niya na tuluyang mahulog dito.
Batid niyang darating ang araw na aalis din ito at babalikan ang buhay nito sa siyudad. Hahayaan ba niyang iwan at talikuran na lang nito basta ang namumukadkad na nilang samahan?

5. PHR 3942 Aseron Weddings: I’ll Never Break Your Heart by Dream Grace


Akala ni Dana ay hindi na magkakaroon ng happy ending ang buhay-pag-ibig niya. Lagi na lang kasi siyang nabibigo. Kung iyon ay dahil sa pagiging unconventional niya—na kadalasan ay ikinasasakit ng ulo maging ng mga kaibigan niya—hindi niya alam.
Pero nang makilala niya si Flynn Aseron, alam niyang hindi na lang siya magiging bridesmaid sa mga kasal, kundi siya na mismo ang bride. Ang kailangan lang niyang gawin ay kumbinsihin ang binata na siya ang babaeng itinakda para dito. Pero tila wala sa bokabularyo nito ang salitang “pag-ibig,” lalo na ang “kasal!”
Mabuti na lang at may kakampi siya—ang lolo ni Flynn na kumbinsidong siya ang natatanging babaeng makakapagpaamo sa binata. Kaunting tiyaga na lang siguro at masusungkit din niya ang pihikang puso nito…

6. PHR 3943 The Royal Couple by Wilhelmina


Kabaliwan nga siguro na dumalo pa si Erza sa engagement party ni David at ng kaibigan niyang si Clara. Kung wala sigurong nakakaalam na minsang nanligaw sa kanya si David—at basta na lamang siyang iniwan nito—ay wala sana siyang problema. Pero lahat ng tao sa party, kasama na ang pinsan ni David na si Trick, ay iisa ang tingin sa kanya: may binabalak siyang masama laban sa dalawa.
Gusto niyang ipaunawa sa lahat, lalung-lalo na kay Trick, na hindi naman siya na-in love kay David kaya walang dahilan para maghiganti siya pero parang hinusgahan na siya nito. Sa lahat ng pagkakataon ay ipinamumukha nito sa kanya na sinungaling siya.
Noong una ay wala siyang pakialam doon. He could call her “a scheming pretentious princess” for all she cared. Hanggang sa napuno na siya. Sinigawan niya ito sa harap ng publiko. Pero mas nagulat siya sa itinugon nito na mainit na halik na halos magpatigil sa tibok ng kanyang puso…

7. PHR 3944 May Panahon Ba Para Sa Atin? by Elizabeth McBride


Lalong lumayo ang loob ni Honey sa bagong tumatayong ama niya nang ilayo siya nito sa lugar na kinalakhan niya at dinala siya sa San Isidro. Doon ay nakilala niya si Vince, ang lalaking kung guwardiyahan siya ay talo pa ang isang bodyguard. Pero kinaiinggitan siya ng iba. Bukod kasi sa mayaman, guwapo pa ang kanyang escort. Ngunit dahil isa ito sa mga itinuturing niyang dahilan kung bakit hindi niya magustuhan ang San Isidro, kahit minsan ay hindi niya ito binigyan ng tsansang maging kaibigan niya. Pero dahil makulit ito, natagpuan na lang niya ang sariling in love dito.
Ngunit kung kailan napapamahal na sa kanya si Vince at ang San Isidro, saka naman sila sinubok ng tadhana. Kinailangan kasing mag-migrate ng pamilya niya sa Amerika.
Sino ang maghihintay at sino ang makakalimot sa kanila ni Vince?

8. PHR 3945 Salazar Brothers: Alexander, The Untamed Husband by Vanessa


Sinusunod ni Barbara ang lahat ng gusto ng mama niya. At sa lahat ng iyon, iisa lang ang sinunod niya nang bukal sa kanyang puso—ang pagpayag niyang makasal kay Alexander. Mahal niya ito at para sa kanya ay ito ang perpektong lalaki. Ngunit marahil, dapat ay naisip din niyang walang perpekto sa mundo. She learned the hard way that Alexander married her for revenge. Naghiwalay sila dahil doon.
Pagkaraan ng pitong taon, napilitan silang magpanggap na masaya ang pagsasama nila. Inilagay niya sa isip na isa lamang iyong pabor, na hindi siya dapat maapektuhan ng presensiya nito, lalo at hindi naging maganda ang paghihiwalay nila noon.
But Alexander was seducing her, making her fall for him again.
Hahayaan na naman ba niya ang sariling mahulog dito?

9. PHR 3946 The Geeks Place: Rob’s Starter Marriage by Gypsy Esguerra


Grace would do anything she could to get Rob back in her life. But Rob believed he was better off without her in his life. Nang maghiwalay sila ay naisip niyang habulin si Rob. Kung totoo talaga ang kasabihang “opposites attract,” posible kayang mag-apply uli iyon sa kanilang dalawa?



Back to top Go down
 
August 17, 2011 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» The Wilder Life - A new book
» CAMBRIDGE GLASS FAIR - Sunday 27th February**
» Big Harbor Freight ONLINE coupon?
» Morning Coffee & Surf - August 14th 2011
» Submission themes due 10th August, 2011

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: