HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 August 10, 2011 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: August 10, 2011 Book Release   Tue Aug 09, 2011 9:59 pm

1. PHR 3929 The Reality Show: Loving Capt. Luke aka Action Hero by Angel Bautista



Kung dati, ang listahan ng pangangailangan ni Capt. Luke Fabunan sa training ay may kasamang guns and explosives, ngayon ay Max Factor foundation at Extra Long Lashes by L’oreal ang kailangan niyang matutuhang hawakan. Bilang bahagi ng security details ni Diana Roces, anak ng Senate President at female host ng The Reality Show, kailangan niyang magpanggap na isang personal stylist nito—na isang gay.
Ang akala niya ay mahirap magpanggap na gay. Hindi niya naisip na mas mahirap palang magpanggap na hindi apektado kapag naglalakad sa harap niya si Diana na nakasuot lang ng robe at sumisilip ang pang-Victoria’s Secret na katawan nito, o kaya ay nagpapa-scrub ito sa kanya ng likod habang nasa bathtub at bula lang ang tumatakip sa peaches and cream na balat nito.
Para siyang nakahanap ng bagong paraan ng torture tuwing niyayakap siya nito at tinatanong ng mga “inosenteng” tanong nito tulad ng: “Nakahalik ka na ba ng isang girl? Kasi sabi ni Direk Sean, I’m a good kisser daw.”

2. PHR 3930 To Be Your Number One by Princess Faye


Kim and Aki used to be a perfect couple. Five years later, nabura na si Kim sa bokabularyo ni Aki. Bakit hindi? Iniwan ito ni Kim sa mga panahong kailangan siya nito. Pero hindi pa huli ang lahat para ibalik ang nakaraan nila. Kim was determined to win him back. Kesehodang magmakaawa siyang bumalik ito sa kanya ay gagawin niya.
Kaya lang ay mayroon siyang mas malaking problema: Aki was now an international superstar at siya ay isa na lamang sa mga libu-libong tagahanga nito.
Saan na siya ngayon lulugar sa buhay nito?

3. PHR 3931 Salazar Brothers: Lope, The Long-lost Brother by Vanessa



Isang gabing nalasing si Chloe ay ibinigay niya ang kanyang sarili sa isang lalaking halos estranghero sa kanya—kay Lope Salazar. Hindi niya sukat-akalain na magbubunga ang pagkakamali niyang iyon. At wala siyang nagawa nang sabihan ng mga magulang niya si Lope na kailangang pakasalan siya nito.
Ang marangyang buhay niya ay biglang naging simple. She turned into a farmer’s wife because Lope was a farmer. Isang sakripisyo iyon na unti-unti niyang natanggap nang matagpuan niya ang sariling gustong maging mabuting asawa rito. She fell for him.
Ngunit sapat ba ang pagmamahal niya para mabuo sila bilang pamilya kung napilitan lang itong pakasalan siya?

4. PHR 3932 Isang Beses Lang Kitang Mamahalin by Elizabeth McBride


Takot nang muling magkamali si Joan. Kaya nang matagpuan niya ang sarili na umiibig kay Bryan ay sinubukan niyang bale-walain ang nararamdaman niya. Pero tuwing lumalapit ito sa kanya ay hindi niya mapigilan ang sarili na lalong mahulog ang loob dito.
Nang malaman niyang ikakasal na ito sa isang babaeng magbabangon sa naluluging kompanya nito ay lalo siyang nahirapan sa nararamdaman niya. Napagtanto niyang ayaw niyang mapunta si Bryan sa iba. Kailangan na niyang sabihin dito ang nilalaman ng puso niya bago pa mahuli ang lahat…

5. PHR 3933 Something Happened In The Cave Of Happiness by Camilla


Sa unang pagkikita pa lang nina Tierra at Ford ay hindi na maikakaila ang atraksiyon sa pagitan nila. But things were not easy for them. Nagkahiwalay sila hindi pa man sila nagkakaroon ng opisyal na relasyon. Ngunit ang naunsiyaming “mutual understanding” sa pagitan nila ay tila magkakaroon na ng katuparan nang magtungo sila sa Isla Maligaya. Hindi nila maikakaila sa kanilang mga sarili na attracted pa rin sila sa isa’t isa. Ngunit may isang problema: naipagkasundo na si Tierra sa anak ng kaibigan ng kanyang mga magulang at nakatakda na siyang magpakasal.
Pero tila pinaglalapit talaga sila ng kapalaran. Nang mag-crash ang helicopter na sinasakyan nila at ma-trap sila sa isang kuweba, may nangyaring magpapabago sa kanilang buhay…

6. PHR 3934 Lovefinder Postcripts: Heart’s Deception (Ben And Honey) by Victoria Amor


Sa una pa lang na pagtatama ng mga mata nina Honey at Benito—ang guwapong bading na kaklase niya na nagkukubli sa guwapong mukha at magandang katawan—ay mayroon agad hindi pamilyar na pakiramdam na nagpasikdo sa puso ni Honey. At habang tumatagal na kasama niya ang lalaki ay parang lumalalim ang tila mahikang epekto sa kanya ng magagandang mata nito. Nang mga sumunod na araw ay hindi na lang sa mga mata nito siya may problema. Napapatitig na rin siya sa dibdib at abs nito at parang may humihila sa kanyang damhin ang mga iyon!
Natuliro siya. Hindi maaaring totoo ang kutob niyang nahu- hulog na ang loob niya rito. Lalo siyang nalito nang matagpuan niya ang sariling nagseselos sa boss nito. Pakiramdam tuloy niya ay nababading na rin siya!
Pero isang gabi ay nayanig ang mundo niya nang umuwing nakainom si Benito at ibinigay nito sa kanya ang halik na lagi niyang naiisip gawin dito. At hindi sila nagtapos sa isang matamis na halik lang…

7. PHR 3935 Namumuot Ako Saimo (I’m In Love With You) by Suzette Domingo


Masaya na si Selina na tinatanaw mula sa malayo si Manuel—ang solong heredero ng Villa Villarama. Ngunit isang araw, hindi niya inakalang makakaulayaw niya ito sa pribadong lupain nito. Alam niya na dala lamang ng kalasingan ang kapusukan nito. Ngunit laman na ito ng imahinasyon niya mula nang umibig siya rito nang lihim kaya buong puso siyang nagpaubaya rito. Pagkatapos ng kanilang pagniniig ay iniwan niya ito nang tulog. Ayaw niyang magisnan siya nito dahil natatakot siyang makatanggap ng rejection mula rito. Iyon na rin ang huling araw ng pagkikita nila.
Sa paglipas ng mga taon, umasa siyang may patutu- nguhan ang mga ilusyon niya kay Manuel. Ngunit paano magkakaroon ng pag-asa ang kanyang puso kung sa muli nilang pagkikita ay hindi siya nito natatandaan?

8. PHR 3936 Be Mine, My Love by Jessica Blair


Allie was determined to get her ex back, so she sought the help of Jared. Kaopisina nito ang ex niya kaya magandang accomplice ito sa plano niya.
Pero napansin niyang kahit pumayag ito, tila galit na galit ito sa ginagawa niya.
“I don’t even know why you are doing this, Al. Ewan ko kung nagbubulag-bulagan ka lang dahil malinaw sa kahit sinong may mga mata na wala ka nang halaga pa sa kanya.”
She sensed jealousy in his voice, but then again, he could not be jealous. Hindi kaila sa kanya na may ibang babaeng nagpapatibok sa puso nito na ayon na rin dito ay inibig na nito unang kita pa lang sa babaeng iyon. Pero kung mahal nito ang babae, ano ang pumasok sa isip nito at hinalikan siya nito nang mapusok sa mga labi? At ano rin ang pumasok sa isip niya at pumayag siyang may mangyari sa kanila?

9. PHR 3937 Time To Say Good-bye by Sheena Rose


Isa na lamang ang itinuturing ni Cara na mahalaga sa kanya: ang business na itinayo niya at ng mga kaibigan niya. Pero hindi niya inasahan na isang araw ay biglang magpapakita sa kanya si Gabriel. His presence now reminded her that five years ago, things were different because her life revolved only around him.
Ang akala niya ay sumulpot ito para madugtungan ang tamis ng pagmamahalan nila noon. Pero hindi pala. Nalaman niya na napag-utusan lang ito ng kanyang ama na pauwiin na siya sa kanila.
Para tantanan na siya nito, sinabi niya ritong masaya na siya sa bagong buhay niya at sa piling ng “lalaking pumalit” dito.
But deep in her heart, she knew those were just lies…



Back to top Go down
 
August 10, 2011 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» The Wilder Life - A new book
» CAMBRIDGE GLASS FAIR - Sunday 27th February**
» Big Harbor Freight ONLINE coupon?
» Morning Coffee & Surf - August 14th 2011
» Submission themes due 10th August, 2011

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: