HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 August 3, 2011 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: August 3, 2011 Book Release   Tue Aug 02, 2011 6:10 pm

1. PHR 3920 Hot Intruder: The Man With The Golden Grin by Rose Tan


Tahimik, payapa, malayo sa mga sigalot ng buhay—ganoon ang sitwasyon ni Peachy sa beach house na tinutuluyan niya. Ngunit nabulabog ang tinatamasa niyang katahimikan. Nagkamali siya ng akala na nag-iisa siya roon. Dahil sa kalaliman at kadiliman ng gabi, may anino palang nagkukubli at nagmamasid sa bawat kilos niya.
Nang makarinig siya ng kaluskos sa isang sulok, inakala niyang daga iyon kaya nagsiyasat siya. Pero ang tumambad sa kanya ay isang matangkad, matipuno, at maskaradong lalaki—si Chip, ang lalaking maraming lihim. Binago nito ang masalimuot na mundo niya at ipinakilala nito sa kanya kung ano ang tunay na pag-ibig…

2. PHR 3921 What Part Of Forever? by Bridgette Marie


Nang pumanaw ang nobyo ni Joey, akala niya ay mamamatay na rin siya dahil sa sobrang kalungkutan. Wala na ang tanging taong nagpapasaya sa kanya at nagpapalakas ng kanyang loob. Hindi niya alam kung paano pa niya haharapin ang buhay.
Noon naman dumating si Aidan, ang kakambal ng nobyo niya. Hindi ito umalis sa tabi niya sa panahong halos sumuko na siya. Unti-unti, nagawa nitong ibalik ang kanyang sigla, hanggang sa nagagawa na uli niyang ngumiti at tumawa. Ayaw man niyang aminin, batid niyang nahuhulog na ang loob niya rito.
Pero nalaman niyang dahil lang sa isang habilin kaya siya inaalagaan nito.
Isa lang ba siyang obligasyon para dito, o may katugon din ang damdamin niya?

3. PHR 3922 Maybe This Time by Kyra Gray


Minsan nang na-in love si Olen, noong high school siya, kay Kervin Luistro. Naging close sila nito at hindi nagtagal ay umibig siya rito. Pero natatakot siya dahil alam niyang kaibigan lang ang tingin nito sa kanya. Kaya ganoon na lang ang tuwa niya nang isang araw ay magtapat ito ng pag-ibig sa kanya. Pero mula nang araw na iyon ay hindi na ito nagpakita pa sa kanya.
Umasa siya na makikita niya itong muli. Naghintay siya ng ilang araw, ilang linggo, ilang buwan, at ilang taon ngunit hindi pa rin nagpakita sa kanya si Kervin. Hanggang sa napagdesisyunan niyang kalimutan na lang ito. Hindi na rin siya magtitiwala pang muli sa mga lalaki.
Maayos na ang lahat; malapit na siyang maka-move on nang bigla itong magpakita sa kanya. Ang sabi ni Kervin ay mahal pa rin siya nito. Babawiin daw nito ang nawalang espasyo nito sa puso niya. Papayag ba siya?

4. PHR 3923 One Night... Nine-Month Scandal by Sarah Morgan (translated by Jade Alleje)


Ibinenta ni Kelly ang engagement ring na ibinigay sa kanya ng dating nobyo niya para makapagsimula siya ng bagong buhay. Habang nasa kanya kasi ang singsing ay hindi niya magagawang mag-move on.
Ganoon na lang ang pagkagulat niya nang mabili ang singsing sa halagang apat na milyong piso at ang buyer ay ang mismong lalaking nagbigay niyon sa kanya—si Alekos Zagorakis.
Sa muling paghaharap nila ay natuklasan nilang matindi pa rin ang atraksiyon nila sa isa’t isa. They couldn’t help themselves and it resulted to a passionate encounter. Afterwards, Alekos walked away again. Subalit sa pagkakataong iyon ay hindi lang singsing ang naiwan nito. She was also pregnant with his child…

5. PHR 3924 AG Zarte by Jacqueline Miranda


Mula sa Chicago ay nagbakasyon si Lailani sa Pilipinas para makasama ang kaibigan niyang matagal na niyang hindi nakikita, si Shana. Kabaligtaran niya ito sa maraming bagay ngunit nasasakyan nila ang ugali ng isa’t isa. Masaya na sana ang bakasyon niya kung hindi lang niya nakilala si AG. Makulit at maepal ito. Hindi niya type ito. Mas gusto niya ang lalaking tahimik at seryoso.
Ngunit nang sabihin sa kanya ng kaibigan niya na may gusto si AG sa kanya, bakit kinilig at natuwa siya? At ang masaklap, hinahanap-hanap niya ito. Diyata’t type na niya ito?

6. PHR 3925 This Time Around by Laurice del Rio


Noong unang panahon ay naging magkasintahan sina Agatha at Jace. Pero dahil sa mabigat na dahilan ay napilitan si Agatha na pakawalan ito. Ngayon, pagkaraan ng maraming taon ay muling pinagtagpo ang mga landas nila. At sa pagkadismaya niya, nadiskubre niyang ang damdaming iniukol niya rito noon ay naggugumiit na naman sa kanyang puso.
Alam niyang malaki ang naging atraso niya rito noon kaya malaking kabaliwan kung hahayaan niyang magkalapit uli sila. Pero dahil na rin sa trabaho niya, hindi niya maiwasang harapin ito.
Hanggang sa mangyari ang kinatatakutan niya—nahulog uli ang loob niya rito. For a while she was happy. Para kasing ito man ay ganoon din ang nararamdaman para sa kanya. Pero hindi pa pala tapos ang tadhana sa paglalagay ng balakid sa kanila.
Siguro nga ay hindi talaga sila para sa isa’t isa…

7. PHR 3926 Aseron Weddings: I’ll Be There For You by Dream Grace


Malaki ang utang-na-loob ni Elizabeth kay Lolo Nemo Aseron. Tinulungan siya nito noong panahong walang-wala na siyang ibang makakapitan. Kaya walang pangingiming um-“oo” agad siya kay Lolo Nemo nang pakiusapan siya nito na turuan niyang maging responsable sa negosyo ang apo nitong walang alam gawin kundi magwaldas ng pera.
Ngunit nang malaman niyang si Giac ang apo na tinutukoy ng matanda, parang gusto niyang umurong sa usapan. Umibig siya rito noon at nabigo. Kaya nga ayaw na niyang ipagkatiwala ang puso niya sa isang lalaki. Mas malalim, mas mahirap kalimutan, at napakaimposibleng paghilumin ang sugat na nilikha nito noon sa batang puso niya.
Pero paano kung iyon na ang pagkakataon niya para makaganti rito? Kapalaran na mismo ang naglapit sa kanya sa binata. Ito naman ang paiibigin niya ngayon at sa huli ay tatalikuran tulad ng ginawa nito sa kanya noon.
Magagawa ba niya iyon nang hindi nasasangkot ang puso niya?

8. PHR 3927 My Sweetest Wish by Celine Isabella


Para kay Kate, si Levi ang lalaking malapit lang pero hindi dapat ambisyuning abutin. She was out of his league. Isa itong dating commercial model na hinahabol pa rin ng mga babae samantalang siya ay iniwan na lang basta ng kanyang walang-maipagmamalaking boyfriend. May mas loser pa ba kaysa sa kanya?
Pero hindi umalis sa tabi niya si Levi. Pinawi nito ang lahat ng sama ng loob niya, pinilit nitong ibalik sa kanya ang tiwala niya sa sarili. Levi gave her a fairy tale. He treated her like a princess.
Ang alam niya ay mabuting kaibigan lang ang tingin niya rito, kaya nagulat siya nang matuklasan niya sa sarili na in love na siya rito. At mas nagulat siya nang ligawan siya nito. Iyon na marahil ang hinahangad niyang happy ever after.
Hanggang sa malaman niya na ang lahat pala ng ipinakita nito sa kanya ay iniutos lang dito at wala itong choice na tumanggi…

9. PHR 3928 My Sweet Peril by Nicka Gracia


Kilala si Danica bilang campus rebel kaya tuwing nakikita siya ng campus leader at heartthrob na si Bryan ay masamang impresyon ang naiiwan niya rito.
Para sa kanya, isang malayong pangarap si Bryan. Pero dahil sa mapagbirong tadhana, nabigyan sila ng pagkakataon na makilala nang husto ang isa’t isa. Nagsimula ang magandang pagtitinginan nila. Masaya siya kahit wala silang pormal na usapan tungkol sa relasyon nila. Ngunit ang magandang simula ay may katapusan din pala dahil sa masakit na katotohanang ikinahihiya siya nito dahil sa reputasyon ng pamilya niya.
Pagkalipas ng sampung taon, muling nagkrus ang mga landas nila. Sa pagkakataong iyon ay nangako ito na hindi ito susuko at muling paaamuin ang rebeldeng puso niya. Ngunit hindi rin siya susuko. Hindi na niya bibigyan ng pagkakataon na makapasok uli ito sa puso niya…


Back to top Go down
 
August 3, 2011 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» The Wilder Life - A new book
» CAMBRIDGE GLASS FAIR - Sunday 27th February**
» Big Harbor Freight ONLINE coupon?
» Morning Coffee & Surf - August 14th 2011
» Submission themes due 10th August, 2011

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: