HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 July 27, 2011 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: July 27, 2011 Book Release   Tue Jul 26, 2011 7:39 pm

1. PHR 3911 It’s You All Along by Jacqueline Miranda



Walang nakakaalam na in love si Jane sa kapitbahay niyang si Toshi. Bukod kasi sa guwapo ito ay may mabuting loob din ito. At habang tumatagal ay lalong tumitindi ang pag-ibig na nararamdaman niya para dito. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya sisikilin ang damdamin niya para dito. Hanggang isang araw ay hindi na siya nakatiis, nagtapat siya rito ng pag-ibig. Nagulat siya nang malaman niyang may espesyal na damdamin din pala itong itinatago para sa kanya.
Ang akala niya ay tuluy-tuloy na ang kanyang kaligayahan. Ngunit isang araw ay nagbalik ang babaeng naging bahagi ng nakaraan nito.
Diyata’t ang pag-ibig na inakala niyang para sa kanya ay para pala sa iba?

2. PHR 3912 Reaching You by Princess Faye


Kung may tataas pa sa Eiffel Tower, iyon ay ang pride ni Kat. Pero gumuho sa isang iglap ang iniingatan niyang pride nang makilala niya si Caleb, ang genius sa university na pinapasukan niya. Ito lang ang kaisa-isang lalaking hindi nagkakandarapa sa kanyang angking kariktan.
“You aren’t pretty at all,” tahasang sabi nito sa kanya.
Umusok ang ilong niya. “Before this month ends, you will fall in love with me,” sumpa niya rito.
Pulido na sana ang plano niya kung hindi lang ito ngumiti sa kanya. At ang pride niyang niyurakan nito ay tuluyan nang nadurog. Nagkabaliktad ang sitwasyon nila. Mukhang siya na ang magmamakaawa sa pagmamahal nito.
Pero paano niya gagawin iyon kung ganoong pumoporma pa lang siya ay itinataboy na siya nito?

3. PHR 3913 The Promise by Suzette Domingo


Minahal ni Cecilia si Lorenzo sa kabila ng siya ang nag-iisang tagapagmana ng panginoon ng hacienda na pinaglilingkuran ni Lorenzo.
Ipinaglaban nila ang kanilang pagmamahalan. Subalit malupit ang tadhana. Sa mga bisig niya binawian ng buhay si Lorenzo at ang kanyang ama ang dahilan. Upang makalimot ay nagpakalayu-layo siya sa kanilang lugar.
Sa pagbabalik niya pagkalipas ng ilang taon ay nanariwa ang sakit ng nakaraan, lalo na at may isang Lawrence Monreal na nagpapaalala sa kanya sa kanyang namayapang kasintahan. Maraming pagkakahawig ang mga ito. Pero kung gaano kabait si Lorenzo ay siya namang pagkatuso ng negosyanteng si Lawrence. Pinautang nito ng napakalaking halaga ang kanyang ama kahit alam nitong hindi iyon mababayaran ng kanyang ama. Ang balak kasi talaga nito ay mapasakamay nito ang hacienda.
May naramdaman siyang galit dito, lalo pa at palagi siya nitong tinutuya at pinapasaringan. Subalit bakit sa bawat titig at mapangahas na halik nito ay nakakalimot siya sa pangakong binitiwan sa namayapang kasintahan?

4. PHR 3914 Akin Ka Na Lang Sana by Mandie Lee


Isang pangako sa kanyang namayapang ina ang nais tuparin ni Lucky: ang magpunta sa Taj Mahal sa India. Para mangyari iyon ay kakailanganin niya ng malaking pera. Eksakto namang dumating ang isang alok mula sa best friend niyang gay. Babayaran siya nito ng malaking halaga para magpanggap na girlfriend nito. Babalik kasi ito sa hometown nito at hindi alam ng pamilya at mga kababayan nito ang tungkol sa totoong kasarian nito.
Ang kaso, hindi niya akalaing may napakaguwapo pala itong kapatid sa katauhan ni Nick. Not only that the dashing hottie was totally gorgeous, napakabait at napaka-sweet din nito. He was like a mouthwatering dessert, so sinfully good and oh-so-tempting.
Dahil hindi bato ang puso niya ay natagpuan na lang niya ang sariling umiibig dito. Pero may binitiwan siyang salita sa best friend niya.
Word of honor o puso ba ang mas pananaigin niya?

5. PHR 3915 Rock Me All Night by Sheena Rose



Smitten agad si Salvi unang beses pa lamang niyang nakita ang mahinhin na si Tilly. Ngunit nang ipaalam niya rito ang plano niya na panliligaw ay binasted agad siya nito dahil bukod daw sa strict ang daddy nito ay hindi rin nito gusto ang pagiging isang rocker niya.
Pagkatapos ay natuklasan niya na sa gabi ay nagbabago ito ng anyo at pagkatao. Nagiging si “Maude” ito—a party girl. She was so wild and she said she found him absolutely hot that she agreed to make him her one hundred and first boyfriend.
She was clearly a nut case. Pero mas pipiliin pa niyang masiraan ng ulo sa pag-aanalisa sa dalawang personality nito kaysa bitiwan ito.

6. PHR 3916 Salazar Brothers: Xerxes, The Turquiose-eyed Playboy by Vanessa


Kinailangan ni Beatrice na takasan ang banta sa kanyang buhay at dangal kaya siya nagtago. At sa pagtatago niya ay napilitan siyang palitan ang kanyang katauhan. Wala siyang pagpipilian kundi ang mamasukan bilang tindera ng saging sa kuripot na among si Xerxes.
Dapat wala siyang pakialam sa lalaki. Hindi ito ang pangarap niyang prinsipe, bukod pa sa may nobyo na siyang guwapo at mayaman.
Ngunit bakit lahat ng mga babaeng nagkakagusto rito ay itinataboy niya? At bakit parang unti-unti ay ibig niyang malunod na lamang sa magaganda nitong mata?

7. PHR 3917 Shadows Of Yesterday by Belle Feliz


Isinumpa ni Jhoy na hindi mangyayari sa kanya ang ginagawa ng mga martir na heroine sa mga napapanood niyang telenovela.
“Hindi ko hahayaang umibig ako sa lalaking mayaman. Gaga ba ako para saktan ang sarili ko?”
Magiging wise siya pagdating sa pag-ibig.
Ngunit tila sadyang mapaglaro ang tadhana dahil nakilala niya si Joshua Agustin.
Bigla ay tila nasa isang telenovela siya—isang mahirap na babaeng umibig sa isang guwapo at mayamang lalaki na nalaman niyang pinaglalaruan lang pala siya. To complete the cast—and the plot more interesting—ay nandoon ang matapobreng lola nito na inalok siya ng tseke kapalit ng paglayo niya sa pinakamamahal nitong apo.
Tinanggap niya ang tseke, hindi dahil mukha talaga siyang pera kundi para ipamukha kay Joshua na hindi lang ito ang kayang maglaro. Ngunit sa ginawa niya ay siya rin ang nasaktan sa huli. Dahil kahit gaano pa niya itatwa, ang binata lang ang isinisigaw ng puso niya…

8. PHR 3918 I Finally Found My Home In You by Maureen Child (translated by Vivienne Valencia)


Nagbago ang buhay ni Erica Fuentes sa isang iglap. Nagmula pala siya sa isang mayamang pamilya sa Baguio at pinamanahan ng mga lupain ng tunay niyang ama.
Tutulungan siya ng family lawyer ng mga Tordesillas—si Christian Herrera. Instant attraction ang nadama niya para kay Mr. Tall, Dark, and Handsome habang inililibot siya nito sa Montes de Tordesillas. Pero strictly off-limits pala siya sa binatang abogado. Ang pakikipagrelasyon ng isang empleyado sa isang Tordesillas ay paglabag sa kautusan at tiyak na pagkasesante sa trabaho.
Ano ang pipiliin niya: ang tungkulin niya sa pamilya, o ang atraksiyong nadarama niya para sa bachelor lawyer?

9. PHR 3919 So Close To Love by Yzabel


Sampung taong namahay sa puso ni Jelyka ang galit dahil sa pang-iiwan sa kanya ni Hugo, ang lalaking una niyang minahal. Sa mga panahong iyon, si Kenneth ang naging karamay niya sa kalungkutan niya.
Hanggang isang araw, napagtanto niya na attracted na pala siya rito. Itinuro nito sa kanya kung paano siya magsisimula. Ipinalasap nito sa kanya kung paano uli umibig.
Handa na sana siyang maranasan uli ang mahalin at magmahal nang matuklasan niya na isa pala ito sa mga nakakaalam ng katotohanan kung bakit nakipaghiwalay sa kanya si Hugo.
Hindi niya matanggap na ang kinamuhian niyang tao ay hindi pala dapat kamuhian. Higit sa lahat, hindi niya matanggap na ang lalaking natutuhan niyang mahalin ay kabilang sa mga taong nagsinungaling sa kanya sa napakahabang panahon.

Back to top Go down
 
July 27, 2011 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» The Wilder Life - A new book
» ALW on Piers Morgan's CNN Show July 1, 2011
» CAMBRIDGE GLASS FAIR - Sunday 27th February**
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: