HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  
Share | 
 

 July 20, 2011 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts: 695
Age: 26
Location: Quezon City
Registration date: 2007-12-19

PostSubject: July 20, 2011 Book Release   Wed Jul 20, 2011 5:00 pm

1. PHR 3906 Hot Intruder: Hank, The King Of Hearts by Camilla


Ganoon na lang ang pagkabigla ni Cynthia “Chai” Ybañez nang makita ang guwapong intruder na tila diyos na sinipa sa Mt. Olympus at napadpad sa Hacienda del Sol, sa loob ng lumang villa na minana niya mula sa yumao niyang abuelo. The attraction between her and Hank was instant. At nagsisimula na siyang maniwala na destined talaga sila dahil tila sadyang pinagtitiyap ng tadhana ang lahat ng pangyayari upang mapalapit sila sa isa’t isa.
Ngunit tila isang bulalakaw lang itong dumaan sa buhay niya. Kung gaano ito kabilis na sumulpot at nag-intrude sa bahay at buhay niya, ganoon din kabilis na naglaho ito na parang bula… tangay-tangay ang kanyang puso.

2. PHR 3907 When Ces Met Nathan by Angel Bautista


“I’m not talkin’ `bout movin’ in and I don’t wanna change your life. There’s a warm wind blowin’, the stars are out and I’d really love to see you tonight.” Iyan ang sintunadong kinakanta ni Nathan nang una itong makita ni Ces, noong nakumpirma niya sa sariling talagang gusto niya ito kaysa sa inaakala niya noong picture pa lang nito ang nakikita niya. Inakala niyang sapat na sa kanya ang iilang beses na pagkikita nila paminsan-minsan at ang relasyon nilang walang seryosuhan, pero hindi pala. Kaya nang si Nathan mismo ang nag-offer na i-level up na nila ang relasyon nila ay anong tuwa niya. Ngunit hindi agad siya pumayag, napagkasunduan nilang mag-isip muna nang maigi at magkita pagkalipas ng isang buwan na walang anumang komunikasyon.
Ngunit bakit hindi dumating si Nathan?

3. PHR 3908 Campus Girl: Anikka, The Free Spirit by Heart Yngrid


Inalok si Anikka ni Allen ng isang nonserious, noncommittal relationship. Mahal niya ang kalayaan niya kaya pabor sa kanya ang ganoong relasyon. Para lang silang naglalaro habang ine-enjoy nila ang company ng isa’t isa.
“We won’t fall in love with each other. Kapag na-in love ka sa akin, iiwan kita,” malakas ang loob na sabi pa niya rito.
“Yeah. `Wag ka ring mai-in love sa akin. Kahit napakahirap, pigilan mo ang sarili mo,” ganti nito.
She chuckled. Chicken feed ang hinihiling nito.
Pero masama nga yata ang nagsasalita nang tapos. Dahil wala siyang nagawa nang mahulog ang puso niya kay Allen. Ang masama pa, mukhang hindi siya magagawang mahalin nito kahit ano ang gawin niya dahil sa isang Lizzy mula sa nakaraan nito...

4. PHR 3909 Hot Intruder: The Mysterious Intruder by Heart Yngrid


Way back in high school, si Gwen ay isang unattractive nerd na hilig i-bully ng isang grupo ng mean girls. Ayaw na sana niyang balikan ang nakaraan ngunit mayroon silang class reunion na kailangan niyang daluhan. Sa muli nilang paghaharap ng mean girls ay siguradong hindi na siya lalait-laitin ng mga ito kung magpapakita siya na may bonggang hitsura, successful career, at guwapong boyfriend.
Ang problema, wala namang nagbago sa unfashionable look niya. Hindi maaaring malaman ng kahit sino kung ano ang trabaho niya at wala rin siyang maihaharap ni pangit na nobyo.
Isang gabi ay may isang guwapong lalaking pumasok sa kanyang bahay nang walang paalam. Sinabi niyang idedemanda niya ito ng trespassing ngunit nag-alok ito ng magandang offer para hindi na ito maidemanda: tutulungan daw siya nito na ma-achieve ang goal niya para sa college reunion niya. Ang offer nito: grand makeover, fabricated job, at good-looking pretend boyfriend.
Ma-solve kaya nito ang problema niya o mapapahamak lamang siya… at pati ang puso niya rito?

5. PHR 3910 If Love Is Blind by Camilla


Talagang nangarag si Colette nang marinig ang kung anong nabasag sa sala nila na nagsisilbing display area ng mga sculpture na obra niya. At ang salarin doon ay ang lalaking pamilyar ang pigura sa kanya.
Napamaang siya nang humarap ang guwapong estranghero sa kanya. Of course, kilala niya ito. He was the guy who had broken her heart two years ago. Pero bakit parang hindi yata siya kilala nito?
Ora mismo ay nasagot ang tanong niya. Bulag ito!

6. Stallion Revisited 1: Jakob Dylan Arenaz by Sonia Francesca


Yelena was brokenhearted, so was Jakob, when they met in the middle of a heavy rain in the middle of a heavy traffic. Palibhasa parehong sawi, kaya natural lang na magbanggaan sila.
Pero nagbago ang ihip ng hangin nang makarating sila sa Stallion Riding Club. Naging mabait kay Yelena si Jakob sa hindi niya malamang kadahilanan. Habang tila natahimik naman ang nagwawalang kalooban niya dahil sa nangyari sa kanya.
And things got even more interesting when she started feeling something for every sweet thing he did.
Posible kayang magkasundo ang dalawang pusong bigo at muling sumubok sa laro ng pag-ibig?

7. Stallion Islands 15: Cody Lance Santillia by Sofia


Si Cody Lance Santillia ang first love ni Freezia. Wala siyang pakialam sa reputasyon nito bilang isang notorious playboy. Hindi nito kasalanan na ipinanganak itong taglay ang halos lahat ng katangiang maaaring magustuhan ng isang babae sa isang lalaki.
Naniniwala rin siya na siya ang nakatadhana para magpatino rito. Kaya tuwang-tuwa siya nang yayain siya nitong sabay silang mananghalian. Isang magandang simula iyon para sa kanilang dalawa. Pero mali pala siya. Isasama lang pala siya nito sa listahan ng mga babaeng pinaluha nito.
Pagkalipas ng sampung taon ay nagkrus uli ang kanilang mga landas. Gusto niyang iwasan ito pero tila may misyon naman ito na maging anino niya.
God help her! Nanganganib na naman kasing mahulog sa bitag nito ang puso niya…

Back to top Go down
 

July 20, 2011 Book Release

View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 ::  :: -