HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 July 13, 2011 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: July 13, 2011 Book Release    Tue Jul 12, 2011 6:03 pm

1. PHR 3897 Hot Intruder: Brave, The Valiant Knight by Victoria Amor


Nakasanayan na ni Katrina ang mamuhay mag-isa mula nang mag-asawa ang mommy niya at magkahiwalay sila. Nakatutok siya sa negosyo dahil doon siya magaling. Doon kasi siya hinubog ng mommy niya—sa matalinong paghawak sa responsibilidad na ipinagkatiwala nito sa kanya.
Ngunit mayroon siyang isang problema—sa pagtatapos ng bawat araw na umuuwi siya sa bahay na walang naghihintay sa kanya ay sinasakop siya ng emptiness at lungkot. Napagtanto niyang napapagod na siyang mag-isa. At sa estadong iyon ng emosyon niya dumating sa kanyang buhay ang pulis na si Robbin ‘Brave’ Guanson. Sa isang iglap ay nagkaroon ng bagong kahulugan ang buhay niya. Ipinaramdam nito sa kanya kung paano maging masaya, kung paano ang magkaroon ng karamay, at kung paano ang mahalin at magmahal. Ngunit sa huli, ipinaramdam din nito sa kanya kung paano masaktan…

2. PHR 3898 A Taste Of Bliss by Rose Tan


Babaeng torpe si Maniya kaya maski katiting na boyfriend, wala pa siyang natitikman. Pero may ‘prospect’ siyang kapitbahay. Iyon nga lang, sa katorpehan, ni hindi niya malapitan.
Salamat sa bago nilang driver, si Paeng. Ito ang gumawa ng paraan para mapansin siya ng iniilusyong kapitbahay. Pero nang sa wakas ay yayain siyang lumabas ni Kapitbahay, nangunguna si Paeng sa pagtutol.
Kasi daw, crush siya nito at mas guwapo ito sa crush niya.
Naturete siya. Bakit naman siya papatol sa driver na baduy?

3. PHR 3899 Wish Me Love by Shaylee Sizon


Namangha si Dea nang makita niya ang malaking ipinagbago ni Ryder. Kung noong nanliligaw pa ito sa ate niya ay mukha itong rakista na antukin at tamad—mga dahilan kaya binasted ito ng kapatid niya—ngayon ay lagi nang pormal ang ayos nito at isa na itong magaling na accountant. She disliked him from the start and considered him as an unwelcome intruder. Kaya naman nagulat siya sa sarili nang mag-umpisa siyang magpapansin dito.
At pinansin naman siya nito.
Sinuklian nito ng kabaitan ang bawat pagpapa-cute niya. Sa bawat araw na magkasama sila ay ipinapakita nito na masaya ito sa piling niya. Sa loob ng maikling panahon ay tuluyang nahulog ang puso niya rito. Umasa siyang isang araw ay magtatapat ito sa kanya.
Hindi naman siya nabigo.
Pero bakit pagkatapos nitong magtapat ay parang bigla itong nalungkot?

4. PHR 3900 Chasing Winston by Dawn Igloria



Kailan lang nalaman ni Nickea na mahal din siya ni Winston. Pakiramdam niya, sulit ang matagal na paghihintay niya sa kanyang true love. Romantic na tao si Winston. She thought she had found the perfect guy to love.
Pero biglang lumitaw si Selene, ang fiancée nito na nawala sa dagat. Sa isang kisapmata ay naglaho ang interes ni Winston sa kanya. Bumalik ito kay Selene.
Paano nga ba siya makikipag-compete kay Selene? Ito ang first love ni Winston. May moral obligation din ang binata rito dahil hindi naman nito kasalanan na naputol ang relasyon ng mga ito.
Ngayon, nahaharap siya sa dalawang malaking choices: kung hahayaan na lang niya si Winston kay Selene, ang babaeng una at tunay na minamahal nito, o kung ipaglalaban niya ang pagmamahal dito kahit alam niyang masasaktan niya si Selene at nasa hulihan lang siya ng pila sa puso ni Winston.

5. PHR 3901 Salazar Brothers: Zacharias, The Gorgeous Widower by Vanessa



Nagtungo si Lena sa Hacienda Salazar para sa isang misyon—ang kontrolin ang gastusin sa kasal ng kanyang kapatid dahil ang sosobra sa budget ay mapupunta sa kanya. At kailangang-kailangan niya ang perang iyon.
Unang araw pa lamang niya sa hacienda ay nakilala na niya ang guwapo ngunit antipatikong biyudo na si Zacharias Salazar. Mutual animosity, iyon ang una nilang naramdaman sa isa’t isa. Wala siyang balak na sumuko sa pamimikon nito. Pero tila iba naman ang balak ng puso niya. Dahil habang lumilipas ang mga araw, parang gusto na niyang maging reyna ng buhay nito. Ang kaso, mukhang may ibang babae itong pinaplanong ilagay sa posisyong iyon…

6. PHR 3902 The Artist’s First Love by Athena de Lara


Nahaharap sa isang financial problem ang pamilya ni Bridgette. Kailangan niyang kumita ng pera para mabayaran ang bangkong pinagkakautangan nila para hindi mailit ang lupa’t bahay nila. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay muli niyang nakita ang kaklase niyang si Takehiro. Sinabi ni Takehiro na tutulungan siya nito sa financial problem niya kung tutulungan din niya ito. Pinagpanggap siya nitong buntis na girlfriend nito at ipinakilala sa pamilya nito upang hindi na ito dalhin pa sa Japan. Madali lang naman sana ang deal nila, smooth sailing na sana… Kaya lang, kung kailan nahulog na ang loob niya sa lalaki ay saka naman dumating ang fiancée nito… at wala siyang kaalam-alam do’n!

7. PHR 3903 Sa Pagdating Ng Pag-ibig by Vanessa



Simple lang ang buhay ni Consta. Kontento na siya sa pagsusulat ng nobela at sa pakikipag-chat sa Internet. Okay lang din kahit wala siyang love life. Tutal, sa tingin naman niya ay hindi bagay sa kanya ang mga ipinaba-blind date sa kanya ng isang tiyahin niyang walang ibang ginawa kundi ang makialam sa love life niya. Sobrang guwapo ng mga iyon, samantalang siya ay plain Jane.
Ngunit biglang dumating sa buhay niya si Nunzio. Nahihiwagaan siya sa ikinikilos nito. Madalas siya nitong tawagan, bigyan ng bulaklak at tsokolate, at kung anu-ano pang regalo na tila nanliligaw ito. Tulad ng ibang naka-date niya ay guwapo rin ito at tila hindi rin nababagay sa kanya. Gayunman, binuksan niya ang pinto ng puso niya para dito. Dahil sa unang pagkakataon ay may isang lalaking nagkagusto sa kanya na hindi ipinilit sa kanya ng tiyahin niya.
Ngunit nagkamali siya ng akala. Dahil napag-alaman niyang si Nunzio pala ay sugo rin nito...

8. PHR 3904 Prelude To Love by Cassandra



Nakikilala na si Santina bilang isang pianist sa France nang maaksidente siya at magkaroon ng problema sa kanyang mga daliri. Dala ng takot na baka hindi na siya makabalik sa pagtugtog ng piano, pinili niyang takasan ang problema. Umuwi siya sa Pilipinas. Sa pag-uwi niya ay sa dating piano teacher niya siya tumakbo—kay Theo na matalik na kaibigan ng kuya niya.
Parang magkapatid na rin ang turingan nila ni Theo mula pa noon kaya kahit matagal na panahon siyang nawala ay walang nagbago sa turingan nilang dalawa. Hanggang sa may nagtanong sa kanya, “Have you ever thought of dating Theo?” Isang tanong iyon na nagpabago sa pagtingin niya sa lalaking ang turing sa kanya ay nakababatang kapatid…

9. PHR 3905 Dear Friend by Laurice del Rio


Itatago na lang sana ni Caryn ang nararamdaman niya para kay Jacob—nagawa niya naman iyon sa loob ng mahabang panahon—ngunit bumalik si Raine sa Pilipinas. Ito ang babaeng sinasamba ni Jacob mula pa noong high school sila. Kahit sinaktan na nito minsan ang kalooban ni Jacob ay mukhang handa pa rin ang engot na kaibigan niya na mapaibig ang dalaga. Ayon pa rito, mas may laban na ito ngayon sa puso ni Raine dahil nag-level up na ang hitsura at pagkatao nito.
Agree naman siya roon. Pero hindi lang ang hitsura nito ang nag-level up kundi pati ang charm nito dahil ngayon ay hirap na siyang pigilan ang nararamdaman niya para dito. Ngayon ay handa na siyang sumugal at aminin ang totoong damdamin niya rito. Pero sinira ni Raine ang buwelo niya. Handa na raw itong tanggapin si Jacob sa puso nito.
Alin ang uunahin niya: ang damdamin niya sa lalaking matagal na niyang mahal, o ang kaligayahan nito sa piling ni Raine?

Back to top Go down
 
July 13, 2011 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» The Wilder Life - A new book
» ALW on Piers Morgan's CNN Show July 1, 2011
» CAMBRIDGE GLASS FAIR - Sunday 27th February**
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: