HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 July 6, 2011 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: July 6, 2011 Book Release   Wed Jul 06, 2011 10:38 am

1. PHR 3888 Ikaw Ang Bumuo Sa Aking Pagkatao by Raphaela Kristina


Ni sa panaginip ay hindi inasahan ni Czarina na babalik pa sa kanyang buhay si Iñigo, ang lalaking minahal niya nang labis pero siya ring nagdulot sa kanya ng matinding sakit. Lalong hindi niya inasahan na sa kabila ng maraming taong nagdaan, hindi pa rin pala ito nawala sa puso niya.
Humihingi ito sa kanya ngayon ng ikalawang pagkakataon. Nakahanda raw itong gawin ang lahat, tanggapin lang uli niya ito sa buhay niya.
Paano niya maibibigay rio ang second chance na hinihingi nito kung puno na ng takot ang puso niya na baka saktan lang uli siya nito?

2. PHR 3889 Aseron Weddings: All I Have To Give by Dream Grace


Nagkahiwalay sina Aishell at Bastian nang pagbintangang magnanakaw ang binata ng lola ni Aishell. Sa halip na paniwalaang inosente ang kanyang kasintahan, napaniwala siya sa kasinungalingan ng lola niya. Baon ang kahihiyan na nilisan ni Bastian ang San Isidro.
Pagkaraan ng walong taon, bumalik sa bayan nila si Bastian. Ibang-iba na ito sa Bastian na nakilala niya noon. Because now, he was an accomplished and very successful businessman. At ito ang nakabili ng pabrika ng pamilya niya.
Ngunit sa halip na galit ang ipakita nito sa kanya, tila nais nitong balikan at dugtungan nila ang naputol nilang pag-ibig. Iyon din ang nais ng puso niya, ngunit dapat ba niya itong paniwalaan?

3. PHR 3890 My Future Hero by Wilhelmina


Matindi ang takot ni Xyrene sa kulog at kidlat. Hanggang isang gabing umuulan at nanginginig siya sa takot ay pumasok sa shop niya si Trey, ang guwapo ngunit misteryosong lalaking palaging bumibili sa kanya ng mga bulaklak. He managed to put her fears away by putting earphones on her ears and let her listen to Josh Groban’s song.
Right there and then ay na-in love siya rito. She believed he best fitted her standard for her hero. But there was a tiny flaw in him. Hindi ito puwedeng maging future niya—dahil hanggang ngayon ay nananahan ito sa past nito.
Would she be stuck in the present because he refused to let go of his past? Paano na ngayon ang future niya?

4. PHR 3891 Hack Into My Heart by Yelena


Umuwi sa bansa si Sophie para umpisahang buuin uli ang kanyang buhay mula sa isang mapait na kahapong iniwan niya sa LA.
Nagtungo siya sa isang isla sa Palawan at nakilala niya roon si Raoul. Attracted agad sila sa isa’t isa. Hanggang sa naramdaman niyang nahuhulog na ang loob niya rito. Inakala niyang iyon na ang umpisa ng lahat ng tama sa kanyang buhay ngunit natuklasan niyang may inilihim ito sa kanya tungkol sa tunay na pagkatao nito. Umalis siya ng isla nang hindi nagpapaalam dito.
Pagkalipas ng isang taon ay nagkrus uli ang mga landas nila. Akala niya ay naka-move on na siya rito ngunit hindi pa pala. Gustuhin man niyang iwasan ito ay hindi maaari dahil kailangan niya ang tulong nito upang malinis ang kanyang pangalan!

5. PHR 3892 A Chance To Be Loved By You by Shaylee Sizon


Masaya na sana si Phoebe sa platonic relationship nila ng best friend niyang si Jairus hanggang sa isang araw ay hiniling nito na magpanggap siyang girlfriend nito. Alam niyang dapat siyang tumanggi ngunit hindi niya magawa sa hindi mawaring kadahilanan. She couldn’t be in love with him, right? Sobrang playboy ito. Eh, bakit hindi siya mapakali kapag nasa malapit ito?

6. PHR 3893 The Tanangco Boys: Rio Vanni Cruz (Falling In Love With Chef Vanni) by Juris Angela


Hindi napigilan ni Madi ang galit niya nang magkrus uli ang mga landas nila ng lalaking naging dahilan kung bakit nawalan siya ng trabaho—si Chef Rio Vanni Cruz—kaya sinuntok niya ito sa harap ng maraming tao. Hindi pa siya nakontento roon. Nangako siya sa sarili na gaganti pa siya rito.
Nag-apply siya sa restaurant na pag-aari nito para maisakatuparan ang planong pagsabotahe rito. Pero kahit sinasadya niyang maging palpak, kahit minsan ay hindi siya pinagalitan nito. Sa halip, ang comforting words nito sa kanya ang naging daan para unti-unti niyang makilala ang tunay na ugali nito.
Gusto niyang pairalin ang dikta ng kanyang puso. But she had to make sure his kindness was for real.

7. PHR 3894 I Can’t Fight This Feeling Anymore by Camilla


Best of friends sina Cat at Doug mula pagkabata. Pero may kanya-kanya na silang buhay ngayong malalaki na sila at halos bibihira nang magkita.
Isang sitwasyon ang muling naglapit sa kanila at mula noon ay halos araw-araw na silang nagkikita. Hindi alam ni Cat kung bakit nae-excite siya kapag nakikita niya ito. At supilin man niya, naroon lagi ang kakaibang kabog sa dibdib niya tuwing nasa paligid ito. Pero hindi niya dapat maramdaman ang ganoon. Magkaibigan sila at hindi niya gugustuhing masira iyon.
Pero hindi mapigilan ng puso niya na magprotesta nang malaman niyang ikakasal na ito.

8. PHR 3895 Photographs And Memories by Bella Sabina



Tahimik ang buhay ni Liz sa piling ni Julian. She thought she was happy with him and they had a perfect relationship. Ideal boyfriend ang tingin ng nakararami rito dahil bukod sa guwapo, saksakan pa ito ng yaman. Iyon nga lang, madalas ay wala itong time para sa kanya. Pero okay lang iyon. Tanggap naman niya na first priority nito ang kompanya nito.
Nagbago ang lahat nang biglang dumating sa buhay niya si Darius. He ignited a passion in her that she never knew existed. May kakayahan itong pasayahin at pangitiin ang kanyang puso nang higit pa sa nagagawa ni Julian. Alam niyang mali na mahulog ang loob niya sa binata at lalong hinding-hindi siya puwedeng umibig dito dahil nakatali na ang kanyang puso sa iba. Pero bakit kabaligtaran ang sinasabi ng kanyang damdamin?

9. PHR 3896 The Millionaire Meets His Match by Kate Carlisle (translated by Iris Anne)


Isang babala ang natanggap ni Adam mula sa nakatatandang kapatid niyang si Brandon. Mag-ingat daw siya dahil balak siyang ipakasal ng kanilang ina sa babaeng ito mismo ang pipili. Yaman din lang daw na ayaw nilang sumunod sa pakiusap nito na mag-asawa na silang magkakapatid at bigyan ito ng mga apo, ito na ang gagawa niyon para sa kanila.
Hindi niya sineryoso ang sinabi ni Brandon. Ngunit nang biglang mag-resign ang assistant niya at pinalitan ito ni Trish—isang babaeng ubod ng talino, ganda, at sexy, bigla ay nagduda siya na pain ito ng kanyang ina.
Ipinasya niyang laruin ang laro nito. Pero sinisiguro niya na hindi siya ang lalabas na talo. Hindi niya kailanman babawiin ang pangako niya sa kanyang sarili na hindi siya mag-aasawa. “I do” were the words he would never say inside a church.
Iyon ang akala niya. Sa bawat araw kasi na kasama niya si Trish ay ramdam niyang unti-unting natitibag ang depensa niya…

10. MLH 379 Captain Jaime Ramiro by Vanessa


Lulu fell in love with Jaime when she was seventeen. Isa itong sundalo, matikas, tahimik, guwapo. He rejected her though, after making her hope they could have a relationship. Naisip niya, hindi siya magsasayang ng oras dito.
More than a decade later, she saw him again. This time he needed to protect her from harm… But who would protect her heart from falling in love with him again?

Back to top Go down
 
July 6, 2011 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» The Wilder Life - A new book
» ALW on Piers Morgan's CNN Show July 1, 2011
» CAMBRIDGE GLASS FAIR - Sunday 27th February**
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: