HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 June 29, 2011 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: June 29, 2011 Book Release   Tue Jun 28, 2011 7:05 pm

1. PHR 3880 A Second Chance In Spring by Princess Faye



Mamamatay na sa kaba si Apollo. Siguro ay normal lang iyon sa lahat ng mga taong ikakasal sa mismong oras na iyon. “Wedding blues,” wika nga. Pero hindi yata normal na habang naglalakad sa aisle ang babaeng pakakasalan niya ay ibang mukha ng babae ang nakikita niya. A girl with pigtails, braces, and shy smile seemed to be walking towards him instead. He knew her name, of course. Hindi niya nagawang kalimutan iyon kahit kailan: Adriana Montecillo. His Andy.
At sa kalagitnaan ng kasal, sa harap ng lahat ng mga taong naghihintay sa pakikipag-isang dibdib niya sa isa sa mga pinakapipitagang babae sa lipunan, sinabi niya ang dalawang salitang magbibigay ng sakit ng ulo sa lahat ng bisitang inimbita niya.
“I’m sorry.”
And then he ran out of the wedding venue as fast as he could—as far as his feet would take him. Kasunod niya ay ang press na kating-kati nang isulat ang malaking eskandalo.
Now what?

2. PHR 3881 Sweetest Downfall by Allie Sia Alonzo


Sa wakas ay natagpuan na ni Penelope ang matagal na niyang hinihintay na walang kamatayang first love. Kaya hahamakin niya ang lahat, masunod lamang ang makapangyarihang pag-ibig—kahit pa ang harapin ang galit ng kanyang Kuya Blas.
Sa dinami-rami kasi ng maaaring mahalin, kay Third Sia pa siya na-in love—the infamous leader of her brother’s rival fraternity. At tila handang magdeklara ng frat war ang kapatid niya maprotektahan lang siya.
Handa ba siyang magpaka-Helen of Troy? At sino sa mga ito ang una niyang dadaluhan kung sakali, sino ang mas matimbang? Kapamilya o Kapuso?

3. PHR 3882 Mula Noon Hanggang Ngayon by Camilla


Parang kapatid ang turing ni Fredrik kay Ethel. Naging sandalan nila ang isa’t isa nang mamatay ang kanya-kanyang mga magulang.
Pero nagkaroon ng problema. Isang gabi ay bigla na lang nagising si Fredrik sa isang realisasyon na umiibig na pala siya kay Ethel. Dahil doon, napilitan siyang umiwas dito. Nangibang-bansa siya.
Ngunit hindi siya nagtagumpay na kalimutan ang dalaga. Binalikan niya ito sa Pilipinas at nagtapat ng pag-ibig dito. Tinugon naman nito iyon ngunit sumingit sa eksena si Roger Aragon—ang kapatid niya sa ama.
Kaya ba niyang lumayo uli kay Ethel upang ipagparaya ito sa kanyang kapatid?

4. PHR 3883 For One Single Kiss by Vanessa


Brat—iyan ang tingin kay Penelope ni Franco, pero wala siyang pakialam doon. Basta siya, gagawin niya ang lahat ng ikasisiya niya—at mas mag-e-enjoy siya kung makukunsumi si Franco. Mabuti nga iyon dito. Kung umasta kasi ito ay akala mo kung sinong magaling at guwapo.
Eh, ano ngayon kung talagang magaling at guwapo ito? Wala naman siyang pakialam doon—wala na dapat. Ayaw na niyang alalahanin na minsan ay minahal niya ito at tinanggihan nito ang pagmamahal niya.
Hindi niya inakalang sa kanya rin pala babalik ang lahat ng pangungunsumi niya rito: ipinatapon kasi siya ng daddy niya sa probinsiya, at ang pinakamatindi sa lahat, kasama niya roon si Franco upang bantayan siya!
Staying in a province without the comfort of the luxuries she was used to was hell as it is, at lalo pa iyong naging impiyerno nang ma-realize niyang in love pa rin pala siya kay Franco at wala na siyang pag-asang mapansin nito dahil engaged na ito sa iba…

5. PHR 3884 However Which Way You Love by Amanda


Claire never wanted a husband. All she wanted was to have a baby. Ang katwiran niya ay kaya niyang maging single mom sa magiging anak niya kagaya ng mag-isang pagpapalaki sa kanya ng kanyang ina. Habang namimili at naghahanap siya ng sperm donor ay nakilala niya si Gary—a handsome stranger with beautiful eyes and captivating smile.
Hindi niya napigilan ang instant attraction na naramdaman niya at sumama siya rito. Hindi siya nagtanong at hinayaang may mamagitan sa kanila. Pagkatapos niyon ay hindi na nila nakita pa ang isa’t isa.
Pagkalipas ng tatlong taon ay saka sila muling nagkita. She found out that Gary was a doctor. Ang lalaking ayaw na niyang makita ay siya pa mismong gumamot sa kanyang anak. Ganoon na lang ang takot niya nang sabihin nito sa kanya na nakatitiyak ito na ito ang ama ng anak niya!
Oh, how could he be so certain? Para bang alam nitong wala nang ibang lalaking nagkaroon ng kaugnayan sa kanya.
Sinubukan niyang itanggi ang katotohanan. Pero may alam itong paraan kung paano siya mapapaamin…

6. PHR 3885 Mia And The Powerful Tycoon by Michelle Reid (translated by Jade Alleje)


Nagpunta si Mia sa mansiyon ng mga Valiente upang magpakilala sa kanyang tunay na ama, ang bilyonaryong si Oscar Valiente. Doon unang nagtagpo ang mga landas nila ni Nikos. Hindi lang siya nito muntik masagasaan, napagkamalan pa siya nitong katulong sa mansiyon!
Pero nang makilala nito kung sino siya, tila palagi itong galit sa kanya. Para dito, gulo lang ang dala niya noong magpakilala siya sa kanyang ama na itinuturing nitong dahilan kung bakit nakaahon ito sa kahirapan at nakarating sa rurok ng tagumpay. Lalo niyang naramdaman ang galit nito nang dito siya ihabilin ng kanyang ama para turuan siya kung paano maging isang Valiente.
Gayunman, kahit anong pagpapahirap at sama ng loob ang ibigay nito sa kanya ay hindi mawala ang atraksiyong nadarama niya para dito. At handa siyang sumugal para sa kanyang kaligayahan kahit alam niyang hindi siya nito mamahalin dahil bato ang puso nito…

7. PHR 3886 A Night, A Secret… A Child by Miranda Lee (translated by Dawn Igloria)



Blessing in disguise ang pagkakatanggap ng sulat ni Nicolas mula sa anak ni Serina. Una ay dahil nalaman niyang biyuda na ito ngayon. Pangalawa, nalaman niyang mahal pa rin pala niya ito pagkalipas ng maraming taon na hindi sila nagkita. She was still the same beautiful woman he had loved like no other.
Ngunit hindi na ito tulad ng dati. Hindi na ito nagkakandarapa sa atensiyon niya. Ngayon, wala nang bakas ng pagmamahal sa mga mata nito tuwing titingin sa kanya. At kulang na lang ay palayasin siya nito at pabalikin sa pinanggalingan niya.
Naisip niya, OA na yata ang indifference na ipinakikita nito. He decided to snoop a little into her life. Namanhid ang pakiramdam niya at nanlaki ang ulo niya nang matuklasan niya ang lihim ni Serina.

8. PHR 3887 Hot Intruder: Heart Stealer by Laurice del Rio



Work and pleasure ang pakay ni Daphne sa pagpunta sa lumang ancestral house ng mga Villamonte. Dahil sa trabaho niya sa isang foundation ay kailangan niyang kilatisin ang estado niyon para magawan niya ng report ang bahay. Pero balak din niyang isabay ang pagbabakasyon doon—isang planong nadiskaril nang sa unang gabi pa lang niya roon ay may pumasok na kung sinong lalaki.
Hinataw niya ito ng nahagip niyang pigurin. Saka lang niya natuklasang si Alton Villamonte pala ito, ang kapatid ng may-ari ng bahay. Pinalalayas siya nito roon.
Hindi siya makapapayag. May trabaho siyang dapat gawin doon. Walang gustong magpatalo sa kanila kaya sa dakong huli ay nagkasundo na lang sila na parehong mananatili roon.
Nalaman niyang isa itong manunulat ng kanta na natuyuan ng ideya. Sa tulong niya ay muling namukadkad ang pagiging malikhain nito. But he not only intruded in her life, it seemed he was slowly gaining entry into her heart as well. Iyon nga lang, kinailangan nang umalis nito. At ang paglisan nito ay lumikha ng kahungkagan sa pagkatao niya…

Back to top Go down
 
June 29, 2011 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» The Wilder Life - A new book
» CAMBRIDGE GLASS FAIR - Sunday 27th February**
» My Latest Addition from June - September 2011
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Millers Collectables 2010-2011 By Judith Miller & Mark Hill

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: